CHAPTER 79 Hindi na pumayag pa si Russel na umuwi kami sa probinsiya. Tinawagan na lang ni Tatang ang mga kapitbahay naming walang sariling lupa na sila na ang magsaka sa aming lupa roon at magbigay na lang sila ng aming porsyento. Sa ganoong paraan, nakatulong din si Tatang sa hirap naming mga kamag-anak. Papasyal-pasyal pa rin naman kami sa probinsiya tuwing anihan o summer. Mula sa aking pinanalunan sa sugal namin ni Jason, doon ko kinuha ang pinambili ko sa farm at bahay ni Jason na tinirhan ko noong nag-training ako sa kanya. Hindi siya pumapayag, ayaw niyang tanggapin nang una ang bayad ko ngunit gusto kong magkaroon ng pride ang mga magulang ko. Gusto kong isipin nila na hindi na lang sila ngayon nakikitira. Na may sarili na kaming magandang bahay, may taniman ng gulay at pag-aalagaan ng hayop. “Masaya ka na ba?” tanong ni Russel sa akin habang nakasandal ako sa kanya sa silong ng isang mayabong na puno kung saan niya ako kinantahan. Palubog na noon a
CHAPTER 81Nang nakaburol na siya at nasa loob na siya ng kabaong, bago siya tuluyang ilibing ay nakumpirma ko na patay na nga siya. Ito ang gusto kong mangyari noon sa kanya. Ang makitang bangkay na siya ngunit bakit ganoon? Bakit parang angsakit pa rin pala sa akin. Inaamin kong abot-langit ang galit ko sa kanya noon pero nang dumating si Russel sa buhay ko at ipinaunawa sa akin ang kahalagahan ng pagpapatawad at ngayon na nakita ko nang malamig nang bangkay ang lalaking unang nagparamdam sa akin ng pagmamahal, naiintindihan ko na ang patuloy niya sa aking ipinaglalaban na huwag patayin si Jason. Nang sandaling pinagmamasdan ko ang bangkay niya, naalala ko ang lahat lahat. Hindi ang mga pangit na nakaraan kundi ang mga nakaraan kung saan niya ako unang pinahanga.“ Siya nga pala, si sir Jason. Boss ko. Pangalawang beses na siyang kasama ko ritong umuwi at dalawang beses na rin niya akong kinukulit na ipakilala raw kita sa kanya dahil may pagkasuplada ka raw.”“Hi, Nadine,” inilahad
Chapter 82NADINE’S POINT OF VIEW Nagising ako sa isang pamilyar na lugar. Sandali akong nagtaka kung bakit ako naroon pero bumalik sa akin ang lahat. Nakaupo ako sa bakal na upuan kung saan nakaposas ang aking kamay at nakakadena ang aking paa. Iyon ang upuang bakal na ginamit ni Jason kina Joana, Emma at Tatang. Ibig sabihin ako na ba ang isusunod ni Jason? Nakita kong nakatalikod siya at naninigarilyo. Kita ko sa kanyang mga kamay ang panginginig. Ninenerbiyos. “Alam kong ikaw ‘yan, Jason! Ginamit mo lang ang mukha ni Russel na maskara ngunit ikaw ‘yan.” Sigaw ko. Nagulat pa siya at lumingon sa akin. “Mahusay! Ito naman ang gusto ninyong laro hindi ba? Ang mangopya ng mukha para makapanlinlang? Hindi kayo humaharap ng kayo. Hindi ninyo kayang ayusin ang gusot na kayo mismo ang magpapakita. Ganito pala ang pakiramdam nang hindi mo gamit ang sarili mong mukha ano? Malayang makagawa ng kahit anong gusto mong gawin.” Ngumiti siya. Naiinis ako n
FINAL CHAPTER"Nadine, gusto kong lumaban ka para sa akin ha? Ipangako mo sa akin na tuloy lang buhay. Masamahan man kita o hindi, kailangan mong manatili para sa pamilya mo at kay Ivan.”"Hindi. Magkasama tayo. Asawa moa ko. Nangako tayo sa isa’t isa. Kung nasaan ako, dapat nandoon ka rin. Hindi ako papaya na maghihiwalay tayo kahit anong mangyari.""Iba ito Nadine.""Paanong iba? Anong ipinagkaiba sa nagiging laban natin?" tanong ko."Yakapin mo ako. Pumikit tayong dalawa. Sabi ni Mommy sa akin, kailangan nating magtiwalang kaya pa at sa ngayon, alam kong ikaw ang may kakayahan pa para lumaban.""Oh my God. Hindi ko gusto ang naiisip ko. Nakausap mo ang Mommy mo? Ibig sabihin, hindi! Hindi pwede!”"Relax at hayaan nating dalhin tayo ng ating mga isip sa kung saan tayo dapat naroon sa mga panahong ito. Please do it for me now bago mahuli ang lahat.""What do you mean?""Just please do it. Huminahon ka muna. Pumikit ka lang at yakapin mo ako nang mahigpit. Tulad ng pagyakap ko sa'yo,
Ako si Nadine Cruz. Mahirap lang kami. Magsasaka ang Tatang ko. Magsasakang walang sariling lupa dahil kinamkam ito ng mga mga kapatid niyang may kaya at nakatapos ng pag-aaral. Mangmang kasi si Tatang, hindi nakatuntong kahit Grade 1 kaya hindi siya nakababasa at nakapagsusulat. Maluwang ang lupain ng kanyang pamilya at siya bilang walang interes sa pag-aaral ang naging katu-katulong ng lolo ko sa pagsasaka. Lumaki nang lumaki ang kanilang lupain dahil sa pawis at sipag nila ng Lolo ko. Nakatapos ang lahat ng kanyang mga kapatid sa pag-aaral dahil na rin sa kanyang kasipagan. Nakampante si Tatang na may mamanahin naman siya dahil ipinangako ng Lolo ko na magiging kanya ang malaking bahagi ng kanilang lupain. Biglaan ang pagmakatay ng aking Lolo dahil sa atake sa puso. Akala ni Tatang, masusunod ang gusto ni Lolo na malaking bahagi ng lupain nila ay sa kanya mapupunta ngunit dahil tuso ang mga kapatid ni Tatang, pinaghati-hatian lang ng mga nakatapos ang mga lupa at walang ipinangala
Parang nagpanting ang aking paningin. Hindi ko iyon napaghandaan. Wala sa hinagap ko na gagawin sa akin ni Tatang iyon. “Wala kang utang na loob! Iyan ba! Iyan ba ang natutunan mo sa paaralan ninyo? Wala kang respeto!” “Bakit Tang? Totoo naman, hindi ba? Bakit kayo hindi nag-aral? Bakit hindi kayo sumabay sa mga kapatid ninyo, ta’s ngayon kami na mga anak ninyo ang naghihirap!” “Aba’t talagang suwail kang anak ah!” muling itinaas ni Tatang ang kanyang kamay para sampalin muli ako pero mabilis na lumapit si Nanang. Tumayo siya sa pagitan naming mag-ama. “Eddie, tama na! Sinasaktan mo nang anak mo!” “Bakit? Siya ba? Hindi ba masakit ang mga binibitiwan niyang salita sa akin na ama niya? Hindi naman ganyan dati ‘yang batang ‘yan e. Nakapatgtapos lang ng elementary, nagtapos lang na may medal akala mo, alam na niya lahat. Akala mo kaya nang burahin ng mga medal niya ang pagrespeto niya sa akin bilang ama niya.” “Tang, ayaw ko ngang maging kagaya ninyo! Ayaw kong tumanda na lang ako
Dumaan pa ang ilang oras at gabing-gabi na. Nagugutom na rin ako. Nagsimula nang magtago ang buwan sa makapal na ulap na lalong nagpadilim sa gabing tahimik. Kanina pa ako pinapapak ng mga lamok. Noon ko lang naranasang umupo ai silong ng kahoy at inabot ng ganito kagabi. Natatakot ako sa tinaguan ko ngunit natatakot pa rin naman akong umuwi. Wala akong maisip pang ibang mapuntahan. Nagigimbal din ako dahil bigla kong naalala ang mga kuwento ng mga kalaro ko tungkol sa puno ng balite na tanaw lang sa kinauupuan kong puno ng akasya. Tumatayo ang mga balahibo ko sa nililikha ng utak kong mga haka-hakang may dambuhalang babae raw doon na may karga karagang bata na parehong namumula ang mga mata at lumilipad sa ere, kabaong na humahabol sa gabi, may paring walang ulo at dahil hindi ko na makayanan pa ang takot na nilikha ng aking isipan ay bigla akong kumaripas ng takbo palayo roon. Ang tanging alam kong tanging mapupuntahan ay ang aming munting kubo. Huminto ako sa katatakbo ko nang mal
“Sige anak. Kung hindi mo kaya roon, kung hindi maganda ang trato sa’yo ng kapatid ko at mga pinsan mo, uuwi ka rito. May pamilya kang uuwian. Kahit mahirap, igagapang ka namin ng Nanang mo kahit high school lang ang matapos mo.”“Sige Tang. Samalat po. Salamat po Nang.” Dahil kamag-anak, malayo sa isip kong alilain ako ng panganay na kapatid ni Tatang. Nang una, mabait naman ang Tiya Cynthia at ang asawa nito sa akin ngunit nang naglaon lumabas din ang kanilang masamang ugali. Ang Sabado at Linggo na dapat pagtulong ko sa carinderia ay naging araw-araw na. Kailangan kong magising ng madaling araw para samahan ko ang tauhan nila sa karinderya para mamalengke. Pinapabitbit sa akin ang mabibigat na pinamili. Tumutulong pa ako sa pagluluto. Madalas, nahuhuli ako sa pagpasok sa klase. Kahit sa tanghali, bago ako makapananghalian ay kailangan ko pa rin munang tumulong sa pagese-serve sa mga kakain at makapaghugas ng mga pinggan samantalang ang mga pinsan ko ay naroon at katulong rin