FINAL CHAPTER"Nadine, gusto kong lumaban ka para sa akin ha? Ipangako mo sa akin na tuloy lang buhay. Masamahan man kita o hindi, kailangan mong manatili para sa pamilya mo at kay Ivan.”"Hindi. Magkasama tayo. Asawa moa ko. Nangako tayo sa isa’t isa. Kung nasaan ako, dapat nandoon ka rin. Hindi ako papaya na maghihiwalay tayo kahit anong mangyari.""Iba ito Nadine.""Paanong iba? Anong ipinagkaiba sa nagiging laban natin?" tanong ko."Yakapin mo ako. Pumikit tayong dalawa. Sabi ni Mommy sa akin, kailangan nating magtiwalang kaya pa at sa ngayon, alam kong ikaw ang may kakayahan pa para lumaban.""Oh my God. Hindi ko gusto ang naiisip ko. Nakausap mo ang Mommy mo? Ibig sabihin, hindi! Hindi pwede!”"Relax at hayaan nating dalhin tayo ng ating mga isip sa kung saan tayo dapat naroon sa mga panahong ito. Please do it for me now bago mahuli ang lahat.""What do you mean?""Just please do it. Huminahon ka muna. Pumikit ka lang at yakapin mo ako nang mahigpit. Tulad ng pagyakap ko sa'yo,
Ako si Nadine Cruz. Mahirap lang kami. Magsasaka ang Tatang ko. Magsasakang walang sariling lupa dahil kinamkam ito ng mga mga kapatid niyang may kaya at nakatapos ng pag-aaral. Mangmang kasi si Tatang, hindi nakatuntong kahit Grade 1 kaya hindi siya nakababasa at nakapagsusulat. Maluwang ang lupain ng kanyang pamilya at siya bilang walang interes sa pag-aaral ang naging katu-katulong ng lolo ko sa pagsasaka. Lumaki nang lumaki ang kanilang lupain dahil sa pawis at sipag nila ng Lolo ko. Nakatapos ang lahat ng kanyang mga kapatid sa pag-aaral dahil na rin sa kanyang kasipagan. Nakampante si Tatang na may mamanahin naman siya dahil ipinangako ng Lolo ko na magiging kanya ang malaking bahagi ng kanilang lupain. Biglaan ang pagmakatay ng aking Lolo dahil sa atake sa puso. Akala ni Tatang, masusunod ang gusto ni Lolo na malaking bahagi ng lupain nila ay sa kanya mapupunta ngunit dahil tuso ang mga kapatid ni Tatang, pinaghati-hatian lang ng mga nakatapos ang mga lupa at walang ipinangala
Parang nagpanting ang aking paningin. Hindi ko iyon napaghandaan. Wala sa hinagap ko na gagawin sa akin ni Tatang iyon. “Wala kang utang na loob! Iyan ba! Iyan ba ang natutunan mo sa paaralan ninyo? Wala kang respeto!” “Bakit Tang? Totoo naman, hindi ba? Bakit kayo hindi nag-aral? Bakit hindi kayo sumabay sa mga kapatid ninyo, ta’s ngayon kami na mga anak ninyo ang naghihirap!” “Aba’t talagang suwail kang anak ah!” muling itinaas ni Tatang ang kanyang kamay para sampalin muli ako pero mabilis na lumapit si Nanang. Tumayo siya sa pagitan naming mag-ama. “Eddie, tama na! Sinasaktan mo nang anak mo!” “Bakit? Siya ba? Hindi ba masakit ang mga binibitiwan niyang salita sa akin na ama niya? Hindi naman ganyan dati ‘yang batang ‘yan e. Nakapatgtapos lang ng elementary, nagtapos lang na may medal akala mo, alam na niya lahat. Akala mo kaya nang burahin ng mga medal niya ang pagrespeto niya sa akin bilang ama niya.” “Tang, ayaw ko ngang maging kagaya ninyo! Ayaw kong tumanda na lang ako
Dumaan pa ang ilang oras at gabing-gabi na. Nagugutom na rin ako. Nagsimula nang magtago ang buwan sa makapal na ulap na lalong nagpadilim sa gabing tahimik. Kanina pa ako pinapapak ng mga lamok. Noon ko lang naranasang umupo ai silong ng kahoy at inabot ng ganito kagabi. Natatakot ako sa tinaguan ko ngunit natatakot pa rin naman akong umuwi. Wala akong maisip pang ibang mapuntahan. Nagigimbal din ako dahil bigla kong naalala ang mga kuwento ng mga kalaro ko tungkol sa puno ng balite na tanaw lang sa kinauupuan kong puno ng akasya. Tumatayo ang mga balahibo ko sa nililikha ng utak kong mga haka-hakang may dambuhalang babae raw doon na may karga karagang bata na parehong namumula ang mga mata at lumilipad sa ere, kabaong na humahabol sa gabi, may paring walang ulo at dahil hindi ko na makayanan pa ang takot na nilikha ng aking isipan ay bigla akong kumaripas ng takbo palayo roon. Ang tanging alam kong tanging mapupuntahan ay ang aming munting kubo. Huminto ako sa katatakbo ko nang mal
“Sige anak. Kung hindi mo kaya roon, kung hindi maganda ang trato sa’yo ng kapatid ko at mga pinsan mo, uuwi ka rito. May pamilya kang uuwian. Kahit mahirap, igagapang ka namin ng Nanang mo kahit high school lang ang matapos mo.”“Sige Tang. Samalat po. Salamat po Nang.” Dahil kamag-anak, malayo sa isip kong alilain ako ng panganay na kapatid ni Tatang. Nang una, mabait naman ang Tiya Cynthia at ang asawa nito sa akin ngunit nang naglaon lumabas din ang kanilang masamang ugali. Ang Sabado at Linggo na dapat pagtulong ko sa carinderia ay naging araw-araw na. Kailangan kong magising ng madaling araw para samahan ko ang tauhan nila sa karinderya para mamalengke. Pinapabitbit sa akin ang mabibigat na pinamili. Tumutulong pa ako sa pagluluto. Madalas, nahuhuli ako sa pagpasok sa klase. Kahit sa tanghali, bago ako makapananghalian ay kailangan ko pa rin munang tumulong sa pagese-serve sa mga kakain at makapaghugas ng mga pinggan samantalang ang mga pinsan ko ay naroon at katulong rin
Kahit mahirap kami ay dama ko ang kahalagahan at pagmamahalan naming pamilya. Kahit salat ang aming hapag-kainan ay siguradong lahat naman kami ay nagbabahagian ng pagmamahal at matutulog na may ngiti sa labi. Iyon na lang kasi ang mayroon kami, ang pagmamalasakit at pagmamahal namin sa isa't isa bilang pamilya. Hindi nagkulang ang Nanang at Tatang ko sa pagtatanong kung maayos lang ba ang kalagayan ko kina Tiya at kung hindi ba ako nahihirapan pero alam kong walang mabuting maidudulot ang pagsusumbong ko. Ako kasi ang mawawalan. Ako ang madedehado.Pang-apat nang pasko na nasa kanila ako. 16 years olad na ako. Sanay na sanay na ang katawan ko sa pagiging alipin. Naiugali ko na ang pagiging tahimik lang at matiisin. Wala na sa pagkatao ko yung palaban. Binago ng kahirapan ang aking dating ugali na palasagot at ipinagtatanggol ang sarili. Kaya kahit anong pagod, hirap at pang-iinsulto sa aking pagkatao at buong pamilya ko ay kakayanin kong magtiis ay kinakaya ko para lang makatapos. Ka
“Wala bang masasaktan kung sakali?” tanong niya uli. “May mga nagpaparamdam pero gusto ko kasing mag-aral muna Sir. Gusto ko hong makatapos. Saka wala rin naman akong oras pa para harapin ang pakikipag-boyfriend sa dami ng trabaho.” “Pwede bang humiling?” “Ano ho ‘yon, Sir?” “Hindi mo naman ako siguro teacher ano? Hindi rin naman kita tauhan. Baka naman pwedeng Jayson na lang? Cut the formalities please?” “Pero, boss ho kayo ni Kuya.” “Boss niya ako. Boss mo ba ako?” “Sige ho, Kuya Jayson.” Tumawa siya. Hindi mo nga ako tinatawag na Sir, Kuya naman. Jayson lang, please?” Huminga ako nang malalim. Tumingin ako sa kanyang nahihiya. “Sige po, Jayson.” “That’s good. Ahm, Nadine, pansin ko lang, iba ang trato nila sa’yo rito. Okey ka lang ba?”“Okey naman ho ako.”“Okey lang ako. Tanggalin mo na yung po, opo at ho please?”“Okey lang ako.” Paglilinaw
Kinaumagahan, maaga akong nagising o mas akmang sabihin na hindi ako nakatulog sa kaiisip. Masaya, excited, natatakot, nagdadalawang-isip at nagkakagusto. Mga iba’t ibang damdaming gumugulo sa aking isipan.Tama naman ang sinasabi sa akin ni Tiya. Ngayon na may swerteng dumating bakit ako tatanggi? Isa pa, hindi naman matanda si Jayson kagaya ng ibang napapanood ko sa mga teleserye. Nasa edad trenta lang siguro siya at bata siyang tignan sa kanyang edad. Maaring nasa sampung taon mahigit na ang agwat ng edad niya sa akin pero ang gwapo naman niya. Para siyang artista. Ako nga dapat ang mahiya sa sarili ko. Wala naman akong maipagmamalaki sa kanya. Hindi ko kasi makita sa salamin ang ganda ko na sinasabi niya sa akin. Tanga lang ba siya na sa akin nagkagusto? Sa kagaya kong wala naman akong nakikita extra-ordinary? Oo, matalino ako, matangkad, seksi rin naman siguro pero hindi ko alam, hindi ko nakikita kapag nagdadamit na ako ng mga luma kong kasuotan. Maputi na a