Home / Romance / RICHEL (CRAZY IN LOVE) / CHAPTER 4: UNWANTED

Share

CHAPTER 4: UNWANTED

Author: Ellie Gim
last update Last Updated: 2023-10-12 15:37:39

MANILA

Pagbukas pa lang nya ng pinto ng sasakyan naririnig na nya ang ingay mula sa labas ng kanilang bahay.

“Gurl, mukhang may gyera sa palasyo nyo” wika ni Marian

Nagtataka syang tumingin sa bahay nila bago tuluyang bumaba, never pa nag-away ang kanyang ina at step-father nya. Pero dinig nya ang sigaw nito sa labas.

“Justine, hindi kami aalis dito hanggat hindi namin sure na settled ka bahay nyo, mukhang may gyera ang hari at reyna” wika ni Marian, tumango naman ang dalawa nyang kaibigan na nakakaunawa.

Mabilis syang nakapasok sa kanilang bahay, magulo ang loob ng bahay nila.

“Ate!”

Umiiyak na sinalubong siya ni Marga sa pagbukas ng gate. Agad siyang napayakap dito, ramdam ang tensyon sa bawat hikbi ng kapatid.

“Anong nangyari?” tanong niya, halatang nag-aalala.

“Si Mama… si Papa…”

Hindi na nito makumpleto ang sasabihin dahil sa patuloy na pag-iyak.

Bigla na lang silang parehong nagulat nang may sumigaw mula sa loob ng bahay—

“Buti naman bumalik ka pa!” galit na sigaw ng kanyang step-father, si Rolando.

Kasunod nito ang kanyang ina, lumabas na tila galing sa matinding pag-iyak. Namumugto ang mga mata at bakas ang guilt sa mukha.

“Ma, ano bang nangyayari?” tanong niya, puno ng kaba.

“Gusto mong malaman?” sagot ni Rolando, nanginginig sa galit.

“Nakipagkita lang naman ang INA MO sa TATAY MO!”

“Rolando!” sigaw ng kanyang ina, “Ilang beses ko bang sasabihin sa’yo, walang malisya 'yon! Matagal nang tapos ang lahat sa amin!”

“Tapos?” inis na singhal ni Rolando. “Kaya kayo nagkikita dahil sa anak n’yong ‘yan! Kaya ang mabuti pa, umalis na sa puder natin ang batang ‘yan!”

“Anak ko si Justine!” mariing sagot ng kanyang ina.

“At asawa mo ako! Mamili ka—kami ng mga anak mo, o ang bastarda mo!”

“Rolan, huwag kang ganyan—”

“Ma!”

Pinutol na niya ang usapan. Ramdam niya ang paninigas ng katawan ng ina. Ayaw na niyang humantong pa sa eskandalo.

Tahimik ngunit buo ang kanyang tinig.

“Okay lang, Ma. Kung mas makakabuti para sa lahat ang wala ako dito, aalis na lang ako. Kaya ko ang sarili ko.”

Napahagulhol ang kanyang ina. Agad siyang nilapitan at hinawakan sa magkabilang pisngi, mariing tinitigan habang ang luha nito’y patuloy na bumabagsak.

“Patawarin mo ako, anak…”

“Lagi mong tatandaan… mahal na mahal ka ni Mama.”

Tahimik siyang nag-impake ng kanyang mga gamit.

Kaunti lang ang kanyang isinama—mga mahahalagang bagay, karamihan ay gamit niya sa paaralan. Wala nang espasyo para sa luho, wala nang silbi ang mga alaala.

Sa bawat sulok ng kanyang kwarto, may naiwan siyang bahagi ng sarili—mga pangarap, mga alaala, mga tanong na walang kasagutan. Pero wala na siyang karapatang manatili pa.

Habang bumababa siya ng hagdan, sinalubong siya ng iyakan ng kanyang mga kapatid. Si Marga ay halos hindi na makapagsalita sa paghikbi, habang si Marco ay tahimik na umuugoy-ugoy sa sulok, yakap-yakap ang laruan na minsan niyang iniregalo.

Nasa gilid naman ang kanyang ina, nanginginig sa pagluha, pilit na pinipigilan ang sarili na tumakbo at hadlangan ang pag-alis ng anak.

Pero siya—nagpakita ng katatagan.

Pinilit niyang pigilan ang sariling luha. Hindi siya maaaring humina. Hindi ngayon. Hindi sa harap ng mga taong mahal niya.

"Kaya ko 'to," bulong niya sa sarili, pilit ang ngiti.

Wala siyang sinabing paalam. Dahil mas masakit ang pamamaalam kaysa sa mismong pag-alis.

Paglabas niya ng pintuan, tila baga isang buong yugto ng kanyang buhay ang isinara niya. At sa bawat hakbang palayo, ramdam niyang may bahagi ng puso niyang hindi na kailanman mabubuo sa tahanang iniwan niya.

TWO MONTHS LATER..

***LEMAR POV***

Kasalukuyan sakay akong ng Yate na maghahatid sa akin sa Isla kung saan andun ang Hermano Ranch and Resort, isa etong bagong magbubukas na resort sa Southern Tagalog, maganda ang location nito napakatahimik ng lugar at malayo sa pollution, bagay sa mga gustong takasan ang magulong buhay sa syudad. Malayo eto sa pinaka mainland na halos 45 minutes na byahe sa yate. Mayaman at luntian pa rin ang mga bundok na matatanaw mula sa dagat habang nagba byahe, tahimik at mababait ang mga lokal na nakatira dito.

Mula sa yate nakikita ko na ang talon na pinakapangunahing attraction sa lugar, at ang magagandang rock formation sa paligid.

Ang talon ang nagsisilbing source of power ng resort dahil sakop pa ng resort ang bahaging yun. Bukod sa Solar system, gumagamit din ang resort ng hydroelectric power dahil sa lakas ng current ng talon na nakatayo sa gilid ng bundok malapit sa dagat, restricted area eto. Isa ang Hermano Ranch and Resort sa nagsusulong ng oldest and largest sources of renewable energy, na galing sa Araw at tubig na mayaman ang bansang Pilipinas dahil sa magandang klima.

Mula sa dagat makikita ang malaking pangalan ng resort na nakatayo sa ibabaw ng bundok.

"Good Morning Sir!" bati sa akin ng mga staff pagkadaong pa lang ng Yate sa pribadong part ng resort. Isang tango lang itinugon ko sa mga eto bago naglakad patungo sa main entrance ng villa. Nakahiwalay ang family villa sa pinakang sakop ng resort, hindi eto accessible sa mga guess.

"Naku Ser Limar, bakit hindi kayo nagpasabi na darating kayo, sana napakuha kami kaninang umaga ng malalaking sugpo" tuwang wika ni Manang Ludeng.

"Manang eh di hindi na surpresa ang tawag dun!" natatawa kong wika dito.

"Ayy ganun ba! Sabagay nga kahit ako nasarprays sa pagdateng mo" sagot nito, natatawa ako sa lenguahe ng matanda, nakakaaliw etong pakinggan.

"Si Richel, Manang?" tanong ko muli.

"Ay si Ser Rechil nasa bayan, kasama ang papa nya sa monesepyo" wika nito.

"Sa Musipyo? anong ginagawa dun?" nagtataka kong tanong.

"Ay Alam mo naman po malapit na ang eleksyon," pahayag nito

"I see" Gobernador sa lalawigang eto ang aking uncle na kapatid ng aking ina. Mula ng mahalal eto unti unting umuunlad ang islang eto.

"Kumain na po ba kayo, ipaghahanda ko po kayo ng makakain" wika pa ng matanda.

"Naku hindi na po, pakidala na lang nito sa opisina ni Richel, ingatan nyo manang dyan nakasalalay ang pag-aasawa ng amo nyo!" pagbibiro pa kong sabi dine.

"Ay ganun ba! Naku wag ka mag alala Ser, eengatan namin eto ng buong puso!" ganting biro rin nito.

Naiiling akong pumasok sa kwartong nakalaan sa akin, iniisip ko pa rin ang painting na sinikap kong maitago kay Richel noong nasa Batangas pa eto, Tila naman hindi eto napansin ng huli dahil abala eto sa paghahanap sa kung sinong babaeng nakita nya daw sa resort. Hindi na ko masyado inalam ang detalye basta ang natandaan ko lang sa lahat ng sinabi nito sakin ay 'singsing'. Kaya malakas ang pakiramdam ko na iisa ang babaeng hinahanap nito sa babaeng gumuhit ng painting.

NAKATINGIN si Richel sa painting na bigay ko.

"What's this?" tanong nya sa akin habang nakakunot ang noo.

"You’re welcome!" sagot ko sa kanya habang pabagsak na naupo sa sofa. "It's obvious na painting yan!" dagdag ko pa.

"Where did you get this?" pagkadaka ay tanong nya.

"I bought it from a lady" maiksi kong sagot. Nasilip ko sa mukha nya ang admiration, napatayo ako bigla ng may umilaw na idea sa aking isip..

"You know what, bakit hindi mo gawin display yan sa bawat room ng resort?" dagdag ko pa. Napaisip si Richel sa sinabi ko.

"Not bad," maiksing sagot nya na parang iniisip pa rin ang aking mungkahi.

"Not bad?! Of course, it's a good idea, dagdag attraction yan sa resort!" giit ko.

"Okay sakin ang idea mo, pero ikaw na ang bahala mag handle, That's going to be your project."

"That's Great! Leave it to me!" excited kong sagot.

Makalipas ang dalawang buwan.

Matagal ko nang hinahanap kung saan ko pwede macontact ang dalaga, yung contact number na nakalagay sa painting ay hindi ko makontak. Bigla akong napatigil ng makitang larawan ng isang studio sa social media post. Hindi ako pwedeng magkamali na ang dalaga ang nasa picture, kaya hindi ako nag-aksaya ng oras at kinontak ko ang uploader.

Samantala...

Kahit papaano nakakaadjust na si Justine sa kanyang bagong tirahan. Dalawang buwan na mula ng umalis sya sa bahay ng kanyang ina. Minsan lang sya nito kinumusta marahil pinagbawalan na naman ng asawa. Lalo nyang pinagbuti ang kanyang pag-aaral para patunayan na kaya nyang tumayo sa kanyang sariling paa. Pati pagta-trabaho pinagbuti nya, gusto nyang maging mahusay na mahusay na photographer at painter. Madalas pa rin silang nagkikita na magkakaibigan pero hindi na sya sumamam sa bar na pinuntahan nila last time na ipinagtaka ng mga kaibigan nya pero nagkibit balikat lang sya, Tanging si Jill lang ang tahimik twing aayain sya ni Marian sa bar na yun, eto lang sa mga kaibigan nya ang napagsasabihan nya.

“Justine may naghahanap sayo nung nakaraan dito, lalaki”

Napakunot ang noo nya sa sinabi ng receptionist sa opisina ng kanyang boss kung saan sya nagpa-partime.

“Lalaki? Baka naman hindi ako yun” takang-taka nyang sagot dito.

“Wala naman ibang babae dito na Justine ang pangalan, may kilala ka ba?” nanunuksong tanong nito.

“Ehhhh” sabay kibit ng balikat nya.

Napabungisngis ang babae

“Alam mo ang gwapo ng naghahanap sayo, sure ka ba na hindi mo boyfriend yun?”

“Sira! Saan naman ako pupulot ng boyfriend, at tsaka taken na ako!”

“Owwwwsss!! kakasabi mo lang wala ka boyfriend, pero taken ka na?”

“Ah basta, hindi pa kase nya alam!”

"Ano naman pangalan ng boyfriend mo? kahit name lang i-share mo naman!" sakay nito sa biro nya.

"Hercules!" pigil ang tawang sabi nya dito, naalala na naman nya ang aso na kasing laki ng kutsara.

"Wow! mukha malaking tao yan ah, nakakatakot baka bumaba pa yan galing ulap"

"Hindi, umahon sya galing dagat!"

Napatawa naman ang kausap nya habang napapailing.

“Sige girl pasok na ako, kapag dumating ang naghahanap sakin, sayo na lang!” wika nya sabay hagikhik.

Napaisip sya kung sino ang lalaking humahanap daw sa kanya.

Itutuloy...

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • RICHEL (CRAZY IN LOVE)   SPECIAL CHAPTER 2

    =Justine=Ang araw ng binyag ni Emmanuel ang isa sa pinakamasayang araw sa buhay namin —puno ng tuwa, halakhakan, at mga taong matagal ko nang hindi nakita. Simple lang ang handaan sa villa, pero ramdam ang pagmamahalan sa bawat sulok—mula sa dekorasyong puti’t asul, hanggang sa mga upuang may palamuti ng baby’s breath at eucalyptus. Sa gitna ng kasiyahan, hindi ko mapigilang mapangiti habang pinagmamasdan ang anak naming si Emmanuel, mahimbing sa bisig ng lola niyang si Donya Litecia, na para bang nabura na ang mga bakas ng nakaraan sa kanyang mukha. Ngayon, isa siyang lola na punung-puno ng pagmamahal.Nasa gitna ako ng pakikipagkuwentuhan sa isa sa mga kapitbahay namin nang mapansin kong may pamilyar na babaeng papalapit. Hawak nito ang maliit na bag, at may ngiti sa labi na parang walang panahon ang dumaan.“Ellie?” halos pabulong kong nasambit, habang bumilis ang tibok ng puso ko.“Justine!” sabay abot ng mahigpit na yakap. “Oh my God, ang tagal nating hindi nagkita! Last time? B

  • RICHEL (CRAZY IN LOVE)   SPECIAL CHAPTER

    **Richel’s POV***Tahimik ang gabi sa villa. Sa labas, ang huni ng mga kuliglig at ang banayad na hampas ng alon ang tila musikang maririnig ng gabing yun. Pero sa loob ng aming kwarto, mas malakas pa sa hangin ang pintig ng aking puso. Hawak ko ang isang maliit na kahon– katulad ng kahon na nakita ko noon dati bago ang aking aksidente —ang pregnacy test. Nakita ko eto kanina sa banyo at halos mapaluha ako — dalawang linya.Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman, pinaghalong kaba, saya at excitement. Pero isa lang ang sigurado ko: ngayong binigyan ulit kami ng pagkakataon, hindi ko na hahayaang maulit ang nakaraan. Ngayon, kasama na ako sa bawat hakbang. Hindi na siya mag-isa.Lumapit ako sa aming kama kung saan natutulog si Justine, hinaplos ko ang buhok niya, at marahan hinalikan ang kanyang noo.“Thank you... for this chance... to show you how much I truly love you.”Dahan-dahan etong nagmulat ng mata na may ngiti sa kanyang mga labi. “Bakit gising ka pa?” tanong niya sa inaantok

  • RICHEL (CRAZY IN LOVE)   EPILOGUE 

    Makalipas ang dalawang buwan.Matapos ang pagbagsak ng pasilidad ni Don Rafael dahan-dahan ng naghihilom ang mga sugat ng nakaraan—ngunit hindi ang sugat sa puso ni Justine, nanatili sa kanyang alala ang eksena ng mga pangyayari na tila paulit-ulit na nagre-replay sa kanyang diwa, gising man o tulog. Sa isang secured medical facility na pag-aari ni Nathan na hindi matatagpuan sa mapa, muling dumilat ang mga mata ni Richel Hermano.Puting kisame ang sumalubong sa kanya, tanging tunog ng heart monitor ang kanyang naririnig, At isang pamilyar na kamay ang nakahawak sa kanya—si Justine.“Richel…Naririnig mo ako?” mahina ang boses nito, nasa mga nito ang galak ng makita ang kanyang pagmulat, mahigit dalawang buwang walang kasiguraduhan na magigising sya.Ngunit ngayon—Bahagyang gumalaw si Richel, tumulo ang luha sa kanyang pisngi— dahil sa katotohanang buhay pa siya. Hindi siya naiwan sa ilalim ng yelo. Sa kanyang kaliwang pulso, nakakabit ang isang prototype nano-regeneration cuff.“I tol

  • RICHEL (CRAZY IN LOVE)   CHAPTER 72: SUB-ZERO

    Ilang oras nang nakaposisyon sa paligid ang pwersa ni Richel na naghihintay sa hudyat kung kelan kikilos, ang ally na una ng nakapasok sa loob, ngunit walang sinuman ang nakahalata sa kanyang presensya. Kasama si Justine at Rafa at ilang nilang tauhan, maayos silang pinapasok sa malawak na pasilidad ni Don Rafael na tila isang panauhin.Lumapit sila sa gitna ng pasilidad, diretsong humarap kay Don Rafael. Ang matanda, nakatayo sa kanyang opisina, nakangisi at may malamig na titig. “So… you finally come face to face with me,” ani Don Rafael, boses puno ng panlilinlang at tagumpay.“Give me the antidote!” wika ni Richel.“Uh-uh! Not too fast!” nakangising wika ng Don. “You want the antidote? Fine! But give me your fortune! All of it!” sabi nito sa ganid na boses.“I won’t give you what you want. Not the Hermano fortune,” galit na sambit ni Richel.Napuno ng galit ang mga mata ni Don Rafael. “You disappoint me, Richel. I gave you a chance… And this is how you repay me?”“I will not gi

  • RICHEL (CRAZY IN LOVE)   CHAPTER 71: FATHER & DAUGHTER

    Greenland Facility, Arctic ZoneSa loob ng isang yelong facility with futuristic design and technology, si Don Rafael ay tahimik na nakatayo sa gitna ng isang command center na may 360-degree holographic view ng Arctic.“Status?” tanong niya sa operator.“Subjects in transit. ETA: 41 minutes. Perimeter defenses are online.”“Good!” maiksing sagot nya. Bago lumakad papasok sa kanyang private chamber kung saan tanaw pa rin ang kabuuhan ng artic view. Ilang taon nyang pinaghandaan ang pasilidad na eto, inubos nya ang buong yaman nyang nakuha sa pamamagitan ng maduming laro ng buhay— pero ang kapalit naman nito ay ang pagtayo ng kanyang bagong imperyo mula sa mga Hermano.Binalot ng katahimikan ang kanyang private chamber, lumapit sya sa maliit na bar counter sa loob nito at nagsalin ng alak bago naupo sa isang itim na leather chair, hawak ang basong may mamahaling alak, habang pinagmamasdan ang kumikislap na data sa harap niya.“I knew you would come because by this time the serum has fin

  • RICHEL (CRAZY IN LOVE)   CHAPTER 70: THE FLIGHT PLAN

    Ang liwanag ng umaga ay halos hindi makalusot sa makakapal na ulap na bumabalot sa bundok. Sa loob ng safehouse, tila naging kainip-inip ang bawat pag daan ng oras.Si Richel ay tahimik na nakaupo sa tabi ni Justine, hawak ang kamay nito habang pinagmamasdan si Lizzy na nilalaro ang kanyang stuffed bear sa isang sulok ng command room. Sa kabila ng lahat, larawan ng kaenosentehan ang kanilang anak, na tila walang problemang kinakaharap ang kanilang pamilya—isang bagay na handa nilang ipaglaban upang manatili protektado ang puso at isip nito."Nick, any word from the extraction team sa New York?" tanong ni Justine, di mapalagay ang mukha.Tumango si Nick. “Gabriel is in transit. We’re using a stealth jet from our allies in China, and he’ll be here within the next two hours.”Napabuntong-hininga si Justine. “We’ll finally see them together…”Hinawakan ni Richel ang kamay ni Justine.“Gagawin ko ang lahat para mabuo ang pamilyang eto,” bulong nya dito.Makalipas ang ilang oras.“He’s alm

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status