***Justine POV***
"Kainis!! ang kapal ng K! wag ka lang magpapakita sakin kukurutin talaga kita ng pinong-pino!" gigil na bulong bulong ko.
Malapit na ako sa pinag-iwanan ko sa aso ng makita ko na hindi eto nag-iisa, isang lalaki ang kasama nito habang hinahaplos haplos ang katawan nito.
"I have been looking for you everywhere. How did you get here?" kausap nito sa aso.
"Ehem! excuse me!" tikhim ko para kunin ang atensyon nito.
Napatingin sa akin ang lalaki sabay ngiti, lumabas ang pantay-pantay at mapuputing ngipin. Gwapo eto at may biloy, Palakaibigan ang dating ng mukha.
"Hi, ikaw ba ang nakakita kay Hercules?" nakangiting tanong nito.
"Yes! and you are the owner, I guess." natatawang tanong ko, ng muli kong marinig ang pangalan ni 'Hercules'.
"Yes, By the way I'm Lemar, Thank you dahil inalaagan mo sya" sabay lahad ng kamay, nakatitig eto sa akin habang nagsasalita.
"You’re welcome, Justine” sabay abot sa kamay nito na nakalahad, Sinimulang kong ligpitin ang ibang naiwan na gamit.
“You are very talented, ”wika nito habang nakatingin sa painting na iginuhit ko.
"Really?"
"Yes! Past time mo?" tanong pa nito.
"NO! Trabaho, kailangan eh!" prangka kong sagot sa lalaki.
“Well, you know what, meron akong offer sayo, bakit hindi mo na lang ibenta sakin yan, for sure makakagawa ka pa ng katulad nyan”
"Talaga!?"
"Sure!"
SAMANTALA
***Richel POV***
"Richel?"
Napatulos ako sa kinatatayuan ng marinig ang pamilyar na pamilyar na boses ng yun ng babae na kahit yata ilang taon pa ang lumipas ay hinding-hindi ko makakalimutan. Bumuntong-hininga ako bago lumingon. Nakita kong nakatayo ng ilang distansya si Amie, halata ang pag-aalangan sa mata nito. Ako na ang dahan-dahang lumapit dito.
"Kumusta ka?" tanong nito sa akin ng magkaharap kami ng malapitan.
"Alive and kicking!" sagot ko, pinasaya ko ang boses, ayaw kong makita nya ang epekto ng pag-iwan nya sakin.
"Ikaw, kumusta ka na? Ilan taon na rin, four years?" dagdag ko pa, dahil sa totoo lang hindi ko na masyadong matandaan kung gaano na katagal.
"It's five years actually," pagtatama ni Amie.
"Sorry, halos hindi ko na matandaan" blanko ang expression ko, kinakapa ko ang sarili kung andun pa rin ang sakit ng ginawa nya, Panghihinayang. Lungkot. Takot. Pagkamanhid. Yan na lang ang natirang naiwan sa akin ngayon.
Nakita ko ang mapait na ngiti sa mga labi nito.
"Sorry, for what happened-"
"No! It doesn't matter now," putol ko sa sasabihin nito. Dati galit ako kay Amie, halos isumpa ko ang mga katulad nya, hanggang sa tila namanhid na ako sa paglipas ng panahon or marahil pinili ko na lang wag isipin, o di kaya'y naghihintay lang na muling may magbukas ng sugat ng nakaraan para muli kong maramdaman ang sakit. 'and I will never let that happen'
“By the way, I should get going.”paalam ko dito, hindi na ko hinintay ang sagot nito at dali-daling tumalikod, nagbabakasali na makita ko pa ang babaeng nakabunguan ko kanina.
***Third Person's POV***
SAMANTALA..
Tuwang-tuwang bumalik ng cabana si Justine malaking pera ang kinita nya ngayong araw na iyon, akalain mo dahil kay Hercules kumita ako ng malaki.
“Anong ibig sabihin ng mga ngiting yan?” tukso sa kanya ni Jill
“Guess what?” wika nya dito na nakalagay ang dalawang kamay sa likod
“Nagkita na kayo ni Massino?!!, OMG!!” tila gulat na sigaw ni Jill.
“Shhhh, hindi, wag ka ngang maingay!” Sa kanilang magkakaibigan si Jill lang ang nakakaalam ng nangyari sa kanya three months ago sa bar.
“Eh ano nga!?!” tila inip na ulit nito.
“May bumili ng painting ko sa halagang 50k!”
“Whattt??”
Ikinuwento nya sa kaibigan ang nangyari sa kanya at sa lalaking nagngangalang Lemar na bumili ng painting nya, hindi na rin nya natanong kung saan eto naka-stay sa sobrang excitement nya sa kanyang kinita. Bilang estudyante at self-supporting, ang laking tulong sa kanya ang halagang napagbintahan ng painting nya.
TANGHALI ng gumayak silang umuwi ng Manila, palingon-lingon si Justine sa labas ng bintana ng sasakyan nagbabakasali sya na makita si Lemar pero nabali na at lahat ang leeg nya di nya nakita kahit anino ng lalaki.
Nang mga oras na yun..
Nakangiting pinagmasdan ni Lemar ang painting na ire-regalo niya sa pinsan sa nalalapit nitong kaarawan —gusto niyang sya ang personal na mag-abot nito. Hindi alam ng pinsan na pupunta siya ng isla, kaya tiyak na isang malaking sorpresa ito.
Habang pinapadaan ang tingin sa kabuuan ng obra, bigla siyang napatitig sa ibabang bahagi ng painting. “JM Lucas” ang nakapirma, pero ang mas nakaagaw ng atensyon niya ay ang contact number na nakasulat sa ibaba.
“Ngayon lang ako nakakita ng painting na may contact number ng artist,” napailing siya habang napapangiti. May kung anong kapilyahan sa ideyang iyon. Tila ba ang pintor ay hindi lang nais makilala—gusto ring makausap.
Hindi niya maiwasang maalala ang babaeng iyon.
Kulang ang salitang ‘maganda’ para mailarawan ang hitsura nito. Pero ang mas tumatak sa kanya ay ang pagiging prangka at walang arte ng dalaga—isang katangiang bihira na ngayon.
Napasandal siya sa upuan habang muling ibinaling ang tingin sa painting.
———FLASHBACK ———
Halos mapanganga ang dalaga sa halagang ibinayad nya.
"Seriously?!" nanlalaki ang matang tanong nito
"Ayaw mo?" kunway kukunin nya ulit.
"Opps wala ng bawian, alam mo hindi mo naitatanong kailangan ko talaga ang pera, at hindi na ako magpapakipot sa bayad mo!" prangkang sabi nito habang inilalagay sa bag ang bayad. Marahan pa nitong tinapik ang bag na tila ba sinasabing "well settled!"
"Ilan ba ang pamilyang binubuhay mo at kailangan mo ng malaking pera?" curious na tanong nya.
"Wala akong binubuhay, pero kailangan kong buhayin ang sarili ko kase walang ibang bubuhay sakin kundi ako lang!" balewalang sagot nito. Napatingin sya sa kabuuan ng babae, makinis eto at parang galing sa mayamang pamilya.
Tila naman nabasa nito ang nasa isip nya.
"Well maganda lang ako at makinis pero hindi ako mayaman, Libre nga lang ang pagpunta ko sa resort na eto eh! Hiwalay na ang mga magulang ko at may kanya kanya ng pamilya, Ten years old pa lang ako ng magdesisyon ang mga magulang ko na sirain ang buhay ko!" nakasimangot nitong pahayag ngunit kahit yata umiiyak eto ay maganda pa rin, ramdam ko rin sa boses nito ang hinanakit, hindi ko mapigilan na mapaawa dito. Hindi ako nakaramdam ng kahit kunting pagdududa dito. Prangka eto subalit kita ng katapatan sa bawat salitang binibitawan nito.
"Alam mo mahahalikan ko si Hercules, sya ang swerte sakin today, dahil sa kanya may pang matrikula na ako!" naka ngiti na etong ng muling magsalita.
"Well, dahil yan sa talent mo" maiksi kong sabi dito.
"And Thank you ng marami" sensero nitong pahayag bago nagpaalam.
Inihatid pa nya ng tanaw ang dalaga na tumangi na ihatid hanggang sa tinutuluyan nito. Maganda ang babae subalit ang istilo nito ng pagdadala sa sarili ang tipo na hindi magugustuhan ni Richel– ayaw ni Richel ng masyadong bulgar, ngunit ang pinagtataka nya bakit suot nito ang heirloom ring ng mga Hermano, Iisa lang naman ang pwedeng humawak nun, hindi sya, at sigurado sya na si Richel yun.
———FLASHBACK ENDS ———
Muli nyang minasdan ang painting, merong idea na pumasok sa isip nya. Mahilig sa arts si Richel, nakakasiguro sya na kapag nakita eto ng pinsan nya siguradong magugustuhan nya eto. Kuhang kuha sa painting ang natural na ganda ng subject, iisipin mong kuha eto sa camera, buhay na buhay ang bawat detalye ng pagkakaguhit. Kumuha sya ng mga lumang dyaryo at maingat na binalot eto, bago muling ibinalot ng brown paper na sadyang pambalot sa mga ganitong bagay. Nang masiyahan maingat nyang inilagay sa likod ng sofa.
"Ready for transport!" nakangiting bulong nya sa sarili.
Patango-tango sya sa kanyang naisip na habang nakahawak sa baba nya, maaring magpabago sa kanyang pinsan ang plano nya.
Itutuloy…
=Justine=Ang araw ng binyag ni Emmanuel ang isa sa pinakamasayang araw sa buhay namin —puno ng tuwa, halakhakan, at mga taong matagal ko nang hindi nakita. Simple lang ang handaan sa villa, pero ramdam ang pagmamahalan sa bawat sulok—mula sa dekorasyong puti’t asul, hanggang sa mga upuang may palamuti ng baby’s breath at eucalyptus. Sa gitna ng kasiyahan, hindi ko mapigilang mapangiti habang pinagmamasdan ang anak naming si Emmanuel, mahimbing sa bisig ng lola niyang si Donya Litecia, na para bang nabura na ang mga bakas ng nakaraan sa kanyang mukha. Ngayon, isa siyang lola na punung-puno ng pagmamahal.Nasa gitna ako ng pakikipagkuwentuhan sa isa sa mga kapitbahay namin nang mapansin kong may pamilyar na babaeng papalapit. Hawak nito ang maliit na bag, at may ngiti sa labi na parang walang panahon ang dumaan.“Ellie?” halos pabulong kong nasambit, habang bumilis ang tibok ng puso ko.“Justine!” sabay abot ng mahigpit na yakap. “Oh my God, ang tagal nating hindi nagkita! Last time? B
**Richel’s POV***Tahimik ang gabi sa villa. Sa labas, ang huni ng mga kuliglig at ang banayad na hampas ng alon ang tila musikang maririnig ng gabing yun. Pero sa loob ng aming kwarto, mas malakas pa sa hangin ang pintig ng aking puso. Hawak ko ang isang maliit na kahon– katulad ng kahon na nakita ko noon dati bago ang aking aksidente —ang pregnacy test. Nakita ko eto kanina sa banyo at halos mapaluha ako — dalawang linya.Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman, pinaghalong kaba, saya at excitement. Pero isa lang ang sigurado ko: ngayong binigyan ulit kami ng pagkakataon, hindi ko na hahayaang maulit ang nakaraan. Ngayon, kasama na ako sa bawat hakbang. Hindi na siya mag-isa.Lumapit ako sa aming kama kung saan natutulog si Justine, hinaplos ko ang buhok niya, at marahan hinalikan ang kanyang noo.“Thank you... for this chance... to show you how much I truly love you.”Dahan-dahan etong nagmulat ng mata na may ngiti sa kanyang mga labi. “Bakit gising ka pa?” tanong niya sa inaantok
Makalipas ang dalawang buwan.Matapos ang pagbagsak ng pasilidad ni Don Rafael dahan-dahan ng naghihilom ang mga sugat ng nakaraan—ngunit hindi ang sugat sa puso ni Justine, nanatili sa kanyang alala ang eksena ng mga pangyayari na tila paulit-ulit na nagre-replay sa kanyang diwa, gising man o tulog. Sa isang secured medical facility na pag-aari ni Nathan na hindi matatagpuan sa mapa, muling dumilat ang mga mata ni Richel Hermano.Puting kisame ang sumalubong sa kanya, tanging tunog ng heart monitor ang kanyang naririnig, At isang pamilyar na kamay ang nakahawak sa kanya—si Justine.“Richel…Naririnig mo ako?” mahina ang boses nito, nasa mga nito ang galak ng makita ang kanyang pagmulat, mahigit dalawang buwang walang kasiguraduhan na magigising sya.Ngunit ngayon—Bahagyang gumalaw si Richel, tumulo ang luha sa kanyang pisngi— dahil sa katotohanang buhay pa siya. Hindi siya naiwan sa ilalim ng yelo. Sa kanyang kaliwang pulso, nakakabit ang isang prototype nano-regeneration cuff.“I tol
Ilang oras nang nakaposisyon sa paligid ang pwersa ni Richel na naghihintay sa hudyat kung kelan kikilos, ang ally na una ng nakapasok sa loob, ngunit walang sinuman ang nakahalata sa kanyang presensya. Kasama si Justine at Rafa at ilang nilang tauhan, maayos silang pinapasok sa malawak na pasilidad ni Don Rafael na tila isang panauhin.Lumapit sila sa gitna ng pasilidad, diretsong humarap kay Don Rafael. Ang matanda, nakatayo sa kanyang opisina, nakangisi at may malamig na titig. “So… you finally come face to face with me,” ani Don Rafael, boses puno ng panlilinlang at tagumpay.“Give me the antidote!” wika ni Richel.“Uh-uh! Not too fast!” nakangising wika ng Don. “You want the antidote? Fine! But give me your fortune! All of it!” sabi nito sa ganid na boses.“I won’t give you what you want. Not the Hermano fortune,” galit na sambit ni Richel.Napuno ng galit ang mga mata ni Don Rafael. “You disappoint me, Richel. I gave you a chance… And this is how you repay me?”“I will not gi
Greenland Facility, Arctic ZoneSa loob ng isang yelong facility with futuristic design and technology, si Don Rafael ay tahimik na nakatayo sa gitna ng isang command center na may 360-degree holographic view ng Arctic.“Status?” tanong niya sa operator.“Subjects in transit. ETA: 41 minutes. Perimeter defenses are online.”“Good!” maiksing sagot nya. Bago lumakad papasok sa kanyang private chamber kung saan tanaw pa rin ang kabuuhan ng artic view. Ilang taon nyang pinaghandaan ang pasilidad na eto, inubos nya ang buong yaman nyang nakuha sa pamamagitan ng maduming laro ng buhay— pero ang kapalit naman nito ay ang pagtayo ng kanyang bagong imperyo mula sa mga Hermano.Binalot ng katahimikan ang kanyang private chamber, lumapit sya sa maliit na bar counter sa loob nito at nagsalin ng alak bago naupo sa isang itim na leather chair, hawak ang basong may mamahaling alak, habang pinagmamasdan ang kumikislap na data sa harap niya.“I knew you would come because by this time the serum has fin
Ang liwanag ng umaga ay halos hindi makalusot sa makakapal na ulap na bumabalot sa bundok. Sa loob ng safehouse, tila naging kainip-inip ang bawat pag daan ng oras.Si Richel ay tahimik na nakaupo sa tabi ni Justine, hawak ang kamay nito habang pinagmamasdan si Lizzy na nilalaro ang kanyang stuffed bear sa isang sulok ng command room. Sa kabila ng lahat, larawan ng kaenosentehan ang kanilang anak, na tila walang problemang kinakaharap ang kanilang pamilya—isang bagay na handa nilang ipaglaban upang manatili protektado ang puso at isip nito."Nick, any word from the extraction team sa New York?" tanong ni Justine, di mapalagay ang mukha.Tumango si Nick. “Gabriel is in transit. We’re using a stealth jet from our allies in China, and he’ll be here within the next two hours.”Napabuntong-hininga si Justine. “We’ll finally see them together…”Hinawakan ni Richel ang kamay ni Justine.“Gagawin ko ang lahat para mabuo ang pamilyang eto,” bulong nya dito.Makalipas ang ilang oras.“He’s alm