***Justine POV***
“Hermano Building.”
‘Yan ang agad kong nabasa mula sa pangalan ng gusaling nasa harapan ko. Matayog, moderno, at may klaseng aura—tila ba isa itong gusaling hindi basta-basta pinapasok ng kung sino lang.
Doon ko lang tuluyang naintindihan ang lahat. Si Lemar pala ang matagal nang naghahanap sa akin. At personal siyang nagpunta sa studio para lang makausap ako, matapos nitong masiguro na roon nga ako nagtatrabaho. Nagkataon namang wala ako noong araw na ‘yon.
Nagulat pa ako nang bigla siyang tumawag sa telepono nang hapon din na ‘yon. Ibinigay niya sa akin ang address ng opisina… tungkol daw sa painting.
"Eto na 'yon!" bulong ko sa sarili habang nakatingala sa napakatayog na gusali.
Excited akong pumasok, ramdam ang bahagyang panginginig ng tuhod. Pagkatapos akong i-check ng guard, agad akong nagtungo sa reception area.
“Ah, Miss, good morning. Saan po banda ang opisina ni Mr. Lemar Hermano?” magalang kong tanong sa receptionist.
Tumango ito at tinignan ako nang diretso, bago nagsalita sa pormal na tono.
“Do you have an appointment with Mr. Hermano?”
“Yes!” mabilis kong sagot.
“Your name, please?”
“Justine Mae Lucas,” tugon ko, pilit pinapanatili ang kumpiyansa sa boses ko.
Mabilis nitong sinulyapan ang hawak na listahan. Ilang segundong katahimikan... at saka ito tumango.
“Okay, ipapahatid kita sa opisina niya,” mahinahong sabi nito, sabay ngiti.
Kinuha nito ang telepono at may tinawagan. Tahimik lang ako habang pinakikinggan ang maiksing usapan sa kabilang linya.
Ilang sandali pa’y muling humarap sa akin ang receptionist at iniabot ang isang visitor's tag.
"Here" inabot nito sa akin ang visitor's tag. "Go to the 30th floor. Mr. Lemar's secretary is waiting for you outside the elevator. Use the VIP Lift." mahabang instruction nito sa akin.
Napalunok ako. VIP lift?.
Mahigpit kong hinawakan ang tag sa kamay ko habang tahimik na naglakad patungo sa eksaktong direksyon.
“Thank you!”
Hmmm, ang ganda ni Ate… sosyal ang dating, isip-isip ko habang pasimpleng ngumiti pabalik sa receptionist na tumango rin sa akin.
Pasimpleng inayos ko ang postura ko. Kailangan confident tayo, sabay lakad na may konting pasexy effect papunta sa VIP elevator. Habang naglalakad, ikinakabit ko ang visitor’s tag sa aking blouse—kaya naman hindi ko napansin ang daan sa harapan ko.
Muntik na akong mapaupo sa sahig matapos bumangga sa isang matigas na bagay—o mas tamang sabihing tao.
“Ay, anak ng puting baka naman o!” napamura ako sa isip, halos mawalan ng balanse. Mabuti na lang at naka-flat shoes ako—kung hindi, siguradong may balian na ‘ko.
“Hey! Are you blind?” galit na boses ng isang lalaki. Hindi pa man ako nakatingin, agad na itong tumalikod at pumasok sa elevator na tila wala nang pakialam sa mundong iniwan niya sa labas. Naiwan akong tulala.
Napakurap ako. Parang… parang pamilyar ang boses niya…
Hanggang sa makarating ako sa loob ng elevator, okupado pa rin ng imahe ng lalaking ‘yon ang isipan ko. Hindi ko man nakita ang mukha niya, pero may kakaiba sa presensya niya—at sa boses niyang may halong yabang… at misteryo.
Aminado naman akong kasalanan ko. Hindi ko nakita na may nakatayo pala roon.
“Naku… wag naman sana siya ‘yon… Lord, napakaliit na po ba talaga ng mundo?”
At sa paghinto ng elevator sa ika-tatlumpung palapag, hindi ko maiwasang hawakan ang dibdib ko—dahil parang hindi lang kaba ang tumatakbo sa puso ko ngayon… may halo na ring kilig at takot na ‘di ko maipaliwanag.
Naputol ang pag iisip nya ng tumigil eto kasabay ng bukas ng pinto.
“Hi, you’re Justine Mae?” bati ng isang babae na agad sumalubong sa kanya sa pagbukas ng elevator. Nakangiti ito—magaan ang aura, elegante kahit medyo may edad na.
“Yes, good morning!” masiglang tugon ni Justine, sabay ngiti rin.
“Mr. Lemar is waiting for you,” wika nito habang iniimbitahan siyang sumunod.
Parang bigla siyang kinabahan. Hindi niya alam kung dahil ba ito sa excitement, kaba, o sa hindi maipaliwanag na energy ng buong sitwasyon. Muli niyang sinulyapan ang sarili—iniayos ang blouse, inayos ang buhok. Okay naman. Pwede na siguro ‘to, bulong niya sa sarili habang patuloy na sumusunod sa babae.
Ipinaupo siya ng sekretarya sa isang upholstered bench sa tapat ng opisina, bago ito pumasok sa loob.
Ilang saglit lang ang lumipas nang bumalik ito.
“You may come in,” anito nang magiliw.
“Kaya mo ‘yan, Justine,” bulong niya sa sarili, sabay buntong-hininga bago marahang binuksan ang pinto.
Pagkapasok niya, unang sumalubong sa kanya ang malawak na opisina—moderno, elegante, at may malalaking bintanang tanaw ang kabuuan ng lungsod. Ngunit hindi iyon ang agad na nakakuha ng buong atensyon niya.
Nakatayo ang isang lalaki, nakatalikod sa kanya, may hawak na telepono.
“Yes, she’s here,” wika nito sabay lingon sa kanya, kasabay ng simpleng pagkindat ng mata at pagmuwerstra na maupo siya.
Napaupo siya agad, hindi pa rin maialis ang tingin sa lalaki habang ito’y nagsasalita pa sa kausap.
“I know she can do it. Yes, I included it. Alright, bye,” at matapos ang huling salita’y dahan-dahan nitong ibinaba ang telepono.
“Good morning, Mr. Hermano,” bati ni Justine sa mahinahong tinig.
Ngunit sa halip na pormal na tango, bahagyang ngumiti ang binata.
“Just call me Lemar,” anito, halos pabulong ngunit malinaw.
Napangiti si Justine.
“Anyway... are you ready?” tanong ni Lemar makalipas ang ilang segundong katahimikan. Nakatingin ito sa kanya, diretso, seryoso.
Saglit siyang hindi nakasagot.
“Okay,” bungad ni Lemar habang inaayos ang coat niya. “I know it's a little bit rushed, pero kailangan nating pumunta sa island kung saan ilalagay ang mga artwork mo. Request ng big boss.”
Napakurap si Justine. Island? Wala man lang babala?
“Don’t worry,” patuloy ni Lemar, parang nabasa ang iniisip niya. “Na-arrange na lahat ng kailangan mo—mga gamit, sasakyan, accommodations. As in lahat. You just have to bring yourself. Let’s go?”
Ngayon… dadalhin na siya ng kapalarang ‘yon sa isang isla. Sa isang hindi pamilyar na lugar.
"Lorie, Is everything okay?" tawag nito sa babaeng kausap nya kanina.
"Yes Sir, Everything has been taken care of.”" sagot ng babae, bago meron iniabot sa kanya na papel.
Hindi na siya nabigyan ng pagkakataong tumutol o magtanong pa. Napakabilis ng pangyayari. Bago pa siya tuluyang makapagsalita, nakabukas na ang pinto ng opisina at ginigiya na siya palabas ng lalaki.
"Pwede mong basahin sa byahe, It's a contract, if ever na okay sayo ang lahat ng nakalagay dyan, ipa-finalize natin." paliwanag muli ni Lemar.
Napatango na lang sya sa lalaki, ang buong akala nya ay pag-uusapan lang ang paintings nya, sino ba naman sya para tumanggi? saan ka nakakita na ikaw na ang o-offeran ng trabaho na may magandang sahod at personal pang pinuntahan at tinawagan- too good to be true pero nangyayari na sa kanyan, gusto nyang kurutin ang kanyang sarili dahil baka panaginip lang ang lahat. "Hayyy mapapa Thank you Lord ka na lang!" kausap nya sa sarili nya.
MAYA-MAYA lang nasa himpapawid na sya sakay ng helicopter na may logo ng "H". Kakabalik lang din nito dahil meron inihatid na una sa kanila. Walang trenta minutos nakita na nya ang Isla mula sa taas.
Maganda ang tanawin mula sa itaas. Mula pa lang sa ere, kitang-kita na agad sa tuktok ng bundok ang pangalan ng resort—nakaukit ito sa malaking bato, palibhasa'y dinisenyo para mapansin kahit mula sa malayo. Maayos din ang pagkakatanim ng mga puno at halaman, na wari’y alagang-alaga at produkto mismo ng resort. Bawat detalye, tila pinag-isipan.
Ilang sandali lang ang kanilang biyahe sa himpapawid. Bagaman hindi pa ganap na bukas ang buong resort, may maliit na bahagi na ring bukas para sa mga piling panauhin.
Pagkababa nila, humarap sa kanya si Lemar.
“Pwede ka munang magpahinga. Alam kong pagod ka. Pero kung gusto mo, pwede ka ring maglibot-libot sa paligid,” malambing na sabi nito.
Agad siyang tumawag ng isang staff na tahimik na lumapit at magalang na yuyuko.
“Ihahatid ka niya sa kwarto mo,” dagdag ni Lemar, sabay sulyap sa kanya bago tumalikod.
Tahimik siyang sumunod sa staff habang pinagmamasdan ang paligid. Maganda ang kabuuan ng lugar—mapayapa, presko, at tila malayo sa gulo ng mundo. Hanggang ngayon, hindi pa rin siya makapaniwala na makakatuntong siya sa ganitong kagandang lugar—na parang sa mga larawan lang niya dati nakikita.
Pagpasok niya sa kwarto, unang tumambad sa kanya ang malalambot na kumot at maputing kobrekama. Ngunit ang mas nakatawag ng pansin niya ay ang mga nakaayos na gamit sa ibabaw ng kama—mga pambabaeng damit, mula panloob hanggang panlabas. Lahat ay bagong-bago, nakaplastik pa ang ilan.
Tama nga si Lemar. Halos wala na siyang kailangang dalhin. Para bang pinaghandaan talaga ang bawat detalye ng pagdating niya.
Napaupo siya sa gilid ng kama at napatingin sa kawalan. Saglit niyang naisip ang iniwan niya sa Maynila. Mabuti na lang, tapos na ang lahat ng kailangang asikasuhin sa eskwelahan. Ngayon, para bang binibigyan siya ng pagkakataong huminga.
Gusto sana niyang tawagan ang kanyang mga kaibigan, ibahagi ang bagong mundong kinatatayuan niya ngayon. Ngunit nagdalawang-isip siya. Saka na lang, bulong niya sa sarili. Kapag ayos na ang lahat.
Bigla niyang naalala ang kontratang bitbit niya. Mabilis niya itong kinuha mula sa kanyang bag at pasimpleng binuklat. Isa-isang pahina ang pinasadahan ng mata niya—at sa bawat linyang mabasa, lalo siyang natigilan.
Halos lumuwa ang mga mata niya sa laki ng halagang nakasaad sa alok. Hindi biro ang ibabayad sa kanya kapag natapos niya ito sa takdang oras. Para sa isang kagaya niyang nagsisimula pa lamang, isa na itong pangarap na nagkatotoo.
Ngunit sa kabila ng saya, may isa pa ring bagay na gumugulo sa kanyang isip.
Kailangan niyang manatili sa resort—hindi lang para matapos ang proyekto, kundi para naroon siya sakaling kailanganin ang agarang rebisyon. Parang bigla siyang ikinulong sa paraisong ito, at hindi pa niya tiyak kung ito ba'y gantimpala o bitag.
“Di bale… magagawan naman siguro ng paraan. Ang importante, may maipon ako,” bulong niya sa sarili, pilit inaalis ang kaba.
Sa kabila ng lahat, dama niyang magsisimula na ang isang bagong kabanata sa kanyang buhay.
Hindi niya namalayan na nakatulog na pala siya sa kaiisip. Napadilat na lamang siya nang maramdaman ang kumakalam niyang sikmura—halos wala siyang kinain kaninang umaga sa sobrang pananabik na makarating sa opisina.
Tahimik ang paligid, hanggang sa marinig niya ang mahinang katok sa pinto. Mabilis siyang bumangon at tinungo ito.
Pagbukas niya, isang staff na nakauniporme ang bumungad sa kanya, may magaan na ngiti sa mga labi.
“Hi Ma’am, lunch time po,” bati nito nang magiliw.
“Thank you,” tugon niya habang marahang binuksan nang mas malaki ang pinto upang makapasok ang staff.
“May pinapabigay po si Sir Lemar,” sabay abot ng maliit na papel na nakatiklop nang maayos.
“Salamat,” mahina niyang sabi.
Pagkaalis ng staff, agad niyang binuklat ang papel. Isang simpleng mensahe ang nakasulat:
“See you later in the lobby.”
Napangiti siya nang hindi namamalayan, habang marahang pinipisil ang papel.
Itutuloy…
=Justine=Ang araw ng binyag ni Emmanuel ang isa sa pinakamasayang araw sa buhay namin —puno ng tuwa, halakhakan, at mga taong matagal ko nang hindi nakita. Simple lang ang handaan sa villa, pero ramdam ang pagmamahalan sa bawat sulok—mula sa dekorasyong puti’t asul, hanggang sa mga upuang may palamuti ng baby’s breath at eucalyptus. Sa gitna ng kasiyahan, hindi ko mapigilang mapangiti habang pinagmamasdan ang anak naming si Emmanuel, mahimbing sa bisig ng lola niyang si Donya Litecia, na para bang nabura na ang mga bakas ng nakaraan sa kanyang mukha. Ngayon, isa siyang lola na punung-puno ng pagmamahal.Nasa gitna ako ng pakikipagkuwentuhan sa isa sa mga kapitbahay namin nang mapansin kong may pamilyar na babaeng papalapit. Hawak nito ang maliit na bag, at may ngiti sa labi na parang walang panahon ang dumaan.“Ellie?” halos pabulong kong nasambit, habang bumilis ang tibok ng puso ko.“Justine!” sabay abot ng mahigpit na yakap. “Oh my God, ang tagal nating hindi nagkita! Last time? B
**Richel’s POV***Tahimik ang gabi sa villa. Sa labas, ang huni ng mga kuliglig at ang banayad na hampas ng alon ang tila musikang maririnig ng gabing yun. Pero sa loob ng aming kwarto, mas malakas pa sa hangin ang pintig ng aking puso. Hawak ko ang isang maliit na kahon– katulad ng kahon na nakita ko noon dati bago ang aking aksidente —ang pregnacy test. Nakita ko eto kanina sa banyo at halos mapaluha ako — dalawang linya.Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman, pinaghalong kaba, saya at excitement. Pero isa lang ang sigurado ko: ngayong binigyan ulit kami ng pagkakataon, hindi ko na hahayaang maulit ang nakaraan. Ngayon, kasama na ako sa bawat hakbang. Hindi na siya mag-isa.Lumapit ako sa aming kama kung saan natutulog si Justine, hinaplos ko ang buhok niya, at marahan hinalikan ang kanyang noo.“Thank you... for this chance... to show you how much I truly love you.”Dahan-dahan etong nagmulat ng mata na may ngiti sa kanyang mga labi. “Bakit gising ka pa?” tanong niya sa inaantok
Makalipas ang dalawang buwan.Matapos ang pagbagsak ng pasilidad ni Don Rafael dahan-dahan ng naghihilom ang mga sugat ng nakaraan—ngunit hindi ang sugat sa puso ni Justine, nanatili sa kanyang alala ang eksena ng mga pangyayari na tila paulit-ulit na nagre-replay sa kanyang diwa, gising man o tulog. Sa isang secured medical facility na pag-aari ni Nathan na hindi matatagpuan sa mapa, muling dumilat ang mga mata ni Richel Hermano.Puting kisame ang sumalubong sa kanya, tanging tunog ng heart monitor ang kanyang naririnig, At isang pamilyar na kamay ang nakahawak sa kanya—si Justine.“Richel…Naririnig mo ako?” mahina ang boses nito, nasa mga nito ang galak ng makita ang kanyang pagmulat, mahigit dalawang buwang walang kasiguraduhan na magigising sya.Ngunit ngayon—Bahagyang gumalaw si Richel, tumulo ang luha sa kanyang pisngi— dahil sa katotohanang buhay pa siya. Hindi siya naiwan sa ilalim ng yelo. Sa kanyang kaliwang pulso, nakakabit ang isang prototype nano-regeneration cuff.“I tol
Ilang oras nang nakaposisyon sa paligid ang pwersa ni Richel na naghihintay sa hudyat kung kelan kikilos, ang ally na una ng nakapasok sa loob, ngunit walang sinuman ang nakahalata sa kanyang presensya. Kasama si Justine at Rafa at ilang nilang tauhan, maayos silang pinapasok sa malawak na pasilidad ni Don Rafael na tila isang panauhin.Lumapit sila sa gitna ng pasilidad, diretsong humarap kay Don Rafael. Ang matanda, nakatayo sa kanyang opisina, nakangisi at may malamig na titig. “So… you finally come face to face with me,” ani Don Rafael, boses puno ng panlilinlang at tagumpay.“Give me the antidote!” wika ni Richel.“Uh-uh! Not too fast!” nakangising wika ng Don. “You want the antidote? Fine! But give me your fortune! All of it!” sabi nito sa ganid na boses.“I won’t give you what you want. Not the Hermano fortune,” galit na sambit ni Richel.Napuno ng galit ang mga mata ni Don Rafael. “You disappoint me, Richel. I gave you a chance… And this is how you repay me?”“I will not gi
Greenland Facility, Arctic ZoneSa loob ng isang yelong facility with futuristic design and technology, si Don Rafael ay tahimik na nakatayo sa gitna ng isang command center na may 360-degree holographic view ng Arctic.“Status?” tanong niya sa operator.“Subjects in transit. ETA: 41 minutes. Perimeter defenses are online.”“Good!” maiksing sagot nya. Bago lumakad papasok sa kanyang private chamber kung saan tanaw pa rin ang kabuuhan ng artic view. Ilang taon nyang pinaghandaan ang pasilidad na eto, inubos nya ang buong yaman nyang nakuha sa pamamagitan ng maduming laro ng buhay— pero ang kapalit naman nito ay ang pagtayo ng kanyang bagong imperyo mula sa mga Hermano.Binalot ng katahimikan ang kanyang private chamber, lumapit sya sa maliit na bar counter sa loob nito at nagsalin ng alak bago naupo sa isang itim na leather chair, hawak ang basong may mamahaling alak, habang pinagmamasdan ang kumikislap na data sa harap niya.“I knew you would come because by this time the serum has fin
Ang liwanag ng umaga ay halos hindi makalusot sa makakapal na ulap na bumabalot sa bundok. Sa loob ng safehouse, tila naging kainip-inip ang bawat pag daan ng oras.Si Richel ay tahimik na nakaupo sa tabi ni Justine, hawak ang kamay nito habang pinagmamasdan si Lizzy na nilalaro ang kanyang stuffed bear sa isang sulok ng command room. Sa kabila ng lahat, larawan ng kaenosentehan ang kanilang anak, na tila walang problemang kinakaharap ang kanilang pamilya—isang bagay na handa nilang ipaglaban upang manatili protektado ang puso at isip nito."Nick, any word from the extraction team sa New York?" tanong ni Justine, di mapalagay ang mukha.Tumango si Nick. “Gabriel is in transit. We’re using a stealth jet from our allies in China, and he’ll be here within the next two hours.”Napabuntong-hininga si Justine. “We’ll finally see them together…”Hinawakan ni Richel ang kamay ni Justine.“Gagawin ko ang lahat para mabuo ang pamilyang eto,” bulong nya dito.Makalipas ang ilang oras.“He’s alm