=Richel=
Naginhawahan ang pakiramdam ni Richel nang tumama sa katawan niya ang malamig na tubig mula sa shower. Parang bahagyang naibsan ang sakit ng ulo niyang dulot ng ilang gabing hindi makatulog—dahil sa babaeng iyon.
Tatlong buwan na ang nakalilipas mula nang mangyari iyon. Isang gabi ng kabaliwan, ng pagkakalango, at ng hindi inaasahang sandali. Hindi niya matandaan ang mukha nito. Lango siya noon sa alak—hindi ganoong klaseng pagkakalasing ang madalas niyang maranasan. At sa lahat ng lugar, sa loob pa ng sasakyan siya nakatulog.
———FLASHBACK ———
Naalimpungatan siya nang marinig ang katok sa bintana.
“Sir, ayos lang po ba kayo?” tanong ng guard nang buksan niya ang bintana.
“Y-Yes,” sagot niya, pilit iniayos ang sarili.
“Kanina ko pa po kayo ginigising. Naka dalawang balik na ako rito. Tinatawagan ko nga po si Boss Jegs pero hindi rin sumasagot,” dagdag pa ng guwardya.
Napangisi si Richel.
"Kung lasing ako, siguradong mas lasing 'yung isang 'yon. Mababaw sa alak."
“Ayos lang ako,” sagot niya, saka umayos sa pagkakaupo.
“Buti na lang po sinabi ng babae na andito kayo,” sabi pa ng guard.
Napatingin siya.
“Anong babae?” usisa niya.
“Ngayon ko lang po siya nakita rito,” sagot ng guwardya habang umiiling.
Tumango na lamang siya at unti-unting pinaandar ang sasakyan.
“My Massimo…”
Naalala pa niyang bulong ng babae habang sinusundan siyang pumasok sa kotse.
Jegs calling...
“Bro,” sagot niya nang sagutin ang tawag.
“What happened to you?” tanong ng kaibigan. Marahil, nakarating na rito ang balita tungkol sa kanyang pagiging lantang gulay sa parking lot ng bar.
“Bakit parang bumubulong ka?” tanong ni Richel, pero bago pa man sumagot ang kaibigan, may narinig siyang ungol ng babae mula sa kabilang linya.
“Sh*t! Did you get laid?” natatawa niyang tanong.
Maliit na tawa ang isinagot ni Jegs.
“Bye. I just checked on you. Baka kasi pasukin ka ng mga alien d’yan sa parking lot at gawing breeding site ang bar ko,” sabay tawa pa nito.
“Gago,” balik-bara niya, sabay ngiti sa kaibigan.
Kailangang bumalik ni Richel ng Isla ng araw na iyon. May mga materyales na darating para sa construction ng bagong bahagi ng resort. Gusto niyang personal na mamahala sa proyekto. Bago tuluyang tumulak pauwi, may isa pa siyang tawag na kailangang gawin.
“I will deal with you as soon as I get back,” bulong niya sa sarili habang pinapihit ang manibela palabas ng SLEX.
———FLASHBACK ENDS———
Hindi nya maiwasang matawa sa kanyang sarili, ang isang Richel Hermano—anak ng politiko, matikas, may angking talino’t galing sa negosyo—ngayon ay ginugulo ng alaala ng isang babaeng hindi man lang niya matandaan ang mukha.
Dati, iisang babae lang ang nagpatibok ng puso niya—si Amie. Mahinhin, simple, guro sa pampublikong paaralan. Ang tipo ng babaeng iniisip niyang makakasama niya sa habang-buhay. Pero iniwan siya nito, sumama sa isang banyagang lalaki. Simula noon, naging sarado na ang puso niya. Physical attraction, one-night stands—‘yon na lang ang meron.
Wala nang lalim.
Kasalukuyan na nyang binabaybay ang kahabaan ng Edsa ng maputol ang kanyang pag-iisip sa tunog ng telepono.
Lemar Calling…
“Hey, man,” bati ng pinsan niyang si Lemar, isa sa nagma-manage ng resort sa Batangas.
“Why?” patamad niyang sagot.
“Masama yata gising mo, ah?” tukso nito. “Hulaan ko—babae ‘yan!” sabay tawa.
“Tsk. Ano na naman ‘to?” tanong ni Richel.
“Ready na ‘yung mga dokumentong pinapaayos mo. Pwede nang kunin.”
“Perfect. On the way ako pa-Batangas, bago mag-Quezon,” sagot niya. Timing. Wala ring traffic sa EDSA.
“Good. At tsaka bro, madaming hot chicks ngayon dito,” panunukso pa ng pinsan.
Napailing si Richel. “Loko talaga.”
Pagkarating sa resort, naiinip na siya. Mahaba-haba rin ang byahe niya mula Quezon, at plano niyang bumalik agad sa Isla para asikasuhin ang expansion project.
Habang hinihintay si Lemar, naisipan niyang maglibot sa bagong bahagi ng resort. Mas maganda ito ngayon—may taniman ng iba’t ibang puno, malapit sa beach, presko, at presensiya ng kalikasan ang pakiramdam.
Doon niya ito nakita.
Isang babae, nakaupo sa ilalim ng malaking puno. Nakapikit habang nakatingala sa langit. Sa harap nito, isang drawing board. Suot ang manipis na puting bistida, litaw ang ganda ng katawan sa ilalim ng araw. Para siyang painting na nabuhay.
Tahimik niyang kinuhanan ito ng larawan gamit ang cellphone. Bahagya itong nakatalikod kaya hindi niya pa rin lubos makita ang mukha.
“Richel!” sigaw ni Lemar.
Mabilis niyang itinago ang telepono.
“At last! Saan ka ba galing?” tanong niyang halatang naiinip.
“Diving with chicks,” nakangising sagot ni Lemar.
“Baka mapikot ka niyan.”
“Haha! Di mangyayari ‘yon.”
“Kailangan ko ‘yung files. May babalikan pa ako sa Isla.”
“Babalik ka na naman agad? Wala bang nabubuo sa’yo rito?” tukso nito. “Sayang ang porma mo!”
“Loko ka.”
Tawa lang ng tawa si Lemar. Alam nitong hindi pa rin lubos nakaka-move on si Richel kay Amie. At kahit ilang babae na ang dumaan, wala sa mga ito ang nagtutulak sa kanyang muling magmahal.
“Mag-stay ka na lang kahit overnight. Malay mo, dito mo makita si forever,” pangungumbinsi pa nito.
Umiling lang si Richel. “Ikaw muna. Mas matanda ka naman sa ‘kin. Mauna ka na sa pagkakaroon ng asawa,” tukso niya.
Tatawa-tawa si Lemar pero halatang hindi na siya mapipigilan.
Saglit niyang nilingon ang lugar kung saan nakita ang babae.
Wala na ito.
May kung anong lungkot ang dumampi sa dibdib niya. May bahid ng panghihinayang.
Napakunot ang noo niya habang muling bumalik sa isip ang eksenang ayaw niyang balikan—ang gabing hindi niya makalimutan, at ang babaeng hanggang ngayon ay tanong pa rin sa kanyang isip.
=====
Ang araw ng binyag ni Emmanuel ay tila isang pahinang hinango mula sa isang matagal ko nang ginugustong kabanata—puno ng tuwa, halakhakan, at mga taong matagal ko nang hindi nakita. Simple lang ang handaan sa villa, pero ramdam ang pagmamahalan sa bawat sulok—mula sa dekorasyong puti’t asul, hanggang sa mga upuang may palamuti ng baby’s breath at eucalyptus. Sa gitna ng kasiyahan, hindi ko mapigilang mapangiti habang pinagmamasdan ang anak naming si Emmanuel, mahimbing sa bisig ng lola niyang si Donya Litecia, na para bang nabura na ang mga bakas ng nakaraan sa kanyang mukha. Ngayon, isa siyang lola na punung-puno ng pagmamahal.Nasa gitna ako ng pakikipagkuwentuhan sa isa sa mga kapitbahay namin nang mapansin kong may pamilyar na babaeng papalapit. Hawak nito ang maliit na bag, at may ngiti sa labi na parang walang panahon ang dumaan.“Ellie?” halos pabulong kong nasambit, habang bumilis ang tibok ng puso ko.“Justine!” sabay abot ng mahigpit na yakap. “Oh my God, ang tagal nating hin
**Richel’s POV***Tahimik ang gabi sa villa. Sa labas, ang huni ng mga kuliglig at ang banayad na hampas ng alon ang tanging musika ng gabi. Pero sa loob ng aming kwarto, mas malakas pa sa hangin ang pintig ng aking puso.Nasa tabi ko si Justine, mahimbing ang tulog sa ilalim ng maputing kumot. Sa kamay ko, hawak ko ang maliit na kahon. Sa loob nito, ang test kit na naging dahilan ng halos di ko mapigilang luha kanina—dalawang linya. Positive. Nakita ko eto kanina sa banyo.Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman, pinaghalong kaba, saya at excitement. Pero isa lang ang sigurado ko: ngayong binigyan ulit kami ng pagkakataon, hindi ko na hahayaang maulit ang nakaraan. Ngayon, kasama na ako sa bawat hakbang. Hindi na siya mag-isa.Hinaplos ko ang buhok niya, at marahan kong hinalikan ang kanyang noo.“Thank you... for this chance... to show you how much I truly love you.”Napadilat si Justine, marahan at may ngiti sa kanyang mga mata. “Bakit gising ka pa?” tanong niya, inaantok pa ang bos
Dalawang buwan makalipas ang pagbagsak ng fortress sa Antarktika, dahan-dahang naghilom ang mga sugat ng nakaraan—ngunit ang marka nito sa puso ng bawat isa ay hindi madaling mabura. Sa isang mataas na bundok sa hilaga ng Italya, sa isang private medical compound na hindi matatagpuan sa mapa, muling dumilat ang mga mata ni Richel Hermano.Puting kisame. Tunog ng heart monitor. Amoy ng antiseptic. At isang pamilyar na kamay ang nakahawak sa kanya—si Justine.“Richel…” mahina ang boses nito, ngunit dama ang lakas ng damdamin. “Naririnig mo ako?”Bahagyang gumalaw si Richel, at ang unang iniluha niya ay hindi dahil sa sakit—kundi sa katotohanang buhay pa siya. Hindi siya naiwan sa ilalim ng yelo. Sa kanyang kaliwang pulso, nakakabit ang isang prototype nano-regeneration cuff—isang inimbentong pinakawalan nina Nick at Rafa mula sa kanilang research facility.“I told you,” ani Nick, na pumasok kasabay ni Rafa. “You’re too stubborn to die.”Napangiti si Rafa, bagama’t halatang may sugat pa r
Sa gitna ng lumalakas na hangin at rumaragasang yelo, halos hindi marinig ang paghikbi ni Justine habang hawak ang walang malay na katawan ni Gabriel. Si Lizzy naman ay nakayakap kay Rafa, habang sina Nick at ang extraction team ay pilit na binubuo ang portable med dome sa lilim ng bumagsak na bahagi ng bundok. Lahat sila ay sugatan, pagod, at halos wala nang lakas. Ngunit mas masakit pa sa anumang pasa at pilat ang kawalan ng katiyakan—wala si Richel. Wala ang puso ng kanilang laban.“Transmitter signal detected,” ulit ni Nick habang ina-adjust ang frequency scanner. “It’s weak… but it’s him. It’s Richel.”Mabilis ang naging kilos ng lahat. Tumakbo si Rafa papunta sa uplink console habang si Justine ay napapitlag, parang biglang binuhusan ng liwanag ang kanyang buong katawan. “He's alive? Tell me he's alive, Nick!”“Yes,” sagot ng binata, nangingilid ang luha sa kanyang mga mata. “And if the beacon's holding, he's somewhere beneath the southern ridge—roughly fifty meters down. Trapped
Nag-aalimpuyong hangin at yelo ang bumalot sa buong fortress habang ang electronic systems ay nanatiling patay. In the center of the room, ang katawang dapat ay walang malay ni Don Rafael ay unti-unting tumayo, parang isang nilikhang hindi na ganap na tao. Ang kanyang mga mata ay mapuputi na parang salamin, wala nang anumang bakas ng dating pagkatao—isang ebidensyang ang serum ay naging tuluyan nang instrumento upang burahin ang kanyang kaluluwa.“Lizzy, Gabriel, stay close,” bulong ni Justine habang kinukubkob niya ang mga anak.Lumapit si Richel, tangan ang isang pulang emergency flare gun habang si Rafa ay hawak ang EMP-triggered disruptor. Nakatutok ang lahat kay Don Rafael, na ngayon ay tila hindi na umaandar sa natural na kakayahan kundi sa isang artipisyal na lakas na dala ng decades of experiment at greed.“Nick, sitrep!” sigaw ni Richel.“EMP pulse confirmed effective—pero temporary lang ‘yon. Rafael’s operating on a self-generating neural core, enhanced by Lizzy and Gabriel’s
Ang liwanag ng umaga ay halos hindi makalusot sa makakapal na ulap na bumabalot sa bundok. Sa loob ng safehouse, mabibigat ang bawat paghinga na tila ba ang oras ay tila bombang maaring sumabog anumang sandali. “Twenty-four hours tops,” ani Nick habang tinitigan ang digital map ng Arctic region. “Based on the flight plan, Don Rafael’s convoy will arrive at the Greenland facility by dawn tomorrow.”Si Richel ay tahimik na nakaupo sa tabi ni Justine, hawak ang kamay nito habang pinagmamasdan si Lizzy na nilalaro ang kanyang stuffed bear sa isang sulok ng command room. Sa kabila ng lahat, larawan ng kaenosentehan ang kanilang anak, na tila walang problemang kinakaharap ang kanilang pamilya—isang bagay na handa nilang ipaglaban upang manatili protektado ang puso at isip nito."Nick, any word from the extraction team sa New York?" tanong ni Justine, di mapalagay ang mukha.Tumango si Nick. “Gabriel is in transit. We used a stealth jet from our allies in China. He’ll be here in the next two