CHAPTER 1
“ATE, Ate” tawag sa kanya ng bunsong kapatid habang tumatalon pa sa higaan nya.
“Ano ba Marga, ang aga-aga” pupungas-pungas syang tumingin sa kapatid.
“Ate, tanghali na at kanina pa naghihintay sayo ang mga kaibigan mo!”
“W-WHAT!” dali-dali syang bumangon at tumingin sa orasan
“SH*T! bakit ngayon mo lang ako ginising?!” halos madapa sya sa magpapadali, mabilis nyang inayos ang sarili, lagot na naman ako sa tatlo, sermon na naman ako.
“Hay naku Ate, ewan sayo, kase naman kakaisip kay crush kaya ka napuyat!”
Nanlalaki ang mata na napatingin sya sa kapatid na mabilis nakalabas ng pinto.
“Hoy Margarita bumalik ka nga dine, aba! Saan mo natutunan yan!”
Narinig pa nya ang hagikhik nito.
“Loko yun ah, saan nya natutunan ang salitang yun, ke bata-bata pa”
Mabilis syang nakapag-ayos ng sarili, isang maiksing palda ang sinuot nya at hanging blouse na kita ang kanyang pusod. Itinali din nya pataas ang kanyang buhok kaya na emphasize ang maputi nyang leeg.
“Justine! Hindi ka pa ba lalabas dyan kanina pa naghihintay ang mga bisita mo!” narinig nyang sigaw ng kanyang mama.
“Andyan na po, lilipad na!” sagot nya sa ina.
Mabilis nyang binitbit ang maliit nyang traveling bag na kagabi pa nya naigayak. Mula ng maging kaibigan ko ang tatlo madalas silang magkayayaan na mag-out of town. Syempre dahil wala syang pera hindi tulad ng kanyang mga kaibigan nili-libre sya ng mga eto, buti na lang meron sasakyan si Marian kaya nakikisakay na lang sila sa kaibigan.
“Pagsabihan mo yang anak mo Melinda, sumosobra na ang kagagala nyan, hindi na nga nakakatulong dito sa bahay, dagdag gastos pa!” naulinigan nyang reklamo ng asawa ng kanyang mama.
“Ano ka ba Rolando, hindi naman humihingi sayo ng pera ang bata, tsaka wala ka naman ginagastos sa kanya!”
“Bakit Gaano lang ba ang binibigay ng ama nyan? Eh kulang pa nga sa kunsumo nyan dito sa bahay!”
“Hinaan mo nga yang boses mo”
Pinatunog nya ang kanyang sapatos para marinig ng mga eto ang pagdating nya.
“Ma’, Aalis na ako”
Nakita ko silang nakaupo sa hapag-kainan kasama ang kambal.
“Mag-iingat ka Justine, kelan ba ang uwi nyo?”
“Balik din kami agad, Ma’”
"Kumain ka muna, para may laman ang tiyan mo!"
"Hindi na 'Ma" "baka bilangin pa ng asawa mo ang bawat butil na isusubo ko" sabi nya sa sarili nya.
“Nagpaalam ka ba sa Papa mo?”
“Bye, Ma!” hindi na nya sinagot ang tanong nito, ayaw nyang pag-usapan ang Papa nya.
“Pasalubog, Ate!” sabay na wika ng kambal, pitong taong gulang na ang mga eto.
Ginulo nya ang buhok ng mga kapatid bago hinalikan. Mabilis syang tumalikod.
Kahit kelan hindi sya nakaramdam ng amor sa kanyang step-father. Bata pa lang ng maghiwalay ang kanyang mga magulang, madalas mag-away ang mga eto dahil sa pambabae ng kanyang ama hanggang sa tuluyan maghiwalay, nagkaron ng pangalawang asawa ang kanyang ama pero hindi eto nagkaroon ng sariling anak sa pangalawang asawa na meron dalawang anak sa unang nitong asawa, ang kayang ina naman ay nagkaron na rin ng asawa at nagka-anak ng kambal, sina Marco at Marga. Noon ko nakitang maligaya ang kanyang ina, mabait ang napangasawa nito pero ramdam nya na hindi sya nito tanggap. Nagpalipat-lipat sya sa kanilang dalawa, minsan isang linggo sya sa bahay ng kanyang ama at isang linggo sa bahay ng ina. Literal na para syang bola “nobody wants her to stay”. Pareho silang naging masaya pero naiwan syang nag-iisa. Kaya hinanap nya sa iba ng pagmamahal na kulang sa kanya, buti na lang nakilala nya ang kanyang tatlong sisteret sina Celine, Marian at Jill sa isang two-day hiking.
NAKASIMANGOT na mukha ng mga kaibigan ang sumalubong sa kanya sa labas.
“Sa wakas, lumabas na ang pricesa ng Etheria, My GOD Justina, kelan mo ba itatama ang orasan mo!?” nakasimangot na wika ni Marian.
“Tama ang orasan ko, masyado lang kayong maaga!” tumatawang sagot nya dito.
“Mauubos ko na ang baon kong tubig, buti lumabas ka na” sabi ni Jill na umiinom ng tubig sa jug.
“Bakit ba hindi kayo pumasok sa loob?” nagtataka nyang tanong.
“Hay naku, ayaw naming makita ang nagbabagang mata ng Step-dad mo, baka makadagdag kami sa bill ng tubig nyo!”
Napabuntunghinga na lang si Justine.
“Kayo naman hindi na kayo nasanay”
“Bakit ba hindi ka pa umalis dyan? Kung tutuusin pwede ka ng mag-solo, nasa tamang edad ka na, tsaka di ba ikaw naman ang gumagastos sa pag-aaral mo, di ka naman sinusustentuhan ng papa mo sa pang matrikula, Hay naku Justine!” Wika ni Celine habang binubuhay ang makina ng sasakyan.
"Isang taon na lang makakatapos na rin ako at pangako hindi ako mag-aasawa!" bulong nya sa sarili nya.
“Tsk! ayoko iwan si Mama, sya na nga lang ang meron ako, Uy teka, bakit ikaw ang magda drive?” nagtatakang tanong nya
“Gusto mo ikaw na?” nangaasar na wika ni Celine
“Aba eh malay ko dyan, basta ako sasakay lang, sanay kase ako na si Marian ang nagda drive” mabilis nyang sagot dito.
“Hay naku girls hayaan na natin sya mag-rest for a while kase pagod ang puso nyan” natatawang wika ni Jill, sabay kindat saming dalawa pero dagli ring napasimangot ng makita ang suot nya.
“Ano ba naman yang suot mo Justine, hindi naman tayo sa bar pupunta”
“Hayaan mo na ang mga damit ko, inaano ka ba nya? Palibhasa ikaw kulang na lang eh pati kuko mo damitan mo na” sabay kindat ko dito katulad ng ginawa nya kanina.
Napatawa naman eto sabay hagis ng chips sa kanya.
Halos magkakasing edad lang sila, Mag-bestfriend sina Marian at Jill parehong anak mayaman, nagta-trabaho na ang mga eto sa kompanya ng mga magulang ng mga eto. Si Celine naman ay Law ang kinukuha nito, kaya hanggang ngayon nag-aaral pa rin. Fine Arts naman ang kurso nya, napahinto sya sa pag-aaral noon dahil ayaw sya sustentuhan ng mga magulang dahil may kanya kanya ng pamilya, buti na lang nakakuha sya ng full scholarship sa isang University at nagpart-time sya bilang assistant ng isang sikat na photographer kaya naipagpatuloy nya ang pag-aaral. Sa edad nyang bente dos lahat yata ng raket na trabaho ay napasok na nya, waitres, yaya, at marami pang iba. Lumaki sya na malayo ang loob sa kanyang ama dahil sa nangyari sa pamilya nila. Dala-dala nya ang kanyang gamit sa pag-guhit at syempre ang kanyang lumang lumang camera.
Pakanta pa si Celine habang nagmamaneho, sa kanilang magkakaibigan eto ang biniyayaan ng magandang boses.
Halos dalawang oras din ang byahe nila papuntang Batangas, sa isang beach resort sa Laiya ang distinasyon nila.
Magla-lunch time na ng makarating sila ng Private Beach Resort, “Hermano Beach Resort” napakaganda ng lugar, nakakarelaks tamang tama sa katulad nya puro stress sa school.
Isang Cabana lang silang apat nagshare, gawa sa bamboo at kahoy pero pagpasok mo sa loob moderno ang design, may dalawang malaking kama, isang banyo at balcony napaka relaxing ng ambiance.
Pagkakain ng lunch nasyesta ang tatlo nyang kaibigan, marahil dala ng pagod mabilis nakatulog si Celine, Si Marian at Jill naman ay iniwan nya na ngaku-kwentuhan pa. Nagpalit lang sya ng damit, isang manipis na puting bistida na abot kalahati ng hita nya ang haba na ipinatong nya sa two-piece swimsuit na panloob kaya kitang kita ang ganda ng kanyang katawan. Dala ang camera at gamit sa pagpinta na nakalagay sa maliit na bag naisipan nyang maglakad-lakad sa lugar, pinili nyang ang lugar na merong mayayabong na puno, pero kita pa rin ang dalampasigan, sobrang ganda ng pagkaka design ng resort hindi nito sinira ang natural na hitsura ng lugar, makikita sa mga puno na halatang matanda na, pino ang buhangin at malinis na tubig. Meron mga upuan at lamesa sa ilalim ng bawat puno, meron din duyan.
Nagsimula na syang ipinta ang ganda ng lugar. Naputol ang maayos na daloy ng kanyang imahinasyon ng biglang makarining ng kaluskos sa paligid.
***Itutuloy***
Chapter 38Ilang araw makalipas, sa loob ng ancestral mansion ng mga Hermano sa Alabang, tahimik na nakaupo si Donya Leticia sa kanyang opisina. Kaharap niya ang isang matandang lalaki, isang bihasang pribadong imbestigador na matagal na niyang pinagkakatiwalaan. Mariing nagsalita ang Donya, habang marahan niyang pinapaikot sa mga daliri ang kanyang pearl rosary. “Gusto ko ng buong impormasyon tungkol sa babaeng si Justine Mae Lucas. Gusto kong malaman kung bakit siya bumalik, sino ang mga kasama niya, saan siya nagpupunta, at kung ano ang intensyon niya.” Tiningnan siya ng imbestigador at tahimik na tumango. “Ayon po sa initial observation namin, may isa siyang kasamang babae—kaibigan daw niya. Walang kahina-hinala. Wala po kaming naobserbahang kapansin-pansin na kilos... pero mukhang may tinatago siya.” Sumimangot si Donya Leticia. “Ganyan din ang pakiramdam ko. Alam kong hindi lang basta negosyo ang dahilan ng pagbabalik niya. Sinira na niya noon ang buhay ng anak ko—ngayon pa k
Chapter 37TAHIMIK ang gabi sa veranda ng hotel kung saan ginanap ang launching event ng bagong boutique ni Justine. Kumakaway ang malamig na hangin sa kanyang mukha habang yakap niya ang kape. Matagal siyang nakatayo roon, nakatanaw sa mga ilaw ng lungsod. Sa bawat pintig ng puso niya, may tanong na patuloy na kumakatok: Bakit ganito ang tibok ng damdamin ko tuwing nariyan siya?“What are you thinking?” wika ng boses sa likod niya.Napalingon siya. Si Richel.“Hi, Why are you here?,” sagot ni Justine, ganting tanong nya dito. Nagtagpo ang kanilang mga mata. Ilang sandaling katahimikan ang namagitan sa kanila, tila bang parehong may gustong alalahanin pero ayaw bigkasin.“Justine,” mahinang tawag ni Richel. “I really wanted to know you… Why is it that every time I look at you... There's an unbearable pain that I can't explain.”Hindi siya agad nakasagot. Ngunit bago pa siya makapagsalita, isang mabilis na flash ng camera ang natanaw sa di kalayuan—tila may nagmamasid sa kanila.“Did yo
Chapter 36Tahimik ang gabi. Tanging tunog ng ulan sa labas ang maririnig, tila ba kasabay ng pagpatak nito ang mga tanong na paulit-ulit na bumabagabag sa isipan ni Justine.Bakit ngayon? Bakit kailangang magkrus muli ang landas nila ni Richel?At higit sa lahat—bakit kailangang makalimot siya?MAKALIPAS ang tatlong araw mula nang huli silang mag-usap ni Richel. Hindi pa rin nawawala sa isip ni Justine ang tanong nito:“Nakita na ba kita dati?”Parang hinukay ang lahat ng damdamin na matagal na niyang ibinaon sa limot.Ngunit sa kabila ng lahat, natanggap niya ang paanyaya. Isang investors’ night ang gaganapin ng Hermano Enterprises, kung saan formal na ilulunsad ang bagong proyekto—isang fashion collective na magbibigay-puwang sa mga lokal na designer. Isa ang boutique ni Justine sa mga napili.Pero hindi iyon ang dahilan kung bakit siya nandoon.Pumunta siya para sa isang bagay na mas personal, mas masalimuot: ang malaman kung may puwang pa ba siya sa alaala ni Richel.Suot ang isan
Chapter 35MAINIT ang hangin ng hapon sa Maynila. Mula sa loob ng itim na SUV, tahimik na nakatanaw si Justine sa labas habang binabaybay nila ang kahabaan ng Ortigas. Sa tabi niya ay tahimik ding naglalaro sa tablet si Gabriel, habang si Jill naman ay abala sa pagtsek ng schedule nila para sa araw na iyon."Three days bago ang soft opening ng boutique," ani Jill. "May media guests ka, pati ilang influencers. Tapos may dinner meeting ka kay Sir Anthony sa Friday. Confirmed na rin ‘yung big order from Jakarta. Busy week ahead."Tumango si Justine. “Ayos lang. Mas gusto ko ‘yan kesa sa masyadong maraming oras para mag-isip.”Napatingin si Jill sa kaibigan. Alam niyang kahit gaano pa kaayos sa labas ang sitwasyon ni Justine, may mga multo pa ring hindi nito kayang takasan. Lalo na ngayon, na ilang kilometro lang ang layo niya sa taong minsan niyang minahal ng buo.SA BOUTIQUETatlong araw na lang bago ang pagbubukas ng kanilang flagship store. Naka-display na ang ilan sa mga bagong diseny
Chapter 34Tahimik ang gabi sa Singapore. Sa labas ng kanyang bintana, tanaw ni Justine ang mga ilaw ng lungsod—mga ilaw na tila ba’y sumasalamin sa mga luha’t alaala na matagal na niyang tinatangkang ibaon sa limot. Anim na taon na. Anim na taon mula nang lisanin niya ang Pilipinas. Anim na taon mula nang tumigil sa paghinga ang kalahati ng kanyang puso.Nakatayo siya ngayon sa harap ng malaking salamin ng kanyang kwarto, suot ang simpleng puting robe. Sa kanyang mga kamay, banayad niyang hinaplos ang mukha ng kanyang anak na si Gabriel, na himbing ang tulog sa kama. Sa bawat paghaplos ay nanunumbalik ang alaala ng sandaling isinilang niya ang kanyang kambal—isang buhay, ngunit hindi nabuhay ang isa.. Hanggang ngayon ay sariwa pa rin ang kirot. Sariwa pa rin ang sakit ng mawalan ng anak, ng mawalan ng tiwala, ng mawalan ng direksyon.Pero nandito na siya ngayon.Wala man sa sariling bayan, matagumpay siyang nakatindig. Sa tulong ng kaibigang si Jill, na hindi kailanman bumitaw sa kany
Chapter 33 MAG-IISANG linggo na sila dito sa Manila dahil na rin sa tulong ni Lemar, ayaw nya sana dito dahil nag-aalala sya na baka may makakita sa kanya na kakilala nya, pero dahil sa maselan ang kanyang kalagayan dahil sa kambal ang pinagbubuntis nya , mas minabuti ng binata na dito sya mamalagi sa condo nito, bago lang daw ang unit, kinuha lang daw eto ng binata last year dahil sa ganda ng location, Mabuti na lang daw at naisipan nitong kunin ang unit kahit pa wala sa plano nito ang tumira sa Manila dahil nasa probinsya ang buhay nito. Kasama nya si Jill na tumira dito dahil na rin sa suhestyon ng binata na mabilis namang sinang-ayunan ng kaibigan. “Kapag may kailangan ka tawagin mo lang ako, nasa kusina lang ako” sabi ni Jill sa kaibigan. “Wag mo na kase akong isipin, ayos lang ako dito, okay” sabi nya sa kaibigan, sinamaan sya nito ng tingin, hindi nya mapigilang mapatawa sa hitsura nito na tila ba kakain ng tao, ewan ba nya sa kaibigan nya pinaglihi yata sa sama ng loob da