Chapter 42KINABUKASAN, maaga pa lang ay tinungo na ni Richel ang bahay ng pinsang si Lemar. Hindi siya mapakali—ang panaginip na tumatak sa kanyang isip ay tila hindi ordinaryo. May hinahanap ang damdamin niya. May tanong na kailangan ng sagot.Pagkababa ng kotse, agad siyang sinalubong ni Lemar, halatang gulat at may bahid ng pag-aalangan sa mukha.“Richel? It’s a pleasant surprise!” bati nito, bahagyang pilit ang ngiti.“Pasensya ka na, Lemar. Kailangan talaga kitang makausap,” tugon ni Richel, seryoso ang tono.Pinaunlakan siya ni Lemar na pumasok. Tahimik silang naupo sa veranda. Ilang saglit ng katahimikan bago muling nagsalita si Richel.“Lemar… may gusto akong itanong tungkol s
Chapter 41TAHIMIK ANG GABI SA MAYNILA. Tuwing binabalot ng lungkot ang kanyang puso bumabalik sya pagpinta, mabuti na lang mapagkakatiwalaan ang mga empleyado nya at syempre si Jill. Na malaki ang utang na loob nya sa kaibigan.Mula sa loob ng kanyang boutique gallery, tahimik na pinagmamasdan ni Justine ang kanyang mga likha—mga obra maestrang matagal nang itinatago, ngayon ay unti-unting binibigyang buhay at ilaw ng exhibit na siya mismo ang nag-organisa. Sa isang sulok ng silid, naroon ang isang painting na matagal nang itinatago sa baul ng kanyang puso—isang babaeng buntis, hawak-hawak ang tiyan, nakatingin sa malamlam na langit.“Pilit kong nilimot… pero bakit parang ang hirap?” bulong niya sa sarili, pinipilit iwaksi ang
Chapter 40MAINIT ang araw nang hapong iyon, ngunit mas mainit ang damdaming gumugulo sa dibdib ni Jill habang nakatanaw siya mula sa loob ng boutique papunta sa kalsadang kung saan naglalakad sina Justine at ni Gabriel. Simple lang ang tanawin—isang ina at anak na tila walang iniintinding mundo. Ngunit sa mata ni Jill, may aninong nakatago sa likod ng larawang iyon, isang misteryong pilit binabalewala ni Justine."Jill?"Napalingon siya sa tumawag—si Lemar. Bitbit ang isang box ng tela mula sa supplier, may bakas ng pagod ngunit nanatiling kalmado ang aura nito. Lihim nya etong tinawagan sa Singapore at mabilis naman umuwi ng Pilipinas ang binata."Lemar... " mahinang sambit ni Jill, halos pabulong ngunit puno ng bigat.
Chapter 39TAHIMIK ang gabi ngunit puno ng tanong ang isipan ni Richel habang pinagmamasdan ang sariling repleksyon sa salamin. Ilang araw na niyang napapansin ang pag-iwas ni Justine. Sa tuwing magkakasalubong ang kanilang mga mata, palagi itong nauurong, tila ba may tinatago—o sadyang ayaw na niyang makalapit muli.Pero bakit?Isang pakiramdam ang unti-unting gumugulo sa kanya. Hindi lang basta awa o guilt—kundi isang damdaming matagal na niyang pilit kinalimutan. Isang damdaming muling sumisibol.Pagmamahal?Nagsimula ito sa mga simpleng tinginan. Hanggang sa gusto na niyang madalas na makita ang ngiti ni Justine, marinig ang boses nito, at malaman kung anong bumabagabag dito.Ngunit mas lalong naging ma
Chapter 38Ilang araw makalipas, sa loob ng ancestral mansion ng mga Hermano sa Alabang, tahimik na nakaupo si Donya Leticia sa kanyang opisina. Kaharap niya ang isang matandang lalaki, isang bihasang pribadong imbestigador na matagal na niyang pinagkakatiwalaan. Mariing nagsalita ang Donya, habang marahan niyang pinapaikot sa mga daliri ang kanyang pearl rosary. “Gusto ko ng buong impormasyon tungkol sa babaeng si Justine Mae Lucas. Gusto kong malaman kung bakit siya bumalik, sino ang mga kasama niya, saan siya nagpupunta, at kung ano ang intensyon niya.” Tiningnan siya ng imbestigador at tahimik na tumango. “Ayon po sa initial observation namin, may isa siyang kasamang babae—kaibigan daw niya. Walang kahina-hinala. Wala po kaming naobserbahang kapansin-pansin na kilos... pero mukhang may tinatago siya.” Sumimangot si Donya Leticia. “Ganyan din ang pakiramdam ko. Alam kong hindi lang basta negosyo ang dahilan ng pagbabalik niya. Sinira na niya noon ang buhay ng anak ko—ngayon pa k
Chapter 37TAHIMIK ang gabi sa veranda ng hotel kung saan ginanap ang launching event ng bagong boutique ni Justine. Kumakaway ang malamig na hangin sa kanyang mukha habang yakap niya ang kape. Matagal siyang nakatayo roon, nakatanaw sa mga ilaw ng lungsod. Sa bawat pintig ng puso niya, may tanong na patuloy na kumakatok: Bakit ganito ang tibok ng damdamin ko tuwing nariyan siya?“What are you thinking?” wika ng boses sa likod niya.Napalingon siya. Si Richel.“Hi, Why are you here?,” sagot ni Justine, ganting tanong nya dito. Nagtagpo ang kanilang mga mata. Ilang sandaling katahimikan ang namagitan sa kanila, tila bang parehong may gustong alalahanin pero ayaw bigkasin.“Justine,” mahinang tawag ni Richel. “I really wanted to know you… Why is it that every time I look at you... There's an unbearable pain that I can't explain.”Hindi siya agad nakasagot. Ngunit bago pa siya makapagsalita, isang mabilis na flash ng camera ang natanaw sa di kalayuan—tila may nagmamasid sa kanila.“Did yo