"BAKIT ngayon ka lang?" Kalmado man ang tono ay naroon pa rin ang pagsasalubong ng mga kilay ni Angelo.
Hindi ako makatingin sa kaniya ng matagal dahil inaagaw ang atensyon ko ng notebook na hawak niya. Bakit nasa kaniya ang writer notes ko? Nalaman na kaya niyang ako ang totoong cameyofan at hindi ang kapatid kong si Sheena?!
"I'm asking you, bakit ngayon ka lang?" pag-uulit ng kaharap ko sa tanong. Nakaupo siya sa silya ng karinderya at magkakrus ang mga braso. Hindi ko maiwasang mailang sa paraan niya ng pagtingin sa akin.
"Traffic, eh." Nilabanan ko ang mga matatalim niyang paningin sa akin.
Ikinagulat ko nang iabot niya sa akin ang notebook na hawak niya. Parang tanga ko naman iyong kinuha. "Pinapunta mo ako rito para ibigay lang itong notebook?" Napasinghal ako. Ano bang trip ng hunghang na 'to? Kung ito lang naman pala ang purpose kung bakit niya ako pinapunta rito, bakit hindi niya na lang ipinagpabukas?!
Dahan-dahang tumango si Angelo, blangko pa rin ang ekspresyon. Hindi na magkasalubong ang kaniyang mga kilay tulad kanina. Gayunpaman ay ramdam ko pa rin ang tensyon sa pagitan namin.
"Akala ko ba may sasabihin ka? Akala ko ba gusto mo akong makausap?" Ako naman ang nagsalubong ang mga kilay.
"Mukhang wala ka namang balak sabihin, eh."
Taka ko siyang tiningnan. "Sabihin ang alin? Teka nga, pinapunta mo ako rito dahil sabi mo may gusto kang pag-usapan. Tapos ngayon bigla kang naging ganiyan? Sinasayang mo lang ang oras ko, tss."
"Wala ka ba talagang sasabihin?" Magkakrus pa rin ang mga braso ng hunghang. Kung tingnan niya rin ako ay para bang gusto niya akong hatiin sa gitna. Ano bang problema ng isang 'to?
"Ano bang sasabihin ko? Eh, 'di ba ikaw ang dapat na may sabihin kasi ikaw ang may kailangan sa akin?"
Hindi umimik si Angelo. Hinilot nito ang sintido saka tumingin sa relo niya. "Ihahatid na kita."
"Hindi na," agad kong tanggi.
"Ihahatid na kita, huwag ka nang makulit." Hinila ako ni Angelo palabas ng karinderyang iyon. Sinamaan ko naman siya ng tingin dahil marami nang taong nakatingin sa amin. Nakakahiya, pisti!
Nang makarating kami sa kotse ni Angelo ay napatigil siya sa pagbukas ng pinto nito dahil may humawak sa braso niya. Natigilan naman ako nang makilala kung sino ang humawak sa braso ni Angelo.
Ikinagulat ko nang bigla-bigla ay suntukin ni Onyx si Angelo. Hindi naman na nakailag ang huli. Sobrang bilis ng mga pangyayari, sa loob ng isang kurap ay nangyari ang bagay na iyon.
"Onyx! Anong ginagawa mo?!" Agad kong hinila palayo ang kumag.
"Siya na ba ang bago mo, Rose? Kaya ba hindi na tayo pwedeng bumalik sa dati?" Maluha-luha akong tiningnan nito.
Napatingin na lamang ako kay Angelo na may dugo na sa gilid ng labi. Sinamaan ko ng tingin si Onyx dahil doon. "Hindi ka ba nag-iisip? Paano kung kaibigan ko lang 'yung tao? At saka ano naman ang pakialam mo kung magkaroon ako ng bago?"
Tiningnan ako ni Onyx sa paraang hindi ko maintindihan. Naroon ang sakit at naroon din ang pait. Hindi ko gaanong mapaliwanag. Ang masasabi ko lamang ay mukhang nasaktan siya nang sobra, ebidensya ay ang mga dumadaloy niyang luha.
"Bumalik na tayo sa dati, Rose. Please. Kahit anong gusto mo gagawin ko." Halos lumuhod ito sa harap ko.
Napakuyom ang mga kamao ko. "Ikaw ang nagbigay ng rason kaya tayo naging ganito, Onyx. You cheated, nalimutan mo na ba?" Mapait akong ngumisi.
"A-Ano? Hindi! Saan nanggaling iyan? Hinding-hindi kita lolokohin!"
"Ano pa bang aasahan ko? Walang manloloko na umaamin."
"Hindi mo man lang ba hihingiin ang side ko? Makikinig ka na lang ba talaga sa mga sabi-sabi?"
Muli ay nagpakita ako ng nakakalokong ngisi. "Eh, mukhang mas mapagkakatiwalaan ko sila kesa sa'yo, eh."
"Gano'n ba ang pagkakakilala mo sa akin, Rose? Oo, aaminin ko gago ako madalas pero hinding-hindi kita kayang lokohin."
Hindi ko na lang siya pinakinggan at sumakay na lamang ako ng kotse ni Angelo. Hinintay kong sumakay rin ang hunghang na si Angelo pero mukhang wala itong balak. Masama ang pagkakatitig nito kay Onyx sa labas ng kotse.
Ikinagulat ko nang biglang ngisian ni Angelo si Onyx. Ano bang nangyayari? May balak bang mag-away ang mga ito? Agad akong bumaba ng sinasakyan ko.
"Tayo na, Angelo." Hinila ko ito pero ayaw nitong magpatinag sa pagkakatitig kay Onyx. Parehas silang hindi mahiwat sa paglalabanan ng masasamang titig.
"Onyx, umalis ka na lang. Mag-usap na lang tayo sa ibang araw." Itinulak ko ito nang bahagya pero tulad ni Angelo ay mukhang wala rin itong balak magpatinag.
Palipat-lipat ko silang tiningnang dalawa.
"Ikaw pala 'yung ipinalit sa akin ni Rose?" nanunuyang tanong ni Onyx.
Nanlaki ang mga mata ko matapos iyong itanong ni Onyx. Ano bang nangyayari? Sandali!
"Eh, ano naman sa'yo kung ako nga?" mapanuyang pagtatanong rin ni Angelo.
Mas lalo kong ikinagulat ang sinabi ni Angelo na iyon. Ano bang nangyayari sa dalawang ito? Napatingin ako sa hunghang na Angelo ganun din naman sa kumag na Onyx.
Nang hindi makapag-pigil ay ako na ang kusang lumayo. Hindi ko alam kung anong trip nilang dalawa at balak pa yatang maglabanan ng titig buong magdamag. Pwes, huwag nila akong isama dahil busy ako pagbabasa at paggawa ng mga assignment.
Maglalakad na sana ako palayo doon pero ikinagulat ko nang parehas nila akong hawakan sa braso; si Onyx sa kaliwa at si Angelo sa kanan.
"Ano bang problema niyo?" magkasalubong ang kilay kong tanong. "Marami pa akong assignment na gagawin, uuwi na ako kaya pwede ba bitawan niyo akong dalawa?"
"Ako na ang gagawa ng assignment mo," pagsagot ni Onyx na kay Angelo pa rin nakatingin.
"Tara na, Rose. Ihahatid na kita." Mas nilakasan ni Angelo ang paghila sa akin dahilan para mapangiwi ako. Yawa namang buhay 'to oh! Hindi naman ako si Jugyeong para tratuhin ng ganito!
Malakas kong hinila ang braso ko dahilan para gulat silang mapatingin sa akin. Nakawala ako sa pagkakahawak nila. Inayos ko ang nagulo kong buhok saka sila ulit sinamaan ng tingin. "Kayong dalawa," Itinuro ko sila, "pwede ba patahimikin ninyo ang buhay ko?!"
Hindi ko na sila hinintay pang magsalita. Agad akong pumara ng taxi at sumakay doon.
ANGELO'S POV NAPADAING ako nang makaramdam ng sakit ng ulo paggising. Ikinagulat ko nang makarinig ng ingay mula sa mga taong kasama. Tumayo ako sa kamang kinahihigaan saka nagpalinga-linga. Ano ang dahilan at nag-iingay sila nang ganito kaaga? Dahan-dahan akong humakbang sa sahig na yari sa kawayan at saka binuksan ang pintong gawa din sa kawayan. Bumungad sa akin ang mga kasamahan naming kaniya-kaniya ang paroo't parito. May tumatawag sa telepono at mayroon din namang panay ang pakikipagtalo sa isa pa. Napakagulo nila kaya taka ko silang pinakatitigan. "Anong nangyayari?" pupungas-pungas kong tanong. Saka lamang nila ako napansin nang sabihin ko iyon. Kitang-kita sa mukha nila ang pag-aalala. Lalong-lalo na sila Mr. and Mrs. Escara. "Nawawala si Rose," si Mama na ang sumagot sa tanong kong iyon. Natigilan ako at nanlaki ang mga mata nang marinig iyon? Nawawala? Tek
"SAAN kayo papunta?" tanong ni Jelay nang makita kami ni Angelo'ng magkasama.Napatingin kami ni Angelo sa isa't isa. Napakamot sa batok niya si Angelo at saka nginiwian ang ate niya. "Bakit mo tinatanong?""Wala. Bakit, masama bang magtanong?""Wala ka na do'n, ate."Hinampas siya sa braso ni Jelay kaya agad naman siyang humaplos sa parteng iyon. "Bakit ba?!""Sasama ako." Nagpa-cute pa si Jelay matapos iyong sabihin. Akma pa nitong yayakapin ang kapatid pero winaksi lang siya ni Angelo."Ate, hindi ka pwede sumama. Baka manggulo ka lang sa amin. May mga kasama ka namang mga lalaki diyan, ba't nanggugulo ka sa 'min ngayon?'"Nanggugulo agad? Nagtatanong lang naman ako!" Ngumuso ito na animo'y batang nagmamaktol. Tinawanan lang naman siya ni Angelo. Wala nang nagawa si Jelay kundi hayaan na lamang kaming umalis. Ayaw kasi magpatalo nitong isa, e.Wala sa aming umiimik ni Angelo habang naglalakad sa pampang. Maski ako ay wala ri
"A-ANGELO?" hindi makapaniwalang bulong ko nang makitang tanggalin ng lalaking nakaitim ang bonnet na suot. Nanlaki ang mga mata ko at napaawang ang mga labi nang makita ang pagkakangisi ni Angelo sa akin."HA!" Hingal na hingal akong napabangon sa kaninang pagkakahiga. Pulos butil ng pawis sa noo ko't dibdib. Pinasadahan ko ng tingin ang buong paligid habang ako'y hingal na hingal pa rin.Nang mapagtantong wala na ako sa panaginip at gising na'y saka ako napapikit at napahinga nang maluwag. Ikatlong beses ko nang napanaginipan iyon. At ngayong ikatlong pagkakataon ko nakita kung sino ang nasa likod ng lalaking iyon na nakaitim.Hindi ako makapaniwala.Si Angelo?Alam kong hindi niya iyon magagawa sa akin. Alam kong hindi niya ako kayang saktan. Hindi ko talaga maisip kung paanong nangyaring si Angelo ang pumatay sa akin sa panaginip kong iyon. It doesn't make sense. Hindi niya iyon kayang gawin sa akin. Hinding-hindi!Ngunit ano kaya ang ib
NANG imulat ko ang mga mata ko ay laking gulat ko nang mapagmasdan ang lugar na hindi naman sa akin pamilyar. Inilibot ko ang paningin sa buong paligid. Sobrang sakit pa ng ulo ko kaya nahirapan akong umupo mula sa kaninang pagkakahiga.Nasa isang kubo ako na maliit at walang kagamit-gamit bukod sa kamang hinihigaan ko. Pero nang tingnan ko sa sahig na yari sa kawayan ay nakalapag doon ang sari-saring mga bag. Iyon 'yung mga bag namin, kung 'di ako nagkakamali. Nakarating na kami sa resort? Marahil nga siguro.Abala pa ako sa pagmamasid nang bigla-biglang bumukas ang pintuang kawayan na nasa harap ko lang din. Iniluwa nito ang gulat na si Angelo. Pinakatitigan pa ako nito habang nakaawang ang mga labi. Nang matauhan ay agad itong lumapit sa akin. "A-Anong pakiramdam mo? May masakit ba sa iyo? May kailangan ka ba?" sunod-sunod nitong tanong.Dahan-dahan naman akong umiling bilang sagot sa huling katanungan niya.Bumuntonghininga naman siya at tumabi sa kin
NAPATAKBO ako sa dalawang taong nakita ko sa pinto ng mansion nila Angelo. Hindi ko na napigilang mapahagulgol matapos silang makilala."Alesia, we miss you, anak." Hinaplos ni Mommy ang likod ko. Pati buhok at likod ng ulo ko ay hinagod niya saka niya ako binigyan ng halik sa tuktok ng ulo."We are happy you are safe. Please, lagi kang makinig sa amin. We only want what's best for you," si Daddy. Bumaling naman ako rito at agad na yumakap.Nagyakap kaming tatlo. Animo'y kami lang ang nandoon at hindi alintana na may mga nanonood sa amin, ang pamilya Francisco. Hinaplos nilang dalawa ang pisngi ko habang ako ay nagpipigil pa rin ng luha. "Na-miss ko po kayo.""Mas na-miss namin ang nag-iisa naming anak. We want to apologize for hiding the truth. Alam kong deserve mo na malaman ang lahat ng tungkol sa pagkatao pero kinain ako ng takot. I was so afraid that you'll leave us once na malaman mo ang totoo na hindi ka namin tunay na anak. Natatakot kaming ipaala
NAGLAGLAG ako ng mga bulaklak sa bumababang kabaong ni Nanay. Inayos ko pa ang shades na suot at saka bumalik sa kaninang kinauupuan. Nang makabalik ay hinawakan ako sa balikat ni Onyx. Tumingin naman ako sa kaniya at ngumiti ng pilit.Kaunti lang ang dumalo sa libing ngayon ni Nanay. Ayon na rin iyon sa hiling ko. Gusto ko sana ay tahimik lang at talagang mga close lang ng pamilya namin ang makikita ko. Hindi ko rin kasi gusto pang makipag-usap kung kani-kanino ngayon."Ang sabi ng mga pulis ay nakasara daw ang pinto ng kwarto ni Tita Hyacinth. Naka-lock daw iyon kaya hindi nagkaroon ng pagkakataong makalabas si Tita. Sa bintana nila nakita ang katawan nito, mukhang nagpipilit na lumabas mula roon."Nagsipagtuluan ang mga luha ko nang marinig iyon mula kay Angelo. Lumapit sa akin si Jelay at pinisil pa ang kamay ko. Napatingin ako dito at saka nagpasalamat sa pagdalo. Mabuti na lamang at may mga tulad nila na handang damayan ako sa mga ganitong pagkakataon. Hin