"Y-YES, ANGELO. Pumapayag akong magpaligaw sa'yo."
Matapos iyong sabihin ng kapatid ko ay saka nagsitilian ang mga estudyante sa loob ng canteen. Irita na lamang akong napairap dahil sa kaingayan nilang lahat."OMG! Kinikilig ako!""Sana hindi na pahirapan ni Queen manligaw si Angelo. Bagay naman silang dalawa eh!""Knowing our Queen, hindi iyan basta-basta pumapatol sa kahit na sino. And I get her, masiyado siyang maganda to let her standards fall.""Yieee!"Hindi pa rin nawala ang nakakairitang ingay kahit ilang minuto na simula nang payagan ni Sheena na manligaw si Angelo.Lumabas na lamang ako ng canteen para hindi na marinig pa ang tilian nilang para bang kinakatay ng baboy."Rose!"Agad akong napalingon nang biglang may tumawag sa akin sa loob ng canteen. Nang makitang si Angelo iyon ay saka nagsalubong ang mga kilay ko. Ano bang kailangan ng hunghang na 'to?Nawala ang nakakabinging sigawan at lahat ay napunta ang atensyon sa amin ni Angelo. Bakit nga naman niya ako tatawagin?"W-wala."Napangiwi ako sa sagot niyang iyon. Pampasayang ng oras, tss. Nagpatuloy ako sa paglakad palabas ng canteen na iyon at pagpunta sa classroom naming walang tao. Lahat ay nasa canteen pa at mukhang nakiki-intriga pa sa buhay pag-ibig ni Sheena.Dahil sa kawalan ng tao at katahimikan ay naisipan kong magbasa na lamang. Tutal ay hindi ko pa naman tapos basahin 'yung second volume ng libro ni JelayAce. Binunot ko ang libro sa aking bag saka ako pasalampak na umupo sa silya."Salamat."Gulat akong napaayos ng upo nang makarinig ng boses sa bandang likuran. Sa sobrang pagkalibang sa pagbabasa ay hindi ko na namalayang may tao pala akong kasama."Anong ginagawa mo rito?" tanong ko. Hindi maitago sa boses ko ang pagkairita."I just want to thank you." Tumabi sa akin si Angelo."Para saan? At saka nasaan 'yung kapatid ko?" Nagpalinga-linga ako para hanapin ang kinaroroonan ni Sheena."Pumunta na siya sa classroom nila. May gagawin pa raw siya, eh."Hindi na lamang ako umimik at pinagpatuloy ang pagbabasa. Nakailang pahina na ako nang bigla na namang umimik ang hunghang."Ganiyan ka ba talaga?"Blangko ang ekspresyon ko siyang tiningnan, naghihintay sa kung anuman ang gusto niyang sabihin. Kung pwede lang sanang itaboy siya ay kanina ko pa ginawa."You put up a strong front just to push people away."Nginisian ko siya. "Ikaw, ganiyan ka ba talaga?""What am I?""Judgemental ka ba talaga?""Saang parte kita hinusgahan?" tanong ng lalaki sa akin na para bang na-offend pa siya."Hulaan mo." Hindi na ako nag-atubiling pakinggan pa kung anuman ang sasabihin pa niya. Mabilis akong tumayo at saka lumabas ng kwartong iyon. Wala pa namang klase kaya tatambay muna ako kahit saan, basta hindi kasama ang hunghang na lalaking iyon.At saka pinasalamatan niya ako. Para saan naman? O baka naman trip lang niya magpasalamat. Ewan ko ba, bakit ko pa ba iniisip ang hunghang na iyon? Naiisip ko pa lang ang mukha niya naiirita na ako sa hindi ko malamang dahilan.Pero gwapo siya, hindi ba?Di hamak na gwapo siya kaya nga crush siya ng mga estudyante dito, eh. Pero hindi siya 'yung gwapong kahuhumalingan ko. Tss, hindi siya 'yung mga tipo ko. Oo na, masiyado na akong choosy para sa isang pangit na tulad ko. Tss. Basta naiinis ako sa mukha ng lalaking iyon kapag nakikita ko!Dumiretso ako papunta sa sementadong bench. Ito 'yung lugar kung saan ako nagbasa noong unang araw ko rito sa PNHS. Sinilip ko pa muna ang classroom namin kung may teacher na pero mukhang wala pa.Binuklat ko ulit ang libro at saka pinagpatuloy ang pagbabasa. Bwisit kasing Angelo iyan, eh! Imbis na maganda na ang pagkakaupo ko sa classrom nanggulo pa!Nasa gitna ako ng pagbabasa nang may masipat akong isang taong pamilyar. Hindi ko na lang pinansin iyon dahil baka kamukha lang. Ipinagpatuloy ko na lamang ang naudlot na pagbabasa."Rosanne!"Ikinagulat ko nang marinig iyon. Napatingin ako sa tumatawag at napamura ng malutong sa isip. Anong ginagawa ng taong iyan dito?"Rosanne! Talk to me, please."Napatingin ako sa mga estudyanteng nasa amin na ang atensyon. Agad ko naman siyang hinila papunta sa lugar kung saan kami lamang ang naroroon."Mag-usap tayo, Rosanne. Pakiusap."Nagsalubong ang mga kilay ko. "Tumigil ka na, Onyx.""Bakit ba hindi mo ako kausapin ng maayos? Bakit hindi natin pag-usapan ang tungkol sa atin? Umalis ka na lang ng walang pamamaalam, kahit naman sino gan'to rin ang gagawin kung sila ang nasa katayuan ko."Gusto ko sanang magsalita pero pinanatili kong tikom ang bibig. Napakuyom ang kamao ko at nagsimulang manginig."Let's talk about this, Rosanne. Hindi maaayos ang relasyon natin kung puro ka ganiyan."Napakapit ako sa sariling palda. Baka sakaling matanggal ang panginginig ko dahil doon. Nangilid ang mga luha ko nang biglang may pumasok sa aking mga alaala."Akala mo ba mahal ka niya? Pucha, sinong magmamahal sa'yong pangit ka?!""Niloloko ka lang niya! Gusto mo ng patunay?""Ayan oh, may kaakbay pang babae. Hindi ka pa rin ba nanininiwalang niloloko ka lang niya?""At saka hindi mo ba naiisip, ginagamit ka lang niya?! Lagi nga siyang nagpapagawa ng assignment sa'yo, eh.""Ayaw mo pang maniwala? Ayan! Picture nila nung babae habang naghahalikan sila!"Bago pa pumatak ang mga luha ay tinalikuran ko na siya. Pero napatigil din ako paglalakad nang hawakan niya ang braso ko. Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng mga luha na marahas ko na lamang pinunas sa aking pisngi."Aalis ka na naman? Tatakbuhan mo na naman ako? Pucha naman, Rosanne! Pagod na akong maghabol sa'yo!"Nagsalubong ang mga kilay ko saka siya diretsong tiningnan. "May sinabi ba akong maghabol ka? May sinabi ba akong bumuntot ka sa akin?""Dahil hindi mo naman kailangang sabihin! Nasa isang relasyon tayo, Rosanne! Kahit sinong tao maghahabol kapag mahal nila 'yung tao! Ang relasyon natin ay hindi isang mainit na kanin na kapag napaso ka ay iluluwa mo!""Tss. Bakit mo ikukumpara ang relasyon natin sa isang kanin? Tanga ka ba? Kung ako sa'yo, isipin mo kung anong maling ginawa mo. Baka sakaling malinawan ka at masagot na lahat ng mga walang kwenta mong tanong." Hinila ko ang braso kong hawak niya saka ko siya iniwanan. Nang magsipatakan ang mga luha ay marahas kong pinunasan ang mga iyon. Bwisit na araw 'to puro na lang kamalasan ang ibinibigay sa akin!You can follow me on my social media account! ***: Gray Lozano https://www.***.com/gray.writes.144 If you have messages or inquiries, here is my email! gray.goodnovel@***.com Thank you for reading and always stay safe!
ANGELO'S POV NAPADAING ako nang makaramdam ng sakit ng ulo paggising. Ikinagulat ko nang makarinig ng ingay mula sa mga taong kasama. Tumayo ako sa kamang kinahihigaan saka nagpalinga-linga. Ano ang dahilan at nag-iingay sila nang ganito kaaga? Dahan-dahan akong humakbang sa sahig na yari sa kawayan at saka binuksan ang pintong gawa din sa kawayan. Bumungad sa akin ang mga kasamahan naming kaniya-kaniya ang paroo't parito. May tumatawag sa telepono at mayroon din namang panay ang pakikipagtalo sa isa pa. Napakagulo nila kaya taka ko silang pinakatitigan. "Anong nangyayari?" pupungas-pungas kong tanong. Saka lamang nila ako napansin nang sabihin ko iyon. Kitang-kita sa mukha nila ang pag-aalala. Lalong-lalo na sila Mr. and Mrs. Escara. "Nawawala si Rose," si Mama na ang sumagot sa tanong kong iyon. Natigilan ako at nanlaki ang mga mata nang marinig iyon? Nawawala? Tek
"SAAN kayo papunta?" tanong ni Jelay nang makita kami ni Angelo'ng magkasama.Napatingin kami ni Angelo sa isa't isa. Napakamot sa batok niya si Angelo at saka nginiwian ang ate niya. "Bakit mo tinatanong?""Wala. Bakit, masama bang magtanong?""Wala ka na do'n, ate."Hinampas siya sa braso ni Jelay kaya agad naman siyang humaplos sa parteng iyon. "Bakit ba?!""Sasama ako." Nagpa-cute pa si Jelay matapos iyong sabihin. Akma pa nitong yayakapin ang kapatid pero winaksi lang siya ni Angelo."Ate, hindi ka pwede sumama. Baka manggulo ka lang sa amin. May mga kasama ka namang mga lalaki diyan, ba't nanggugulo ka sa 'min ngayon?'"Nanggugulo agad? Nagtatanong lang naman ako!" Ngumuso ito na animo'y batang nagmamaktol. Tinawanan lang naman siya ni Angelo. Wala nang nagawa si Jelay kundi hayaan na lamang kaming umalis. Ayaw kasi magpatalo nitong isa, e.Wala sa aming umiimik ni Angelo habang naglalakad sa pampang. Maski ako ay wala ri
"A-ANGELO?" hindi makapaniwalang bulong ko nang makitang tanggalin ng lalaking nakaitim ang bonnet na suot. Nanlaki ang mga mata ko at napaawang ang mga labi nang makita ang pagkakangisi ni Angelo sa akin."HA!" Hingal na hingal akong napabangon sa kaninang pagkakahiga. Pulos butil ng pawis sa noo ko't dibdib. Pinasadahan ko ng tingin ang buong paligid habang ako'y hingal na hingal pa rin.Nang mapagtantong wala na ako sa panaginip at gising na'y saka ako napapikit at napahinga nang maluwag. Ikatlong beses ko nang napanaginipan iyon. At ngayong ikatlong pagkakataon ko nakita kung sino ang nasa likod ng lalaking iyon na nakaitim.Hindi ako makapaniwala.Si Angelo?Alam kong hindi niya iyon magagawa sa akin. Alam kong hindi niya ako kayang saktan. Hindi ko talaga maisip kung paanong nangyaring si Angelo ang pumatay sa akin sa panaginip kong iyon. It doesn't make sense. Hindi niya iyon kayang gawin sa akin. Hinding-hindi!Ngunit ano kaya ang ib
NANG imulat ko ang mga mata ko ay laking gulat ko nang mapagmasdan ang lugar na hindi naman sa akin pamilyar. Inilibot ko ang paningin sa buong paligid. Sobrang sakit pa ng ulo ko kaya nahirapan akong umupo mula sa kaninang pagkakahiga.Nasa isang kubo ako na maliit at walang kagamit-gamit bukod sa kamang hinihigaan ko. Pero nang tingnan ko sa sahig na yari sa kawayan ay nakalapag doon ang sari-saring mga bag. Iyon 'yung mga bag namin, kung 'di ako nagkakamali. Nakarating na kami sa resort? Marahil nga siguro.Abala pa ako sa pagmamasid nang bigla-biglang bumukas ang pintuang kawayan na nasa harap ko lang din. Iniluwa nito ang gulat na si Angelo. Pinakatitigan pa ako nito habang nakaawang ang mga labi. Nang matauhan ay agad itong lumapit sa akin. "A-Anong pakiramdam mo? May masakit ba sa iyo? May kailangan ka ba?" sunod-sunod nitong tanong.Dahan-dahan naman akong umiling bilang sagot sa huling katanungan niya.Bumuntonghininga naman siya at tumabi sa kin
NAPATAKBO ako sa dalawang taong nakita ko sa pinto ng mansion nila Angelo. Hindi ko na napigilang mapahagulgol matapos silang makilala."Alesia, we miss you, anak." Hinaplos ni Mommy ang likod ko. Pati buhok at likod ng ulo ko ay hinagod niya saka niya ako binigyan ng halik sa tuktok ng ulo."We are happy you are safe. Please, lagi kang makinig sa amin. We only want what's best for you," si Daddy. Bumaling naman ako rito at agad na yumakap.Nagyakap kaming tatlo. Animo'y kami lang ang nandoon at hindi alintana na may mga nanonood sa amin, ang pamilya Francisco. Hinaplos nilang dalawa ang pisngi ko habang ako ay nagpipigil pa rin ng luha. "Na-miss ko po kayo.""Mas na-miss namin ang nag-iisa naming anak. We want to apologize for hiding the truth. Alam kong deserve mo na malaman ang lahat ng tungkol sa pagkatao pero kinain ako ng takot. I was so afraid that you'll leave us once na malaman mo ang totoo na hindi ka namin tunay na anak. Natatakot kaming ipaala
NAGLAGLAG ako ng mga bulaklak sa bumababang kabaong ni Nanay. Inayos ko pa ang shades na suot at saka bumalik sa kaninang kinauupuan. Nang makabalik ay hinawakan ako sa balikat ni Onyx. Tumingin naman ako sa kaniya at ngumiti ng pilit.Kaunti lang ang dumalo sa libing ngayon ni Nanay. Ayon na rin iyon sa hiling ko. Gusto ko sana ay tahimik lang at talagang mga close lang ng pamilya namin ang makikita ko. Hindi ko rin kasi gusto pang makipag-usap kung kani-kanino ngayon."Ang sabi ng mga pulis ay nakasara daw ang pinto ng kwarto ni Tita Hyacinth. Naka-lock daw iyon kaya hindi nagkaroon ng pagkakataong makalabas si Tita. Sa bintana nila nakita ang katawan nito, mukhang nagpipilit na lumabas mula roon."Nagsipagtuluan ang mga luha ko nang marinig iyon mula kay Angelo. Lumapit sa akin si Jelay at pinisil pa ang kamay ko. Napatingin ako dito at saka nagpasalamat sa pagdalo. Mabuti na lamang at may mga tulad nila na handang damayan ako sa mga ganitong pagkakataon. Hin