Share

Chapter 2

Author: Gray
last update Last Updated: 2021-05-02 11:08:45

NANG mag-uwian kinahapunan ay sabay kami ni Sheena na sumakay sa traysikel. Panay pa nga ang tingin ng ibang kasakay sa kapatid ko. Hindi ko rin naman sila masisisi. Ang kagandahan ni Sheena ay talagang kapansin-pansin lalo at may kaputian siyang parang nagliliwanag sa dilim.

"Ayos ka lang?" tanong sa akin ni Sheena.

"Oo naman, may iniisip lang."

"Hulaan ko, libro na naman iyang iniisip mo 'no?" Bahagyang tumawa ito sa tanong niyang iyon.

Tumango na lamang ako. Kanina pa kasi paikot-ikot sa isip ko 'yung libro kong binasa. Tapos ko na siya basahin kanina at nabitin ako. Gusto ko pang basahin 'yung second volume ang kaso ay sold out na raw ito! Nakakainis.

"Gusto mo na namang bumili ng libro? Eh halos hindi mo na nga matapos basahin 'yung nasa mini library!"

"Nabitin kasi ako doon sa binabasa ko kanina. Hindi naman ako makabili ng ikalawang volume ng libro dahil sold out na raw. Kailangan ko pang maghintay ng ilang buwan bago mabasa ulit."

"Maganda ba iyang librong iyan?"

Napairap ako. "Sa tingin mo?"

"Oh, kalma sister girl! Hayaan mo at ihahanap kita ng librong sinasabi mo."

"Sabi mo iyan ah. Wala nang bawian iyan."

Tipid na ngumiti si Sheena saka tumango. "Basta ba tutulungan mo ako doon sa hottie sa school."

Napakunot ang noo ko. Sino ba ang tinutukoy niya? Binuksan niya ang cellphone para ipakita sa akin ang lalaki. "Batchmate mo iyan, Rose. Tulungan mo akong maka-close siya! Siya na lang kasi ang hindi ko nakaka-relasyon sa lahat ng hotties sa campus."

Ngumiwi ako. "Bakit ang landi mo?"

"Hoy, foul ka ah!" Humawak ito sa dibdib na animo'y nasaktan.

AGAD akong humarap sa PC ko sa kwarto nang makarating sa bahay. Agad akong nag-log in sa Writepad account ko. Halos isang taon na rin mula nang buksan ko ito. Hindi na muna kasi ako nagsusulat ngayon at panay na lamang ang basa.

Bumungad sa akin ang napakaraming notifications at messages. Nang tingnan ko ay halos iisang tao lamang ang pulos comment at vote sa stories ko.

"Angelo Francisco," pagbasa ko sa pangalan ng taong panay ang labas sa notif ko.

Nang tingnan ko ang messages ay siya agad ang bumungad sa akin. Agad kong binasa ang mga mensahe niyang ipinadala sa akin.

Angelo Francisco: Hello, cameyofan! Sobrang fan mo ako! Nakakahiya mang aminin pero crush kita. Ipagpatuloy mo lamang ang pagsusulat, susuportahan kita lagi.

Napaawang ang mga labi ko dahil sa nabasa. Seryoso ba 'tong taong 'to? Ano bang nahithit nito at naging crush ako?

Angelo Francisco: Paaccept naman 'yung friend req ko crush! HAHAHAHAHA

Nag-log in na rin ako sa F******k account ko for writing matters. At tulad ng inaasahan ko ay 'yung Angelo ang pulos nasa notification at messages. Matibay rin ang isang 'to, kahit hindi ako nagrereply ay todo chat pa rin sa message request. Nang pindutin ko ang accept ay saka lumabas ulit ang message mula rito.

Angelo Francisco: Hi!

Bigla akong nataranta dahil sa chat niyang iyon. Hindi ko alam kung bakit.

"Rose! Wala ba dito 'yung sapatos kong kulay pula? I badly need it para sa lakad ko!" dinig kong sabi ni Sheena. Pumasok siya sa kwarto ko. Maya-maya ay napansin kong lumapit siya sa akin. "Nagsusulat ka na ulit?"

Umiling ako. "Tiningnan ko lang 'yung mga notifications."

"Wait, sino 'tong nag-chat sa iyo? OMG! Ito 'yung sinasabi ko sa'yo! 'Yung hottie sa school!"

Nanlaki naman ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. Agad kong pinuntahan ang profile nitong Angelo saka ako nataranta nang makitang sa school nga namin siya nag-aaral.

"Ka-batch mo iyan tanga." Pinalo pa niya ako ng bahagya. "OMG, crush ko iyan! Replyan mo dali! Kinikilig ako, oh my gulay!"

Napangiwi ako dahil sa pinagsasasabi nitong kapatid ko. "Bakit ko naman iyan rereplyan?"

"Dali na, ito naman ang KJ! Sige ka, sisilaban ko talaga mga libro mo sa mini-library!"

"Subukan mo lang," pagbabanta ko.

"I-chat mo na kasi!"

"Ayoko." Ano naman ang dahilan para i-chat ko ang lalaking 'yun? Isa pa ay marami akong assignments kaya wala akong oras makipag-chat sa kung sino-sino.

"Ayaw mo ah, nasaan na ba 'yung posporo?" Agad siyang tumakbo palabas ng kwarto ko na agad ko rin namang hinabol.

"Subukan mo Sheena, ise-send ko doon sa Angelo na 'yun 'yung pinakapangit mong picture sa akin!"

"Talaga ba? Hindi mo nga mai-chat, mag-send pa kaya ng picture?"

Natameme ako dahil sa sinabi niya. May point siya doon, to be fair. Wala akong nagawa kundi tingnan siya ng masama dahil hawak na niya ang posporo.

"I-chat mo na kasi. Chat lang naman! Huwag mong paabutin sa puntong abo na ang mga babies mo!"

Agad ko siyang hinabol nang tumakbo na naman siya papuntang mini-library. Napabusangot siya nang maabutan at makuha ko sa kaniya ang posporo. "Akala mo ah," nakangisi kong sabi habang hinahagis-hagis pa sa ere ang posporo.

"I-chat mo na kasi! Ang KJ nito!" sigaw sa akin ni Sheena.

"Ang kulit ng lahi nito. Bakit hindi na lang tayo ng gumawa ng assignments kesa pag-aksayahan ng oras ang lalaking iyon?"

"Crush ko nga 'yun, Rose! Crush ko! Ano ang hindi mo maintindihan sa salitang 'crush'?"

Napairap ako. Ano ba naman 'tong kapatid ko, parang ikakamatay kapag hindi napansin ng lalaki. Tss.

"Sige, ikaw rin," Lumapit sa akin si Sheena saka ngumisi, "bibilhin ko pa naman 'yung ikalawang volume ng librong gustong gusto mong basahin."

Nilabanan ko ang ngisi niya. "Eh sold-out na eh. Paano ka makakabili aber?"

May pinindot na kung ano si Sheena sa cellphone niya saka pinakita sa akin.

Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang nasa screen ng cellphone niya. "T-teka... f-friend mo sa F******k si JelayAce na author ng binabasa kong libro?"

Tumango siya at ngumisi. Alam na alam niyang nakuha niya ang kahinaan ko. "At hindi lang iyan, tingnan mo ang message niya sa akin."

"May isa pa akong copy ng second volume. Bibilhin mo ba?" basa ko sa message ni JelayAce kay Sheena. Napaawang ang mga labi ko matapos basahin iyon.

"Icha-chat mo 'yung crush ko o hindi ko ibibigay sa'yo ang nag-iisang kopya ng paborito mong libro?"

Naipikit ko ng saglit ang aking mga mata kasabay ng matunog na pagbuntong-hininga.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • ROSE BEHIND THOSE LETTERS   Chapter 50 [ Last Chapter ]

    ANGELO'S POV NAPADAING ako nang makaramdam ng sakit ng ulo paggising. Ikinagulat ko nang makarinig ng ingay mula sa mga taong kasama. Tumayo ako sa kamang kinahihigaan saka nagpalinga-linga. Ano ang dahilan at nag-iingay sila nang ganito kaaga? Dahan-dahan akong humakbang sa sahig na yari sa kawayan at saka binuksan ang pintong gawa din sa kawayan. Bumungad sa akin ang mga kasamahan naming kaniya-kaniya ang paroo't parito. May tumatawag sa telepono at mayroon din namang panay ang pakikipagtalo sa isa pa. Napakagulo nila kaya taka ko silang pinakatitigan. "Anong nangyayari?" pupungas-pungas kong tanong. Saka lamang nila ako napansin nang sabihin ko iyon. Kitang-kita sa mukha nila ang pag-aalala. Lalong-lalo na sila Mr. and Mrs. Escara. "Nawawala si Rose," si Mama na ang sumagot sa tanong kong iyon. Natigilan ako at nanlaki ang mga mata nang marinig iyon? Nawawala? Tek

  • ROSE BEHIND THOSE LETTERS   Chapter 49

    "SAAN kayo papunta?" tanong ni Jelay nang makita kami ni Angelo'ng magkasama.Napatingin kami ni Angelo sa isa't isa. Napakamot sa batok niya si Angelo at saka nginiwian ang ate niya. "Bakit mo tinatanong?""Wala. Bakit, masama bang magtanong?""Wala ka na do'n, ate."Hinampas siya sa braso ni Jelay kaya agad naman siyang humaplos sa parteng iyon. "Bakit ba?!""Sasama ako." Nagpa-cute pa si Jelay matapos iyong sabihin. Akma pa nitong yayakapin ang kapatid pero winaksi lang siya ni Angelo."Ate, hindi ka pwede sumama. Baka manggulo ka lang sa amin. May mga kasama ka namang mga lalaki diyan, ba't nanggugulo ka sa 'min ngayon?'"Nanggugulo agad? Nagtatanong lang naman ako!" Ngumuso ito na animo'y batang nagmamaktol. Tinawanan lang naman siya ni Angelo. Wala nang nagawa si Jelay kundi hayaan na lamang kaming umalis. Ayaw kasi magpatalo nitong isa, e.Wala sa aming umiimik ni Angelo habang naglalakad sa pampang. Maski ako ay wala ri

  • ROSE BEHIND THOSE LETTERS   Chapter 48

    "A-ANGELO?" hindi makapaniwalang bulong ko nang makitang tanggalin ng lalaking nakaitim ang bonnet na suot. Nanlaki ang mga mata ko at napaawang ang mga labi nang makita ang pagkakangisi ni Angelo sa akin."HA!" Hingal na hingal akong napabangon sa kaninang pagkakahiga. Pulos butil ng pawis sa noo ko't dibdib. Pinasadahan ko ng tingin ang buong paligid habang ako'y hingal na hingal pa rin.Nang mapagtantong wala na ako sa panaginip at gising na'y saka ako napapikit at napahinga nang maluwag. Ikatlong beses ko nang napanaginipan iyon. At ngayong ikatlong pagkakataon ko nakita kung sino ang nasa likod ng lalaking iyon na nakaitim.Hindi ako makapaniwala.Si Angelo?Alam kong hindi niya iyon magagawa sa akin. Alam kong hindi niya ako kayang saktan. Hindi ko talaga maisip kung paanong nangyaring si Angelo ang pumatay sa akin sa panaginip kong iyon. It doesn't make sense. Hindi niya iyon kayang gawin sa akin. Hinding-hindi!Ngunit ano kaya ang ib

  • ROSE BEHIND THOSE LETTERS   Chapter 47

    NANG imulat ko ang mga mata ko ay laking gulat ko nang mapagmasdan ang lugar na hindi naman sa akin pamilyar. Inilibot ko ang paningin sa buong paligid. Sobrang sakit pa ng ulo ko kaya nahirapan akong umupo mula sa kaninang pagkakahiga.Nasa isang kubo ako na maliit at walang kagamit-gamit bukod sa kamang hinihigaan ko. Pero nang tingnan ko sa sahig na yari sa kawayan ay nakalapag doon ang sari-saring mga bag. Iyon 'yung mga bag namin, kung 'di ako nagkakamali. Nakarating na kami sa resort? Marahil nga siguro.Abala pa ako sa pagmamasid nang bigla-biglang bumukas ang pintuang kawayan na nasa harap ko lang din. Iniluwa nito ang gulat na si Angelo. Pinakatitigan pa ako nito habang nakaawang ang mga labi. Nang matauhan ay agad itong lumapit sa akin. "A-Anong pakiramdam mo? May masakit ba sa iyo? May kailangan ka ba?" sunod-sunod nitong tanong.Dahan-dahan naman akong umiling bilang sagot sa huling katanungan niya.Bumuntonghininga naman siya at tumabi sa kin

  • ROSE BEHIND THOSE LETTERS   Chapter 46

    NAPATAKBO ako sa dalawang taong nakita ko sa pinto ng mansion nila Angelo. Hindi ko na napigilang mapahagulgol matapos silang makilala."Alesia, we miss you, anak." Hinaplos ni Mommy ang likod ko. Pati buhok at likod ng ulo ko ay hinagod niya saka niya ako binigyan ng halik sa tuktok ng ulo."We are happy you are safe. Please, lagi kang makinig sa amin. We only want what's best for you," si Daddy. Bumaling naman ako rito at agad na yumakap.Nagyakap kaming tatlo. Animo'y kami lang ang nandoon at hindi alintana na may mga nanonood sa amin, ang pamilya Francisco. Hinaplos nilang dalawa ang pisngi ko habang ako ay nagpipigil pa rin ng luha. "Na-miss ko po kayo.""Mas na-miss namin ang nag-iisa naming anak. We want to apologize for hiding the truth. Alam kong deserve mo na malaman ang lahat ng tungkol sa pagkatao pero kinain ako ng takot. I was so afraid that you'll leave us once na malaman mo ang totoo na hindi ka namin tunay na anak. Natatakot kaming ipaala

  • ROSE BEHIND THOSE LETTERS   Chapter 45

    NAGLAGLAG ako ng mga bulaklak sa bumababang kabaong ni Nanay. Inayos ko pa ang shades na suot at saka bumalik sa kaninang kinauupuan. Nang makabalik ay hinawakan ako sa balikat ni Onyx. Tumingin naman ako sa kaniya at ngumiti ng pilit.Kaunti lang ang dumalo sa libing ngayon ni Nanay. Ayon na rin iyon sa hiling ko. Gusto ko sana ay tahimik lang at talagang mga close lang ng pamilya namin ang makikita ko. Hindi ko rin kasi gusto pang makipag-usap kung kani-kanino ngayon."Ang sabi ng mga pulis ay nakasara daw ang pinto ng kwarto ni Tita Hyacinth. Naka-lock daw iyon kaya hindi nagkaroon ng pagkakataong makalabas si Tita. Sa bintana nila nakita ang katawan nito, mukhang nagpipilit na lumabas mula roon."Nagsipagtuluan ang mga luha ko nang marinig iyon mula kay Angelo. Lumapit sa akin si Jelay at pinisil pa ang kamay ko. Napatingin ako dito at saka nagpasalamat sa pagdalo. Mabuti na lamang at may mga tulad nila na handang damayan ako sa mga ganitong pagkakataon. Hin

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status