"ICHA-CHAT mo 'yung crush ko o hindi ko ibibigay sa'yo ang nag-iisang kopya ng paborito mong libro?"
Naipikit ko ng saglit ang aking mga mata kasabay ng matunog na pagbuntong-hininga. Animo'y napakalaking desisyon ng bagay na iyon para pag-isipan ko pa ng matagal. Dahan-dahan kong ibinuka ang bibig matapos ang halos isang minutong pag-iisip. "Ayoko."
"Hakdog."
"P-pero... paborito mong libro 'yun. Ano bang meron kay Angelo at ayaw mo siyang i-chat?" Inilagay ni Sheena ang mga kamay sa tigkabilang gilid. Pinamewangan niya ako habang nakataas ang isang kilay.
"Tss. Naririnig mo ba ang sinasabi mo? Gagamitin mo pa 'yung writer account ko para sa kalandian mo," pamamrangka ko sa kaniya.
"Aray naman, foul 'yun ah. Pero dahil may kailangan ako sa'yo hindi ako magagalit." Tumawa ito na parang luka-luka. "Bilis na kasi, kung gusto mo gumawa ka na ng assignment mo at ako na lamang ang magcha-chat sa kaniya."
"Ayoko, huwag kang makulit. Kaya maraming hindi naniniwalang mas matanda ka sa akin eh. Napakakulit mo kasi."
Ngumuso si Sheena habang pinagdidikit ang dalawang hintuturo. Nagpapa-cute pa ang huta.
Magsasalita pa sana ako pero natigilan ako nang may tumunog sa bulsa ko. Agad kong binunot doon ang cellphone na panay ang ring dahil may tumatawag.
"Hello, 'nay!" bati ko sa phone. Lumabas muna ako ng kwarto ko at pumunta sa terrace para maging pribado ang pag-uusap namin ng nanay ko.
"Hello, anak! Kumusta ang bagong school, nag-enjoy ka naman ba?"
Ngumisi ako. "Sobrang nakaka-enjoy 'nay. Pwede nang gawing circus." Hindi ko napigilang maging sarkastiko.
"Binully ka na naman ba?" Bakas sa boses nito ang pag-aalala. "Tinuruan kitang lumaban pero huwag sanang aabot sa puntong makikipag-basag ulo ka, maliwanag?"
Tumango ako kahit hindi kita ng kausap. "Opo, 'nay. Kayo po diyan, kumusta?"
"Heto, kakatapos lamang magpatulog ng mga alaga. Pumuslit nga lang ako ngayon dahil tulog na sila pero kapag nagising ay balik trabaho na naman ako."
"Dapat natulog na kayo. Alam niyo namang limitado lang ang oras niyo ng pagtulog diyan eh." Napahilot ako sa sintido.
"Oo anak, kinamusta lang kita dahil baka nanibago ka masiyado sa school mo. Pasensya ka na at kailangan mo pang mag-transfer, ah. Hindi na kasi kaya ni nanay ang tuition doon sa private mong school."
"Okay lang 'nay. Pasensya na rin at hindi ako matalino. Edi sana ay nakakuha ako ng scholarship sa school ko dati."
"Huwag mo na problemahin iyon anak. Ang mahalaga naman ay nakakapag-aral ka, hindi ba?"
"Opo naman 'nay. Naiintindihan ko po. Hindi naman ako nagrereklamo, okay lang kahit saan ako mag-aral."
"Lagi kang magpapakabait sa mga Tita mo. Suklian mo ang kabaitan niya sa ating mag-ina. Lagi mong tatandaan na sila ang legal na pamilya ng tatay mo. Kung tutuusin ay naging kabit ako ng tatay mo pero ayan at nakatira ka sa kanila ngayon."
Bumuntong-hininga ako. Heto na naman tayo sa usaping sensitibo kami pareho. "Nanay naman, hindi po kayo naging kabit ng tatay namin ni Sheena. Aksidente niya ho kayong nabuntis at wala kayong relasyon. Hindi pagiging kabit iyon, sadyang nagkamali lamang kayo."
"P-pero huwag mong iisiping pagkakamali ka anak, ah. Mahal na mahal kita anak, lagi mo iyang tatandaan. Kung nabubuhay lang ang tatay mo ay paniguradong mamahalin ka rin niya dahil mabuti kang anak." Dinig ko ang pagsinghot ng nasa kabilang linya.
Hindi ko tuloy maiwasang pangiliran ng luha. "Nanay naman eh, walang iyakan. Sige ka, lalong papangit ang anak mo."
Natawa ang kausap ko sa telepono pero dinig ko pa rin ang pagsinghot nito. "Basta lagi kang magpapakabait diyan ah. Hangga't maaari ay gawin mo ang gusto ni Sheena. Huwag kang maging madamot sa kaniya dahil higit pa ang ibinigay nila ni Divine sa atin."
"Opo 'nay. Lagi kong tatanawin ang utang na loob natin sa kanila."
"Sige 'nak, ingat ka riyan. Tawag ulit ako kapag hindi na busy. I love you."
"I love you rin po 'nay. Ingat din po kayo diyan at huwag masiyado magpaka-pagod." Binaba ko ang linya matapos iyon.
Dahil wala na naman akong gagawin dito sa terrace ay minabuti kong bumalik na sa kwarto. Bahagya pa akong natigilan nang makita si Sheena sa harap ng PC ko. Hahagik-hagikhik pa ito habang nakatingin sa monitor.
"Anong ginagawa mo riyan? Huwag mong sabihing—" Hindi ko na naituloy pa dahil alam ko na ang sagot sa katanungan ko.
"Bakit ka nagagalit? Nagpaalam naman ako sa'yong ako na ang makikipag-chat kay Angelo gamit ang writer account mo, ah."
Sinamaan ko siya ng tingin. "Wala akong natatandaang pumayag ako, Sheena."
"Basta lagi kang magpapakabait diyan ah. Hangga't maaari ay gawin mo ang gusto ni Sheena. Huwag kang maging madamot sa kaniya dahil higit pa ang ibinigay nila ni Divine sa atin."
Pumasok sa isip ko ang sinabing iyon ng nanay ko. Kalma, self. May utang na loob tayo. Wala akong nagawa kundi bumuntong-hininga ng ilang beses.
"Napaka-cute mo naman, ano?" Peke ko siyang nginitian saka ko pinisil ang pisngi niya. "Sa sobrang cute mo gustong gusto kitang tirisin!" Hindi ko na napigilang manggigil.
"O-ouch! Ano ba, my precious skin!" Pinalo niya ang kamay kong nakapisil sa mukha niya.
Inirapan ko siya saka ko tiningnan ang convo nilang dalawa gamit ang cameyofan F******k account ko. Mula dulo ay tiningnan ko iyon. Grabe, ang haba na agad ng napag-usapan nila! Ilang oras ba akong nakipag-usap sa nanay ko?
Wala namang kakaiba sa usapan nila bukod sa kalandian ng kapatid ko.
Angelo Francisco: Salamat naman at nag-reply ka, crush! Akala ko pa naman ay isi-seen mo na lang ako habambuhay.
Napangisi ako. Ganoon naman talaga ang plano ko kung hindi lang dito sa kapatid kong pinaglihi ata sa higad.
Cameyofan WP: Bakit ko naman gagawin 'yun eh mukha namang masarap ka.
Pinandilatan ko si Sheena dahil sa nabasa ko. Nahihibang na ba siya at ganito siya makipag-usap sa lalaking kakikilala pa lamang niya?
Cameyofan WP: *Masarap kausap. Enebe 'yan, hihi.
"Anong kalandian 'to, Sheena? Sinisira mo ang image ko sa lalaking ito." Hindi ko pa rin tinitigilan ang pandidilat sa kaniya. Kung wala lamang kaming utang na loob sa pamilya ni Sheena ay kanina ko pa siguro nakurot ang singit nito.
Angelo Francisco: HAHAHAHA may sense of humor ka rin pala, crush. Oo, masarap ako.
Cameyofan WP: Hala same tayo! Masarap din ako.
Angelo Francisco: *Masarap magluto.
Cameyofan WP: Diba sabi ko sa'yo same tayo. Magaling din ako magluto! Pwede na mag-asawa, asawa na lang ang kulang hihi.
Angelo Francisco: HAHAHAHA baka kumalat ang magandang lahi.
Cameyofan WP: Maganda talaga ang lahi ko. Ikaw rin mukhang maganda ang lahi. Ano, collab tayo?
Mas lalo kong sinamaan ng tingin si Sheena na kilig na kilig sa gilid. Pinapalo pa nito ang braso ko na siyang ikinainis ko.
Angelo Francisco: luh, si crush pa-fall. Btw, face reveal ka nga para malaman ko kung talagang maganda ang lahi mo.
Ini-scroll ko pa ang convo at nagulat ako sa sinend na picture ni Sheena.
"Basta lagi kang magpapakabait diyan ah. Hangga't maaari ay gawin mo ang gusto ni Sheena. Huwag kang maging madamot sa kaniya dahil higit pa ang ibinigay nila ni Divine sa atin."
Nang bumalik sa isip ko ang sinabing iyon ng nanay ko ay napabuntong-hininga na lamang ako para pigilan ang inis. "Bakit ka nag-send ng picture sa kaniya?" nagpipigil ng gigil kong tanong.
"Bakit ka nagagalit eh picture ko naman ang sinend ko. Buti sana kung maganda ang lahi mo edi sana ay picture mo ang sinend ko sa kaniya!" Tumawa ito na akala mo ay nakikipagbiruan ako.
"Hindi mo ako naiintindihan, Sheena. Iisipin ng lalaking iyan na ikaw si cameyofan." Napahilot ako sa sintido.
"Edi mabuti! Hindi na ako mahihirapan na maka-close siya tutal naman ay crush niya si cameyofan."
Napaawang ang bibig ko. "Lolokohin mo 'yung tao?"
"Kung para sa pag-ibig, why not?" Nagkibit-balikat siya saka tumingin sa monitor. Hindi pa rin maalis ang malawak na pagkakangiti nito na akala mo ay wala siyang maling bagay na ginawa.
Dismayado ko siyang tiningnan. Hindi ako makapaniwalang gan'to ang pag-iisip nitong si Sheena. "Sabihin mong hindi ikaw si cameyofan. Huwag kang manloko ng tao, Sheena. Alam mong hindi maganda iyon."
"Ha? Maganda ako? Salamat," tatawa-tawa nitong sabi.
"Basta lagi kang magpapakabait diyan ah. Hangga't maaari ay gawin mo ang gusto ni Sheena. Huwag kang maging madamot sa kaniya dahil higit pa ang ibinigay nila ni Divine sa atin."
Oo na, hahabaan ko na ang pasensya. Kung wala lamang akong utang na loob ay kanina ko pa ni-realtalk itong kapatid ko.
"OMG! Basahin mo 'yung reply niya!" Kinikilig akong pinalo ni Sheena. Wala naman akong nagawa kundi tingnan ang monitor.
Angelo Francisco: Pwede vc tayo? Gusto lang kita makita hehe.
ANGELO'S POV NAPADAING ako nang makaramdam ng sakit ng ulo paggising. Ikinagulat ko nang makarinig ng ingay mula sa mga taong kasama. Tumayo ako sa kamang kinahihigaan saka nagpalinga-linga. Ano ang dahilan at nag-iingay sila nang ganito kaaga? Dahan-dahan akong humakbang sa sahig na yari sa kawayan at saka binuksan ang pintong gawa din sa kawayan. Bumungad sa akin ang mga kasamahan naming kaniya-kaniya ang paroo't parito. May tumatawag sa telepono at mayroon din namang panay ang pakikipagtalo sa isa pa. Napakagulo nila kaya taka ko silang pinakatitigan. "Anong nangyayari?" pupungas-pungas kong tanong. Saka lamang nila ako napansin nang sabihin ko iyon. Kitang-kita sa mukha nila ang pag-aalala. Lalong-lalo na sila Mr. and Mrs. Escara. "Nawawala si Rose," si Mama na ang sumagot sa tanong kong iyon. Natigilan ako at nanlaki ang mga mata nang marinig iyon? Nawawala? Tek
"SAAN kayo papunta?" tanong ni Jelay nang makita kami ni Angelo'ng magkasama.Napatingin kami ni Angelo sa isa't isa. Napakamot sa batok niya si Angelo at saka nginiwian ang ate niya. "Bakit mo tinatanong?""Wala. Bakit, masama bang magtanong?""Wala ka na do'n, ate."Hinampas siya sa braso ni Jelay kaya agad naman siyang humaplos sa parteng iyon. "Bakit ba?!""Sasama ako." Nagpa-cute pa si Jelay matapos iyong sabihin. Akma pa nitong yayakapin ang kapatid pero winaksi lang siya ni Angelo."Ate, hindi ka pwede sumama. Baka manggulo ka lang sa amin. May mga kasama ka namang mga lalaki diyan, ba't nanggugulo ka sa 'min ngayon?'"Nanggugulo agad? Nagtatanong lang naman ako!" Ngumuso ito na animo'y batang nagmamaktol. Tinawanan lang naman siya ni Angelo. Wala nang nagawa si Jelay kundi hayaan na lamang kaming umalis. Ayaw kasi magpatalo nitong isa, e.Wala sa aming umiimik ni Angelo habang naglalakad sa pampang. Maski ako ay wala ri
"A-ANGELO?" hindi makapaniwalang bulong ko nang makitang tanggalin ng lalaking nakaitim ang bonnet na suot. Nanlaki ang mga mata ko at napaawang ang mga labi nang makita ang pagkakangisi ni Angelo sa akin."HA!" Hingal na hingal akong napabangon sa kaninang pagkakahiga. Pulos butil ng pawis sa noo ko't dibdib. Pinasadahan ko ng tingin ang buong paligid habang ako'y hingal na hingal pa rin.Nang mapagtantong wala na ako sa panaginip at gising na'y saka ako napapikit at napahinga nang maluwag. Ikatlong beses ko nang napanaginipan iyon. At ngayong ikatlong pagkakataon ko nakita kung sino ang nasa likod ng lalaking iyon na nakaitim.Hindi ako makapaniwala.Si Angelo?Alam kong hindi niya iyon magagawa sa akin. Alam kong hindi niya ako kayang saktan. Hindi ko talaga maisip kung paanong nangyaring si Angelo ang pumatay sa akin sa panaginip kong iyon. It doesn't make sense. Hindi niya iyon kayang gawin sa akin. Hinding-hindi!Ngunit ano kaya ang ib
NANG imulat ko ang mga mata ko ay laking gulat ko nang mapagmasdan ang lugar na hindi naman sa akin pamilyar. Inilibot ko ang paningin sa buong paligid. Sobrang sakit pa ng ulo ko kaya nahirapan akong umupo mula sa kaninang pagkakahiga.Nasa isang kubo ako na maliit at walang kagamit-gamit bukod sa kamang hinihigaan ko. Pero nang tingnan ko sa sahig na yari sa kawayan ay nakalapag doon ang sari-saring mga bag. Iyon 'yung mga bag namin, kung 'di ako nagkakamali. Nakarating na kami sa resort? Marahil nga siguro.Abala pa ako sa pagmamasid nang bigla-biglang bumukas ang pintuang kawayan na nasa harap ko lang din. Iniluwa nito ang gulat na si Angelo. Pinakatitigan pa ako nito habang nakaawang ang mga labi. Nang matauhan ay agad itong lumapit sa akin. "A-Anong pakiramdam mo? May masakit ba sa iyo? May kailangan ka ba?" sunod-sunod nitong tanong.Dahan-dahan naman akong umiling bilang sagot sa huling katanungan niya.Bumuntonghininga naman siya at tumabi sa kin
NAPATAKBO ako sa dalawang taong nakita ko sa pinto ng mansion nila Angelo. Hindi ko na napigilang mapahagulgol matapos silang makilala."Alesia, we miss you, anak." Hinaplos ni Mommy ang likod ko. Pati buhok at likod ng ulo ko ay hinagod niya saka niya ako binigyan ng halik sa tuktok ng ulo."We are happy you are safe. Please, lagi kang makinig sa amin. We only want what's best for you," si Daddy. Bumaling naman ako rito at agad na yumakap.Nagyakap kaming tatlo. Animo'y kami lang ang nandoon at hindi alintana na may mga nanonood sa amin, ang pamilya Francisco. Hinaplos nilang dalawa ang pisngi ko habang ako ay nagpipigil pa rin ng luha. "Na-miss ko po kayo.""Mas na-miss namin ang nag-iisa naming anak. We want to apologize for hiding the truth. Alam kong deserve mo na malaman ang lahat ng tungkol sa pagkatao pero kinain ako ng takot. I was so afraid that you'll leave us once na malaman mo ang totoo na hindi ka namin tunay na anak. Natatakot kaming ipaala
NAGLAGLAG ako ng mga bulaklak sa bumababang kabaong ni Nanay. Inayos ko pa ang shades na suot at saka bumalik sa kaninang kinauupuan. Nang makabalik ay hinawakan ako sa balikat ni Onyx. Tumingin naman ako sa kaniya at ngumiti ng pilit.Kaunti lang ang dumalo sa libing ngayon ni Nanay. Ayon na rin iyon sa hiling ko. Gusto ko sana ay tahimik lang at talagang mga close lang ng pamilya namin ang makikita ko. Hindi ko rin kasi gusto pang makipag-usap kung kani-kanino ngayon."Ang sabi ng mga pulis ay nakasara daw ang pinto ng kwarto ni Tita Hyacinth. Naka-lock daw iyon kaya hindi nagkaroon ng pagkakataong makalabas si Tita. Sa bintana nila nakita ang katawan nito, mukhang nagpipilit na lumabas mula roon."Nagsipagtuluan ang mga luha ko nang marinig iyon mula kay Angelo. Lumapit sa akin si Jelay at pinisil pa ang kamay ko. Napatingin ako dito at saka nagpasalamat sa pagdalo. Mabuti na lamang at may mga tulad nila na handang damayan ako sa mga ganitong pagkakataon. Hin