Share

Chapter 33

ISANG puting liwanag ang nagpasilaw sa akin kaya't agad akong napatakip sa mga mata ko. Ilang minuto ang itinagal bago nawala ang liwanag na iyon. Nang oras na nawala iyon ay iminulat ko rin agad ang aking mga mata. Kung sobrang liwanag kanina, ngayon naman ay sobrang dilim.

Kinusot-kusot ko pa ang mga mata ko. Wala. Wala akong pakiramdam. Kinurot ko ang pisngi ko. Talagang wala akong nararamdaman.

Lito akong nagpalinga-linga. Nang ihakbang ko ang mga paa ko ay nagulat ako sa bahagyang pagliwanag. Hindi man ganoon kaliwanag ay sapat na upang mapagmasdan ko ang kinaroroonan ko. Bahagya pa akong natigilan nang mapansing narito ako sa kwarto ko.

Tumulo ang pawis sa aking sintido. Nanlaki pa ang mga mata ko nang mapansin ang mga nakataas kong braso sa ere na animo'y sumusuko sa isang pulis. Agad akong napatingin sa paligid. Parang nangyari na ito!

Dumagundong ang dibdib ko nang iharap ko ang mukha ko. Iyong la

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status