Share

Chapter 36

NATULALA ako matapos akong yakapin nitong Hyacinth. Huli na rin nang mapagtanto kong tumutulo na ang luha ko. Agad akong napabitaw sa yakap nito at saka nanlalaki ang mga matang pinunasan ang mga luha ko. What the eff is happening to me?

"What are you doing?" salubong ang mga kilay kong tanong sa babae. Ngunit imbes na lumayo ay muli ako nitong niyakap. Agad ko itong inalis sa akin.

"Rose, bakit nagagalit ka sa nanay mo?" tanong ni Onyx. Naguguluhan ang hitsura nito habang nakahawak sa dalawang balikat ni Hyacinth na bahagya kong naitulak.

Natataranta naman akong napaiwas ng tingin. "Nabigla lang ako sa ginawa ni Mommy. E-Ewan ko, hindi lang kasi ako sanay sa pagiging touchy ng mga kakilala ko. I'm not a fan of physical stuff." I smiled awkwardly. Halos pagpawisan ako makabuo lang ng kahit walang kwentang rason para sa pagkagulat ko.

"Mommy? Hindi mo tinatawag na Mommy si Tita Hyacinth. Nanay ang tawag mo sa kaniya." Napakunot ang noo ni Onyx. Base sa hit

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status