Share

RUNAWAY HEIRESS: THE BILLIONAIRE'S DESIRE FOR ME
RUNAWAY HEIRESS: THE BILLIONAIRE'S DESIRE FOR ME
Author: LuciferAter

KABANATA 1

Author: LuciferAter
“Urgh….” Isang halinghing ang narinig mula sa isang dalagang biglang naupo mula sa kanyang pagkakahiga. Ang masakit na pandarag sa kanyang ulo ay nagpapaungol sa kanya habang tinititigan ang kanyang paligid sa kwartong tila ba hindi niya kilala.

Dahil sa hindi pamilyar na kapaligiran, lalong bumilis ang kabog ng kanyang puso. Mabilis na nagpaikot-ikot ang kanyang mga mata, at napatigil ng mga ito’y makatagpo ang isang lalaking hubo’t-hubad sa tabi niya. Hindi, hindi basta lalaki; ito’y isang lalaking may magandang katawan, nakakaakit na maskulado.

Nang maunawaan na may mali, mabilis na ibinaba ng dalaga ang kanyang tingin.

‘Oh my God!’ aniya sa sarili nang mapagtantong wala rin siyang suot.

Habang nag-aapuhap pa siya ng sasabihin sa pagkagulat, nakuha ng atensyon ng dalaga ang pag-vibrate ng kanyang cellphone sa night table. Agad niyang kinuha ito at nakita ang mga hindi nasagutang tawag at mga di pa nababasang message mula sa kanyang kapatid.

“Ate, kailan ka uuwi? Galit na galit na si Papa!” halos ganoon ang mga mensahe mula sa kanyang bunsong kapatid na si Tessa.

Nagmamadaling bumaba sa kama ang dalagang si Serene. Dinampot niya ang kanyang pulang gown na nakalatag sa sahig at mabilis na isinuot. Paminsan-minsan, ang kanyang maitim na mga mata’y nakatitig sa kama, kung saan mahimbing na natutulog ang guwapong lalaki.

Habang tinitingnan ang lalaki, dahan-dahang bumabalik sa kanyang alaala kung paano pinagnasaan ng maskulado at malakas na katawan ng lalaki ang kanyang sarili kagabi.

Kagabi, ang ama ni Serene, si Ryan Alonte, ay nagdaos ng isang celebration para ipagdiwang ang anibersaryo ng kanyang kumpanya. Bilang panganay na anak at ang pangunahing tagapagmana ng negosyo ng ama, siyempre dapat naroon si Serene at tumulong sa pag-aasikaso sa mga guest. Subalit, sa gitna ng party, may naramdaman siyang kakaiba sa kanyang katawan.

“Ate, magpahinga ka muna. Namumutla ka,” sabi ni Tessa, ang pangalawang anak ni Ryan at ang kaisa-isang kapatid ni Serene. Inabot ng dalaga ang isang key card sa kamay ng kanyang ate habang sinasabing, “Ito ang key card, umuna ka na sa kwarto.”

Kahit balak tumanggi dahil ayaw niyang iwanan ang kanyang tungkulin, tinanggap na lamang ni Serene ang alok ng kapatid. “Room 1001, 1001,” ulit-ulit na bulong ni Serene habang pinipilit na manatiling pokus. Malinaw na nakikita ang mga patak ng pawis sa kanyang noo at lumalabo na rin ang kanyang paningin. Sinabayan pa ito ng mabilis na kabog ng kanyang puso at pahirap na paghinga.

Nang mabanaagan na ang numerong hinahanap niya, idiniin ni Serene ang key card sa scanner sa may hawakan ng pinto. Ngunit, sa halip na marinig ang pagbuka ng mekanismo, madali lamang na nabuksan ang pinto.

‘Bakit nakabukas?’ isip ni Serene. Subalit, dahil sabik na sabik na mahiga, inisip na lang niyang nakalimutan itong isara ng kanyang kapatid at nagtuloy na siya sa loob ng kwarto.

Sa loob ng kwarto, lalong uminit ang katawan ni Serene. Hindi lang iyon, ang kanyang nararamdamang pagkabalisa ay hindi nawawala at imbes ay lalong nagpahirap ng kanyang paghinga. Inakalang masyadong masikip ang kanyang gown, tinanggal ni Serene ang pulang gown na nakabalot sa kanyang payat na katawan at naiwan na lamang ang kanyang itim na underwear na kapansin-pansin sa kanyang maputing balat.

Hindi pa man nakalilipas ang isang saglit, ibinagsak na ni Serene ang medyo hubàd na katawan sa kama.

‘Sa wak—!’ Nang tumama ang kanyang likod sa kama, may biglang humawak nang mahigpit sa kanyang dalawang kamay.

“Ah!” Sa loob lamang ng ilang segundo, ang kanyang mga kamay ay nakataas na sa kanyang ulo.

“You whore…,” wika ng isang lalaking boses na nasa ibabaw na ng katawan ni Serene. Ang mabahong amoy ng alak ay pumaligid sa lalaki, isang tanda na hindi siya ganap na nasa tamang pag-iisip. “Sino… sino ang nagpadala sa ‘yo?” tanong nito sa isang mapanglait na tono.

Sa halip na matakot, ang mga matang asul na parang karagatan at ang magandang katawan na nakaharang sa kanyang harapan ay nagpa-init sa kanyang katawan. Nais ng dalaga na pakawalan siya ng di-kilalang lalaki, na ipaliwanag kung bakit naroon ang lalaki sa kwartong iyon.

Pero sa kabila nito, ang hawak ng lalaki sa kanyang mga kamay ay nagdulot ng kakaibang init sa kanyang balat, at parang gusto pa niya ng higit — lalo na nang makita niya ang matipuno nitong katawan na parang nang-aakit na haplusin.

“Let me go!” sigaw ni Serene habang pilit niyang nilalabanan ang magulong takbo ng isip niya. Sa pagpupumiglas niya, hindi niya sinasadyang dumikit ang isang bahagi ng katawan niya sa mainit na katawan ng lalaki.

“Hah…” Napahinga nang malalim ang lalaki, at sa di malamang dahilan, nag-init ang pakiramdam ni Serene. Hindi niya alam kung anong pumasok sa isip niya, pero bigla niyang hinila ang lalaki para halikan ito.

Sa gulat, ang di-kilalang lalaki ay napapikit, at maging ang pagtulak kay Serene palayo ay nais nitong gawin. Ngunit, ang nakakalunod na halik sa kanyang mga labi ay nagpalabas ng pagnanasa na matagal niyang pinipigilan. Hindi na kayang pigilan ang libog, mainit na hinalikan pabalik ng lalaki si Serene. Ang dalawang katawan ay nagtulakan at nagtagnuan sa ibabaw ng kama, para bang may gustong patunguhan.

Nang maghiwalay ang kanilang mga labi, ang mga halik ng beringhing lalaki ay lumipat sa leeg ni Serene, na nagpahalinghing nang malakas sa dalaga.

“Hah….” Muling kumilos ang masamang espiritu sa katawan ni Serene, at hinila niya ang kamay ng lalaki upang hawakan ang kanyang katawan. “Touch me…,” aniya sa isang malambing at nakaaakit na tono.

Ang matalim na mata ng lalaki ay tumitig sa mukha ni Serene na kitang-kita ang pagnanais ng higit pa. Ayon sa hiling ni Serene, ang kanyang kamay ay nagsimulang magpalipat-lipat sa maselang bahagi ng katawan ni Serene, na nagpapaungol at nagpahalinghing sa dalaga sa kasiyahan.

Tumugon sa mga halinghing ni Serene, ang lalaki ay yumuko at muling hinagkan ang kanyang mga labi. Ang kanang kamay ng lalaki ay diin nang diin sa katawan ng dalaga, pinagsasama ang nag-aapoy na pagnanasa sa pagitan nilang dalawa. Hindi rin nakaligtaan ng kaliwang kamay ng lalaki na diin ang ulo ni Serene, at lalong pinalalim ang mainit na halikan na tuluy-tuloy na nagaganap.

‘I want more!’ sigaw ni Serene sa kanyang isip, hindi na kayang pigilan ang pagnanasang matagal nang nakakulong.

Ng mabilis, ang mga binti ni Serene ay pumulupot sa baywang ng lalaki. Pagkatapos, ang kanyang mga kamay ay diin ang kama, at ginamit ang lakas upang ibaliktad ang kanyang posisyon mula sa ilalim patungo sa pagkaupo sa ibabaw ng katawan ng lalaki.

Ang mga mata ni Serene ay nagsimulang maghalungkat sa kanyang kalaro. Ang kanyang mga daliri ay nagsimulang magsuklay sa itim na buhok ng lalaki, at pagkatapos ay bumaba sa matangos na ilong at manipis na labi nito.

Nilapa ni Serene ang kanyang mga labi, at naramdaman ang natirang alak mula sa mga labi ng lalaki. Ang kanyang mga daliri ay patuloy na bumaba sa dibdib ng lalaki, pababa nang pababa, hanggang sa wakas ay hinawakan nito ang gilid ng pantalon ng lalaki.

Ang mga mata ni Serene ay naliliman ng libog, at ang kanyang mga labi ay nagsabi, “Satisfy me.”

Hindi na kailangan ng matalinong tao para malaman kung ano ang nangyari pagkatapos noon. Ang malinaw, ngayong nagising na siya mula sa kalokohan, naunawaan ni Serene na nagkamali siya. Ang kanyang pagkabirhen na kanyang iningatan sa loob ng mahabang panahon ay nawala lang sa kamay ng isang di-kilalang lalaki. At hindi lang iyon, siya mismo ang nagbigay nito!

Nang kunin niya ang kanyang telepono sa night table, napatigil si Serene sa kanyang kinatatayuan. Ang kanyang atensyon ay ganap na napunta sa dalawang key card na nakalatag sa night table.

‘1010 at … 1001?’

Nang maisip ang pinakamasamang posibilidad, agad na kinuha ni Serene ang key card ng 1001 at mabilis na tumakbo palabas. Tumayo siya sa harap ng pintuan ng kwarto upang titigan ang numerong nakaukit dito.

‘1010?’ Nanginig nang malakas ang katawan ni Serene, napagtanto na talagang sinuwerte siya sa pagiging malas sa pagkakataong ito.

‘How could I have entered the wrong room?!’

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • RUNAWAY HEIRESS: THE BILLIONAIRE'S DESIRE FOR ME   KABANATA 100

    Pumasok ang nurse sa isang silid na may pulang ilaw sa itaas ng pinto. Ang Room 1 at 2 ay parehong may sindi, senyales na kasalukuyang may operasyon sa loob.Wala nang magawa si Ethan kundi manahimik. Mahigpit niyang pinisil ang kamao habang pinapadaan ang kamay sa buhok, halatang puno ng inis at kaba. Hindi niya pinansin ang mga taong nakatingin sa kanya, hindi lang dahil sa gwapo siya, kundi dahil sa itsura niyang gusgusin, at sa puting kamiseta niyang nabahiran ng dugo.Hindi niya alam kung gaano na siya katagal sa waiting area. Tahimik siyang nakaupo, nakayuko, at nakasapo ang ulo sa dalawang kamay. Pumikit siya, parang taimtim na nagdarasal na sana ay mailigtas si Serene.“Sir, please drink this,” wika ng isang pamilyar na boses. Napatingala si Ethan at nakita si Jerome na iniaabot ang isang boteng tubig. Tinanggap niya iyon at saka lang niya napagtanto kung gaano siya nauuhaw.Habang nakatayo sa tabi niya, nagsalita si Jerome. “Lahat po ay naasikaso na. Si Tessa Alonte ay nas

  • RUNAWAY HEIRESS: THE BILLIONAIRE'S DESIRE FOR ME   KABANATA 99

    “Serene!” sigaw ni Ethan, halos mabingi si Serene sa lakas ng boses nito.Sunod-sunod na tunog ng preno, sigawan, at malakas na kalabog ng bakal sa bakal ang pumuno sa paligid. Ang tunog ng pagkabasag ng buto at hampas ng katawan niya sa matigas na semento ay nagpalabo sa paningin ni Serene. Matindi ang sakit na naramdaman niya, parang ang buong katawan niya ay biglang nanghina.Pag-angat ng ulo niya, nakita niya ang sasakyang nakabangga sa kanya. Kitang-kita rin niya ang mukha ng driver, halata ang pagkataranta at takot. Pero higit sa lahat, may isang bagay na agad niyang napansin.“B-Bakit…?” mahina niyang bulong sa isip, habang ang mga mata niya ay nakatingin sa isang taong nakahandusay malapit sa kanya. Ang mukha ng lalaking iyon ay duguan, at ang mga mata nito ay nakatingin diretso sa kanya.“Ser… Rene…” mahina nitong tawag, halos paos na ang boses. Kita sa mata ng lalaki ang matinding lungkot at pagsisisi. “So… sorry.”Napatitig si Serene. Si Darius… Nasaktan siya nang malal

  • RUNAWAY HEIRESS: THE BILLIONAIRE'S DESIRE FOR ME   KABANATA 98

    “Hintayin mo ako dito,” sabi ni Serene matapos bumaba ng kotse.Mula sa loob, nagpaalala si Ethan. “Mag-ingat ka.”Napangiti si Serene, medyo napailing. Bumibili lang naman siya ng tinapay, hindi naman siya papunta sa giyera. Ano bang kinatatakutan ni Ethan?“Oo naman,” sagot niya habang papasok sa café na nagbebenta ng paboritong tinapay ng kambal niyang anak.Pagkapasok niya, agad siyang napahinto nang mapansin ang isang lalaki sa counter na tila pamilyar sa kanya. ‘Darius?’ Napatingin siya sa babaeng nakapulupot sa braso ng lalaki. ‘At sino naman ‘yon?’Ang alam lang ni Serene, siguradong hindi iyon si Tessa.Sa paraan ng paglalambingan nila, malinaw na may relasyon ang dalawa. Gusto mang isipin ni Serene na baka nagkakamali lang siya, pero malinaw sa mata niya ang katotohanan, si Darius ay may kalaguyo.‘Hindi ko na ito problema,’ sabi niya sa isip habang lumapit sa cashier. “Dalawang Mont Blanc at isang Tiramisu, please,” sabi niya nang may ngiti.Mabilis lang natapos ang

  • RUNAWAY HEIRESS: THE BILLIONAIRE'S DESIRE FOR ME   KABANATA 97

    “Ay grabe, ang ganda n’yo po!” puri ng isa sa mga empleyado ni Annie habang tinutulungan si Serene isuot ang gown. Kahit wala pa siyang makeup, mukha na siyang isang diyosa.Sa tabi ng empleyado, tahimik na pinagmasdan ni Annie si Serene. Alam na niyang maganda ito, pero sa gawa niyang damit, lalo pang lumitaw ang ganda ng babae. Sa isip ni Annie, si Serene na marahil ang pinakamasayang karanasan niya bilang designer, dahil nagmukhang mas kahanga-hanga ang gawa niya sa katawan ng babae.“Gawin ko kaya siyang model ko?” naisip ni Annie. Pero agad din niyang binawi ang ideya. Alam niyang delikado iyon. Siya ang magiging asawa ng tagapagmana ng pamilya Davison.Ngumiti lang si Serene bilang pasasalamat. Sa totoo lang, nagulat siya kung gaano ka-perfect ang sukat ng gown sa kanya.“Siguro tinago pa ni Annie ang sukat ko nung huli akong nagpunta rito,” isip niya.Habang iniisip iyon, nagsalita si Annie at tumango. “Tama ang hula ni Sir Ethan. Nadagdagan ng dalawang sentimetro ang baywa

  • RUNAWAY HEIRESS: THE BILLIONAIRE'S DESIRE FOR ME   KABANATA 96

    “Mrs. Serene Davison,” bati ni Annie nang makita si Serene na pumasok sa loob ng kanyang boutique. Suot ni Serene ang isang itim na damit na lalong nagpaangat sa hubog ng katawan niya. May mapang-akit na ngiti sa labi ni Annie habang tinanong, “How are you today?”Ngumiti si Serene nang mahina, medyo naiilang sa paraan ng pagsalubong sa kanya. “Annie,” sagot niya, “hindi pa naman ako kasal, so you can still call me Serene Enriquez.”Tumaas ang kilay ni Annie. “Serene Enriquez?” Alam niyang ang babaeng nasa harap niya ay dating tagapagmana ng Pamilyang Alonte. ‘Nagpalit ba siya ng apelyido?’ isip niya. Pero alam niyang mas mabuting huwag nang magtanong, kaya ngumiti na lang siya at tinuro ang loob. “Please, this way.”Habang naglalakad papasok, naalala ni Serene ang nangyari sa kanya noon kasama si Leona Soberano, at syempre, si Tessa rin. Dahil doon, napatingin siya kay Annie.“Sana hindi naapektuhan ng huling insidente ang negosyo mo,” sabi ni Serene. Mukha lang niyang small talk,

  • RUNAWAY HEIRESS: THE BILLIONAIRE'S DESIRE FOR ME   KABANATA 95

    “Si Mari?” sabi ni Ethan habang nakakunot ang noo, halatang hindi siya natuwa sa pagdating ng pinsan niya sa bahay. Napalingon siya kay Jerome. “Talaga, Jerome? Si Mari?” tanong niya ulit na may halong inis.Pagkarinig noon, agad tumayo si Mari at nagkuyom ng kamay sa bewang. “Anong problema mo? Sinabi ko na diba, bibisita ako para makita ang mga pamangkin ko!” sagot niya, taas-kilay pa.Tahimik lang si Axel, nakatitig kay Mari na para bang namangha. Ang mga mata niyang bilog ay punong-puno ng kuryosidad sa presensya ng babaeng iyon.“Mama, mama, sino po ‘yung pretty lady?” tanong ni Ava, mas prangka sa kapatid.Nang marinig iyon, napangiti si Mari. Suot niya ang isang puting short dress at nakatirintas ang kalahati ng buhok. Lumapit siya sa mga bata at yumuko ng kaunti. “So, kayo ba ang cute na pamangkin ko?” malambing niyang sabi habang nakatingin kina Axel at Ava.Ngumiti si Serene at tinapik ng marahan ang balikat ng mga anak. “Mga anak, si Tita Mari ‘yan, pinsan ni Papa. Magp

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status