Share

KABANATA PITO: Back At Home

KABANATA PITO: Back At Home

YEAR 2020

KARRIE’S POV

Knock Knock

Lumabas ng kotse ang maid ko at walang tigil ang pagkatok o kaya naman ay pagpindot ng doorbell.

Ding Dong!

Sa labas kami ng bahay nina Papa kasama ng driver at katulong na inantasa sa’kin ni Aljur, ang katulong ko na ang lumabas para mag doorbell. Dito pa ako nakatira last few days ago pero sa mismong kasal ko, kinuha na agad ni Tita Sharon ang susi ko sa bahay. Patapos-tapos ibugaw ako direcho palayas agad? “Sigh,” 

Alas cinco na ng hapon nang makarating ako sa bahay nila at inaasahan ko ang ano mang reaksiyon na gagawin nina Tita Sharon. Humanda kayo sa’kin mamaya, akala niyo kayo lang marunong umarte ah.

“Madam,” Bumalik mula sa labas ang maid ko na si Danara at umupo ulit sa harapan katabi ng driver, “Hindi po nila ata naririnig madam, masyado atang maingay ang party sa loob kaya hindi po nila marinig ‘yung doorbell.”

Tumango ako, nasira na siguro ang doorbell kaya hindi nila marinig. Tiningnan ko ang phone ko ni isang reply walang sumagot sa kanila. Kaya nag chat ako sa gc sa mismong SANDOVAL FAM GC na ang ambag ko lang naman ay pandagdag sa members nila. 

Ipinikita ko ang tatlong screen shots ng mga convo ko sa pamilya nina papa kasama siya at sinabing ‘Pa, kanina pa po kami nag-aantay sa labas. Na ‘kay Tita Sharon po ‘yung susi, kaya po hindi po ako makapasok.’

Napangisi ako at dinagdagan ko pa, ‘Inaantay pa po ako ng asawa ko sa bahay, gusto ko lang po sana kayong daanin. Aalis na po kami maya-maya, hindi po ako pwede magtagal masyado.’

Siyempre, nang chinat ko iyon, binasa agad ni Shaina. Hehehe, lintik na babaeng ‘yan, kanina pa niya alam na nag-aantay ako sa labas, sinasadya niya talaga. Akala niya siguro mahihirapan ako mag-antay, naka aircon kaya ang kotse ni Aljur. 

Wala pang isang Segundo ay nabasa na rin ng iba pa naming kamag-anak namin at karamihan sa kanila ay nasa loob pa mismo ng bahay nina papa kung saan ay nagkakasiyahan sila!

“Kuya, paandarin niyo na po ‘yung sasakyan, pero kapag wala pong lumabas ng bahay ng isang minuto, uwi na lang po tayo.” Paalam ko sa driver. Kuya ang tawag ko dito hindi dahil kaonti lang ang edad naming, medyo may konting puti na ang buhok nito at alam kong may pamilya ito. Ayo’ko lang na tawagin itong manong dahil hindi naman siya gano’n ka mukhang matanda.

Habang si Danara naman ay mas bata lang sa’kin ng isang taon. Ang alam ko isang buwan lang ito bago magresigned, dahil makakapasa ito sa entrance exam at scholarship na hinahangad nito. 

Walang tatlumpu’t segundu ay nagsisilabasan na ang mga hipon kasama si papa, “Nak! Wait!”

Tagal ah?

Lumabas ako ng kotse ng may pilit na ngiti, “Pa!”

Niyakap ako saglit ni papa at gustong hablutin ang kamay ko nang umilag ako, “Nak, pasok ka muna.” Walang magawa si papa kundi yayain ako kaysa pilitin sa harap ng mga bisita.

Ngumiti ako kay papa at tumango, “Sige po pa, pero hindi po ako masyadong magtatagal. May usapan po kasi kami ni Aljur na magdinner together.”

“Ah, haha,” He awkwardly smiled, “Don’t worry, it will not be long. Pasok ka muna.”

“Oo nga hija, pumasok ka muna.” Lumapit si tita Sahron at gusto akong pasindakin sa mala anghel nitong ngiti pero nakakatakot na titig. Kung ako si Karrie dati, baka matakot ako at magsunod-sunuran lang ng walang sasabihin, pero wala na si Karrie na iyon.

Yumuko ako na para bang natatakot kay tita Sharon, “S-sige po Tita Sharon.”

Ang mga marites sa likuran nila ay isa-isang nagbubulungan, “Parang ang sus naman ng mag-inang ‘toh, akala ko ba close sila?”

“Hindi ko nga alam eh, pero nabasa mo ba ‘yung chat sa gc?” Ani naman ng isa.

Bago pa masagutan ng isa ang tanong nito, tumikhim si Tita Sharon at sabay-sabay na kaming pumasok ng bahay.

Sa pagpasok, ipinakilala na rin ako ni papa sa mga kaibigan nito at ibang kamag-anak. Siyempre, I’m a good daughter and a good wife, of course nagbait-baitan ako sa mga taong hindi ko na nga kilala, ang iba naman ay hinusgahan ako dati. Ano naman kaya ang chismis nila sa’kin?

Okay lang, as long na magagamit ko rin sila.

“Oh, hija! Kamusta naman kayo ng asawa mo?” Isa sa mga bisita ni papa ang matandang babae na may pagka-sopistikada, “Magaling ba sa higaan?” Kumindat ito at ngumisi. 

Tinakpan ko ang akin bibig at bahagyang ngumiti, hindi ko sinagot ang tanong nito at nagpanggap na nahihiya. Tumawa na lang ang babae, “Naku, normal lang ‘yan.”

Pagkatapos akong ipakilala ni papa sa iba, dinala ako ni Tita Sharon sa kusina kasama lamang anak nitong si Shaina at parehong naka-crossed arms pa, “Your father was furious about what you chat! I want you to apologized in there and delete your stupid chats.”

Hindi ako nagsalita at tumitig na lang ako sa kanya, kahit naman anong sabihin ko, hindi rin naman niya ako pagpapasalitain. So bakit ako makikinig ng husto?

“Look, kung wala lang tayong bisita today, kanina ko pa siguro sinubsob ‘yang face mo sa floor! Inirapan naman ako ni Shaina, she scoffed, “Pasalamat ka, good mood pa rin si Daddy.” Pagbabanta nito.

“You,” Gamit ang hintuturo ni Tita Sharon, tinuro niya ito sa mukha ko at nagpipigil akong baliin ito. “Your father will ask you later but if I found out you said something ridiculous, I will kill you, you sl*t.”

“Dapat nga hindi ko na bumalik pa eh, hindi nararapat sa’yo ang susi ng bahay na ‘toh.” Tita Sharon sneered, “Isa ka lang naming basura sa bahay na ‘toh, tingin mo porket kasal ka sa Aljur na ‘yon, magiging maganda na ang buhay mo? Hindi ka mahal n’on. Lalaki ‘yon, marami kayong uuwian no’n.”

Walang tigil ang pagdada ni Tita Sharon sa’kin sa inis nito at tinitigan ko na lang ang sahig kaka-antay kailan magsasara ang mabaho nitong hininga. Para sa’kin, parang pollution lang ang mga siansabi nito, salot sa lipunan at ang bibig nito ay parang kanal, amoy tae kagaya ng hininga niya. 

Gusto ko nang umuwi, wala naming kwenta pinagsasabi nito. Ilang taon ko na rin pinagtiyagaan ‘yang bibig ni’yan, dagdag pa ang malupit na pinagsasabi nito ng limang taon sa first life ko. Sanay na ako na ganito kami mag-usap… well hindi naman pag-uusap ‘toh kasi siya lang naman nagsasalita.

Hindi rin healthy makinig sa kanya kaya nilalabas ko kaagad sa kabilang tainga. 

Maya maya pa ay biglang nagbago ang itsura ni Tita Sharon at ngumit sa’kin, “Basta hija,” hinawakan niya ang balikat ko na may halong pag-aalala sa mukha nito, “Sabihan mo kami ng papa mo kapag kailangan mo kami, nandito lang kami.” 

Napakunot-noo ako pero naintindihan ko kung bakit nagbago agad ito nang magsalita ang taong naglalakad sa likod ko, “Sharon, my love, here you are.”

Binitawan ako ni Tita Sharon at niyakap si papa, “Ah, yes, we’re just chatting with Karrie. Are you hungry my love?”

“No, no,” Papa waved his hands and then looked at me, “What’s that chat about? Bakit wala kang susi? Nasa’n ang susi mo?” Sunod-sunod na tanong ni papa na alam kong kanina pa niya gusting itanong kaso sa dami ng bisitang ipinakilala nito, at sa mga nagtatanong na siguro, ay ngayon pa lang niya ito natanog nang makitang kami-kami lang sa kusina. 

Bulag ba sila? O ayaw nilang mabasa ng husto ‘yung chat ko kasi hindi maganda para sa kanila? Kakasabi ko lang sa chat na na’kay Tita Sharon nga.

As usual, bago pa ako makapagsalita, inunahan na ako ni Tita Sharon, “Oh love! I was holding into her bag yesterday at the wedding, I forgot to bring it back to her.” She clapped her hands, “Thank you for reminding me, Shaina, help your sister upstairs, her bag should be in my room.” Utos nito.

Hindi na tumanggi pa si Shaina at alam ko kung bakit. Niyakap niya agad ang braso ko na para bang walang bukas, “Let’s go sis!”

Hindi na ako tumanggi at sinamahan ito paakyat, may kailangan rin naman ako sa taas.

Pero imbes na sa kwarto nila Tita Sharon, dinala ako ni Shaina sa kwarto niya at binitawan na rin niya ako, “Ugh, disgusting~” She flipped her hair at dumiretcho sa drawer nito, “Close the door, faster!”

Sinara ko ang pinto na may mga matang walang kabuhay-buhay, hindi ko aakalain na hanggang ngayon hindi ko pa nasasapak ‘tong batang ‘toh. 

From her drawer, kinuha ni Shaina ang tatlong folder nito at binigay sa’kin, “One week worth of assignments and projects. My professors knew my ‘sister’ is getting married kaya may palugit sila for me, like another one week? The sites and other required resources are there. Finish it.” Umirap si Shaina umupo sa harap ng salamin nang matanggap ko ang binigay nito. 

Yeah, mula noon hanggang second year college na niya, ako na palagi ang pinagpapagawa niya ng mga school works nito. Matalino naman ito dati, kaso masyadong tamad at sa’kin inasa lahat, naging b*bo  ito. Sa exam lang ata ‘toh nagme-memorize kaya kahit papano, pasado.

Pinagpatuloy ni Shaina ang pagpapliwanag, “I’ll be busy for my friend’s party next week so I want that to be tapos as soon as possible. If you can, bring it back bukas.” Lumingon ito sa repleksiyon ko sa salamin niya, “Also, now that you’re with that poging husband,” napakagat labi at napadiring-diri na lang itsura kong nakatingin sa kanya, “I’m sure he will listen to you. Gusto ko yayain mo si brother-in-law for dinner bukas. Mommy will handa a lot for him.”

She shrugged, “Okay lang kahit hindi ka matuloy, siguraduhin mo lang makakapunta si Fafi Aljur.”

Pati ba naman brother-in-law hindi papakawalan basta mayaman at gwapo? Hindi na lang ako umimik, nakakadiri.

“What are you waiting for?” Iritang sabi nito at pinagtataboy ako, “Tell mom to call me for dinner, it’s just old and boring people sa baba.”

Hindi na ako tumanggi at umalis ng kwarto… pero hindi ako bumaba agad. Pagkasara ko nang pintuan sa kwarto ni Shaina, pinuntahan ko naman ang kwarto nina papa. 

Sa dressing room ni Tita Sharon, nakita ko ang bag ko nung nakaraan na wala na ngayong laman. Kinuha ko ito at alam kong dagdag lang ‘toh sa koleksiyan ni Tita Sharon. Nilagay ko doon ang gamit ni Shaina at dumiretcho sa banyo nila. Gaya ng hinala ko, nando’n nga ang gamit ko sa basurahan. 

Nilabas ko ang phone ko from my pocket na kanina pa nagre-record mula nung bumaba ako ng kotse, ini-stop ko na iyon at pinicturan ang basurahan kung saan ang gamit ko. Mabuti na lang, wala masyadong importante doon maliban sa wallet ko na may ID card ko. 

Lahat ng importanteng dokumento kagaya ng passport, bank cards etc, nilagay ko lahat sa deposit bank. At tanging nasa akin lang ay ang ID card pang-araw-araw, susi ng drawer sa deposit bank kasama ng maliit pen ni mama na nakasabit rin sa metal necklace.

Nang ikasal ako, dahil hindi naayon sa wedding dress ko at walang nakakaalam na may necklace ako na may susi at small pen na nakasabit, itinago ko iyon sa may dibdib ko kaya naisalba ko ang dalawa no’ng kinuha ni Tita Sharon ang bag ko. 

Pagkatapos kong picturan ang basurahan, kinuha ko na ang ID ko at hinugasan na ito. Buti na lang laminated na ito kaya okay lang. Lumabas na ako ng dressing room pero bago ako lumabas ng kwarto nila, dinaanan ko muna ang pakay ko. 

Sa ilalim ng higaan nila Tita Sharon, may nakatagong safe doon at binuksan ko ito gamit ang password na naalala ko sa past life ko. Ang araw na ikinamatay ni mama. Hindi ko alam kung bakit ‘yon ang pinili ni Tita Sharon pero mukhang masaya ito nang i-mock niya ako sa first life ko about kay mama at sa mga laman ng safe nito.

Nang buksan ko ang safe, hinanap ko agad ang mga dokumentong nakapangalan sa’kin… Ang mga ari-arian na iniwan sa’kin ni mama. Isang hotel, resort at malaking bahay sa batangas. 

Nalaman ko na nag-e-exist ang mga iyon ng tatlong taong pag-aasawa naming ni Aljur at pilit akong pinapirma ni Tita Sharon na ipamana lahat ng iyon kay Shaina. Sa ngayon, ang nag-aasikaso ng mga ito ay ang mapagkatiwalaang secretary ni mama noon, dahil umabot ng ilang taon bago pa mapasakamay ni Tita Sharon ito nang lubusan.

Nang makuha ko ang pakay ko, isasara ko na sana ang safe nang makita ko ang titulo ng bahay, nakapangalan lang ito kay mama. Kinuha ko na rin iyon at napangisi. The rest, sa kanila na ang mga ibang dokumento. 

Napailing na lang ako nang isara ko iyon. Lahat ng nakuha ko, itinago ko sa bag at bumaba. Nagpaalam na ako kina papa at Tita Sharon na umuwi, “Shaina helped me looking for my bag, I need to go na, papa. Aljur’s waiting.”

Hindi ako pinatagal pa ng banggitin ko ang pangalan ng asawa ko, pati si Tita Sharon, napatingin na lang sa bag na mukhang ayaw niyang ibigay. Pero ngumiti na lang ito at alam ko kung bakit. Dahil kapag bibisita kami ni Aljur dito o sila ang bibisita sa’min, akala niya may mapapala pa siya.

Sumakay na ako sa kotse at bumuntong ng malalim. Sa daan pauwi, nadaanan naming ang mga basurahan sa hi-way na nagtatambakan, “Kuya, pahinto po saglit sa tabi.”

Sinunod naman ito driver at itinabi nga ang sasakyan. Nilabas ko mula sa bag ang mga assignments at projects na mga folder ni Shaina at binigay kay Danara, “Can you throw this out please? Thank you.”

Sinunod ni Danara ang utos ko at sabay-sabay na kaming umuwi. Pero sa gulat ko, walang ilaw ang hacienda…

“K-kuya, sigurado po ba kayo na nakauwi na tayo?” Tanong ko sa driver pero tumango lang ito. Wala na akong magawa kundi bumaba at napalunok ng laway. Napatulala na lang ako saglit sa tapat ng bahay habang ang kotse ay umalis na at ipinarada na ito sa malayo.

Like a hunted house, ang creepy ng hacienda sa gabi kapag madilim!

 ~

KL •Unang Libro• RMT:SMH

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status