Share

KABANATA ANIM: Jobless Karrie

KABANATA ANIM: Jobless Karrie

KARRIE’S POV

June 14, 2020

Kling~

Nang buksan ko ang glass door ng coffee shop na pinuntahan ko, nag ring ang bell. Biglang may lumapit sa’kin na babae, “Welcome po, ma’am.”

Ngumiti ako at gayun din ito. Pumunta na ako sa favourite spot ko which is at the end of the shop na sa pinakasulok na may glass window. Kapag umupo kasi ako doon, tinatakpan ako ng halaman na nasa labas at may harang din para ‘di mainitan.

Hindi rin ako dinadaanan ng tao at nakakapg trabaho ako ng matiwasay.

This is the coffee shop na pinupuntahan ko nung nag-aaral ako. Hindi kasi ako pwede umuwi at mag-aral, as if hahayaan ako mag-aral nina Tita Sharon at Shaina.

Walang nakakaalam na dito ako tumatakbo kapag gusto ko nang tahimik kaya nga kilala na ako ng amo ng shop at kilala ko na kung sino-sino na ang nagtatrabaho dito. 

Naabutan ko rin ang pabago-bago ng desenyo ng shop at napaka-regular ko na dito na madalas may on the house na ako, nabibiyayaan pa ako ng mga papremyo nila.

Kulang na nga dito na ako titira. Dahil pati ang may-ari naging kaibigan ko na rin. 

Kaya nang naging freelance ako habang nag-aaral hanggang sa ganitong edad, dito pa rin ako lumalagi. 

Huminto ako sa palagi dito nang pagdiskitahan ako nina Tita Maja dahil nang dahil sa’kin, isa sa mga trabahante dito ay nadamay sa magulo kong buhay. 

“Here’s you usual order, ma’am.” Sabi ng maliit na babaeng naka ponytail. Gaya ng nasa name tag at ang pagkaka-alala ko, baguhan palang ito sa panahon ngayon. 

“Thank you, Gaya.” Ani ko.

Four season drink at butter soft mamon. Yup, coffee shop pero never akong uminom ng kape. Napangiti ako. Sobrang nakakamiss na dito. 

Napatingin ako sa paligid at mukhang kakaonti palang ang mga customers. Humigop ako ng kaonti sa drink ko at iginilid ko na ito.

Nilabas ko ang laptop na bitbit ko at binuksan ito. 

I may looked like a jobless person but I do have work. I’m a freelance writer, whose books are popular nowadays but I kept my life private hence nobody knows me… yet. 

Nagsimula ako magsulat no’ng patapos na ako sa high school ay dinala ko ito hanggang sa kamatayan ko.

Nag-umpisa ako sa romance pero hindi ko talaga forte ‘yun. Nahanap ko ang sarili ko sa fantasy at thriller, mostly mystery. Mahilig din kasi ako sa mga plot twists kaya siguro sumikat ang mga libro ko online nung nag-college na ako.

Pagkatapos ko mag-aral, naghanap ako ng trabaho pero mas malaki pa sahod ko sa pag-susulat kaysa sa pag-i-empleyado. Kaya hindi rin ako nagtagal mag trabaho.

Alam ng pamilya ko na nagsusulat ako pero hindi nila alam na kumikita ako. Hindi ko pinaalam dahil gusto ko nang iwasan sina Tita Sharon kaya nag-iipon akong makaalis ng bahay.

Ang alam nila ay ang dummy writing account na hanggang ngayon ay hindi sumisikat. Sinadya ko ang mga technicalities, too much cliché pero inayos ko pa rin ang story doon na kung babasahin ng taos puso, maraming matutunan ang iba tungkol sa buhay, emergency situations at iba pa. 

Kaya nang malaman nila Tita Sharon ang tungkol sa dummy pen name ko, walang tigil ang pang-ba-bash ni Shaina… Na pagdating ng panahon pagsisisihan niya.

“Oh! Hey, Miss Donna!” 

Napalingon ako sa tumawag sa’kin. Pag-angat ng mukha ko, nakita ko ang pinaka-crush ko noon. 

Neru Pollada, an exchange student of a prestigious school working as a part-time in the Trix Coffee Shop. 

Masipag mag-aral si Neru at isang taon na lang, matatapos na ang serbisyo nito sa bansa at babalik na ito sa Canada. 

Pero hindi natuloy ‘yon sa first life ko… Dahil nagkaroon kami ng ‘issue’ na gawa-gawa ng mga taong gustong saktan ako.

Nagkaroon daw kami ng adultery at pareho kaming nakulong pero ako lang nailabas ni Aljur agad. Nasira ang scholarship ni Neru at dahil sa krimen, hindi agad ito nakauwi…

Nalaman ko rin na sa loob ng kulungan… napatay ito ng sisiga-siga sa kulungan. Nasira ang buhay nito dahil sa’kin…

Kaya…

“Oh… ahm, Hi, Neru!” Itinaas ko ang kamay ko na may wedding ring ko at nag-wave. “Your shift just started?”

Tumango ito, “Yup!” Napakunot-noo ito, “I didn’t see you for two days and now you’re already… married?”

Para sa kanya dalawang araw… Para sa’kin apat na taon… Ngumisi ako at kamot-ulong sumagot, “Hehe, things happened so fast.”

Umiling ito, “Pamilya mo noh? Hayy naku, keylan ka kaya nela tatantanan? Arrange marriage?” Napakunot-noo ito.

Ahh… Nakaka miss talaga ang tagalog accent nito. He’s already fluent pero may words pa rin ito na pasegwey slang.

Napakuyakoy ako dahil pinipigilan ko sarili kong mapaiyak… It’s been so long…

He is the first man I had ever had feelings to… My first heartbreak nang piliin ko ang gusto ng tatay ko…

At unang taong hanggang dulo hindi ako iniwan, isinakripisyo ni Neru ang pag-aaral niya… mailigtas lang ako sa kamatayan…

At ‘yun ang rason bakit kami nabigyan ng issue…

Kaya… 

Ngumiti na lang ako, “Well, enough about me, how’s school? Doing well?”

“Yep! Doing great!”

Bago pa ito magsalita ulit, iniba ko na agad ang topic, para makaalis ito, “Oh! Do you still have my favourite pancit canton? I badly needed it. Gonna finish my manuscript today that I had missed for two days!”

Neru clapped his hands, “Of course! Always! Lemme get it for you!”

“Sure thanks!” 

Nang makaalis na ito, napabuntong-huminga ako at napatitig sa laptop ko…

Tama ‘toh…

Kailangan kong dumistansya kay Neru…

Dahil hindi masisira ang buhay nito kung hindi dahil sa’kin…

Sa pangalawang pagkakataon na ibinigay sa’kin, unti-unti kong gagamitin ang kaalaman ko para tulungan ang mga taong tumulong sa’kin…

At si Neru… Para matulungan ko siya…

Kailangang mawala ako sa buhay niya…

Isang taon na lang naman… Babalik na rin ito…

I tapped my fingers on my table…

Hindi madaling umiwas sa taong mahalaga sa’kin… Ayokong saktan ko rin siya…

Kaya dadahan-dahanin ko na…

Hindi rin naman maganda na bigla akong maglaho at hindi na bumalik sa coffee shop.

Nandito ako hindi dahil sa lalaki…

Nandito ako kasi ito lang ang lugar na feeling ko safe ako.

“Wait, what did happen to the shop before?” Napaisip ako bigla. Bago ako hindi na nagparamdam, marami nang problema ang natamo ng coffee shop to the point binebenta na ng may-ari ang shop…

Gusto ko baguhin ang future… Ayokong mawala ang shop kaya…

“Should I prepare for it?” I thought.

I can, actually… If the past is still the same.

I can help with my other job…

I’m not just a mysterious writer…

I’m also a businesswoman. 

After graduating college, when I didn’t want to be an employee, dinahan-dahan ko ang pag-iinvest at lahat ng naiipon ko sa pag-iinvest ay binibili o pinapatayo ko ng bahay atsaka binebenta ko ng mahal. 

Natututo akong paikutin ang pera ko at ngayong alam ko ang mangyayari sa future… Mas lalong mag-sa success ako dito… Dahil kabisado ko ang mga umangat na pinag-investihan ko at lugar na binilhan ko ng mga lupa…

Hanggang ngayon, masakit pa rin sa’kin ang mga nalugi ko noon.

Napangisi ako at sinimulan ko ulit hanapin ang mga iyon.

Sa panahon ngayon, may kaunti na akong naipon at pwede ko hatiin ‘yon kagaya ng dati pero sa pagkakataong ito… alam ko na ang gagawin ko!

Habang busy ako sa pagta trabaho online, hindi ko namalayan ang cellphon kong kanina pa may tumatawag.

Hapon na ng matapos akong mag trabaho at napakasatisfying iyon. Napangiti ako…

Pero ang ngiti ko ay naglaho ng makita ko ang mga missed call at text messages nina papa at ng pamilya niya.

“Umuwi ka muna saglit nak, papakilala kita sa mga bisita natin.”—papa.

“Umuwi ka!”—Shaina.

“Uwi”—Sharon.

Napataas ako ng kilay, “Inuutusan niyo ba ako?”

I rolled my eyes and was gonna decline pero naalala ko ang deal namin ni Aljur… Be a good wife while I still am. 

“Arghhh…” Inayos ko ang buhok at nireplyan lang si papa, “Ok.”

Hindi na ako kagaya ng dati na mahaba habang eksplenasyon at mahilig humingi ng tawad… Ni minsan naman hindi pinapansin iyon ni papa kung hindi niya ako kailangan.

Huminga ako ng malalim at naghanda. Dahil alam ko kung anong ikakauwi ko… At kailangan kong maghanda… Mentally!

 ~

KL •Book One• RMT:SMH

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status