Share

KABANATA TATLO: Gusto Ko Ng Divorce

KABANATA TATLO: Gusto Ko Ng Divorce

SECOND LIFE, June 12, 2020

KARRIE’S POV

Ang bilis ng pangyayari…

“Whoo! Congrats sa bagong kasal!” Ani ng lalaking nagpapalakpakan sa gilid sa pagdaan namin ng bago kong asawa na si Aljur. Mga taong hindi ko na nga kilala, tatalikod naman sa’min ni Aljur pagdating ng panahon.

Sa sobrang bilis ng pangyayari, para bang lahat ng pagdudusa ko, lahat ng pinagdaanan ko… para bang panaginip na lamang…

“Sa wakas! Manugang ka na rin namin!”

I flinched nang marinig ko ang boses ng pamilya ni Aljur sa hindi malayuan, hindi ko maiwasang lumingon. Halo-halo ang nararamdaman ko… Sakit at kalungkutang nang makita ko si Lolo Don, simpatya ng makita ko ang tatay ni Aljur… At puot sa nanay niya na si Maja Machito…

Malaking ngiti ang pinakita nila maliban kay Maja at tumaas bigla ang mga balahibo ko nang maalala ang sinapit ni Lolo Don. Napatingin ako bigla sa baba ko dahil hindi ko kayang makita silang masaya… Alam ko ang totoo pero hindi ko pa rin maiwasang sisihin ang sarili ko.

Pero hindi nagtagal nang makipagtitigan ako sa sahig nang makarinig ako ng boses na ayaw ko nang marinig… si papa…

“Alagaan mo anak ko ah!” Napatawang sambit ni papa habang ang mag-ina niya sa likuran ay nakatitig lamang sa’kin.

“Opo, tito,” Parespetong sagot ni Aljur. Siyempre, hindi papayag si papa na Tito lang ang itawag sa kanya ng bagong manugang niya, “Ano ka ba! Papa na lang din itawag mo sa’kin!” Tumango na lang si Aljur.

Habang ako, nagdidilim na ang paningin at umiwas na titigan sila. Kumirot ang dibdib ko at nahihirapang huminga habang ang mga biyenan namin ay napansing kakaiba ang kinikilos ko kaysa sa dati.

Pero pakialam ko? Sila nga walang pakialam sa’kin.

Pero akala ko lang ‘yon… Dahil sa panahon ito… may isa pa ring may paki… sa ngayon…

“Okay ka lang ba? Buhatin na kita papuntang kotse, baka naiinitan ka na sa dami ng tao.” Hinimas ni Aljur ang ulo ko at pabulong na nagtanong sa’kin… Hindi pa rin ako umimik.

Dahil hindi ako sumagot, binuhat na ako ni Aljur na para bang prinsesa, “Baka magka-heatstroke ka. Hawak ka lang sa leeg ko.” Suhuwestiyon nito.

Napakagat-labi na lamang ako at pinalipot sa leeg niya ang mga braso ko habang nakatago sa makisig nitong katawan.

“Ahh..” Ngayon ko ulit naalala… Kung gaano kabait at gentleman si Aljur… bago maging baldado ito…

Sa ilang taong pagsasama namin, hindi niya ako sinaktan kahit sa salita… at kapag galit ito, hindi pa rin nagsasalita…

Hinahayaan niya ako sa mga gusto ko at kahit ilang beses pa akong pagbintang sa mga kasalanang hindi ko ginawa, ni minsan hindi niya pinamukha sa’kin ‘yon. Hindi ko alam kung naniniwala ba siyang inosente ako o walalang talaga siyang pakialam?

Pati sa pagbibintang sa’kin na pinatay ko raw si Lolo Don, pinalabas niya pa rin ako ng kulungan at inuwi… pero wala pa ring sinasabi ito…

Para bang naging asawa niya lang ako dahil kay Lolo Don which is true at inalaagan bilang asawa dahil ayaw niyang masira ang reputasyon niya… Alam kong malaking halaga ang reputasyon nito kaya hindi ko siya masisisi. Kaya hindi ko rin siya masisi nang ibuhos niya ang sarili sa trabaho.

At kahit ano pang dahilan niya… Hindi niya pa rin ako gaanong pinabayaan… Ang pagkamatay ko ay hindi dahil sa kanya… Alam ko ‘yon…

Kaya sa pangalawang pagkakataon na binigay sa’kin, kung ito man ang awa ng diyos sa’kin, sisiguraduhin ko’ng babaguhin ko ang buhay ko sa pagkakataong ito.

Hindi ko na hahangarin ang pagmamahal ng ibang ni minsan hindi ako tinuring na anak.

Hindi ko na hahayaan na basta-basta na lang akong aapihin.

At sa mga taong tumulong sa’kin, kahit kaonti, sisiguraduhin kong hindi na masisira ang mga buhay nila dahil sa’kin.

Kasama na si Aljur doon. Hindi ko siya sinisisi sa nangyari sa’kin dahil alam kong wala itong kasalanan. Kahit na sa simula hanggang dulo, wala talaga itong pakialam sa’kin… at tanggap ko ‘yon.

Kaya sa pagkakataong ito, ang tanging maibibigay ko lang sa kanya ay iligtas siya sa lason na rason kung bakit magiging baldado ito. Lason na binigay ng kanyang ina… no, stepmother nito na si Maja.

Hindi ko alam bakit bumalik ako sa nakaraan at papaano pero susulitin ko ang pagkakataon na ‘toh para maging masaya ako sa pagkakataong ‘toh… pero ayoko nang makipagplastikan pa sa mga hipon at malalansang isda na lumalangoy sa pekeng umaapoy na dagat.

Patuloy pa rin ang hiyawan ng mga bisita habang ang iba ay tinatapunan kami ng mga petals hanggang sa paglabas namin at sumakay sa kotseng may nakasulat sa likod na ‘Just Get Married’.

Isinakay ako ni Aljur at isinara ng footman ang pinto. Nang pinaandar na ng driver ay lumingon ako kay Aljur, “I want divorce.”

Nagulat si Aljur sa sinabi ko at dahang-dahang napakunot-noo it. Nang makabawi ang utak ni Aljur, ay saka sumagot ito, “Pinagsasabi mo? Kakasal mo lang sa’kin, divorce agad?”

Kumunoot ang noo ko at ipinagpilitan ang gutso ko, kahit hindi niya maintindihan iyon, “Gusto ko ng divorce.”

Mas lalong lumaki ang mata ni Aljur sa gulat nang makita na determinado ako sa divorce. Alam kong kakakasal ko lang pero kung napaaga pa ang pagbalik ko, hindi ko itutuloy ang kasal. Ngunit alam kong nakapirma na ang dating ako bago pa ako halikan ni Aljur sa altar at wala na kong magawa dahil umu-o na ako sa harap ng tao kahit hindi ako ‘yon.

Agresibong umiling si Aljur, “No! Why are you so keen to divorce?”

“I-I—” napakagat-labi ako… Hindi ko alam paano ko ipapaliwanag sa kanya pero kahit pa na sabihin ko ang totoo, sino bang maniniwala sa’kin? Kahit ako hindi maniniwala na sabihin kong galing ako sa future?

Napaiwas ako ng tingin, “I just realized it late… na maling magpakasal sa’yo,”

Aljur scoffed, “You’re regretting to marry someone like?”

Tumango ako.

Napapahid ng noo si Aljur at napabuntong-hininga ito, “Kanina ang saya-saya mo. At ang pagkaalala ko, walang pumilit sa’yo na ikasal sa’kin.”

Hindi ako nagsalita dahil alam ko namang mali na manghingi ng divorce just right after the wedding ceremony… pero hindi ko kaya ang buhay na nag-aantay sa’kin. Ayaw ko na… pagod na ako… Gusto ko rin namang sumaya… Give me my freedom back!

Aljur clicked his tongue, “Look woman,” determinadong tumitig ito sa’kin, “You married into my family. You married a Machito… you die as a Machito.”

Nagulat ako sa sinabi niya, alam kong napakahalaga ng pangalan nito sa kanya pero hindi ko aakalain na sasabihin niya sa’kin toh!

I smirked, “I already did,” bulong ko.

Sa lalim ng pag-iisip ni Aljur, hindi niya narinig ang bulong ko at hindi ito nagsalita hanggang sa nakarating kami sa reception. Hindi na rin ako nagsalita dahil alam kong nabigla ito sa sinabi ko. Pero determinado pa rin akong makipag divorce sa kanya at pipilitin kong pumayag ito hanggang sa makulitan na ‘toh sa’kin.

Mabagal ang pagtakbo ng sasakyan namin kaya umabot kami ng kalahating oras na katahimikan bago makarating sa venue. Kahit na walang imik kami sa isa’t isa, inalalayan pa rin ako ni Aljur at hindi ko mapigilang mapangiti…

Si Aljur ang madalas makipaghalubilo sa mga tao habang ako naman ay umiiwas hangga’t sa makakakaya ko maliban kay Lolo Don at anak niyang si Tito Alfindo na ama ni Aljur. Sa kanila lamang ako ngumiti at tumatawa kahit ang tatay ko ay nagtataka dahil hindi siya ang unang nilapitan ko.

Kung ako ang dating ako, magpapapansin lang ako sa tatay ko mas lalo na ngayon ay napakasayang araw sa kanya… Pero hindi na ako ‘yon.

At kahit pa pansinin ko si papa o hindi, wala pa rin naman talagang pakialam ito at alam kong mas masaya pa ‘tong makipaghalubilo sa ibang maimpluwensiyang tao.

Nang magsimula na okasyon, bumalik na ako kay Aljur at tinabihan siya. Sa harap ng tao, hindi ako ngumiti… pero kina Lolo Don, oo. Bago kaming lahat kumain, tumayo si Aljur at nagbigay ng toast, “Thank you so much for the people who had come here! Me and…” Lumingon ito sa akin, “My wife,” ngumisi ito bago ibinalik ang atensiyon sa iba, “Will always remember this day!”

Lumingon si Aljur sa mga magulang ko at ngumiti, “Maraming salamat din po, sa Sandoval family. Salamat at tinanggap niyo po ako sa pamilya niyo at ibinigay niyo sa’kin ang kamay ng anak niyo…” Tumitig sa’kin si Aljur bago ipinapatuloy ang speech nito, “Sisiguraduhin kong aalagaan ko nang mabuti si Karrie at bigyan ng buhay na nararapat sa kanya. Pasasayahin ko si Karrie sa maabot ng aking makakaya. Gagawin ko ang lahat para mahalin ako ni Karrie habang buhay…” Hindi itinanggal ni Aljur ang titig niya sa’kin at ngumiti nang napakatamis, “At mamahalin kita habang buhay.”

Napatulala ako sa sinabi niya at hindi na narinig pa ang iba. Sa pagkakaalala ko, ni minsan hindi ko narinig sa bibig niya ang salitang pagmamahal…

Biglang tumibok ng mabilis ang dibdib ko… hindi dahil sa nahuhulog ako sa kanya kundi kinakabahan ako sa sinabi niya.. Hindi ko alam kung bakit pero pakiramdam ko, may malaking pagbabago akong nagawa sa pagkakataong ‘toh.

At hindi nga ako nagkamali…

Pagkatapos ng reception ceremony, kinausap ako ni Aljur pauwi sa bahay niya. “Payag ako na makipagdivorce sa’yo pero sa tatlong kondisyon.”

Napalingon ako sa kanya. Hindi ko inaasahan na papayag ito agad, hindi pa nga ako nangungulit eh. Handa nga akong makipag separate na lang kung ayaw niya.

“Ano ‘yon?” Tatlong kondisyon, mas mabuti na ‘yon kaysa makipagtalo pa sa korte at lumaki pa ang problema. At alam kong matatalo ako sa korte dahil anong laban ko sa mga Machito?

“I will not divorce you now but instead in a year from now. You can wait that long right?” Aljur asked.

I nodded in response, “Yeah,” Isang taon lang naman. Dahil alam ko na ang mangyayari sa future, kaya kong iwasan ang ibang bagay at maka-survive sa buhay na ‘toh… sana… Ang importante, makamit ang kasiyahan ko pagkatapos ng divorce.

“Second,” Ipinagpatuloy ni Aljur ang kondisyon niya, “As my wife for a year, please act like one. I’m not asking you to be a perfect wife but at least I don’t want to hear any inappropriate things about you while being my wife.”

Tumango ako, naintindihan ko kung anong gusto niyang ipahiwatig. Dahil bilang parte ng Machito family, hindi gano’n kadali… at ilang taong ko ring naranasan ‘yon. “I understand, while being married with you, you will be the only man I have, I will take care of you and your reputation.”

Hindi na sumagot ito sa sinabi ko at nagpatuloy magsalita, “Lastly…” may kaunting katahimikan bago ito nagsalita kung kaya napakunot-noo ako sa kuryusidad, “…I want to have dinner with you every night and a date every week.”

I dropped my jaw from surprised, I was speechless.

Aljur added, “Give me a year to change your mind. A year to make you fall for me.”

_______

KircheLeaf

UNANG LIBRO

_______

~ KATAPUSAN ng KABANATA TATLO ~

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status