Share

Reborn Love: Mr. CEO, I'm Leaving You
Reborn Love: Mr. CEO, I'm Leaving You
Author: Cozy Season

Chapter 1

Author: Cozy Season
last update Last Updated: 2025-04-09 17:09:12
Sa buong Lavender City, alam ng lahat na mahal na mahal ni Willow Annie Torres si Benedict Alvarez.

Mahal niya ito nang walang limitasyon, walang dignidad, walang hanggan.

Sa araw mismo ng kasal nila, dahil lang sa isang salita mula kay Ysabella, iniwan si Willow ni Benedict. Iniwan siya sa mismong araw ng kasal nila at nagmadaling pumunta sa airport para sunduin ang tunay nitong mahal.

Matagal nang inaasam ni Willow ang kasal na iyon. Tatlong taon niyang hinintay ang araw na magiging opisyal silang mag-asawa ni Benedict. Pero ang araw na dapat sana ay pinakamasaya sa buhay niya, naging bangungot na hindi na niya malilimutan kailanman.

Sa mismong araw ng kasal nila, kinidnap siya ng mga kaaway ni Benedict. Gusto ng mga taong iyon na ipahiya si Benedict kaya tatlong araw at tatlong gabi siyang pinahirapan.

Sa huli, wala siyang kahit anong saplot nang itinali siya sa isang deck ng barko. Lahat ng nangyari ay ini-livestream ng mga kidnapper para ipahiya si Benedict sa harap ng lahat.

Malamig ang hangin sa dagat, nanginginig siya sa takot. Umiiyak siyang nakiusap sa mga kumuha sa kanya. Sinubukan ni Willow na ipaglaban ang sarili niya pero tinapakan lang ng tadhana ang kanyang dignidad.

Habang nangyayari ang lahat ng ito, si Benedict naman ay walang pakialam dahil sa parehong araw na iyon, tahimik itong nagpakasal kay Ysabella, hindi man lang sumagi sa isip nito si Willow.

"Benedict, ibigay mo lang sa amin ang forty milyong ransom at palalayain namin ang fiancée mo! Kung hindi, itatapon namin siya sa dagat para ipakain sa mga pating!" sigaw ng isa sa mga kidnapper, punong-puno ng panghahamak ang boses.

Pero ang sagot lang ni Benedict ay isang malamig na tawa. "Isang babaeng wala nang halaga sa akin? Kung mamatay man siya, anong kinalaman ko diyan?"

Nanlaki ang mga mata ni Willow. Wala nang… halaga? Hindi niya inakalang maririnig niya ang salitang iyon mula kay Benedict.

Matagal siyang naghintay. Hindi siya sumama sa ibang lalaki kahit kailan dahil alam niyang may pagiging clean freak si Benedict pagdating sa mga babae.

Tatlong taon siyang naging sunod-sunuran sa sinasabi ng lalaking ito, laging masunurin, laging inuuna si Benedict sa lahat ng bagay. Para kay Benedict, handa si Willow na isakripisyo kahit buhay pa niya.

At ang buong akala niya, kahit papaano, may kunting pagsisisi si Benedict sa ginawa nitong pambabalewala sa kanya. Pero hindi. Sa paningin ni Benedict, wala na siyang halaga Kaya kahit mamatay siya, wala itong pakialam.

Pinatay ni Benedict ang tawag at sa galit ng mga kidnapper, itinapon nila si Willow sa dagat.

At sa sandaling iyon, natawa si Willow sa sarili niya. Isa siyang katawa-tawang babae. Kaawa-awa. Masyadong mababa.

Alam ng lahat sa Lavender City na si Willow ay walang iba kundi isang stand-in lang ni Ysabella. Pamalit ni Ysabella si Willow dahil tutol sa pag-iibigan ng dalawa ang lola ni Benedict. Para lang mapangasawa si Benedict, isinantabi ni Willow ang sariling dangal, tinanggap ang pagiging isang panakip-butas, tiniis ang masasakit na salita ng ibang tao at buong pusong inalagaan ang matandang lola ni Benedict.

Tatlong taon. Tatlong taon niyang sinubukang iparamdam kay Benedict na mahal na mahal niya ito. Ngunit sa huli, napagtanto niyang… lahat ng ginawa niya ay para lang sa wala.

Pumikit si Willow nang may matinding sakit sa puso at tumulo ang kanyang luha ng pagsisisi.

Kung mabibigyan siya ng isa pang pagkakataon para mabuhay, hindi na niya kailanman lalapitan si Benedict. Iiwasan niya na ito nang milya-milya ang layo.

"Hindi nga? Tumalon talaga siya? Sobrang OA naman!"

"Para lang sa singsing? Kahit pa kay Benedict 'yan, kailangan ba talagang sumisid sa tubig?"

"Sino ba ang hindi nakakaalam na si Willow ay parang asong sunod nang sunod kay Benedict? Hindi lang yan! Kahit siguro utusan siya ni Benedict na maghubad at sumayaw sa harap natin, gagawin pa rin niya! Ganoon siya kababa!"

Nagtawanan ang mga tao sa paligid.

Parang may bumalot na malamig na hangin sa puso ni Willow. Pakiramdam niya ay nahihilo siya.

Sa kanyang pandinig, patuloy na umalingawngaw ang malalakas na halakhak ng ilang lalaking nanonood sa kanya.

"Ugh… ah…!"

Mayamaya, nagawa ni Willow na umahon mula sa tubig habang hinahabol ang kanyang hininga. At nang makita niya ang nasa harapan niya, natigilan siya.

Ano 'to?

Ang mga tao sa paligid ay mga bisitang nanonood lang ng eksena. Basang-basa ang suot niyang damit pang-engagement.

Ang eksenang ito… pamilyar sa kanya.

Dahan-dahan siyang napa-isip.

Ito ba ang engagement party nila ni Benedict… tatlong taon na ang nakalipas?

Ibig sabihin… bumalik siya sa nakaraan?

Biglang nagbalik sa isip niya ang nangyari noon.

Sa past life niya, inakala ni Benedict na siya ang nag-udyok kay Old Madam Alvarez na madaliin ang engagement nila. Dahil dito, sinadya ng lalaki na ipahiya siya sa mismong party.

Kitang-kita pa rin sa alaala ni Willow kung paano itinapon ni Benedict ang singsing sa swimming pool at malamig na nagsalita. "Kung kaya mong kunin 'yan, papakasalan kita."

At naniwala siya. Kahit hindi siya marunong lumangoy, tumalon siya sa tubig. Halos malunod siya noon. Pero sa kabila ng lahat, naiangat niya ang singsing, umakyat ng basang-basa, basag ang dignidad, ngunit puno ng pag-asa.

At ano ang naging kapalit? Sa parehong gabing iyon, sa harap ng maraming tao, pinahiya siya ni Benedict sa pinakamalalang paraan.

Dahil naglaslas ng pulso si Ysabella, nagmadaling umalis si Benedict sa party, iniwan siyang mag-isa, walang pakialam sa kahihiyan na dinanas niya.

Sa isang iglap, naging katatawanan siya sa buong Lavender City. Dahan-dahang ibinaba ni Willow ang tingin sa singsing na mahigpit niyang hawak. Napangiti siya, isang mapait na ngiti.

‘Willow, ito ba talaga ang gusto mo?’

Sa ilalim ng mga mapanuring tingin ng mga tao, umahon siya sa tubig.

"Ang lalim ng pool pero nakuha mo pa rin ang singsing! Ano pa hinihintay mo? Bilisan mong ibigay kay Benedict para magpasikat!"

"Tama! Walang singsing, walang kasal!"

Patuloy ang kantyaw at halakhak ng mga tao.

Para sa kanila, si Willow ay isa lang malaking biro, walang dangal kaya pwedeng hamak-hamakin lang. Ngunit sa halip na magpakumbaba, walang emosyon si Willow na tumingin sa kanila.

Sa harap ng lahat, hinubad niya ang singsing na nasa kamay niya. At walang pag-aalinlangan sa mukha, itinapon niya ito pabalik sa swimming pool.

Sa tunog ng "plop!" nang bumagsak ang singsing sa tubig, isang nakakabinging katahimikan ang bumalot sa paligid.
Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Reborn Love: Mr. CEO, I'm Leaving You   Chapter 100

    “Ang kulit din pala ng kasambahay na ’to,” sabi ni Willow.“Kahapon lang ako pinabalik ni Sir Alvarez. Paano ko naman mapuputol ang CCTV nang walang dahilan? Oo, tumira ako dito ng tatlong buwan noon, pero hindi naman ako katulad ninyo na empleyado ng Alvarez Family. Paano ko naman malalaman kung nasaan ang main switch ng CCTV? Ikaw lang naman ang nag-iisang staff na nasa bahay ngayon, ’di ba? At isa pa, isa akong galing sa mayamang pamilya, bakit ko kailangang siraan ka?”“Hindi ako! Hindi ako!” Nag-panic si Lala habang nagpaliwanag kay Benedict. “Sir Alvarez, wala po akong kasalanan!”“Tama na!” Napakunot ang noo ni Benedict.Alam naman niya noon pa na inaapi si Willow ng mga kasambahay. Hindi lang siya nakikialam kasi ayaw niyang kampihan si Willow. Gusto rin niyang mapagod si Willow at umalis na lang.Pero ngayon, sumobra na si Lala.Malamig ang tono ni Benedict nang sabihin niya, “Hindi ko kailangan ng empleyadong ganyan ang ugali. Kunin mo ang sahod mo ngayong buwan. Simula

  • Reborn Love: Mr. CEO, I'm Leaving You   Chapter 99

    “Sir Alvarez, ano bang pinagsasabi mo?”Nagmukhang inosente si Willow habang nakatingin kay Benedict.“Maayos akong naliligo dito, tapos ikaw ang bigla na lang pumasok. Ngayon, kasalanan ko pa?”“Eh ikaw…”Napatitig si Benedict kay Willow.Nakatapis lang ito ng tuwalya. Kita ang mahahabang mapuputing hita at ang basa niyang buhok ay nakalugay sa balikat. May mga patak ng tubig na nakahawak pa sa clavicle niya, na lalong nagdagdag sa pang-aakit ng itsura niya.Napansin ni Willow ang tingin ni Benedict sa kanya kaya’t hinila paakyat ang tuwalya niya at malamig na sinabi, “Sir Alvarez,  may kailangan ka ba?”“Sino’ng nagsabi sa 'yo na sirain ang uniporme ng kasambahay?” Galit ang tanong ni Benedict.“Sinong nagsira ng damit? Sir Alvarez, anong sinasabi mo?” Umaktong walang alam si Willow.“Huwag mo akong paikutin, Willow.” Malamig ang boses ni Benedict. “Ginupit mo yung damit dahil gusto mong labanan ako? O gusto mong mapansin kita?”“Sir Alvarez, hindi ko talaga gets ang sinasab

  • Reborn Love: Mr. CEO, I'm Leaving You   Chapter 98

    Pak!Isang malutong na sampal ang dumapo sa pisngi ng kasambahay.Napangiwi ito habang hawak ang mukha niya, halatang nasaktan.Malamig ang tingin ni Willow sa magandang dalagang nasa harap niya.“Lala, ‘di ba tinatawag mo akong ‘Miss Torres’? Ibig sabihin alam mong mas mataas ang posisyon ko kaysa sa 'yo. Sinong nagsabi sa 'yo na pwede mong tawagin ako sa pangalan lang?”“Eh ikaw—!”Matagal nang nasa bahay ng mga Alvarez si Lala. Dahil maganda siya, pakiramdam niya ay mas mataas siya kaysa sa iba.Sa tuwing nakikita niyang pinapahiya o binabalewala si Willow noon, tahimik lang siya pero alam ng lahat na hinahayaan niya ito.Naalala ni Willow sa past life niya, ilang beses siyang pinagsabihan ni Lala ng mga maling payo na naging dahilan para mapahiya siya kay Benedict. At ngayong nagpapakitang matapang si Lala sa harap niya, wala nang balak si Willow na tiisin ito.“Miss Torres, kahit ano pa ‘yan, kasambahay pa rin ako ng Alvarez Family! Sa pag-sampal mo sa 'kin, para mo na rin

  • Reborn Love: Mr. CEO, I'm Leaving You   Chapter 97

    Para sa mga lalaki, normal lang daw ang mambabae sa labas.Pero ang babae, dapat marunong makuntento.Anong klaseng kaisipan ‘yan?“Pwede nating kalimutan ang nangyari ngayon, pero ayusin mo ‘to.” Pagkasabi nun, parang may naalala ulit si Old Madam.“Teka, hindi ba tumigil ka na sa pag-aaral dati?”“Opo.”“Kung gano’n, wala ka nang kailangang intindihin sa eskwelahan.”Sabi ni Old Madam, “Bilang magiging asawa ng Alvarez Family, kahit hindi ka na mag-aral, makakakuha ka pa rin ng diploma.”“Madam…”“Asikasuhin mo na lang ‘yan. Ang kailangan mo lang gawin ngayon, ay kung paano mo mahuhuli ang puso ni Benedict. Lahat ng ibang bagay, hindi mo na kailangang intindihin. At saka, ikakasal ka na rin naman, nakakahiya kung nag-aaral ka pa.”Malinaw na utos ang tono ni Old Madam.Kahit hindi sang-ayon si Willow, wala siyang magagawa ngayon kundi sumunod.Kung mawawala ang suporta ni Old Madam, magiging mahina ang posisyon niya kung sakaling gumawa ng hakbang si Benedict laban sa Torr

  • Reborn Love: Mr. CEO, I'm Leaving You   Chapter 96

    “Madam!”Namutla agad ang mukha ng driver.Matagal na siyang nasa tabi ni Old Madam. Kahit dati na siyang nakapagsalita ng mali, ngayon lang siya pinatawan ng ganitong kabigat na parusa.“Madam, nadulas lang po talaga ako kanina! Hindi ko po sinasadya…”“Isama niyo na siya.”Ni hindi siya tinapunan ni Old Madam ng tingin. Agad lumapit ang mga tao ni Madam at inalalayan ang driver paalis.Si Willow, mula noon, puro mabait na mukha lang ni Old Madam ang nakikita. Ngayon lang niya nakita kung gaano ito katapang at kaseryoso pagdating sa mga desisyon.Marahil, mula pa noon ganito na talaga si Old Madam, nagpapakabait lang sa harap ng ibang tao.Kung talagang mabait siya, bakit basta-basta niya pinapaalis ang isang taong nagsilbi sa kanya ng maraming taon, kahit pa nagkamali lang ng isang salita?“Willow, pinatawag kita ngayon para tanungin kung alam mo ba ang tungkol sa balita ngayon?”“Anong balita po ‘yon, Madam?” tanong ni Willow, kunwa’y nagtataka.Kinuha ni Old Madam ang kan

  • Reborn Love: Mr. CEO, I'm Leaving You   Chapter 95

    Pagkaalis ni Willow sakay ng taxi, agad namang bumalik sa sasakyan ang driver para habulin siya.Nakita ni Willow ang pagmamadali ng driver sa likod at bahagya lang siyang ngumiti ng malamig.Kung masyadong mabait ang amo, lumalakas ang loob ng mga tauhan. Kahit pa isa siyang anak ng Torres Family at bisita sa bahay nila, ang driver na tulad nito ay umaakto na parang may karapatan siyang bastusin siya.Dati, tiniis niya ang lahat. Pero ngayon, hindi na siya papayag na apihin pa muli.Mayamaya pa, huminto na ang taxi sa harap ng bahay ng Alvarez Family.Bagamat lumipat na si Old Madam ng tirahan, ang tinitirhan nito ay isa pa ring malaking bahay sa loob ng isang eksklusibong village.Nang masilip ni Old Madam mula sa bintana na bumaba si Willow mula sa taxi, agad na dumilim ang mukha niya.“Ano ‘to? Hindi ba’t pinasundo ko siya kay Lando? Nasaan na ‘yon?” tanong niya na may inis.“Madam… eh…” Nagkatinginan ang mga katulong. Ni isa sa kanila ay walang alam sa nangyari.Alam lang

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status