Huwag kalimutan mag-iwan ng like, comment, gem vote, at i-rate ang book. Salamat po!
Nagising ako dahil sa isang napakalakas na tawanan mula sa ibaba. Napaigtad ako sa kama, gulat na gulat. Saglit akong napahawak sa dibdib ko dahil sa biglaan kong pagkagising. Mabilis kong kinapa ang phone ko pero wala roon. Kahit wall clock, wala akong makita. Anong oras na ba ‘to?Bumangon ako at inayos ang sarili, ramdam pa rin ang kaunting hilo dahil sa kalasingan kagabi. Napainom ako ng alak kagabi kasi birthday ng kasama ko sa trabaho. Hindi ko nga maalala kung paano ako nakarating sa kama ni Brent. Ang huling naaalala ko lang ay ang paulit-ulit na pag-amin ko kay Brent.Napapikit ako sa kahihiyan.“Diyos ko, sana nalunod na lang ako sa alak,” mahina kong bulong.Nang bumaba ako mula sa hagdan, bumungad agad sa akin ang isang napakaingay at punung-punong bahay. Para akong napadpad sa isang family reunion na hindi ko naman alam na may ganoon.Napakunot ang noo ko habang pinagmamasdan ang mga taong nagsisiksikan sa sala ni Brent.Wait... Kilala ko ‘tong mga ‘to. Si Mommy. Si Daddy
Brent's POV Katatapos ko pa lang ihatid si Claudia pauwi nang tumunog ang phone ko. Pagod na ako, mentally drained, and honestly, a bit confused pa rin sa naging biglaang kiss niya sa labas ng ospital. Hindi ko pa man nabubuksan ang pinto ng kotse ko, agad ko nang binasa ang text na dumating.From: EsnyrBrent! Punta ka dito sa Tipsy Bar. Bella’s drunk and crying. Hinahanap ka, gaga siya.Nanlaki ang mga mata ko.Bella's drunk and she's crying?Hindi na ako nagdalawang-isip. Agad akong sumakay ng kotse at pinaharurot iyon patungonsa bar kung saan madalas nagha-hangout sina Esnyr at Bella. Bago pa ako makaliko sa intersection, tumawag si Esnyr.“Brent, ano ka ba?! Kanina ka pa hinahanap ni Bella! She’s crying like someone left her sa altar. Ang sakit-sakit sa puso, ‘teh! You better show up now or I’m dragging your straight ass here myself!”“I’m on my way,” mabilis kong sagot.Ilang minuto lang, nandoon na ako sa bar. Matao, maingay, at punong-puno ng mga taong wala nang pake kung mas
Bella's POVMainit ang araw nang hapong iyon habang paakyat ako sa parking area ng mall, bitbit ang ilang paper bags na may laman pang-honeymoon outfits na pinilit lang ni Brent na bilhin ko, kahit hindi pa kami kasal. Hindi ko alam kung anong laro ang nilalaro niya ngayon—lahat minamadali, lahat tila sinasagad.Ilang hakbang na lang sana papasok sa sasakyan nang may biglang tumawag sa akin mula sa gilid.“Bella?”Natigilan ako.Mabilis ang pintig ng puso ko nang marinig ko ang pamilyar na tinig. Mabilis din akong napalingon. At doon ko nakita—si Gabriel, ang lalaking minsan kong minahal... at minsan ding sumira sa buo kong pagkatao.Nakatayo siya sa lilim ng poste, naka-formal attire, may hawak na maliit na puting envelope sa kamay.“Gabriel,” mahina kong sabi.He walked toward me with a hesitant smile, as if unsure kung tatanggapin ko siya o tatalikuran.“I wasn’t sure if I should approach you, but... I figured, we’re adults now. We can be civil.”Tumango ako, kahit may bahagyang la
Bella's POV Nakangiti si Brent habang hawak ang cellphone, pero may bahagyang bakas ng pag-aalala sa kanyang mga mata. Nakaupo siya sa gilid ng kama at bagong paligo. Mukhang nagmamadali."Who's that?" tanong ko, kahit alam kong hindi na ako dapat magtanong.“It’s Claudia,” sagot niya, iwas ang tingin. “She’s in the hospital. She said she needs someone to pick her up. Walang ibang pwedeng sumundo.”Tumango ako, pinipilit ang sarili kong huwag mag-react. Pero may kung anong kumirot sa dibdib ko—‘yung parang kinukurot na hindi mo maipaliwanag kung bakit.“She asked you?”“I guess I’m the only one she can call,” sagot niya, at muling kinuha ang jacket niya.“I see,” mahinang sabi ko.“I won’t take long,” dagdag niya. “Promise.”Hindi ako sumagot. Tiningnan ko lang siya habang inaayos ang buhok niya sa salamin. Ilang hakbang pa ay palabas na siya ng kwarto, at naiwan akong nakatayo lang roon.Pero sa totoo lang, hindi ko mapigilan. Hindi ko kayang umupo lang dito at maghintay na bumalik
Bella's POV Tahimik ang buong bahay habang naglalagay ako ng mga hinugasan sa dish rack. Naririnig ko pa ang patak ng tubig mula sa gripo, at ang mahinang huni ng radyo sa background. Ilang araw na rin simula nang alagaan ko si Brent matapos siyang mawalan ng malay. Sa bawat araw na lumilipas, tila unti-unti rin niyang binubura ang distansyang matagal ko nang inilagay sa pagitan naming dalawa.Kaya’t nang marinig ko ang tunog ng telepono niya sa living room, hindi ko inakalang babasag iyon sa katahimikan ng araw naming dalawa.“Hello?” tanong niya, medyo groggy pa ang boses dahil kagigising lang.Napalingon ako mula sa kusina. Tahimik akong nanood habang unti-unting nagbago ang ekspresyon sa mukha ni Brent. Mula sa pagiging walang pakialam, naging alerto siya. Nanlisik ang mga mata, at nanigas ang mga balikat.“What happened? Where is she now?” sunod-sunod niyang tanong.Napapitlag ako sa tono ng boses niya—halatang may urgency. Parang may masamang nangyari.“I’ll be there in twenty
Bella's POV Tahimik kaming nakaupo sa loob ng sasakyan habang bumabaybay sa kahabaan ng EDSA. Nasa passenger seat si Brent, nakahilig sa salamin, at tila ba sinasadyang magmukhang kaawa-awa. Wala pang limang minuto ang lumilipas, ay bigla siyang umubo, malakas, parang lalagnatin.Napalingon ako. “Are you okay?”“No,” aniya habang nakakunot ang noo. “I think I’m dying.”Napairap ako. “You’re not dying, Brent. You just fainted from drinking too much and not sleeping.”“But my head hurts, and I’m cold… and my chest feels heavy,” aniya pa, sabay buntong-hiningang para bang siya ay may taning na.Halos mapatawa ako. Kung hindi ko lang siya kilala, baka napa-praning na talaga ako. Pero malinaw ang intensyon niya—gusto lang niyang maalagaan.Pagdating namin sa bahay, hindi na ako nag-aksaya ng oras. Kinuha ko agad ang gamot na inireseta ng doktor at nagtimpla ng lugaw. Pagbalik ko sa kwarto niya, nakahiga na siya sa kama, may unan sa ilalim ng paa, at nakasiksik sa comforter na para bang g
Bella's POV Hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko. Parang biglang tumigil ang oras sa pagitan naming dalawa habang nakatitig ako sa lalaking ilang segundo lang ang nakalilipas ay mapusok akong hinalikan. Ramdam ko pa rin sa labi ko ang init ng labi niya, ang magkahalong alak at emosyon sa hininga niya. Hindi ko alam kung anong mas dapat kong maramdaman—galit ba? Pagkagulat? O… takot sa kung ano na ang nagiging lugar ni Brent sa puso ko. “I know I’ve been a mess,” bulong niya habang nananatili ang mukha niyang ilang pulgada lang ang layo sa akin. “But I’m trying, Bella. Even when I don’t know how.” Napakuyom ang mga palad ko. Ang tibok ng puso ko ay hindi na maipinta. Parang bigla akong nahulog sa isang bangin na wala akong ideya kung saan patutungo. “I like you,” dagdag pa niya, at sa mismong sandaling iyon ay nanikip ang dibdib ko. “I mean… I love you.” Parang sumabog ang isang kanyon sa utak ko. Sa gitna ng lamig ng hangin ay tila ako pinapawisan. Gusto kong magsalita. Gusto
Brent's POV Mabilis ang takbo ng sasakyan ko habang binabaybay ang madilim na kalsada ng Maynila. Halos wala akong pakialam kung lampas na ako sa speed limit o kung may mga matang sumusunod sa akin. Ang tanging gusto ko lang sa mga oras na ito—ay ang makalimot.Makalimot sa mga mata ni Bella na kahit wala siyang sinasabi, ay tila paulit-ulit akong sinusumpa sa katahimikan. Makalimot sa paraan ng pagtitig niya sa akin, na parang hindi niya ako kilala tuwing bumibitaw ako ng mga salitang pinangungunahan ng panibugho. At higit sa lahat, makalimot sa takot ko… na baka isang araw, magising na lang ako at wala na siya.Huminto ako sa tapat ng pamilyar na bar—isang lugar na dati kong pinupuntahan kapag kailangan kong takasan ang ingay ng mundo. Ironikal, hindi ba? Dumidiretso ako sa lugar na puno ng ingay para tumakas sa ingay sa loob ng sarili kong ulo.Pagpasok ko, sinalubong ako ng mahinang tugtog ng jazz at masangsang na halimuyak ng alak at sigarilyo. Ilang beses na akong nakaupo sa pa
Brent's POV Nang iwan ko si Bella sa ilalim ng punong iyon, inaasahan kong hahabol siya. Na tatawagin niya ang pangalan ko at yayakapin ako mula sa likod, gaya ng sa mga pelikula. Na papawiin niya ang lahat ng hinala’t pag-aalinlangan na bumabagabag sa puso ko sa isang sulyap, sa isang pag-amin na walang ibang lalaking iniisip ang puso niya kundi ako lang. Pero wala. Walang boses na tumawag sa pangalan ko. Walang mga yabag na humabol sa akin. Ang nakuha ko lang ay katahimikan. Malamig. Malalim. At mas nakakatakot pa kaysa sa anumang sagot na maaaring ibigay niya. Pagbalik ko sa silid ko, sinarado ko ang pinto at isinandal ang likod ko roon. Pinikit ko ang mga mata. Pero kahit pa pumikit ako, ang mukha pa rin niya ang nasa isipan ko—ang ekspresyon ng pagkabigla, ng pagtataka, at ng kung anong hindi ko mabasa. At sa ilalim ng lahat ng iyon, ang hindi ko matanggap… ay ang katahimikang pilit niyang sinagot ang mga tanong ko. She could've denied it with more fire. She could've screa