Good afternoon! Don't forget to like, comment, gem votes, and rate this book. Malaking tulong po ang engagement ninyo para sa promotion ng book. Thank you 💕
Luna’s POV Pagkatapos ng tatlong oras na parang buong buhay kong inialay sa paghihintay sa labas ng emergency room, sa wakas ay lumabas na ang doktor. Halos napatalon ako mula sa bakal na upuan, at kahit nanginginig pa rin ang tuhod ko, pinilit kong maglakad papalapit sa kanya. “Dok, kumusta na po ang anak ko?” tanong ko habang pinipilit pigilan ang panginginig ng boses ko. Parang natutuyo ang lalamunan ko habang hinihintay ang sagot niya. Ngumiti siya ng pagaan sa loob ng sitwasyon. “Miss Reid, nasa mabuting kalagayan na si Bella. Nakahabol tayo sa tamang oras. Medyo mahina pa ang katawan niya ngayon, pero stable na ang kondisyon niya. Kailangan lang ng pahinga at masusing pagbabantay sa kanyang kalusugan.” Halos mawalan ako ng lakas sa ginhawang naramdaman ko. Parang bumalik ang hangin sa aking baga. Hindi ko napigilan ang pagtulo ng luha ko habang paulit-ulit na nagpapasalamat. “Salamat po, Dok. Salamat sa Diyos…” “Pwede mo na siyang makita,” sabi ng doktor bago siya tumal
Luna’s POV Tahimik akong nakaupo sa maliit na coffee shop sa harap ng ospital habang hinihintay ang Yaya ni Bella. Kailangan ko siyang kausapin tungkol sa mga bagong bilin ng doktor, pati na rin sa mga plano ko para sa schedule namin. Isang malaking paghigop ng kape ang ginawa ko, pero kahit ang pait nito ay hindi sapat para takpan ang mga iniisip ko. Buong umaga akong nag-iisip tungkol sa tawag ni Alexus kagabi. Sa bawat salita niya, parang may muling bumabalik sa akin—ang nakaraan, ang sakit, ang mga alaala. Paano mo nga ba iiwasan ang taong minsang naging mundo mo, lalo na kung patuloy siyang nagiging bahagi ng kasalukuyan mo? Mula sa labas ng glass wall ng café, bigla kong napansin ang isang pamilyar na pigura. Matangkad, maayos ang tindig, at pamilyar ang lakad na tila ba ang lahat ng nakapaligid ay kusang umaayon sa kanya. Si Alexus. Halos mahulog ang tasa ko sa lamesa. Ano'ng ginagawa niya rito? Hindi pa man ako nakakagalaw, pumasok na siya sa café. Diretso ang tingin
Luna’s POV Pagkatapos ng ilang araw na tila puno ng tensyon, napagpasyahan kong tumuon na lamang sa trabaho. Kailangan kong magpakatatag para kay Bella. Pero kahit anong gawin ko, hindi ko maiwasang maalala ang sinabi ni Alexus sa café. Para bang ang bawat salitang binitiwan niya ay nag-iwan ng bigat sa dibdib ko na hindi ko maalis. Nasa duty ako nang tumawag ang Yaya ni Bella para ipaalam na maayos ang lahat sa bahay. Habang naglalakad ako sa departure gate ng airport, nakangiti akong nagpasalamat sa kanya. “Thank you, Yaya. Tawagan mo lang ako kung may kailangan kayo, ha?” Mabigat pa rin ang pakiramdam ko, pero nagbigay ako ng ngiti sa mga pasaherong sumasakay. As a flight attendant, kailangan kong magmukhang kalmado at maayos kahit gaano pa kabigat ang mga iniisip ko. Pero sa kabila ng lahat, hindi ko maiwasang makaramdam ng kaba. “Miss Luna, pwedeng pahingi ng tubig?” tanong ng isang pasahero habang papunta ako sa galley. Ngumiti ako at tumango. “Of course, Ma’am. I’ll
Luna’s POV Hindi pa man ako nakakahinga mula sa naunang tensyon sa cockpit, heto’t muling nagparamdam si Alexus sa pamamagitan ng intercom. “Luna, I need you in the galley. Now,” malamig niyang boses na nagmula sa speaker. Napapikit ako, pilit na nilalabanan ang inis. Bakit ba tila ba ginawang personal na misyon ni Alexus ang utos-utusan ako? Tumayo ako mula sa pagkakaupo at mabilis na nagpunta sa galley, pilit na itinatago ang iritasyon sa mga kasamahang crew na nagkatinginan na naman. Pagdating ko, naroon siya, nakatayo at seryosong binabasa ang isang flight manual habang naka-cross arms. Tiningnan niya ako nang dumating ako, at ang mga mata niya ay puno ng lamig at implikasyon na tila ako ang may kasalanan kung bakit hindi umaayon ang lahat sa plano niya. “Ano na naman?” tanong ko, pilit na pinapanatili ang malamig na tono. Ayoko nang makita niyang naiinis ako. “May reklamo ang ilang passengers sa meal service,” diretso niyang sabi. “Pakiayos. And next time, ensure na ma
Luna’s POV Paglapag namin sa Manila International Airport, ramdam ko ang bigat ng pagod sa katawan ko, pero mas nangingibabaw ang bigat ng emosyon. Sa kabila ng malamig na treatment ni Alexus sa akin buong flight, kailangan kong magpanggap na normal lang ang lahat. Habang nag-aayos kami ng mga gamit at naghahanda para bumaba, nagsimula nang magkwentuhan ang ilang flight attendants at co-pilots sa galley. Tumatawa-tawa sila, halatang nagre-relax na matapos ang mahabang biyahe. “Luna, ang galing mo talaga kanina sa galley ha! Parang kahit stressed, calm pa rin,” biro ni Carla, sabay ngiting nakakaloko. Ngumiti ako nang tipid. “Kailangan lang talaga nating mag-focus sa trabaho, Carla.” “Uy, speaking of focus,” biglang singit ni Bryan, isa sa mga co-pilots. “Napansin ko, parang close na close kayo ni Captain Alexus ah. May connection ba na hindi namin alam?” Agad akong napatingin sa kanya, ang mga mata ko’y nagbabanta na huwag nang mag-umpisa. “Bryan, huwag kang mag-imbento. Tr
Luna’s POV Nagising ako sa marahang tunog ng cellphone ko na nagri-ring sa bedside table. Mahinang liwanag mula sa bintana ang tumatama sa mukha ko, hudyat na papasikat na ang araw. Dahan-dahan akong bumangon, pilit na binabanat ang pagod kong katawan mula sa nakaraang biyahe. Ring… Ring… Saglit akong napatitig sa screen bago sinagot ang tawag. Nadine. Ang pinsan kong matagal nang hindi tumatawag maliban na lang kung may kailangan. “Hello?” mahinahon kong sagot habang hinihimas ang sentido ko. “Luna!” masyadong masigla ang boses niya sa kabilang linya, isang senyales na may hihingin na naman siya. “Grabe, ang hirap mong makontak! Buti na lang sinagot mo.” Napabuntong-hininga ako. “Kagagaling ko lang sa flight, Nadine. May problema ba?” Sandaling katahimikan. Parang nag-aalangan siya, pero alam kong nag-iipon lang siya ng lakas ng loob para humingi ng pabor. “Uh… kasi, Luna, alam kong biglaan, pero pwede mo ba akong pautangin kahit mga… fifty thousand?” Muntik ko nang
Luna’s POV Pagkatapos kong magpadala ng limang libo kay Nadine, hinagis ko ang cellphone sa kama at napabuntong-hininga. Alam kong hindi ko dapat iniinda ang sinabi niya, pero hindi ko maiwasang makaramdam ng bigat. Bakit gano’n? Kapag tumanggi kang tumulong, ikaw pa ang lalabas na masama? Akma na akong pupunta sa banyo para maligo nang biglang nag-ring ulit ang cellphone ko. Another call? Napakunot ang noo ko at dinampot ang phone. Sa caller ID, lumabas ang isang pangalang mas lalong nagpa-init ng ulo ko. Cara. Napailing ako. Ano na naman kaya ang kailangan niya? Kung si Nadine ay palaging nanghihiram ng pera, si Cara naman ay walang ibang ginawa kundi siraan ako sa ibang tao. Hindi ko na mabilang kung ilang beses niyang pinalabas na masama akong tao sa pamilya namin—na mayabang ako, na ginagamit ko ang pagiging flight attendant ko para ipagyabang ang buhay ko. Pero kapag kailangan niya ng tulong? Bigla siyang magiging mabait. Kinuha ko ang phone at saglit na tinignan
Luna's POV Pagkatapos kong i-block si Cara, inisip kong makakapagpahinga na ako kahit sandali. Pero mukhang hindi ako tatantanan ng gulo ngayong araw. Ring… Ring… Muli na namang tumunog ang cellphone ko. Napabuntong-hininga ako bago tinignan ang caller ID. Hindi pamilyar ang numero. Nag-aalangan akong sagutin, pero sa huli, pinindot ko ang green button. “Hello?” “Magandang araw po, Ma’am. Kayo po ba si Luisa Natasha Reid?” Napakunot ang noo ko. “Sino po sila?” “Ako po si Mr. Javier mula sa Summit Lending Corporation. Tumatawag po ako tungkol sa outstanding loan nina Ms. Nadine Reid at Ms. Cara Salazar. Ikaw po ang inilagay nilang guarantor sa kanilang loan. Ma’am, overdue na po ang bayarin nila, kaya kayo na po ang sinisingil namin.” What the hell?! Halos mahulog ang cellphone ko sa narinig ko. Nanigas ang katawan ko, at sa loob ng ilang segundo, parang nawala ako sa sarili ko. “Wait. Ano?! Ano'ng ibig mong sabihin?” Napalakas ang boses ko. “Wala akong alam sa loan n
Bella's POV Hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko. Parang biglang tumigil ang oras sa pagitan naming dalawa habang nakatitig ako sa lalaking ilang segundo lang ang nakalilipas ay mapusok akong hinalikan.Ramdam ko pa rin sa labi ko ang init ng labi niya, ang magkahalong alak at emosyon sa hininga niya.Hindi ko alam kung anong mas dapat kong maramdaman—galit ba? Pagkagulat? O… takot sa kung ano na ang nagiging lugar ni Brent sa puso ko.“I know I’ve been a mess,” bulong niya habang nananatili ang mukha niyang ilang pulgada lang ang layo sa akin. “But I’m trying, Bella. Even when I don’t know how.”Napakuyom ang mga palad ko. Ang tibok ng puso ko ay hindi na maipinta. Parang bigla akong nahulog sa isang bangin na wala akong ideya kung saan patutungo.“I like you,” dagdag pa niya, at sa mismong sandaling iyon ay nanikip ang dibdib ko. “I mean… I love you.”Parang sumabog ang isang kanyon sa utak ko. Sa gitna ng lamig ng hangin ay tila ako pinapawisan. Gusto kong magsalita. Gusto kong
Brent's POV Mabilis ang takbo ng sasakyan ko habang binabaybay ang madilim na kalsada ng Maynila. Halos wala akong pakialam kung lampas na ako sa speed limit o kung may mga matang sumusunod sa akin. Ang tanging gusto ko lang sa mga oras na ito—ay ang makalimot.Makalimot sa mga mata ni Bella na kahit wala siyang sinasabi, ay tila paulit-ulit akong sinusumpa sa katahimikan. Makalimot sa paraan ng pagtitig niya sa akin, na parang hindi niya ako kilala tuwing bumibitaw ako ng mga salitang pinangungunahan ng panibugho. At higit sa lahat, makalimot sa takot ko… na baka isang araw, magising na lang ako at wala na siya.Huminto ako sa tapat ng pamilyar na bar—isang lugar na dati kong pinupuntahan kapag kailangan kong takasan ang ingay ng mundo. Ironikal, hindi ba? Dumidiretso ako sa lugar na puno ng ingay para tumakas sa ingay sa loob ng sarili kong ulo.Pagpasok ko, sinalubong ako ng mahinang tugtog ng jazz at masangsang na halimuyak ng alak at sigarilyo. Ilang beses na akong nakaupo sa pa
Brent's POV Nang iwan ko si Bella sa ilalim ng punong iyon, inaasahan kong hahabol siya. Na tatawagin niya ang pangalan ko at yayakapin ako mula sa likod, gaya ng sa mga pelikula. Na papawiin niya ang lahat ng hinala’t pag-aalinlangan na bumabagabag sa puso ko sa isang sulyap, sa isang pag-amin na walang ibang lalaking iniisip ang puso niya kundi ako lang.Pero wala.Walang boses na tumawag sa pangalan ko. Walang mga yabag na humabol sa akin.Ang nakuha ko lang ay katahimikan. Malamig. Malalim. At mas nakakatakot pa kaysa sa anumang sagot na maaaring ibigay niya.Pagbalik ko sa silid ko, sinarado ko ang pinto at isinandal ang likod ko roon. Pinikit ko ang mga mata. Pero kahit pa pumikit ako, ang mukha pa rin niya ang nasa isipan ko—ang ekspresyon ng pagkabigla, ng pagtataka, at ng kung anong hindi ko mabasa. At sa ilalim ng lahat ng iyon, ang hindi ko matanggap… ay ang katahimikang pilit niyang sinagot ang mga tanong ko.She could've denied it with more fire.She could've screamed at
Brent's POV Umaga na nang maalimpungatan ako. Napabalikwas ako ng bangon at dumiretso sa terrace ng villa. Natanaw ko mula roon ang tabing-dagat, kung saan unti-unti nang sumisilip ang araw sa likod ng mga ulap. Tahimik. Mapayapa. Pero hindi ako mapalagay.Sinulyapan ko ang phone ko. May isang mensahe mula sa investigator ko."River Montemayor. Law graduate, UP Diliman. Cum laude. Currently employed at a mid-size law firm in BGC, but often freelances high-profile civil cases. Was in a relationship with a certain Dr. Bella Del Fuego during their third year. No criminal records. More to come."Napabuntong-hininga ako.So they were a thing... once.I shouldn’t be affected. I shouldn’t care. Pero ang bigat na nararamdaman ko sa dibdib ay hindi kayang itanggi ng kahit anong lohika. That man knew her long before I ever did. He had the privilege of knowing her when she was still young and untouched by the weight of expectations, before the burdens of medicine and legacy hardened her soul.I
Mula sa kinauupuan ko, damang-dama ko ang bigat ng katahimikan na sumisingit sa pagitan namin ni Bella habang tahimik naming inuubos ang huling bahagi ng dessert. Ramdam ko ang malamlam na haplos ng hangin mula sa dagat, pero mas malamig ang pakiramdam ko sa mga sulyap ni River mula sa kabilang bahagi ng restaurant. Hindi iyon basta simpleng sulyap lang—iyon ‘yong uri ng tingin na may laman, na may alaala, na parang may tinatangkang balikan kahit matagal na itong lumipas.Hindi ko na kailangang tanungin pa si Bella kung napapansin din niya. Dahil sa bawat pagtikim niya ng pagkain, sa bawat pagkunot ng noo niya kapag nasasagi ng hangin ang buhok niya, alam kong aware siya. Hindi lang siya nagsasalita, pero hindi iyon nangangahulugang hindi niya nararamdaman."He's still looking," bulong ko habang nagkunwaring abala sa pag-ayos ng table napkin.Napatingin siya sa akin, pero wala siyang sinabi. Matalim ang tingin niya sa kawalan, tila may iniisip na malalim. Ang daliri niya ay marahang n
Brent's POV Habang masaya silang nagkukuwentuhan sa ilalim ng araw sa tabi ng beach dito sa Batangas, palihim akong lumayo. Sa isang mas liblib na bahagi ng resort, kinuha ko ang cellphone ko at nag-dial. “Siguraduhin mong maibigay ang gamot kay Gabriel. Low dosage lang muna. Enough para hindi siya tuluyang manghina, pero sapat para mag-regain siya ng strength,” mahina kong sabi sa kausap. “Hindi ba delikado?” tanong ng kabilang linya. “Hindi kung tama ang dose. Gusto ko lang makabawi siya. Hindi ito tungkol sa kanya. Ito ay tungkol kay Bella. I want her to see that I’m not the kind of man who lets personal grudges get in the way of someone’s healing. Kahit pa siya ang dahilan ng lahat ng sakit ng kapatid ko… at ng pagkawasak ng maraming bagay.” “Noted, Doc. I’ll handle it carefully.” Binaba ko ang tawag at saglit na napatingin sa langit. There was something about the way the clouds moved—slow, unhurried, just like how I wished time would go when I’m with her. Pagbalik ko sa c
Bella's POV Tahimik ang buong bahay nang magising ako kinabukasan. Ang sikat ng araw ay mahinhing dumadaloy sa puting kurtina ng silid, halos parang yakap ng isang ina na pilit kang pinapakalma. Ngunit sa kabila ng ginhawang iyon, nanatili pa rin ang bigat sa dibdib ko—isang uri ng pagod na hindi kayang lunasan ng tulog o katahimikan. Bumaba ako nang marinig ko ang mahinang tunog ng kubyertos mula sa dining area. Ang aroma ng mainit na kape at freshly toasted bread ay agad na pumasok sa ilong ko. Pagliko ko sa kusina, bumungad si Brent—naka-apron, may hawak na kutsara habang tinitikman ang sauce ng niluluto niyang omelette. Sandali akong natigilan. Hindi ko inaasahan na sa kabila ng lahat, magagawa pa rin niyang ngumiti ng ganoon ka-payapa. Parang hindi kami kailanman nag-away, parang wala siyang tinagong lihim na kailanma au sumira sa tiwala ko. “Good morning,” bati niya, sabay turo sa pagkain sa mesa. “I made breakfast. You barely ate last night.” Hindi ko siya sinagot. Dahan-da
Bella's POV Madaling araw na. Tahimik ang paligid ng ospital, tanging huni lamang ng mga kuliglig at mahinang tunog ng mga sasakyang dumaraan ang maririnig sa labas. Halos mag-collapse na ang katawan ko sa pagod, pero mas mabigat pa rin sa dibdib ko ang laman ng isip ko. Habang inaayos ko ang mga gamit ko sa locker room, sumagi sa isip ko ang mukha ni Gabriel—mas maamo na ngayon, mahina pa rin ang katawan, pero unti-unti nang bumabalik ang lakas. Araw-araw ko siyang tinitingnan, binabantayan, sinisiguradong maayos ang gamot niya, ang pagkain niya, ang physical therapy. Ginagawa ko lahat, hindi para sa kanya kundi para sa sarili kong prinsipyo bilang doktor. Hindi ko pa rin kinakausap si Brent. Kahit araw-araw niya akong sinusundo. Kahit ilang beses na siyang nakiusap. Kahit nararamdaman ko na ang paninikip ng dibdib tuwing iniiwasan ko ang mga matang tila namamalimos ng kapatawaran. Pero hindi madali. Hindi madaling kalimutan na gumanti siya para sa akin ng may halong karahasan. Hi
Bella's POV Pagkatapos ng hapunan ay matagal akong nanatili sa sala, tulala sa kawalan. Ang mga ilaw sa kisame ay malambot na sumisinag sa mga dingding, ngunit hindi iyon sapat para palamigin ang tensyong nararamdaman ko sa loob ng dibdib ko. Ang katahimikan ng bahay ay para bang sumisigaw sa akin, inuulit-ulit ang mga tanong na kanina ko pa pinipilit isantabi. Tumitig ako sa basong may natirang red wine sa mesa, habang ang mga daliri ko ay hindi mapakali sa ilalim ng manipis na kumot na nakabalot sa akin.Hindi ko alam kung ilang minuto o oras na akong ganoon, pero naramdaman ko ang marahang mga hakbang papalapit sa akin. Si Brent. Dahan-dahan siyang naupo sa tabi ko, tila nag-aalangan, tila may gustong sabihin pero hindi alam kung paano uumpisahan.“Bella,” tawag niya sa akin sa tonong puno ng pag-aalala. “Are you still mad?”I turned to him slowly. Tiningnan ko siya sa mga mata, sinusubukang basahin kung may bahid ng kasinungalingan sa likod ng kanyang katahimikan. Pero masyadong