Luna’s POV
Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay ni Bella habang naglalakad kami patungo sa sakayan ng mga taxi. Nakasunod naman sa amin si Yaya Ana. “Luna!” Napatingin ako sa paligid nang marinig ang pamilyar na boses na tumawag sa akin. Nanlaki ang mga mata ko nang makita si Ate Brielle – ang kapatid ni Alexus, na tumatakbo palapit sa amin. Kasama niya ang kaniyang asawang si Kuya Mark. Niyakap niya ako kaya bigla akong nanigas sa kinatatayuan ko. “It’s been awhile. How are you?” Bumaba ang paningin niya sa batang kasama ko. “Ito na ba ang anak mo?” Tumango ako at tinago ang si Bella sa aking likod. “Yes, Ate Brielle.” Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko. Nahihiya ako dahil hindi naging maayos ang hiwalayan namin ni Alexus noon. Pinasadahan niya ako ng tingin. “Flight Attendant ka na rin ba?” tanong ni Ate Brielle. Tumango ako. “Kakasimula ko lang po noong isang buwan,” sagot niya. Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay ng aking anak. “Si Bella nga pala. Anak ko,” pagpapakilala ko. “Mommy, mga kaibigan mo ba sila?” tanong ni Bella. Ngumiti ako at tumango. Umupo ako upang maka-label ang aking anak. Inayos ko ang headband ni Bella. Ngumiti si Bella at humarap sa kanila. “Kilala n’yo po ba kung sino ang Daddy ko?” Napalunok ako sa tanong ni Bella. Hindi ko aakalaing ‘yon ang lalabas na tanong sa bibig niya. Napatingin amo sa taxi na huminto sa harapan namin. Naunang pumasok sa loob ng taxi si Yaya Ana. Bumaling ako sa kanila at nagpasyang magpaalam na. “Ate Brielle, Kuya Mark, mauuna na kami. Ipapa-check up ko pa kasi si Bella,” paalam ko. “Luna, wait!” saad ni Ate Brielle. Hinawakan niya ang pinto ng taxi. “Hindi alam ni Bella kung sino ang ama niya?” Hindi ako makasagot makasagot. “Brielle, hayaan mo na sila. Mukhang nagmamadali sila dahil may check up pa ang bata,” singit ni Kuya Mark. “Leave them alone.” Napalunok ako nang marinig ang boses ni Alexus. Nakatayo siya sa harapan namin, madilim ang paningin niya. Mabilis kong naipasok si Bella sa loob ng taxi. Bigla akong nakaramdam ng kaba nang marinig ang malakas na pag-ubo ni Bella. Niyakap ko siya at sinusubokang pakalmahin dahil nahihirapan na naman siya sa paghinga. Isinara ko ang pinto at hindi na muling humarap sa kanila dahil mas importante ang kalagayan ng aking anak. Kailangan siyang madala sa ospital agad. “Mommy…” mahina ang tinig ni Bella habang nakasandal sa dibdib ko. Ramdam ko ang mabilis at mababaw niyang paghinga. Nanginginig ang buong katawan ko, pero kailangan kong magpakatatag. “Bella, anak, kapit ka kay Mommy, ha? Malapit na tayo,” sabi ko, kahit hindi ko alam kung sinasabi ko iyon para sa kaniya o para sa sarili ko. “Sa pinakamalapit na ospital, bilisan mo, kuya,” halos pasigaw kong utos sa driver habang yakap-yakap si Bella. Ramdam ko ang unti-unting panghihina ng anak ko, at parang may bumibigat na bakal na nakadagan sa puso ko. Paulit-ulit kong hinaplos ang buhok niya habang pinipigilan ang mga luhang gustong bumagsak. “Bella, anak, andito si Mommy. Hindi kita papabayaan,” bulong ko, kahit kinakain na ako ng takot. Pagdating sa ospital, halos lumipad ako palabas ng taxi. “Tulungan ninyo kami! Nahihirapan huminga ang anak ko!” sigaw ko sa emergency room. Agad silang naglapitan, kinuha si Bella mula sa mga braso ko, at inilagay siya sa stretcher. Nanlambot ako sa kinatatayuan ko habang sinusundan ang stretcher. “Ano pong nangyari sa kaniya?” tanong ng doktor, mabilis ang kilos habang sinisilip ang kondisyon ni Bella. “Hindi ko po alam… bigla na lang po siyang nahirapang huminga… wala po siyang ganitong kondisyon dati,” halos magkasunod ang mga salita ko, nanginginig pa rin. Iniwan nila ako sa labas ng emergency room. Nakaupo ako sa malamig na bakal na upuan, mag-isa, nanginginig, at tuluyang bumagsak ang mga luha ko. “Bella, anak…” bulong ko sa sarili, habang hinahawakan ang maliit niyang jacket na naiwan ko sa taxi. Kailangan niyang maging okay. Kailangan niyang maging ligtas. Siya ang buhay ko. Wala na akong pakialam sa mga nangyari kanina. Ang pamilya ni Alexus, ang mga insulto—lahat ng iyon nawala sa isip ko. Wala nang mas mahalaga pa ngayon kundi ang kaligtasan ng anak ko. Hindi ko alam kung ilang oras akong nakaupo sa malamig na upuan sa labas ng emergency room. Halos hindi ko marinig ang tibok ng puso ko dahil sa lakas ng dasal ko—na sana, kahit papaano, maging okay si Bella, pero bawat segundo, mas bumibigat ang kaba. Nang bumukas ang pinto, tumayo agad ako, halos mahulog pa ang bag na hawak ko. Lumabas ang doktor, may clipboard sa kamay at seryoso ang mukha. “Dok… kumusta po ang anak ko?” tanong ko, halos hindi na makahinga sa takot sa kung ano ang sasabihin niya. Huminga siya nang malalim bago nagsalita. “Ma’am, nasa maayos nang kalagayan si Bella sa ngayon. Na-stabilize na namin ang paghinga niya, pero…” Tumigil siya saglit, tila nag-iisip kung paano sasabihin ang susunod na bahagi. “Pero ano, Dok?” halos pabulong kong tanong, nanginginig na ang boses ko. “Base sa initial tests namin, may nakikita kaming indikasyon ng congenital heart disease. Mukhang mula pa ito noong ipinanganak siya, pero ngayon lang lumala ang sintomas.” Biglang parang umikot ang mundo ko. Parang nawalan ng hangin sa paligid. “S-Sakit sa puso?” ulit ko, halos hindi makapaniwala. Tumango ang doktor, may habag sa kanyang mga mata. “Oo, pero hindi pa namin ma-finalize ang diagnosis. Kailangan nating gawin ang ilang mas detalyadong tests—echocardiogram, at posibleng angiogram. Sa ngayon, kailangan nating obserbahan siya nang mas mabuti.” Natahimik ako, hindi alam kung ano ang dapat kong maramdaman. Paano nangyari ito? Bakit ngayon ko lang nalaman? Paulit-ulit kong sinisi ang sarili ko. Ako ang nanay niya. Ako dapat ang unang nakakita. “Ano po ang dapat gawin, Dok?” tanong ko sa wakas, pilit na pinipigilan ang panginginig ng boses ko. “Gagawin ko lahat. Kahit ano. Basta gumaling siya.” “Magiging mabigat ang proseso, at depende sa kalagayan, posibleng kailanganin ng operasyon,” sabi niya, maingat pa rin ang boses. “Pero isa-isa nating haharapin ito. Ang mahalaga, nandito ka para sa kaniya.” Tumango ako, kahit hindi ko alam kung paano kakayanin ang lahat. Tumalikod ang doktor at naiwan akong mag-isa sa pasilyo. Napaupo ako, yakap ang sarili, habang dumadaloy ang mga luha ko. “Bella…” bulong ko. “Anak, labanan mo ang sakit mo dahil hindi ako susuko hangga’t hindi ka gumagaling.”Hello! Lubos po akong nagpapasalamat sa inyong lahat. May ilang readers dito na galing pa talaga sa The Billionaire's Substitute Bride. Ang kwento sa Lola at Lolo ni Bella. Maraming salamat po sa pagsama sa akin kahit sobrang gulo na. Ganiyan talaga ang buhay. Hindi lahat ng gusto natin ay nasusunod. Ang buhay ng tao ay magulo. Hindi lahat ng love story ay nagtatapos sa masaya. Kaya mahalin natin ang ating mga mahal sa buhay habang nandiyan pa sila. Huwag natin sasayangin ang bawat segundong iparamdam kung gaano natin sila kamahal. Dahil hindi natin kayang i-predict ang ating kapalaran. Hindi natin malalaman kung kailan sila kukunin sa atin. My ongoing Stories: 1. The Billionaire's Vengeful Obsession (SSPG) - Special Chapters na lang kulang nito. 2. Unholy Nights With My Billionaire Boss (SSPG) - Malapit na matapos. 3. The Cold Billionaire's Forbidden Maid - Malapit na matapos. 4. Vengeful Heiress: The Billionaire's Ex-Wife Strikes Back 5. Dumped and Decei
Nakatitig lamang si Bella sa mga larawan ni Brent na naka-display sa maliit na mesa sa tabi ng kama. Mga huling kuha nila iyon bago tuluyang mawala sa kanya—mga larawang laging pinagmamasdan niya tuwing gabi at umaga, para bang doon na lang siya kumukuha ng lakas para mabuhay pa. Today was his first death anniversary. At the same time, iyon din ang kanilang second wedding anniversary. Dalawang okasyong magkasalungat—isa para sa paggunita sa buhay na minsang pinuno ng pagmamahalan, at isa para sa pagkawala na sumira sa lahat ng meron siya. Tahimik siyang nakaupo sa gilid ng kama, nakayuko, habang marahan niyang hinahaplos ang frame ng litrato gamit ang dulo ng mga daliri. “Brent…” mahinang tawag niya, halos hindi lumalabas sa bibig. Para bang umaasa siyang may sumagot mula sa kawalan. “Happy second wedding anniversary… and… your first death anniversary.” Napahinto siya, pilit nilulunok ang namumuong luha. “Miss na miss na kita.” Sumandal siya sa headboard, pinipilit ngumiti kahit ra
Bella’s POVNagising ako nang marinig ang iyakan ng pamilya ko sa labas ng kwarto. Mabigat ang dibdib ko habang bumangon. Nagkusot ako ng mata at agad na nagtungo sa silid ni Brent.Pagbukas ko ng pinto, halos mapaluhod ako nang makita ang flatline sa monitor.“Brent?!” halos pasigaw kong tawag. Mabilis akong lumapit, nanginginig ang mga kamay.May doktor at dalawang nurse na nagmamadaling sinusubukan siyang i-revive. “Clear!” sigaw ng doktor bago pinindot muli ang defibrillator.Pero walang pagbabago.“Please, gawin niyo pa! Don’t stop!” sigaw ko habang pinipilit lumapit sa kama niya.“Ma’am, we’re trying our best…” sagot ng doktor na halatang mabigat din ang loob.“No! You’re not trying hard enough! Please, one more! Isa pa!” halos pakiusap at utos na ang tono ko.Nagtinginan ang mga nurse pero sumunod pa rin. Isa pang shock. Wala pa rin.“Brent! Gumising ka, please!” Pilit ko siyang ginigising, hinahawakan ko ang malamig niyang kamay. “This isn’t funny! You promised me… you promise
Bella’s POVHuminto ako sa trabaho bilang doktor sa sarili naming ospital. Wala na akong ibang iniisip kundi si Brent. Gusto kong mag-focus sa pag-aalaga sa kaniya lalo na’t habang tumatagal ay mas lalo siyang nanghihina.Araw-araw akong umiiyak at walang sawang nagdarasal na sana magkaroon ng himala—na gumaling si Brent. Pero kahit anong pakiusap ko sa Diyos, parang walang nangyayari. Ilang buwan na rin ang lumipas mula nang ma-diagnose siya.Nagsimula na rin ang treatment niya, pero halata sa katawan niya ang pagkapagod. Lumalalim ang mga mata niya, at madalas ay wala na siyang ganang kumain.Hindi ko mapigilang mapaiyak habang pinagmamasdan siyang mahimbing na natutulog sa kama namin. Nakaupo lang ako sa gilid, hawak ang kamay niya. Palagi ko siyang kinukwentuhan kahit tulog siya—kung paano kami unang nagkita sa ospital, kung paano siya palaging makulit sa akin noon hanggang sa napapayag niya akong lumabas kasama siya, at kung paano niya ako tinanong kung gusto ko nang maging asawa
Brent’s POVNapahawak ako sa sentido ko nang muling maramdaman ang matinding kirot. Para bang kumikirot mula sa loob at kumakalat pababa sa leeg ko. Napapikit ako at dahan-dahang huminga, pero wala ring bisa. Ilang beses ko nang nararanasan ito sa loob ng limang buwan. Minsan kaya ko pa, pero nitong huli, parang mas lumalala.Kanina lang, halos hindi ako makakain ng maayos. Tuwing umaga, sumasabay sa sakit ng ulo ang pagsusuka. Minsan kahit wala namang dahilan, naiirita ako—lalo na kapag paulit-ulit akong tinatanong ni Bella kung ayos lang ba ako. Hindi niya alam na may tinatago akong iniindang sakit.Mag-iisang taon na ang kasal namin. Sa lahat ng panahong iyon, naging maayos naman kami. Pero sa kabila ng mga tawa, plano, at pangarap, tinatago ko sa kanya ang totoo. Ayokong mag-alala siya. Ayokong makita sa mga mata niya ang takot.Kaya ngayon, mag-isa akong pumunta sa ospital para magpa-check up. Pagkatapos ng ilang tests, nakaupo ako sa labas ng laboratory habang hinihintay ang res
Belle's POV Maingay pa ring humahagibis ang ulan sa bintana, pero sa loob ng bahay ay parang lumilipas ang oras sa mabagal, marangyang tik-tak — tila sariling sinasanto ng silid ang pinaghalong init at amoy ng kape, balat, at bagong-lutong pancakes. Ilang minuto na ang nakalipas buhat nang tinangka kong “asarin” si Brent sa kusina: unang hakbang, hawakan; pangalawa, lumuhod; pangatlo, pasukin ang isang teritoryong akala ko ay nakalaan lang sa kanya. Ang resulta — kami ngayon ay magkayakap sa ibabaw ng malamig na granite island, waring walang halaga kung basa pa ng katas ang mga daliri ko at kung magulo ang buhok niya. Humihinga kami nang malalim, sinasaliksik ang katahimikan na ninakaw namin mula sa mapusok na umaga. Ang mga palad niya ay nakasilid sa tagiliran ko, gumuguhit ng banayad na kurba na para bang koreograpya ng isang klasikong ballet. Sa bawat paghinga, bumabangga ang dibdib niya sa dibdib ko, at nakararamdam ako ng kuryenteng hindi ko pa rin matukoy kung saan nanggagaling