Third Person POV.
Nagising si Allison dahil sa sinag ng araw na tumatama sa kanyang mukha. Dahan-dahan niyang minulat ang mga mata niya at pinunasan pa ang mga ito upang malinaw siyang makakita. Nanlaki kaagad ang mata niya dahil nasa hindi pamilyar na lugar at kwarto siya, hindi niya alam kung nasaan siya.
Kinabahan siya bigla at napahawak sa kumot na nakatakip sa kanyang katawan at nanlaki ang mata niya nang makita na underwears lang ang tanging suot niya. Tumingin siya sa kanyang gilid at lalong nanlaki ang mga mata niya dahil nakita niya ang isang hindi niya kilalang lalaki.
Napahawak siya sa ulo dahil sa hangover. Naalala niya na rin ang mga nangyari sa kanya kagabi. Kung paano niya pinagsusuntok ang mga tao sa bar, at kung paano siya nagsisisigaw ng kung anu-ano at sigawan kung sinu-sino.
"Ako ba 'yon?" mahinang sambit niya dahil hindi siya makapaniwala sa mga pinaggagawa niya at ngayong napunta na siya rito.
Tumingin siyang muli sa lalaking kasama niya at tumibok nang mabilis ang puso niya, dahil ba sa kaba o kung sa iba pa? Wala na siyang paki roon at kailangan niyang isipin na kung papaano siya makakaalis. Tinignan niya nang mabuti kung sino ang lalaking kasama niya ngayon at sa hindi malamang dahilan ay biglang bumilis ang tibok ng kanyang puso.
Napahawak pa siya sa dibdib niya dahil sa mga iba't ibang emosyong nararamdaman niya at parang nauubusan na siya ng hangin. Inamin niyang sobrang guwapo nga ng kasama niya ngayon at hindi niya maiwasan na titigan lang ang pagmumukha nito. Mayroon siyang kung anong naramdaman sa kanyang tiyan, na ayaw niya 'man aminin pero nagustuhan niya 'yon.
Gumalaw ang lalaki, papaharap sa kanya at lalo siyang natigilan dahil niyakap siya nito. Mas lalong bumilis ang tibok ng kanyang puso at hindi niya na alam ang gagawin niya. Tinignan niya itong muli. Hindi maingay matulog, payapa lang ang lalaki na matulog na walang sinuman ang makakapanakit sa kanya.
Nilapit pa ni Allison ang kanyang sarili upang makita pa ito nang mas maigi, pero mas naamoy niya ito at nagustuhan niya kung ano ang amoy nito dahil sa sobrang bango. Nahumaling na kaagad siya rito, nang muling gumalaw ang lalaki ay agad naman siya kinabahan at ayaw niya nang mahuli pa siyang gising na't baka ano pa ang maaaring mangyari.
Napabalik na siya sa kanyang sarili at kailangan niya na talagang mag-ayos ngayon. Hinanap niya ang suot niyang gown kagabi at saka na siya umalis ng kwarto na iyon. Habang sinusuot niya ang gown niyang 'yon ay saka niya na unti-unting naalala ang mga nangyari sa kanila ng lalaking 'yon kagabi.
Napapapikit na lang siya kung minsan dahil hindi niya inaasahan na nagagawa niya ang mga hindi niya inaasahang kaya niyang gawin. Hinanap niya ang suot niyang heels at alam niya na nakakalat lang ito sa kung saan. Biglang pumasok sa isip niya na nasa loob ito ng kwarto ng lalaki. Napakagat-labi pa siya dahil kailangan niya muling bumalik sa kuwarto ng lalaki.
Wala siyang ibang pagpipilian kung hindi pumasok muli roon. Dahan-dahan niyang pinihit ang doorknob ng pinto at saka pumasok, nakita niya na nakalat lang sa gilid ang heels niya at agad naman siyang pumunta roon at kinuha. Sa huling pagkakataon ay sinilip niya ang lalaki na tulog na tulog pa rin, at kitang-kita niya mula rito ang kakisigan nito dahil wala itong suot pang-itaas.
Iniwas niya na kaagad ang tingin niya dahil baka kung ano pa ang tingnan niya at natutulog ang tao, lumabas na rin siya ng kwarto ng lalaking iyon at saka siya umupo sa isang couch at saka niya isinuot nang maayos ang heels niya.
Nang masuot niya na ito ay inayos niya muli ang kanyang sarili at doon niya lang na-appreciate ang ganda ng condo ng lalaki. Tinignan niya ang bawat sulok nito at masasabi niya ang lahat ng gamit ng lalaki ay mga pangmayaman at halata mo namang talagang mayaman ito. Tinignan niya ang bawat furniture na narito, at talagang masasabing engrande ang mga 'yon.
Hindi rin maiwasan na mamangha ni Allison sa ganda ng mga designs dito at nagugustuhan niya ang taste ng lalaki. Napabalik na siya sa kanyang sarili at hinanap na ang bag niya at nakita niya kaagad ito sa tabing couch at binuksan niya kaagad kung kumpleto pa ba ang laman no'n. Nakahinga naman siya nang maluwag nang makita na kumpleto pa naman ang laman ng mga 'yon, tinignan niya rin ang kanyang wallet at makitang wala namang nawalang pera sa kanya.
Pumunta na siya sa pinto kung saan papalabas sa condo ng lalaki, hinawakan niya na ang doorknob ngunit natigilan siya't napaisip. Naisip niya kung babayaran niya pa ba ang lalaki dahil sa pag-alaga sa kanya at naging ligtas siya. Nagdadalawang-isip pa siya kung ano ang gagawin niya, kung babayaran niya ba o hindi. Sa huli ay naisipan niya na lang din na mag-iwan ng pera dahil na rin sa pagtira niya nang saglit sa condo nito, at sa gas na rin ng kotse niya. Ayon ang tumatakbo sa kanyang isipan.
Naglapag na lang siya ng five thousand Pesos sa table ng lalaki rito, kitang-kita naman kaagad iyon kaya hindi na problema kung sakaling baka hindi ito makita. Pagkatapos no'n ay nagmadali na rin siyang umalis at baka mamaya ay magising na ang lalaki't maabutan pa siya.
Saktong pagsakay ni Allison sa isang taxi, ay ito namang paggising ni Louis. Nagising din siyang underwear lang ang kanyang suot, at napangiti naman kaagad siya dahil naalala niya kung ano ang mga nangyari kagabi sa condo niya. Inaasahan na rin niyang magigising siyang wala na iyong babae, kaya dumiretso na siya sa banyo niya't saka na siya nag-ayos ng kanyang sarili.
Pagkatapos niyang gawin ang mga dapat niyang gawin ay saka naman tumawag ang secretary niya, hinahanap kung nasaan na siya dahil mayroon na siyang meeting ng oras na 'yon. Sinabi nito na kakagising niya lang at papunta pa lang sa opisina, at hintayin na lang siya dahil malapit lang naman ang condo nito sa Company niya.
Lumabas na siya mula sa kwarto at ang una niya kaagad napansin ang perang nakalagay roon sa lamesa. Lumapit kaagad siya roon at tinignan ito nang maigi. Nagtataka naman kaagad siya dahil wala naman siyang nilalagay na kahit anong pera dito.
"Para saan ito? At kanino 'to?" tanong niya sa kanyang sarili dahil wala siyang kaide-idea rito. Pinag-isipan niya pa nang mabuti kung para kanino ito at paunti-unti ay ngayon niya nare-realize kung para saan at kanino galing ito. "No freaking way!" he shouted, feeling offended and realizing it's a payment for his service and that one-night stand with that woman.
He was really offended by it, he couldn't believe that someone will pay for what he did. It hits his ego so bad because no one had the urge to pay for his service and his one-night stand with anyone. "I'm freaking the richest CEO in the city. Wow! This woman," he said, getting amused. He then smirked, feeling offended, but above it; he felt the thrill.
He immediately dials his men and he is getting different excitement and something weird in his stomach that he cannot explain. But he couldn't care less, he wants to see this woman again. Umupo muna si Louis sa couch niya, habang hawak-hawak pa rin ang perang iniwan sa kanya ng babae. Tinawagan nga ni Louis ang mga tao niya at wala pang ilang segundo ay sinagot kaagad siya.
"Good morning, boss! Napatawag po kayo?" bungad kaagad sa kanya ng mga tao niya, "ano po'ng gagawin, ano pong mayroon?" tanong nito at naging seryoso na ang mukha ni Louis dito.
"Mayroon akong ipapahanap sa inyo."
"Sino po ito?" Natigilan naman si Louis kung ano ang sasabihin niya, dahil hindi niya naman kilala ang babae. Hindi niya alam ang pangalan nito, alam niya lang ang mukha nito. Hindi niya alam ang sasabihin pero sasabihin niya na lang kung ano ang itsura nito.
"Hindi ko alam ang pangalan pero mayroong mala-angel na mukha, maliit lang, maganda, sabay hindi ganoon kapayat at kataba—hazel eyes, matangos ang ilong, sabay blonde iyong buhok. Ayon ang mga natandaan ko sa itsura niya," pahayag ni Louis at inaalala niya pang muli ang mukha ng babaeng habang iniisip iyon ay napapangisi siya.
"Sige po, boss. Kami na po ang bahala rito," sambit mula sa kabilang linya. Nagpatuloy pa ang usapan nila kung saan nila ito puwedeng mahanap, baka sakali magkaroon din sila ng ideya kung saan nila ito puwedeng matagpuan. Sinabi naman lahat ng alam ni Louis patungkol dito at nang matapos ay naging maayos na rin ito.
"Sige, salamat," paalam ni Louis at saka niya na ito pinatay. Alam niya sa sarili niya na malalaman niya kung sino ba talaga ang babaeng 'yon, magagaling ang mga tao niya kaya puno ang tiwala niya sa mga ito.
Tumayo si Louis at saka lumapit sa malaki niyang kurtina at saka niya ito pinaghiwalay at kitang-kita na niya ang ganda ng view, mayroong iba't ibang buildings, kitang-kita ang mga umaandar na sasakyan, at paano kumislap ang araw.
Napabuntonghininga siya dahil sa nakikita niya at dahil sa iniisip niya. Hindi mawala sa kanyang isip ang babaeng iyon, dahil siya lang ang bukod-tanging babae na naka-one-night stand niya na babayaran siya nito. Natawa siya nang mahina dahil naninibago siya. Hindi siya makapaniwala na may mangyayaring ganoon na bagay sa buhay niya.
Nararamdaman niya na ibang-iba itong babaeng 'to. Hindi siya isa lang tipikal at ordinaryong babae lang para sa kanya, iba ang nararamdaman niya rito. Habang iniisip niya ang babae ay ito namang pagbilis ng tibok ng kanyang puso. Naiirita na siya kung bakit ganoon at hindi niya malaman sa kanyang sarili kung bakit ayon ang kanyang nararamdaman. Naiirita pa siya dahil hindi niya pa ito kilala kahit sa pangalan 'man lang.
"What an interesting woman, who are you?" he curiously asked himself in his deep voice.
----------------------------------------------------------------------------------------------------------
:>
"Look, Daddy! I have a perfect score!" bungad kaagad sa akin ni Philo pagkadating na pagkadating ko sa school nila para sunduin na sila. Hawak-hawak niya pa ang notebook niya para maipakita niya sa akin ang score niya at nakita ko nga roon ang perpekto niyang marka. "Wow! Well done, Philo!" Ngumiti naman siya nang matimis at si Allistair naman ay nahihiya niyang nilahad sa akin ang notebook niya at puro numbers 'yon kaya hindi na ako magdadalawang-isip na Math subject 'yon at perfect niya dahil paborito niya itong subject. Ginulo ko ang buhok ni Allistair at saka ko siya pinuri sa perfect score niya rin. "Ang galing ng mga anak ko ngayon, ah. We need to celebrate these small wins!" "Yay!" masayang sigaw ni Philo at si Allistair naman ay nakangiti lang. Sabay-sabay na kaming pumunta sa kotse ko at saka muna kami dumaan sa isang paborito nilang kainan after ng classes nila. Isa itong kilalang kainan dito dahil sa pang-snacks ang mga ito 'tulad ng mga donuts, drinks na mga milktea or
Louis' POV "Daddy, Daddy, Daddy! Wake up! Please! Wake up, wake up!" sigaw ng matinis na boses at kahit inaantok pa ako ay pinilit ko namang imulat ang aking mata at nakita ko ang mala-angel na mukha ng anak kong babae. Napangiti naman ako dahil do'n, nakikita ko kasi si Allison sa kanya kaya tuwang-tuwa ako sa kanya. "Daddy, please! Stand up now, I'm getting mad already!" Natawa naman ako sa aking isipan ko dahil sa sinabi niya, para talagang makita kung magagalit talaga siya kaya nagtulug-tulugan pa muna ako para asarin siya. "Daddy, no!" Minulat ko ang aking mata at nakita kong namula na ang mata niya, malapit nang tumulo ang luha niya. Mabilis ko naman siyang niyakap at saka hiniga ko siya sa akin at saka mahigpit ko siyang niyakap, hindi ko na maramdaman sa aking tabi si Allison siguro ay hinahanda na si Allistair sa unang araw ngayon sa eskwelahan nila na ngayong dalawa. Nakapang-alis na nga ang anak kong babae, baka magusot ko ang damit niya kaya nagrereklamo na siya. "Dadd
"Allistair Kyzen Gomez Sorreño." Natuwa naman ako nang tawagin ko ang pangalan ng aking anak, nasa kamay ko na siya at ang liit-liit niya. Kakaibang tuwa ang aking naramdaman. Ang tuwang walang katumbas na tanging iisang tao lang ang makakapagbigay nito sa akin. Hinaplos ko nang dahan-dahan ang mukha ng anak ko habang natutulog ito. Dahan-dahan ko pa hinalikan ang pisngi nito at saka nilapit ko ang pisngi ko sa kanya. Pumikit ako at dinamnam ang pagkakataon at saka minulat ang aking mga mata at nakita ko na si Louis ito, nakangiti nang matamis at saka niya ako hinalikan sa noo. "Thank you for this, love." Nantubig ang mata ko dahil sa kakaibang saya na naging hatid nito sa amin 'to ni Louis para sa aming dalawa. Ang tagal ko na ring inaasam ang ganitong klaseng pangyayari sa aking buhay at si Louis ang kasama ko. Tinignan ko ulit ang anak naming dalawa at nakita ko kung paano sumilay ang ngiti niya. Lumigaya naman ang puso ko dahil lang sa simpleng gano'n. Lumipas ang ilang araw a
Allison's POV. "Love, pretty please?" pagpipilit ko pa sa kanya dahil hindi niya pa rin siya pumapayag sa gusto ko. Gustung-gusto ko na kasing gawin sa akib ni Louis ang isang bagay na kahit ito na lang kasi wala eh... bored ako. Gusto ko lang talaga gawi ni Louis ang bagay na hinihiling ko sa kanya. "Are you even serious?" Tumango naman ako sa kanya kaagad at saka nag-pretty eyes pa sa kanya para sundin niya na ako, hindi ko na nga alam kung maayos pa ba ang itsura ko at kung may kinang pa ba 'yong ganda ko, wala na akong pakialam. Bumuntonghininga naman siya at saka niya kinuha ang kamay ko at saka niya lang naman hinilot ang mga ito, pero... ang sinabi ko sa kanya na hanggang gabi niya gagawin 'yon. Natawa naman ako sa pinapagawa ko sa kanya. Talagang lahat ng gusto ko ay susundin niya, kahit ano pa 'yan. Well, siguro kaya niya ginagawa because I'm happy to announce that I'm already 9 months pregnant! Ang bilis talaga ng mga araw na nagdaan parang kahapon lang ay sinasabi lang
"Allison!" tawag ko at saka naman nagtuluy-tuloy ang pagdaan ng mga tao, nakita ko na tumingin pabalik si Allison at hindi akong magkakamali na siya 'yon. Sabi ng tauhan ko na nasa airport ang mahal ko at papaalis na ito. Ayaw kong iwanan niyang ganito lang kami, ang halos tatlong taon namin o dalawang taon na magkasama kami ay matatapos lang din nang ganu'n-gano'n lang, hindi ako papayag. Nangako rin isyang kakauspain niya ako, na magkakaayos kami at papakinggan niya na ako. Kung ano ba talaga ang tunay na nangyari, nalaman ko na lang din sa mga katulong na kinuha na raw lahat ni Allison ang mga gamit niya. Ngayon ay ito pala ang rason, may kinailangan lang akong asikasuhin sa kumpanya at ito na pala kaagad ang malalaman ko... iiwan niya na ako. Pero huli na ang lahat, wala na siya. Tuluyan na siyang nawala hanggang sa tinitigan ko na lang kung paano lumipad ang eroplanong sinasakyan niya at tuluyang na nga siyang nawala sa kamay ko. Gusto kong sumigaw, gusto kong magwala, gusto kon
"Okay then, if that makes you feel okay. I'll do it, anything for you. Just name it, my love," sabi ko at kung ano ang gusto ng mahal ko ay gagawin ko. Nakakainis kasi 'yong nurse na 'yon kaya pinatanggal ko, i know that I acted so immatured pero hindi ko kasi mapigilan at 'yong mga tinginan no'ng lalaking 'yon. Kaya talagang galit na galit ako sa hospital at tinakot ko na kayang-kaya kong pabagsakin 'yon para lang matanggal nila 'yong nurse. Pero nalaman ng mahal ko, at sinabi niya na ngayon ang dapat kong gawin at mas alam niya. Kaya makikinig din ako sa kanya, wala, eh... under ako. Pagkatapos no'n ay balik na ulit kami sa kailangan naming gawin. Habang nagscro-scroll ako online at nakita ko na may mga alagang hayop ang iba't ibang celebrities at kahit papaano ay nakakuha ako ng idea na kumuha na rin ako ng isa, matagal ko na ring pangarap na mag-alaga ng mga hayop at nakakaginhawa siya kapag pag-uwi mo sa bahay na makikita sila na kasama ang Mommy nila, si Allison. Natawa naman