Share

Chapter 03

"What?!" malakas na sigaw ni Louis sa telepono, napakamot siya sa kanyang batok at sinubukang kumalma. Umupo siya sa couch niya't napabuntonghininga. Hindi na niya nagugustuhan ang mga nangyayari nitong lumipas na mga araw, dahil ang tagal niya nang naghihintay pero hindi pa rin nangyayari ang inaasahan niya.

"Pasensya na po, boss. Hindi po namin siya mahanap, hindi po talaga namin siya ma-track kahit saan na po kami nagpupupunta," sambit mula sa kabilang linya. Napahilamos si Louis sa kanyang mukha dahil halos tatlong linggo na siyang naghihintay at wala pa ring nangyayaring maganda sa paghahanap sa babaeng nagbayad sa kanya sa nangyari sa kanila matapos ng gabing 'yon.

"Kahit saan po, hinalughog na po namin ang buong lungsod, pero wala pa rin po. Hindi po talaga namin siya mahanap, mukhang mayroon pong malakas na koneksyon na nagpipigil para po hindi natin siya matagpuan," dagdag pa nito. Bumuntonghininga muli si Louis upang mapakalma ang kanyang sarili at saka na siya nagsalita.

"Continue searching, don't stop until you find her. Search in every nooks and corner of the

city once more, or else... you know what it is," Louis said authoritatively. He then end the call, he stands up and went towards the window of his Company. He could see everything, how the cars move, masses of structures, and the clouds in the sky.

He closed his eyes for a bit and opens them after. "You're so hard to find. Be really ready when the moment I see you," he seriously whispered. He is so frustrated with his work because the woman can't get out in his mind. He was thinking about her the whole hours, days, and weeks. He really is mad, but at the same time... he is feeling something weird.

He only thought of her, only her. Just her. He feels like he'll go crazy because he's been thinking of that woman a lot, and he even thinks about it at the moment. He smirked at his thought, he shook his head because of it. He turned away and he, once, got in the mood towards his work.

He doesn't know where is the motivation coming from, but it is just he wanted to do something to make someone proud, to make someone happy for him. Like he wanted to prove something. He shook the thought and just focus on his work, but now he is working while smiling like crazy.

"Unbelievable!" he screamed inside his office and he really is smiling like an id*ot.

---

"Hindi ako makapaniwala!" sigaw ni Valentine sa kanyang kaibigan na si Allison. Iniharap pa ni Valentine si Allison papaharap sa kanya dahil hindi nakatingin ang best friend niya sa kanya. "Seryoso ka riyan? Ano bang pinaggagawa mo sa buhay mo? Hindi ko akalain na talagang hanggang doon ka mapupunta sa estadong 'yon. At ngayon mo lang talagang sinabi?!"

Napatingin na lang sa ibaba si Allison dahil sa sermon sa kanya ng kaibigan. Sa loob ng tatlong linggong pananahimik niya at hindi niya sinabi kaagad sa kaibigan niya, ngayon lang siya nagkaroon ng lakas ng loob na magsalita. Nahihiya siya rito, dahil kaibigan niya pero hindi niya kaagad sinabi ang ganoong bagay. Umabot pa talaga ng tatlong linggo.

Ngayon niya nare-realize ang kagagawan niya. Pati sa kanyang sarili ay hindi siya makapaniwala at ginawa niya ang mga bagay na hindi niya alam na makakayanan niyang gawin. Lumaki siyang nai-ground ang sarili niya sa pagiging conservative, at ang mga ganoon bagay ay dapat pagkatapos pa ng kasal.

Pinapahalagahan niya nang sobra ang ganoong gawain, at dapat iyon ay binibigyan ng buung-buo respeto dahil para sa kanya ay hindi dapat iyon basta-basta lang pinapamigay sa kung kani-kanino. Pero nangyari na, naganap na ang dapat maganap. Natapos na at wala na pa siyang magagawa na.

Napatakip siya ng kanyang mukha dahil sa kahihiyan, at nasasaktan din siya sa mga sinasabi ng matagal niya nang kaibigan dahil lahat ng iyon ay totoo. Kilala at kaibigan niya na si Valentine high school pa lang sila, at mahalagang-mahalaga sa kanya ito dahil lahat ng kaibigan niya ay iniwan na siya at siya na lang ang natira. Kaya pinapahalagahan niya ito na parang kayamanan. Siya na lang ang natitira niyang kakampi at wala na pang iba.

Nanlaki ang mata ni Allison nang yakapin siya ni Valentine. Hindi niya inaasahan na iyon ang gagawin ng kanyang kaibigan dahil kanina lang ay galit na galit pa siya at ngayon ay niyayakap na siya. Hindi niya alam ang kanyang gagawin at hindi siya makagalaw at makapag-isip nang maayos dahil sa ginawa ni Valentine.

"Pero kaibigan mo ako, naiintindihan ko kung bakit iyon ang ginawa mo. Naiintindihan kong nasaktan ka, gusto mong makaalis o mawala nang saglit sa mundong ito, at maging malaya muna kahit sa isang gabi lang. Bilang kaibigan mo ay araw-araw kong pipiliing intindihan ka dahil mahal kita."

Umagos na nang tuluy-tuloy ang luha ni Allison dahil sa comfort na natanggap niya mula sa kaibigan. Hindi niya inaasahan ito dahil alam niya kapag galit si Valentine ay galit talaga siya. Hindi niya nako-control ang galit nito kaya hindi niya inaasahan ang pangyayaring 'yon mula sa kaibigan niya.

Umiyak siya nang umiyak sa balikat ni Valentine at hindi niya na ito mapigilan. Hinahagod lang ni Valentine ang likod ni Allison at kanina niya pa pinipigilang huwag ding umiyak pero hindi niya na nakayanan pa at nagtuluy-tuloy na rin ang pagbagsak ng mga luha niya.

Binigyan nila ang oras ang bawat isa na umiyak nang umiyak at kahit nagsasalita sila pareho ngunit hindi ito maintindihan nang maayos. Basta ramdam lang nila ang presenya nilang dalawa na palagi silang nariyan para sa isa't isa at walang makakapantay sa ganoong bagay.

Nang huminahon na silang dalawa at naging maayos na ang kanilang lagay ay saka na nila pinutol ang yakap nila sa isa't isa. Naging tahimik silang dalawa at walang sinuman ang may gustong makaputol ng katahimikan. Hanggang sa nagsalita na muli si Valentine.

"As long as you've used protection, everything is all right. I know you are not yet ready to talk about what happened to your marriage to that st*pid fiancé of yours, and also what your sister and parents did. Take your time, don't rush yourself. It may not be okay for now, eventually, you're hanging there and I'll be there at your process." Ngumiti si Valentine nang matamis.

Hindi binigyan ni Allison ng reaksyon si Valentine nang maalala niya ang nangyari no'ng araw na iyon. Iyong araw na masasabi niyang pinakamasakit na nangyari sa buhay niya. Niloko siya ng magiging asawa niya, na sa kapatid niya pa mismo 'to, tinalikuran at hindi siya pinatanggol ng magulang niya sa kadahilanang baon na baon sila sa utang. 

Walang naroon at wala siyang kakampi no'ng araw na 'yon. Ngayon niya na ulit naramdaman ang emosyong galit at hindi niya mapapatawad ang ginawang iyon sa kanya ng mga taong iyon. Marami pang sinabi si Valentine sa kanya pero hindi niya na iyon napakinggan pa dahil naalala niyang muli ang lahat na nangyari no'ng araw na iyon.

Wala na siyang ideya kung ano ang iisipin niya ngayon, dahil hindi niya na alam kung ano ang dapat niyang intindihin ngayon. Her thoughts are clouded by a lot of things, she's remembering how Neon and her started. How they really loved each other, how they planned their future to one another. 

In just a blink of an eye, everything has changed. All the plans that they wanted to achieve, now suddenly disappeared. She also thought of how she saw in her very own eyes, that Neon and her sister did that. Memories were starting to flash back again, how that supposed special marriage to the both of them, suddenly vanished.

"Speak your mind to me, communicate, okay? Sabihin mo lang sa akin lahat at makikinig lang ako, I may not say something uplifting but my presence surely will do, babe! Your process in healing isn't linear, commun—"

Hindi na tinapos ni Allison ang sunod na sasabihin ni Valentine, mabilis siyang tumayo at nag-ayos ng kanyang sarili at nagtanong pa si Valentine kung ano ang ginagawa niya pero hindi na ito pinansin ni Allison at nang mabilis na siyang natapos ay kaagad naman siyang umalis sa bahay nila Valentine.

Malaki rin ang bahay nila Valentine at mayaman din ang pamilya nila. Sa loob ng tatlong linggo ay rito lang siya dahil alam niyang safe na safe siya sa lugar at pamilyang ito. Nahihiya 'man siya pero mabait naman ang pamilya ni Valentine at parang anak na rin siya ng mga ito, kaya hindi na rin naging problema sa kanila si Allison at alam nilang mabuti itong tao at matalik na kaibigan ito ni Valentine.

Nang makalabas na ng gate si Allison, hinabol pa ito ni Valentine, pero nakasakay na siya sa isang taxi at hindi na pa nakahabol si Valentine sa kanya. Nakahinga naman nang maluwag doon si Allison at gusto niya munang mapag-isa, at isigaw ang nararamdaman nito.

Sinabi niya sa driver kung saan niyang gustong pumunta, ngunit nang makakita si Allison ng magandang puwesto na maaari niyang isigaw ang nararamdaman niya ay pinahinto niya kaagad ang sasakyan, mabilis siyang nagbayad. Nang makababa na siya ay pumunta na siya sa isang under-construction na bridge.

Tinignan niya ang ilalim no'n at nakitang, isa itong ilog. Natakot naman siya kaagad doon at napalayo nang kaunti. Tumingin siya sa itaas at dinama niya ang hangin na tumama sa kanyang mukha at minulat ang mata niya, kitang-kita kung gaano kagandang malapit na ang papalubog ng araw.

Pinikit niyang muli ang mata niya at saka isa-isang nagbalikan ang mga alaala niya ang pangyayaring ginawa sa kanya ng lalaking minamahal niya, ng kapatid niya, at ang pinakamasakit sa kanya; ang pamilya niya. Dito na ring nagsimula na mahulog ang mga luha niya at hinayaan niya lang na mahulog ito nang mahulog.

Wala na siyang paki ngayon, gusto niya lang ilabas ang lahat ng nararamdaman niya. Huminga siya nang malalim. "Pagod na ako!" malakas niyang sigaw dahil sa mga salita lang no'n, napabigat na kaagad.

"Maganda at maayos naman ang buhay natin noon! Hindi ko matanggap na naging manggagamit tayo! Kaya naman nating buhayin ang sarili natin! Kaya nating makaahon mula sa sarili nating paa! Pero anong ginawa natin?!" Pinunasan niya nang mabilis ang mukha niya dahil lahat ay nagiging hindi na malinaw, dahil sa luha niyang patuloy ang paghulog.

"Minahal kita nang totoo! Kahit na ginagamit ka lang ng pamilya ko, mahal na mahal kita! Pero anong ginawa mo?!" Napatakip na si Allison ng kanyang mukha at saka huminga nang malalim upang mapakalma ang kanyang sarili. 

"Akala ko hindi lang kita basta Ate, akala ko magiging kaakibat kita sa kahit ano at saang hamon ng mundo. Pero ito ngayon, ano ang nangyari?" mahina niyang sambit at hinayaan ang sariling umiyak nang umiyak at nang gusto niya na ulit sumigaw, ay sinigaw niya nang sinigaw ang nararamdaman niyang muli.

Sa kabilang banda, makikita ang limang tauhan ni Louis at mayroon silang narinig na sigaw mula sa kung saan. Sinundan nila iyon at nang makita nila ay isa itong babae, at pinagmasdan nila ito nang mabuti. Lahat ng description na binigay ng boss nila ay kitang-kita nila sa babaeng ito.

"Sabay ang t*nga ko! Ano bang pumasok sa kokote ko at bakit ko ginawa ang isang bagay na hindi naman ako handa! Kung sino ka 'mang lalaki ka, naiinis ako sa 'yo!" sigaw ng babaeng iyon, at doon pa lang ay na-confirm na ng mga tauhan ni Louis na ito iyon, na siya iyon.

Hindi na sila nagdalawang-isip pa at agad na nila tinawagan ang boss nila. Nang ma-received ni Louis ang mensahe ay mas mabilis pa sa alas-kwarto siyang kumilos. Nagtipun-tipon ang mga tauhan niya roon sa tulay na iyon at kitang-kita nila na patuloy pa rin ang pagsigaw ng babae.

Hinintay nila si Louis at sa isang iglap ay nakarating na kaagad siya roon. Naging maaliwalas ang mukha ni Louis pero kaagad din naman siyang kinabahan dahil nakita niya kung ano ang estado ng babae. Mabilis siyang lumapit doon.

"Hey!" Louis shouted, and Allison immediately turned to somewhere when she heard someone. Her eyes widened as she recognized who it was. It was the man that night she had a one-night stand. She's at a loss for what to do, and as Louis approaches her, she moves back.

"Huwag ka nga lumapit!" sigaw ni Allison at saka niya ngayon na-realized ang itsura niya kaya mabilisan niya munang inayos ang mukha niya. Nahihiya na si Allison sa nangyayari pero kay Louis, natutuwa siya sa itsura ni Allison.

He found it really cute.

Papalapit nang papalapit pa rin si Louis kay Allison at si Allison naman ay patuloy sa pag-atras at hindi nila alam na nasa bingid na sila ng under-construction na bridge. Hindi napansin ni Allison 'yon, pero si Louis ay nakita niya na ito't kinabahan na rin siya.

"Hey, stop moving!" nag-aalala niyang sigaw. Naalarma na siya at mabilis na siyang lumapit kay Allison para itigil na itong umatras, pero si Allison ay umatras pa rin. Nanlaki ang mata niya't sa isang hakbang niya na ay roon na siya tuluyang nahulog.

As he sees how Allison fell, in him, it felt like the time became slow, everything went quiet, but he only hears how Allison screams for help. He doesn't have time to react and he did not have any second thoughts. He knew what to do.

He also jumps.

To save the woman, to save her.

----------------------------------------------------------------------------------------------------------

:>

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status