LOGINIpinagmalaki ng kapitan ng pulisya ang pagtulong na ginawa ni Yuna upang mahuli ang salarin sa hit and run sa kanilang lugar at sinabing isa sa mga araw na ito ay gagawaran siya ng parangal bilang isang mabuting mamamayan.Nang sandaling iyon ay paparating naman si Felix at nakita si Yuna na kausap ang pulis. Agad na lumakad siya papalapit kay Yuna habang malamig at seryoso ang mukha. Bahagya pang nagulat ang kapitan nang makita si Felix. "Sir, sino po kayo? Restricted po ang area na ito," sabi ng pulis. "Ako ang asawa niya," malamig na sagot ni Felix. Walang init sa boses, walang ekspresyon ang mukha. "Ah kayo po ba? Sige po, Misis na pala kayo.Maiwan ko na po kayo.Bala po ipatawag namin kayo isa sa mga araw na ito." Paalam ng pulis."Sige po, Chief, maraming salamat sa mabilis na pag responde." sani nnaman ni Yuna.Pagtingin niya sa lay Felix ay sumimangot naman si Yuna. Hindi niya kasi inaasahan na babalik agad si Felix mula sa kanyang business trip, nag-aalala siya na magagalit
Ginawa ni Jessica ang manahimik para may makatulong sa kanya para makalabas ng kulungan. Guilty si Jessica dahil naging mabait si Yuna sa kanya at tinulungan pa siya nina Felix na makalabas sa bilangguan. Kaya bilang kapalit ng kabutihan ng mag-asawa, inamin ni Jessica ang lahat. Ngunit may planong sarili si Yuna kaya't kinausap niya si Jessica na manatiling tahimik at magkunwaring may alam upang mahuli sa sarili niyang bitag si Rowena.Sumangayon si Jessica na makipagtulungan kay Yuna, hindi nga lamang nila inaasahan ang mangyayaring aksidente. Doon lalong napagtanto ni Jessica ang kasamaan ni Rowena.Kaya nang magkaroon ng pagkakataon ng maaksidente si Jessica, at nahuli pa niya ang pagpapamanman ni Rowena gamit ang tauhan nito, lalong lumakas ang loob ni Yuna na ituloy ang nasimulang plano.Kaya ura_ urada ay gumawa ng lihim na hakbang si Yuna habang wala pang malay si Jessica.Bagamat delikado, Ito na lang ang tanging paraan na naiisip ni Yuna upang mahuli sa sarilng bibig ai Rowen
Kung hindi siya kikilos, tiyak na babaon ang balang iyon sa kanyang dibdib. Sa bisa ng dasal at sa bingit na iyon ng kamatayan ay binanggit ni Yuna ang pangalan ni Felix.Nagawa ni Yuna na ikilos ang katawan at umiwas sa paparating na kamatayan, ngunit ang bala ay kasing bilis ng kidlat at tinamaan pa rin si Yuna sa gilid ng kanyang braso.Napaiktad sa hapdi at sakit si Yuna na halos bumulagta sa tindi ng impact ng tama ng bala. Matapos mapasalampak sa sahig, bagamat duguan ay naging alerto si Yuna dahil nakita niyang humakbang palapit ang galit na di Rowena. Pagapang siyang umusad at nagtago siya sa likod ng isang drum. Niyakap niya ang kanyang braso na may balang nakabaon habang masaganang umaagos ang dugo. Sumandal siya sa drum, bumubuhos ang malamig na pawis sa kanyang noo at nanginig sa takot ng marinig ang mga yabag ni Rowena."Sh*t! nakailag ka pa talagang babae ka. Pwes, sige maglaro tay9 ng baril barilan, hide and seek at kapag nakita kita Yuna ibabaon ko ang suianod na bala
"Hindi, hindi sapat ang magmakawa ka lamang Yuna. Kapag patay ka na, doon pa lang ako makakahinga at makakatulog ng mapayapa." Muling hinigpitan ni Rowena ang hawak sa barili at inilagay ang daliri sa gatilyo. nagaapoy ang galit sa mga mata nito.Nanginig na ang buong katawan ni Yuna sa takot na halos manlambot na ang tuhod niya at mapaluhod. Walang katao tao sa lugar na iyon at wala siyang maaaring hingan ng tulong, Nasa ilalawang palapa sila a kahit tumakbo siya ay tiyak na tatamaan siya ng baril. Ang kanyang mukha ay maputla, tumingin siya kay Rowena na may pagmamakaawa sa kanyang mga mata, "Rowena, bago ako mamatay, maaari mo bang sabihin sa akin ang totoo tungkol sa aking ama na nahulog sa hagdanan?" sa huling sandali, sa kabila ng takot ay nais pa rin ni Yuna na baunin sa kabilang buhay ang katotohanan.Sandaling katahimikan ang namayani. Noong una ay nagplano si Rowena na hindi na sabihin ang sikretong ito, ngunit hindi niya maisip na hayaan si Yuna na magdusa pa bago siya
Nang mga sandaling iyon, ay para naman nagkatotoo ang imbentong kuwneto ni Susan dahil matapos siyang paalisin ni Yuna ay dumilat na nga si Jesica. kasalukuyang nakikipagusap noon si Yuna kay Lino para sa mga bagay na inihanda niyang plano kung salaking babalik si Rowena. Nang mabalitaan ang pagbabago kay Jessica nagmamadaling nangtungo si Yuna sa ICU, ng makarating sa silid ay nagmamadaling lumapit si Yuna at tinanong ang doktor na nakatayo sa labas, "Doktor, gising na ba siya?""She's awake," magalang na sagot ng doktor.Napangiti si Yuna, natuwa, at napabulalas, "Mabuti naman! Naaawa sa atin ang langit."Nang mga oras na iyon si Rowena naman ay nasa hospital na at nakakubli sa sulok ng hallway. Derederetso sana siya sa ICU habang nagdidilim ang paningin sa galit ng makita niyang nakatayo ang doktor at si Yuna sa labas ng pinto kaya sandali muna siyang nagkubli. Ruowan, kaya narinig nito mula sa sulok ng hallway, ang katotohanan at namutla ito at agad na sinundan si Yuna ng puma
Nang mga sandaling iyon ay malalim na nag-isip si Susan at natahimik. Lalo lamang siyang natakot. Lalong nanginnig. Pero may punto ang kausap, kilala niya si Rowena at paano nga kun g pabayaan na siya nito at hinid pa tuparin ang usapan nila. Pagkatapos ay dumaloy ang masagana niyang luha. Tumingala at saka umamin kay Yuna."Miss Yuna, inutusan ako ni Miss Rowena na gawin ito, inutos niyang patayin ko si Jessica pagkatapos ay aalis siya at pupunta sa ibang bansa!" u,iiyak na ami nni Susan. "May iba pa ba?" tanong ni Yuna. Umiling si Susan, "Yun lang ang alam ko. Matagal ko nang hindi nakikita si Miss Rowena. Nakipag-ugnayan siya sa akin sa pagkakataong ito dahil may utang ang tatay ko sa sugal. Wala na akong ibang mapupuntahan. Hiniling niya sa akin na tulungan siya sa bagay na ito. Pagkatapos nito, bibigyan niya ako ng tatlong milyon.""Tatlong milyon?" Sumilay ang pagkalito sa mga mata ni Yuna. "Susan alam mong nabangkarote si Rowena at ang kanyang bank card ay na-freeze ng kortKa







