Pagkatapos ng mahigpit na yakap ay isang napakasuyo at matagal na halik sa labi ang ginawa nito.Nagulat si Yuna at mahinang sinaaway si Felix"Felix, ano ang ginagawa mo?" "Saglit na lang" sabi ni Felix na itinuloy ang pagyakap sa kanya at mas pinalalim ang halik bago tumigil."Pinapupunta ako ng Mama sa hospital sandali" paalam nito.Gumalaw ang mga labi ni Yuna, may nais sabihin peroang tanging nasabi niya ay"Sige..." bukod sa salitang ito, hindi niya alam kung ano ang sasabihin.Pagkatapos niyang maaksidente sa sasakyan, iniligtas siya ni Felix at buong puso siyang inalagaan. Hindi niya kayang tanggihan ito ngayon o sa mas madaling salita ay hindi niya na kayang pakawalan ito ngayon.Kaya sa isip ni Yuna ay ayaw na muna niyang isipin muna ang mga masalimuot na bagay na iyon, tratuhin na lang niya ito bilang huling kasakiman niya.Sa ngsyon gusto niyang eenjoy na ganito sila ni Felix.Umalis na si Felix matapos siyang bilinan nang sangkatutak. Naghatid naman si Marlon ng isang ma
Nabigla man sa mga sinabi ni Yuna ay nanatiling nakangiti si Jessie."Sa totoo lang ay hindi ko kaya. Pero mahal ko si Felix kaya sinisikap kong mahalin na rin yung mga mahal niya.Kung pipilitin niya na panatalihin ka sa tabi niya ay pag aaralan kong tanggapin na dalawa tayo sa buhay nya at gagawin ko yun kasi mahal ko talaga sya" Sabi ni Jessie.Pero imbis na humanga ay para pang nasuka si Yuna a pagiging tanga at sakim ng babae."Sa totoo lang naiisip ko naman na hindi natin kailangan magtalo eh" Pagpapatuloy ni Jessie."Kung sasang ayon ka sa akin. Meron akong plano. Mula ngayon, pwede tayong tumira sa iisang bubong na magkakasama. Kung oras ko ay sa akin si Felix. Kung oras mo sayo si Felix tapos pag oras mo hindi ko kayo gagambalain pero wag mo rin kaming gagambalain sa oras namin.Pwede tayong ngkaroon ng scheduling tulabg ng kapag mwf ay sa kain siya at TThS naman sa akin at kapag linggo sama sama tsyong tatlo" mungkahi pa nito.Natawa ng pagak si Yuna sa pinagsasabi ni Jessie.
Hindi makapaniwalang napatitig si Yuna sa mga mata ni Felix. Nang ma realize na niya kung ano ang ibig sabihin nito ay sya namang pagpasok ni Jessie na nakabalik na mula sa pagkuha ng tubig. Binuksan ito ang pinto at nakitang magkayakap ang dalawa.Nakita naman ni Yuna sa gilid ng kanyang mga mata na nanlilisik ang mga mata ni Jessie."Anong ginagawa nyo?" Patay malisyang tanong nito."Nag uusap" Sinagot siya ni Felix sabay tinitigan ng hindi kanais nais. si Jessie naman ay tumingin kay Yuna pagkatapos ay biglang naisip ang mga payong na sinabi sa kanya ni Felix kanina. At naisip nIyang tama nga na lumaban siya. Sa naisip na iyon ay may kapilyahang pumasok sa isipan niyo Yuna.Bigla niyang Inunat niya ang kanyang mga kamay iniyakap sa bewang ni Felix At niyakap ito ng mahigpit."Felix nagugutom na ako. Gusto ko ng kumain, tulungan mo ako Felix" sabi niYuna na sinadyang lambingan at boses at ireguest na alalayan siya ni Felix. Nakita ni Yuna na tumaas ang sulok ng bibig ni Felix at kumis
Bahagyang nakasimangot si Jessie matapos utusan na gumawa ng tsaa."Teka muna, buntis ako, Hindi ba't sobra naman na ang utos mo sa akin ng ganito ""Di ba sinabi mo na dapat tayong tatlo ang magkatuluyan Bata pa si Yuna, dapat give in ka na sa kanya. Napakabuti mo, at dapat mong alagaan ang lahat ng malaki at maliit na gawain ng pamilya."Kahit gaano kagaling si Jessie sa pagpapanggap, ang kanyang mukha ay naging kulay ng atay sa sandaling ito."Ngunit buntis ako ngayon.""Dahil sa tingin mo hindi mo kayang mabuhay ng ganito, bakit mo iminungkahi ang ganito. O gusto mo lang bang magsalita ng ilang walang kuwentang salita para kamuhian si Yuna? "Tiningnan siya ni Felix na nakakunot ang mga labi, pero walang ngiti sa mga mata nito. Umiling si Jessie,"Siyempre hindi, sincere ako.""Kung ganoon, pwede mo bang alagaan kaming dalawa ?" taning niFelix.Hndi makasagot si Jessie. Nakaramdam siya ng paninikip sa kanyang dibdib, puno siya ng galit.l ng sandaling iyon.Kung pumayag siya ay g
Nang pumunta si Felix sa ibang bansa upang makipag usap kay Jessie tungkol sa bagay na ito, ang buong pamilya ni Jessie ay kasama nito at kaya kasama ang pamilya ni Jessie ng tinalakay nila at lahat at sumang ayon sng buong pamilya sa kasunduan. Matapos sabihin ang dapat sabihin ay umalis na si Felix. Tiningnan ni Jessie ang likod nito nang hindi man lang naibaling ang ulo nito para lingunin siya. Unti unting lumabas ang poot sa kanyang mga mata.Napopoot siya ngayon dahil sa lintek na si Yuna!Kung hindi nakialam ang gagang iyon, matagal na sana siyang naging Misis ni Felix! Napatikom ang mga kamay ni Jessie at dumami lalo ang poot sa kanyang mga mata.Pagkalipas ng tatlong araw. Si Yuna ay nakalabas ng ospital. Tumawag sa kanya si Felix"Maghintay ka sa ospital, magpapadala ng sasakyan para sunduin ka." Sabi nito."Hindi na, pwede naman akong mag taxi na lang pabalik." Ayaw na kasi niyang alabalhin pa si eox at problemahin pa nito."Hindi puwede!" Mesto tense na sabi ni Felix.Mul
Nakaramdam ng awa si Yuna para kay Felix. Siya ay kamakailan lamang na naospital, at ang ina nito na si Donya Belinda ay naospital din. Kailangan din nitong asikasuhin ang mga gawain ng kompanya at ilang lugar ang kailangan nitong puntahan sa loob ng isang araw. Naiimagine na ni Yuna kung gaano iyon kahirap.Nang makita ni Yuna na nakatulog na ito ay, hindi na siya nagsalita pa bagkus ay marahang nag squat pababa at napatingin sa gwapong mukha nito.Sa oras na ito lamang siya nangahas na tingnan nang walang pag-aalinlangan ang asawa."Ano ba ang tinitingnan mo " Bigla nagmulat ng mata si Felix na ikinagulat bigla ni Yuna.Nahalatang niyang namumula ang ang mga ugat sa ilalim ng mga mata ni Felix ngunit ngumiti ito, malinaw na pinipilit na maging matatag.Natigilan si Yuna at sinabing,"Pinag iisipan ko kung gigisingin kita o hindi."Hindi ako tulog, nagpapahinga lang ako habang nakapikit." Tiningnan niya ang malambot na maliit na mukha nito, at lumambot ang kanyang ekspresyon."Pagod
Biglang nalungkot si Yuna nang sandaling iyon.Dahil ang damdamin na iyon ay malapit nang maging alaala na lamang na ibabaon niya ng malalim sa kanyang puso habang buhay.Hindi niya alam kung gaano katagal bago niya talaga makayang bitawan ang lahat matapos silang maghiwalay, pero mapapaghilom ng panahon ang lahat.Kaya pagkatapos ng hapunan, tinanong ni Yuna si Felix."Anong oras ka babalik sa mansion?" Si Felix na kanina pa nakangiti, pero biglang naging malamig ang mukha nang marinig ang sinabi nito."Itinataboy mo ba ako" nakasimangot na tanong nito."Hindi naman pero halos alas nueve na pala. Aabutin ka ng hindi bababa sa kalahating oras upang makabalik sa mansion.Kailangan mong pumunta sa ospital upang bisitahin ang iyong ina bukas ng umaga hindi ba? Kaya dapat bumalik ka ng maaga ngayon." Nang matapos magsalita si Yuna, nagsimula siyang maglinis ng mesa.Natikom ng mahigpit ni Fel ang kanyang mga labi at napakunot ng noo.Maya maya pa, sabay na siyang tumayo at nagligpit.Nang
Sa kabilang banda.Tatlong araw na hindi nakapunta sa ospital si Jessie. Sa ikaapat na araw, naramdaman ni Donya Belinda na baka may nangyari kaya tinawagan nito si Jessie. Marahang nagsalita si Jessie ng sagutin ang telepono,"Madam, sa tingin ko hindi na ako dapat pumunta sa ospital para makita ka ulit. Madam ang itinawag niya dito at hindi tita. Napasimangot si Donya Belinda."Bakit?anong nangyari?" Saglit na namang nanahimik si Jessie, at bumulong"Wala lang, Madam, dapat magpahinga ka ng mabuti."Bakit Madam ang tawag mo sa akin?" Hindi nagsalita si Jessie."Sabihin mo sa akin kung ano ang nangyari." pilit ni Donya Belinda sa kanya.Tila hindi na nakayanan ni Jessi ang tanggihan si Donya Belinda, at napabuntong hininga,"Madam, naging matagumpay na ho ang iyong operasyon. Sinabi ni Felix na wala siyang balak na pakasalan ako, at hiniling na lang niya sa akin na huwag pumunta sa ospital upang guluhin ka." Nagdilim ang mukha ni Donya Belinda,"Sinabi ito ni Felix sa iyo?" hindi mak
Isang araw, bigla siyang nakaramdam ng hindi komportable sa pakiramdam.Marahil nagsimula ito sa sandaling naramdaman niyang narating na ni Yuna ang isang destinasyon sa magkaibang landas.Nang makita ni Lester si Patrick, lumabas ito ng kotse, dire-diretsong naglakad palapit sa kanya at nagtanong,"Boss Patrick, maaari ba akong magtanong sa iyo?" Walang sinabi si Patrick kaya tinanong ito ni Lester ng deretso. "Ano ang relasyon mo ngayon sa asawa ng amo ko?"Itinaas ni Patrick ang kanyang mga labi at ngumiti, "Inutusan la na ni Felix para magtanong ng ganyan?""Hindi, gusto ko sanang itanong sa sarili ko." Tumayo ng tuwid si Lester at magiliw na nagpayo,"Si Boss Patrick ay isang matalinong tao. Dapat niyang makita kung gaano kalaki ang pagpapahalaga ng aking Boss sa asawa niya. Kung si Boss Patrick ay may kaalaman sa sarili, dapat niyang layuan ang aming Madam. Pagkatapos ng lahat, ang sinumang makasakit sa aming Madam ay magdurusa." Sabi nito."Ang dapat na lumayo kay Yuna ngayo
Pero anumang pilit niYuna mapait talaga ang kape amerikani sa kanya epro hindi niya iyong iponahalata kay Felix. Sa harap nito ay hindi siya magpakita ng kahinaan at hinding-hindi siya dapat maakit sa kaguwapuhan nito ngayon.Dati siyang isang simpleng tao, kung saktan siya ng iba, nakakalimutan niya agad, at nagpapatuloy sa pagiging masaya. Dahil ayaw niyang parusahan ang kanyang sarili dahil sa pagkakamali ng iba.Pero simula nang maipasok ang kanyang ama sa ICU, at ayaw ni Felix na parusahan si Rowaena, nagpasiya si Yuna na parusahan ang kanyang sarili.Pinaparusahan niya ang kanyang sarili sa pagmamahal sa taong hindi niya dapat mahalin. Pinaparusahan din niya ang kanyang sarili dahil sa kanyang pagkamakatuwiran, dahil sa kanyang pagkamakatuwiran, nasaktan ng ganito ang kanyang ama. Mula noon, ayaw na niyang maging masaya.Parang naunawaan din ni Felix ang ibig niyang sabihin, at naging bahagyang malalim ang kanyang boses,"Ano ang gusto mong gawin?" Tumingin siya, at n
Kinabukasan ay maagang nangtungo si Yuna sa Shop.Naabutan niyang abala si Myca sa pagpili ng ibat ibang sample ng tela. Pagbukas ng pinto ay nagtaas ito ng tingin at nakita siya .Nabakas niya ang kaligayan pero pagkagulat sa mga mata nito."Yuna...""Boss, nakabalik ka na!" Sabi naman ni Lin na katuwang ni Myca."Magandang araw sa lahat!" Bati ni Yuna sa ilang tauhan at ngumiti kay Lin, at pagkatapos makipag-usap ng sandali, inalalayan niya si Myca paakyat sa opisina sa ikalawang palapag.Namumula ang mga mata ni Myca habang tinitingnan siya, "Yuna, natutuwa akong makita ka, kakalabas mo lang mula roon, hindi ka ba magpapahinga kahit lang araw man lang ?" Sabi ni Myca. Labis nipang ikinalungkot ng makulong si Yuna."Hindi na, wala naman akong gagawin." Tumingin si Yuna sa matambok na tiyan ni Myca."Sino ba ang nahihirap ha, ilang linggo na lang ba bago lumabas ang baby pero nagtatrabaho ka pa rin?"Tumingin si Myca sa kanyang tiyan, at naglabas ng dila, "Ganyan din ang sinasabi n
Medyo natulala si Yuna, hindi niya maintindihan ang nababasa sa mga mata ni Patrick. Pero para kay Yuna dapat ay wala ng madamay pa, dapat ay siya ang gumawa upang mapanatag ang kalooban niya. Sa kanya may atraso si Rowena kaya dapat sa mga kamay niya rinamgbayad ang babae. Kaya sa huli ay umiling siya,"Hindi na, Kuya Patrick, alam kong hindi ka rin masaya sa pamilya mo at may mga sarili ka ring problema, ikaw at ang iyong kuya ay magkalaban din diba. Mahirap din ang iyong buhay."Sinabi na sa kanya ni Myca dati, na si Petrick ay dumating lang sa pamilya Perez, at parang anak lamang sa labas, ang kuya nito ang tagapagmana, kaya't si Patrick, ang bagong ikalawang anak na lalaki, ay hindi masaya sa pamilya Perez.Yumuko si Patrick na tila napahiya at nainsulto bago muling tumingin kay Yuna."Okay lang, kaya kitang tulungan." Pero ilang ulit pa ring umiling muli si Yuna, at bahagyang lumabas ang kanyang mga dimples, sinabi niya kay Patrick,"Kuya Patrick, ayaw kong maging pabi
"Yuna!" Nag-iba ang tono ni Felix, at hinabol siya."Mr. Felix, itigil mo yan, hindi na tayo ganoon na magkakilala pa baka nakakalimutan. Mo wala na tay9ng konektion pa, huwag mo akong sundan pewde ba?" singhal nibYuna.Nang makarating si Yuna sa gilid ng kalsada, huminto ang isang sasakyan. Bumaba ang bintana, at muli niyang nakita ang nakakainis na mukha ni Patrick, binuksan nito ang pinto ng sasakyan at sinabi kay Yuna,"Yuna, nandito ako para sunduin ka." Ngumiti si Yuna ngvubod ng tamis, at sasakay na sana sa sasakyan, ngunit hinawakan na naman siya ni Felix sa kamay, ang kanyang guwapong mukha ay parang isang walang buhay na estatwa,"Huwag kang sumama sa kanya Yuna." "Sino ka ba para bawalan ako?" Sarcastic na ngumiti si Yuna, garapal niyang sinabi, "Hindi tayo magkakilala, huwag kang kumilos na parang aso na palaging nakasunod sa akin, nakakainis na." Pagkatapos sabihin iyon, sumakay na si Yuna sa sasakyan.Ngunit bagi isara ang pinto ay tumingin ulit kay Felix, bakas ni Yu
Sa oras na iyon, ang dalawa sa dance floor ay nasa punto na ng pagsusuot ng singsing. Kukunin na ni Robert ang nakahandang singsing na nasa tray para ibigay kay Rowena, at isusuot na ito sa manipis na palasingsingan ni Yuna.Biglang nagdilim ang tingin ni Felix sa panibugho, binangga niya ang karamihan at pumasok sa gitna ng bulwagan at hinila ang kaliwang kamay ni Yuna.Gusto sanang isuot ni Yuna ang singsing, pero nang hilahin siya ay hindi na siya makagalaw, kumunot ang kanyang noo at tumingin sa taong humila sa kanya. Si Felix pala.Malamig ang kanyang mukha, at bigla siyang hinila patungo sa dibdib nito, parang isang ari-arian na kanyang pinoprotektahan. "Kuya, ano ba ang ginagawa mo?" Kumunot ang noo ni Robert, at hindi masaya ang hitsura, kakahawak lang niya sa kamay ng babae, ang kanyang kamay ay parang makinis na tofu, at hindi niya maibaba ang kanyang kamay. "Hindi siya ang kasintahan mo." Malamig na sagot ni Felix at pagkatapos ay tinanggal niya ang maskara ni
Doon sa gilid. Isang matangkad at matikas na anino ang tumambad sa paningin ni Yuna.Si Felix, Tumingin ito sa kanya, may bahid ng pagmamahal at paggaalala ang kanyang mga mata."Bakit ka napunta dito?" Tanong agad ni Felix "Kapag sinabi kong nandito ako para batiin si Rowena, maniniwala ka ba?" Hawak ni Yuna ang kanyang baso ng alak at nakangiti."Sa tingin mo ba maniniwala ako?" Tumingin si Felix sa kanya. "Yuna, ano ba talaga ang gusto mong gawin sa pagpunta mo rito?" Ayaw ni Felix na gumawa si Yuna ng mga bagay na pagsisisihan nito o pagdudusahan na naman nito, mahigpit niyang tinitigan, si Yuna sinusubukang makita ang nararamdaman nito sa kanyang mga mata.Pero bukod sa pagngiti, walang nakita si Felix na emosyon sa mga mata ni Yuna, tanging malamig at malayo mga mata lamang"Mr.. Felix, hindi naman tayo kinektado na diba kaya tawagin mo na lang akong Ms. Yuna." Pagkatapos sabihin iyon, nakita niya si Rowena na umakyat, ibinaba niya ang kanyang baso at nais na sanang umalis.Per
Ay ilang linggo ng nakakalaya si Yuna ngunit hindi pa ito nakakausap ni Felix Palagi kase itong umaalis kasama ni Patrick..Pagsapit ng gabi, nakaupo si Felix sa swivel chair sa kanyang opisina na nakapikit at may malungkot na ekspresyon. Siya namang pagdating ni Marlon.Itinulak ni Marlon ang pinto at lumapit kay Felix, "Sir, pumunta si Madam sa birthday party ni Miss Rowena." Bakits nito.Biglang iminulat ni Felix ang kanyang mga mata, madilim ang kanyang mukha, "Anong sabi mo?" Seryosong tanong nito."Kadadating lang po ni Madam sa birthday party ni Miss Rowena at pumasok na siya ngayon sa bulwagan" ulit nito.Itinikom ni Felix ang kanyang manipis na labi. Si Yuna ay may sama ng loob kay Rowena at may galit, at pumunta ito sa birthday party party ni Rowena sa sandaling makalabas ito sa bilangguan. Sigurado si Felix na may plano si Yuna kaya kinabahan si Felix.Naningkit ang mga mata ni Felix, kinuha niya ang coat sa tabi niya, isinuot, at malalaki sng hakbang na lumabas.Samanta
Dalawang araw pa ang lumipas, si Yuna ay sinentensiyahan ng anim na buwang pagkakulong dahil sa injury na tinamo ng biktima. Nang mga panahong nanyayari ang lahat nakabalik na noon si Patrick mula sa ibang bansa. Bumalik si Patrick mula sa ibang bansa at narinig ang tungkol sa nangyari kay Yuna. Dumating siya upang bisitahin ito sa bilangguan sa lalong madaling panahon. Napatingin si Patrick sa babaeng nasa tapat niya na nakayuko, at nagtanong, "Bakit hindi mo piniling baguhin ang iyong pag-amin noong panahong iyon?" Narinig ni Patrick ang lahat tungkol sa nangyari at sa ginawa ni Yuna mula kay Myca. Bahagyang ngumiti si Yuna, "Dahil ayaw ko nang magkaroon ng utang na loob sa kanya." "Nakita ko siya sa labas nung pumunta ako dito kanina lang." sabi ni Patrick Hindi nagbago ang ekspresyon ni Yuna, "Hayaan siyang maghintay sa wala, wala na akong pakialam. Anyway, araw-araw siyang dumadating pero at araw-araw rin siyang nawawala" sabi pa niya "Yuna, Ikaw ay mayroon na sanang p