Home / Romance / Refuse To Divorce: In The Arms Of Ruthless Billionaire / Chapter 618: Ang Maghapunan Ng Magkasama

Share

Chapter 618: Ang Maghapunan Ng Magkasama

Author: Epiphanywife
last update publish date: 2026-08-30 13:13:17

Ngumisi si Yuna. “Naku, ang galing mo talagang mambola. Ayoko ng tinatanggihan.” Malikot ang mga mata ni Felix at may nakaka-intimidate na ngiti at makahulugang sinabi.

“Talaga? Hindi mo ba talaga gusto?” Nanlamig agad ang mukha ni Yuna. “Ikaw ang mahilig masaktan kapag tinatanggihan.”

“Tama… gusto kong palaging maging malapit sa iyo…” Bumaba ang tingin ni Felix, dumulas sa hubog ng kanyang katawan, at nag‑aalab ang kanyang mga mata na parang apoy. “Lahat tungkol sa iyo… gusto ko.” Biglang nagb
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (3)
goodnovel comment avatar
dawen
tagal nnman update ...
goodnovel comment avatar
Aumentar Grace
wow my update n...
goodnovel comment avatar
dawen
aus nagkasundo nrin sna nman maging ok n qau npatawaad mna yuna more update ......
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Refuse To Divorce: In The Arms Of Ruthless Billionaire   Chapter 618: Ang Maghapunan Ng Magkasama

    Ngumisi si Yuna. “Naku, ang galing mo talagang mambola. Ayoko ng tinatanggihan.” Malikot ang mga mata ni Felix at may nakaka-intimidate na ngiti at makahulugang sinabi.“Talaga? Hindi mo ba talaga gusto?” Nanlamig agad ang mukha ni Yuna. “Ikaw ang mahilig masaktan kapag tinatanggihan.”“Tama… gusto kong palaging maging malapit sa iyo…” Bumaba ang tingin ni Felix, dumulas sa hubog ng kanyang katawan, at nag‑aalab ang kanyang mga mata na parang apoy. “Lahat tungkol sa iyo… gusto ko.” Biglang nagbago ang mukha ni Yuna at napamura sa isip at sa bibig. “Hayop ka talaga.” sabi niya.Tumawa si Felix, paos, malalim at nakakakilabot ang tamis ng boses. “Hindi ba’t ikaw mismo ang nagsabi?” “Ayoko nang kausapin ka pa.” Bumilis siya ng lakad. Iniwan niya ito nang mas malayo sa likuran. Hindi nagtagal, nakarating sila sa puntod ng ina ni Yuna. Nawala ang pagbibiro at naging taimtim at seryoso ang mukha ni Yuna. Umakyat siya sa hagdanang bato hanggang sa makarating sa harap ng lapida ng kanyang in

  • Refuse To Divorce: In The Arms Of Ruthless Billionaire   Chapter 617 Ang Pagdalaw Ni Felix Sa Ina Ni Yuna

    Kinabukasan. Si Yuna ay kalahating tulog pa nang hinila siya pataas ni Felix sa kama. "Yuna, bumangon ka na." Kumunot ang noo niya at malungkot na sinabi, "Huwag mo akong hawakan." "Nahawakan ko na lahat 'yan kagabi. Sige na, bumangon ka na." sabi nito na may nakakalokong ngiti."Bakit ba?Pagkatapos mo akong paurin at parusahan. Bakit ba kase?" Bumulong si Felix sa kanyang tainga, "Yuna, mag-hiking tayo." " "Hiking? Ano? Hindi! Ayoko..." mahina niyang tugon. Ngumiti si Felix na parang naaaliw at nakikita ang binuhat nito si Yuna. 'Ang sarap ng hangin ngayong umaga, kaya bumangon ka na diyan, tara at mag-hiking tayo!' may siglang sabi ni Felix. Ang katawan ni Yuna ay biglang parang nahinto sa ere, na ikinagulat niya, kaya bigla siyang namulat ng mga mata. Nang makita niya ang gwapong mukha ni Felix, ay umasim ang kanyang ekspresyon. "Felix, may sakit ka ba? O, manhid ka talaga! Pinuyat mo ako kagabi, pinagod mo ako, tapos ngayon gigisingin mo ako nang maaga dahil lang sa gus

  • Refuse To Divorce: In The Arms Of Ruthless Billionaire   Chapter 616: Alam Kong Mahal Mo Pa Rin Ako

    Isang madilim na ulap ang namuo sa pagitan ng mga kilay ni Felix.Tiningnan niya si Yuna pababa, at nakita ang lamig sa mukha nito, kumirot ang puso niya sa sobrang sakit. Nilapitan niya nito at hinalikan.Hindi niya ito pinaniwalaanang sinabi nito nang gabing iyon, nang hawakan niya ito, hindi na ito gaanong lumaban. Kung talagang lumaban siya, matagal na siyang sumuko.Upang i-verify ang kanyang mga iniisip, lumipat ang mga labi niya sa leeg ni Yuna kinagat ang mga butones ng kanyang blouse. Nakapasok na din ang malalaking kamay niya sa loob ng palda ni YunaNagulat si Yuna. at pilit siyang tinulak, "Felix, anong bang ginagawa mo?" sita nito sa kanya. Kung anuman ang iniisip mo huwag mo ng ituloy. Nakalimutan mo na ba ang napagusapan natin ha?" halos paanas na sabi ni Yuna. Ngunit ngumiti lamangng makahulugan si Felix sa kanya bago nagsalita."Kailangan kong malaman kung totoo ang sinasabi mo. Kailangan kong malaman kung hindi mo na nga ako mahal." Malungkot ang mukha ni Felix na la

  • Refuse To Divorce: In The Arms Of Ruthless Billionaire   Chapter 615: Tapos Na Ang Deal

    Nakaramdam ng matinding takot si Felix, pakiramdam niya ngayong ay naghihiganti na si Yuna dahil sa pagbalewala niya noon sa kanya.Nakaramdam siya ng hindi maipaliwanag na takot kaya niyakap siya ng mahigpit ang asawa na halos mabali ang kanyang mga buto."Yuna," bulong niya, mahina at paos ang boses, na may bahagyang panginginig. "Naiintindihan ko na ngayon kung bakit mo ito nagawa. Pasensya ka na at wala ako sa tabi mo ng oras na kailangan mo ako. I'm so sorry." sabi ni Felix na pinisil ang kamay ni Yuna at muli siyang niyakap. Hindi nag-react si Yuna pero hinayaan niyang hawakan ni Felix ang kamay niya at yakapin siya nito. Sa totoo lang takot din siya at pakiramdam niya kailangan niya ng karamay. Inaamin niya na hinahanap din niya si Felix na palaging nariyan sa tabi niya noon pa man."Sir Felix, paumanhin po pero, hanggang dito na lang po kayo. Hindi po kayo maaring pumasok sa loob.Hintayin nyo na lamang po siya sa waitng area." sabi ng nurse.Matagal munang tinitigan ni Feli

  • Refuse To Divorce: In The Arms Of Ruthless Billionaire   Chapter 614 : Ang Poot At Galit

    Ipinagmalaki ng kapitan ng pulisya ang pagtulong na ginawa ni Yuna upang mahuli ang salarin sa hit and run sa kanilang lugar at sinabing isa sa mga araw na ito ay gagawaran siya ng parangal bilang isang mabuting mamamayan.Nang sandaling iyon ay paparating naman si Felix at nakita si Yuna na kausap ang pulis. Agad na lumakad siya papalapit kay Yuna habang malamig at seryoso ang mukha. Bahagya pang nagulat ang kapitan nang makita si Felix. "Sir, sino po kayo? Restricted po ang area na ito," sabi ng pulis. "Ako ang asawa niya," malamig na sagot ni Felix. Walang init sa boses, walang ekspresyon ang mukha. "Ah kayo po ba? Sige po, Misis na pala kayo.Maiwan ko na po kayo.Bala po ipatawag namin kayo isa sa mga araw na ito." Paalam ng pulis."Sige po, Chief, maraming salamat sa mabilis na pag responde." sani nnaman ni Yuna.Pagtingin niya sa lay Felix ay sumimangot naman si Yuna. Hindi niya kasi inaasahan na babalik agad si Felix mula sa kanyang business trip, nag-aalala siya na magagalit

  • Refuse To Divorce: In The Arms Of Ruthless Billionaire   Chapter 613 : Walang Saysay Kung wala ka

    Ginawa ni Jessica ang manahimik para may makatulong sa kanya para makalabas ng kulungan. Guilty si Jessica dahil naging mabait si Yuna sa kanya at tinulungan pa siya nina Felix na makalabas sa bilangguan. Kaya bilang kapalit ng kabutihan ng mag-asawa, inamin ni Jessica ang lahat. Ngunit may planong sarili si Yuna kaya't kinausap niya si Jessica na manatiling tahimik at magkunwaring may alam upang mahuli sa sarili niyang bitag si Rowena.Sumangayon si Jessica na makipagtulungan kay Yuna, hindi nga lamang nila inaasahan ang mangyayaring aksidente. Doon lalong napagtanto ni Jessica ang kasamaan ni Rowena.Kaya nang magkaroon ng pagkakataon ng maaksidente si Jessica, at nahuli pa niya ang pagpapamanman ni Rowena gamit ang tauhan nito, lalong lumakas ang loob ni Yuna na ituloy ang nasimulang plano.Kaya ura_ urada ay gumawa ng lihim na hakbang si Yuna habang wala pang malay si Jessica.Bagamat delikado, Ito na lang ang tanging paraan na naiisip ni Yuna upang mahuli sa sarilng bibig ai Rowen

  • Refuse To Divorce: In The Arms Of Ruthless Billionaire   Chapter 554: Ang Katotohanan

    "Nasaan si Yuna? Bakit hindi siya inaresto?" Agad na salubong ng isang naroon sa building habang hawak ang nakabukas na camera para makunan sana ang mga pangyayari. Ang mga tao ay hindi natuwa na hindi bitbit ng mga pulis si Yuna paglabas kaya sumugod ang mga tao at pinalibutan ang mga pulis, "S

  • Refuse To Divorce: In The Arms Of Ruthless Billionaire   Chapter 552: Katapusan Mo Na Yuna

    Nagkagulo ang mga reporter, at mga taong nakapaligid. ay nangkaroon ng kanya kanyang opinion, pero ang lahat ay biglang nagpukol ng matinding galit kay Yuna. Ipinagpatuloy ni Rowena ang pagdadrama."Hindi ko alam kung bakit ganito ang pakikitungo niya sa akin. Tiniis ko ang lahat para sa kapakanan

  • Refuse To Divorce: In The Arms Of Ruthless Billionaire   Chapter 551: Ang Pakana Ni Rowena

    Ayon sa balita, halos tatlong buwan na nanatili si Rowena sa ospital dahil sa pagkahulog sa dagat. Masyado ring naapektuhan ang emosyonal na kalagayan niya. Laking gulat ng mga manonood nang makita ang eksena. Ayon sa mga nakasaksi, marahil totoo nga ang mga unang bintang dahil noon pa man ay may

  • Refuse To Divorce: In The Arms Of Ruthless Billionaire   Chapter 546 : Gusto Kong Ako Ang Umayos

    Kung pagmamasdan ang kumpol ng mga grupong ito na tila ba galit at may masamang pakay, parang alam na ni Yuna kung ano ang kakalabasan ng eksenang ito.Saktong pag-apak nga ng paa ni Yuna sa labas ng kanyang pintuan ay may isang babaeng sumigaw,"Nakakasama! Nasa labas na ang babaeng si Yuna! Tingn

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status