"Ang ibig bang sabihin nito ay, nagsasama na kayong muli ni Miss Yuna?" Natawa ng sarkastiko si Frlix."Aba syempre, ito ay bahay ng asawa ko at bahay ko na rin at para maayos ang usapan natin dito, Mister Robert, maigi pang umalis ka na at bumalik ka na. Salamat sa paghahatid mo sa asawa ko," sabi ni Felix na ipinagtabuyan na si Robert palabas. Ang kanyang tono ay medyo hindi na magalang at tila wala ng pagtitimpi.Bakas naman sa kahihiyan ang mukha ni Robert nang ito ay tumayo at lumabas sa pintuan ng may mabalasik na mukha.Pagkasarang-pagkasara ng pinto, nanlamig ang mukha ni Felix at tinitigan ang mahihimbing na si Yuna.Lumapit si Felix sa tabi ni Yuna at ginaya ang nakaluhod na posisyun ni Robert kanina.Galit soya kay Yuna pero ikababaliw talaga niya kapag hawalan ito ng iba.Si Yuna ay mahimbing, wala siyang ideya sa nagaganap, lasing at nahihilo. Inikot niya ang kanyang ulo, yumakap sa kanyang mga bisig, at nakahanap ng komportableng posisyon para matulog.Malamig na tinitiga
Inilabas ni Felix ang kanyang telepono at nakita niyang video message iyon. Ang naka thumbnail na larawan ay si Yuna na inaalalayan ng isang lalaki. Namula ang mukha ni Felix at agad nagtagis ang mga bagang at nang i-click niya ang video ay agad nga niyang nakita si Yuna na nakayakap sa mga bisig ng isang lalaki na namukhaan niyang si Robert at tila tinutulungan itong pumasok sa kotse. Lalong dumilim ang mukha ni Felix.Lumapit sa kanya si Marlon at sinabi, "Sir, sinabi ng tindahan ng lugaw na wala na raw silang arroz caldo ngayong gabi, kung gusto mo ay meron daw silang sinabawang seafoods."Si Felix na nakasuot ng dark pattern na kurbata ay nakaupo sa kotse at walang ekspresyon ang kanyang maamong mukha. "Hindi na, wag ka nang bumili ng kahit ano, bumalik na tayo agad, bilisan mo," natigilan naman si Marlon."Teka, sir, di ba ang sabi mo ay bibili ka ng midnight snack para sa misis mo?" tanong nito.Sinabi ni Felix na, "Hindi na, bumalik na tayo," malamig ang boses ni Felix. Narar
Narinig ni Melisa na nagkaroon ng kuro kuro ang mga tao. Sumulyap si Melisa kay Yuna bago nagpatuloy."Napakaswerte namin kung tutuusin na ngayon at natuklasan namin ang tunay mong kulay pati na rin ang pangit mong pagkatao bago pa man kayo ikasal ng kapatid ko. Kung hindi, baka kinakaladkad mo na rin kami sa kahihiyan at kamatayan dahil sa isang masamang babaeng tulad mo. Inaasahan mo ba talaga na ang isang sinungaling na babaeng tulad mo ay matatanggap ng pamilya namin?"Napahagulhol si Rowena. Sukol siya ng mga sandaling iyon. Hindi inaasahan ni Rowena na kapopootan siya ni Melissa ng ganito na lamang katindi at talagang pinahiya siya sa harap ng maraming tao. Tumingin naman siya kay Robert na nananahimik. Sa isang sulok ng oras na iyon, namumula na ang kanyang mga mata sa matinding pag-iyak."Robert, ano ang sinasabi mo noon ng ligawan mo ako? Hindi ba't sinabi mo na ako ay ipinanganak para maging reyna ng buhay mo at ako lamang ang babaeng makakapagpaligaya sa iyo? Bakit ngayon
"Nang gabing iyon, dadalo si Yuna sa isang pagdiriwang ng selebrasyon sa kumpanya nina Robert. Simple lang ang kanyang suot, isang light blue na bestida na bahagyang lampas sa kanyang tuhod. Nilagyan niya ito ng sinturon sa baywang na pinalamutian ng mga brilyante at kristal. Ang kanyang mahabang kulot na buhok ay sinadya niyang kulutin para sa gabing iyon at inilugay sa kanyang makitid na balikat. Habang nasa harap ng salamin, pinagmasdan ni Yuna ang kanyang sarili. Mukha siyang elegante sa kanyang kasuotan, parang isang diwata sa ilalim ng maliwanag na buwan. Pagpasok niya sa hall, nakita niyang maraming tao. Puno na ng tao ang okasyon nang sandaling iyon. Nang makita siyang pumasok sa loob ng hall, ang ilan ay napalingon, at makikita sa kanilang mga mata ang paghanga. Ang ilan naman ay ngumiti at binati si Yuna. Isang simpleng ngiti ang isinagot ni Yuna sa kanila. Sa isang sulok naman ay nakaupo sina Melissa at Robert. Marahil sila ang mga pangunahing panauhin. Binati ni Yuna an
Bahagyang nagulat si Felix nang marinig niya ang sumbat na iyon ni Yuna.Sumandal siya sa upuan para titigan ang asawa. Malalim siyang bumuntong-hininga sa kaseryosong sinabi,"Ang lahat ng ginawa mong 'yun noon ay nakatanim sa puso ko. 'Yun ang dahilan kung bakit minahal kita sa kabila ng sitwasyong ito. Dahil kung hindi, bakit hindi ko kayang pakawalan ka ngayon at hindi ko kayang masayang ang lahat ng 'yan?" malat na sabi ni Felix.Nanikip ang dibdib ni Yuna. Hindi dahil sa sama ng loob pero dahil parang nagkaroon ng maraming mga paru-paro ang kanyang sikmura.Nanginig ang kanyang labi maging ang kanyang mga pilik-mata. Inaamin niya, iba ang dating sa kanya ng seryosong salitang iyon ni Felix. Dahil doon bigla siyang nagkaroon ng lakas ng loob na labanan ng titigan si Felix sa kanyang mga mata.Naghihinala kasi siya sa kaseryosohan ng mga salitang iyon at ayaw niyang madala at ayaw niyang magpakatanga ulit."Umalis ka na nga," sabi na lang ni Yuna."Bakit? Nahihiya ka ba?" Tumawa s
Noong mga nakaraan sa loob ng kulungan, palagi binu-bully si Yuna sa loob. Pagkatapos isang araw, dalawang babae ang dumating sa bilangguan. Hindi sila lumalapit sa kanya, ngunit sa tuwing siya ay nasa panganib, ang dalawang babae ay nagmamadaling lumabas upang iligtas siya, at pagkatapos ay mawawala pagkatapos siyang iligtas. Naisip ni Yuna na si Patrick ang nagpapasok ng mga tao, dahil alam niyang nagdurusa ito doon.Tumawa si Felix pagkatapos marinig ang lahat. Hindi siya makapaniwalang ang mga taong pinadala niya ay naging kredito ni Patrick nang hindi sinasadya?Hindi kataka-takang umasa nga siya kay Patrick pagkatapos makalabas ni Yuna sa kulungan..Nakuyom ni Felix ang kamo ngunit hindi na kumibo pa.Pagkatapos ng hapunan, bumalik si Yuna sa kanyang silid upang gumuhit.Naghugas si Felix ng isang bowl ng strawberry at dinala ito sa silid ni Yuna at inilagay sa tabi niya.Sumulyap si Yuna sa kanya, pagkatapos ay tumingala sa kanya. "Hindi ka pa ba uuwi?"Ang kanyang mga salita