Share

Regret Well, Mr. Branson
Regret Well, Mr. Branson
Author: ELEIGHPI

Chapter 1 - He broke me

"You are two weeks and two days pregnant, Mrs. Branson, Congratulations!"

"Talaga?!"

Labis ng tuwa na nararamdaman n'ya nang marinig n'ya yun. Napatayo s'ya bigla sabay kuha ng pregnancy test sa kamay ng doctor. "Buntis ako? Matutuwa ang asawa ko nito!"

Napangiti ang doctor sa kanya na parang sinasabayan din ang tuwa n'ya. "Sigurado ako katulad n'yo po, maganda o gwapo rin ang maging anak n'yo."

Ngumiti s'ya sa doctor. "Shempre hehe, ang gwapo kaya ng asawa ko. Kaya baliw na baliw ako dun e. Thank you doc! Sobrang saya ko talaga ngayon."

"At masaya akong may nakikitang babaeng masaya dahil maging ina na s'ya."

Dala n'ya ang saya na 'yon nang lumabas s'ya ng hospital. Pagpasok n'ya sa loob ng sasakyan, tinitigan n'ya muli ang pregnancy test na may dalawang pulang guhit.

Dinikit n'ya 'yon sa dibdib n'ya na parang niyayakap at napapikit na huminga pa ng malalim. "Babe, may surpresa ako sa'yo, for sure matutuwa ka."

Nakilala n'ya ang asawa n'ya sa mismong kumpanya nito, sa kabila ng buhay na meron s'ya noon. Nagpasya s'yang maging independent sa loob ng isang taon kaya naging sekretarya s'ya ni Heilan Branson isang CEO ng Branson group kung saan s'ya nagtatrabaho noon. Ngunit hindi naman 'yun umabot ng isang taon talaga.

Nagkamabutihan sila, nagsimula sa pagiging sekretarya at amo hangang humantong sila sa malalim na relasyon at nagpasyang magpakasal.

Alam n'ya na sa una lang naging mabuting asawa sa kanya si Heilan dahil kalaunan sa loob ng pitong buwan na kasal sila naging malamig na ang lalaki sa kanya this past few days.

Hinala n'ya ay baka dahil hindi pa sila nagkaroon ng anak. Ngunit ngayon na buntis na s'ya siguradong babalik ang pakikitungo sa kanya ng asawa n'ya.

Pwede s'yang umuwi sa mansion para hintayin na lang ito pero pinili n'yang puntahan ito sa opisina sa Branson Building.

Napapansin n'yang nakasunod ang paningin ng mga empleyado ni Heilan at parang nagugulat pa ang mga ito pero binaliwala lamang n'ya 'yun. Masaya kasi s'ya at ayaw n'yang mabahiran ng kung anong negatibong emotion ang modo n'ya ngayon.

Pagdating n'ya sa opisina, deretso bukas s'ya. "Hey babe! I'm—"

Napatigagal s'ya ng marinig ang mga hagikhikan sa loob ng opisina at sa harapan n'ya mismo may nakita s'yang babaeng kahalikan ng asawa n'ya.

"B-Babe?"

"Marga?"

Parang kinuyumos ang puso n'ya habang pinapanood si Cindy na umalis sa ibabaw ng asawa n'ya. Si Cindy na naging kaibigan n'ya sa loob ng tatlong buwan.

"M-Marga, bakit hindi ka man lang kumatok?" tanong pa ng asawa n'ya na halatang sinisikap lang maging normal ang reaction.

Para s'yang binuhusan ng tubig sa kinakatayuan n'ya. Pa'no nagawa ng lalaking ito na magtanong ng ganun sa kanya sa kabila ng nadatnan n'ya?

Hinda ba s'ya magpapaliwanag?

Sinikap n'yang wag matalo ng emotion n'ya.

Lumunok s'ya sinisikap na magpakatatag. "Hindi na ako magtatanong kung ano ang ginagawa n'yo at kung bakit. Obvious naman. Kaya siguro pasensya na lang sa istorbo, nabitin ko yata kayo," sabi na lang n'ya at kinapa ang pintuan. Nanginginig pa ang mga kamay n'ya.

Ayaw n'yang gumawa ng eksena dahil ayaw n'yang masira ang image ng asawa n'ya sa mga impleyado nito. Kaya kahit masakit sa kanya titiisin n'ya pero hindi ibig sabihin nun magpapakatanga pa s'ya.

Humakbang s'ya palabas sa opisina na 'yun at bago pa n'ya maisara ang pinto narinig n'ya ang boses ni Heilan mula sa loob.

"Marga, sandali!"

Huminto s'ya at ang pinto ay nakabukas lang ng konti.

"Hayaan mo s'ya, hindi ka naman magpapaliwanag para tanggapin pa n'ya di ba? Hihiwalayan mo s'ya kasi niloko ka n'ya di ba?"

"Anong niloko?" bulong nyang tanong na stress na stress.

Hindi na n'ya napigilan pa ang mga luha n'yang tumulo mula sa kanyang mga mata. Mukhang wala nang dahilan para malaman ni Heilan na buntis s'ya, para saan pa, niloko na s'ya tapos mukhang pagbintangan pa s'yang s'ya ang nagloko.

"That's why I want to talk to her because she has to sign something," sabi naman ni Heilan at nadudurog s'ya sa isiping baka annulment papers yun. "Marga... let's talk please."

Napapikit s'ya na humugot nang malalim na hininga. Tinapangan n'ya ang loob n'ya kahit mahirap. Mahal n'ya ang lalaki tapos ito lang ang ginawa sa kanya.

Muli n'yang niluwagan ang pagbukas ng pintuan sa paatras na paraan habang ang isang kamay n'ya ay nagpupunas ng luha n'ya bago s'ya humarap.

"I think it's time para malaman mo ang totoo," sabi ni Heilan sa kanya.

Napalunok s'ya, at binaliwala ang reaction ni Cindy na talagang tuwang-tuwa sa ginagawa ng asawa n'ya ngayon. Traidor ang babaeng to, tinuring pa naman n'yang kaibigan, ahas pala.

"Ang rason kung bakit pinakasalan kita is to make Cindy regret and it works. She's back to me, pagkatapos ng ilang buwan nating magkasama."

"Ilang buwan?" bulong n'ya sa sarili. Napatingin s'ya kay Cindy na kumaway-kaway pa sa kanya. Inaasar s'ya.

So ibig sabihin nung pinakilala s'ya ni Heilan kay Cindy noon bilang asawa, and then 3 months n'yang naging kaibigan si Cindy at wala pala s'yang kaedi-ediya na may past relationship pala ang dalawa?

"Yes, and thank you dahil bumalik s'ya sa'kin because of you," paliwanag pa ng lalaki.

Napanganga na lamang s'ya sa mga linya nito at hindi n'ya maiwasang matawa. "Ah ganun? Ay okay lang, you're welcome!" masiglang sabi n'ya sa kabila ng emotion n'yang parang sasabog na. "Hindi ko alam na ginamit pala ako. Ang sarap pala sa feeling na maging hindi tao no?" pamimilosopo n'ya.

Napababa ng tingin si Heilan at huminga ng malalim. "I'm sorry, maybe I'll just pay you na lang, magpapadala ako ng 1 billion sa account mo. Use it to get married again with your true man."

True man? Walang ibang lalaki sa buhay niya maliban sa asshole na asawa n'yang ito. Anong true man?

Mabuti na lang nakisama ang luha n'ya, pumabor ito sa tapang n'ya at matigas n'yang sinabi sa harapan nito. "Just give me the annulment papers."

"Uh...y-yeah sure..." Inabot naman ni Cindy rito ang papel at ballpen na nakangiti pa.

Nag-hahanap yata ng paglalagyan ang babaeng ito.

Kinuha naman yun ni Heilan at parang nag-aalangan pa itong ibigay sa kanya ang papel. "Promise, ipapadala ko sa account mo ang 1 billion—"

Hinablot n'ya ang papel sa kamay nito at mabilis na nilapag sa desk at pinirmahan na walang pagdadalawang isip. Padabog n'yang hinarap ang asawa n'ya. "I have a lot of billions, kaya hindi ko kailangan ang bayad mo, Mr. Branson. Adios!"

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status