Home / Romance / Regret Well, Mr. Branson / Chapter 2 - Hatred

Share

Chapter 2 - Hatred

Author: ELEIGHPI
last update Last Updated: 2024-03-09 12:32:10

Luhaan si Marga nang talikuran n'ya ang opisina. Sa loob ng elevator, doon n'ya binuhos ang sama ng loob n'ya. Ang lalaking minahal n'ya, kahit nakuha lang n'ya sa madaling paraan ay red flag pala.

Kunsabagay nagpa-cute lang naman s'ya, naging makulit at malambing, tapos ang lalaki naman ay kumagat sa kanya agad...

★★★Flashback★★★

"Don't worry sir, marunog akong magwalis at maghugas ng baso na pinagkapihan n'yo. Okay lang po sa akin kung ako magtapon ng basura n'yo." Ngumisi s'ya. "Sisipagin ko din po magpalit ng mga pen n'yo sa penholder and of course, pwede akong tagapunas ng pawis."

Natawa ito sa mga sinabi n'ya. "Ms. Napag hindi yan ang trabaho ng sekretarya."

"Ang ibig kong sabihin sir, extra service."

"Ahh...extra service...may ganun ka pala," pamimilosopo nito.

"Shempre sir ganun dapat pagsipsip ka."

Pasimple s'ya nitong tinuro at napahawak sa baba. "So aminado kang s****p ka?"

"Kahit s******n pa kita sir," loko n'yang sabi at napabulanghit ito ng tawa. "Masaya ka na sir tanggapin mo na'ko."

Napailing lang ito sa ginawa n'ya. Tinitigan nito at resume n'ya. "Bakit Napag ang apilyedo mo pala? Kakaiba."

"Kasi nga sir, Margarette Napag.".

"Oo nga bakit Napag?"

"Margarette Napag-iwanan po."

Napatingin ito sa kanya. "Huh, Margarette Napag ano? Napag-iwanan?" Napabulanghit na naman ito ng tawa.

"Kasi wala pa po akong boyfriend kaya Napag-iwanan," sagot na naman n'ya kaya mas lumakas pa ang tawa nito. "Grabe sir ang gwapo mong tumawa. Para kang anghel na nilikha para sa akin lang."

"Sinabi mo ba yan para hindi ka na Napag-iwanan?" tanong naman nito na parang sinakyan na ang kalokohan n'ya.

"Bakit sir, isasalba mo ba ako para hindi na Napag-iwanan? Charet! Slight!" Pangiti-ngiti naman itong tinutukan ulit ang records n'ya. "Tanggap na ako sir? Tanggap na yan, tangap na yan!"

"Pero may isa pa akong tanong," sabi naman nito na tumingin sa kanya.

"Wala akong kabet sir," deretsong sabi n'ya. Natawa na naman ito na napakamot na ng noo. "Joke, anong tanong po?"

"Mukhang hindi halata sa'yo na kailangan mo ng pera," sabi nito.

Napangiwi s'ya. "Paano mo naman nasabi sir?"

"Maganda ka."

"Hehe thank you po." Ngisi n'ya.

"Hindi halatang wala kang pera."

"Maganda lang lahi ko sir, ito naman."

Tumango na lang ito sa rason n'ya. Huminga nang malalim. "Okay, whatever, sige bukas start ka na."

Napatayo s'yang napatalon ng, "Yes!"

Mga ilang araw pa lang s'yang nagtabaho, naging malapit na sila sa isa't isa. Minsan magkasabay na kumain na ang sabi naman ng ibang empleyado s'ya ang kauna-unahang sekretarya nito na sinabay sa tanghalian.

"Bakit ka nakatitig sa akin sir? Baka matunaw ang mukha ko ah," tanong n'ya rito. "Mauna ilong, ouch yan."

Natawa na naman ito pero mahina lang. "Naisip ko lang sa ganda mong yan wala kang boyfriend?" tanong nito.

"Alam mo sir para mabigyan ng hustisya ang tanong mo nayan ang mabuti pa jowain mo na lang ako."

Humalakhak na naman ito sa sinabi n'ya. Araw-araw na itong natatawa dahil sa kanya. "Kung ikaw ang girlfriend ko? Siguro walang problema sa'kin."

Kinindatan pa s'ya nito. "Wow, lumalaban si Sir sa biro ko. Natuto ka na talaga. Pero may tanong ako sir."

"Hum? Ano yun?" tanong nito na napatingin sa kanya at napadahan-dahan ng pagnguya.

"Ilan na ang ex mo?" tanong n'ya.

Tinitigan s'ya nito ng makahulugan. "Isa."

"Wow, loyal! So bakit kayo nagkahiwalay?"

Napaisip naman ito, parang nanghahagilap pa ng sagot. "Siguro hindi lang ako worth it? Kasi napagod daw s'ya."

"Huh? Napagod sa'yo sir sa gwapo at yaman n'yong yan?"

Gwapo si Heilan, parang ginuhit nga ang mukha nito at wala siyang napansin na red flag nito. Mabuti itong tao, sa lahat, bilang amo, kaibigan, CEO ng kompanya, magaling nga ito sa negosyo pero iniwan pa ng kung sino mang babaeng 'yun.

Tumagal ang trabaho n'ya sa Branson, habang tumatagal mas tumitibay ang pagkakaibigan nila. Hangang sa isang araw inaya s'ya nito ng dinner date.

"Ano to sir? Ikaw ha, nag-roromantic ka na baka isipin ko may gusto ka sa'kin," puna n'ya.

"Pano kung may gusto talaga ako sa'yo, Marga? Pa'no kong ikaw na talaga ang gusto kong makasama habangbuhay?"

Natigilan s'ya sa tanong na ito. Hindi n'ya makuhang magmakulit, maging madaldal dahil sa mga linya na yun.

Napalunok s'ya ng laway na halos bumara sa lalamunan n'ya. "Ahmmm..."

"Gusto kita, Marga..." sabi pa nito na mas lalong nagpatamimi sa kanya. "Please be my girlfriend."

Sobrang crush n'ya ang lalaki kaya napalapad ang ngiti n'ya at napahalakhak. "Kahit kasal pa, tanggap kita."

Dahil sa sinabi n'yang 'yun humantong nga sila sa kasalanan pagkatapos ng ilang buwan.

★★★End of flashback★★★

Patakbo s'yang lumapit sa sasakyan n'ya at humahagulgol na pumasok sa loob. Sarado na ang sasakyan n'ya at dun na n'ya binuhos ang sama ng loob n'ya.

"I'll make you regret, Heilan! Hindi ka makikilala ng anak mo, sisiguraduhin ko yan sa'yo! Pagsisihan mo tong ginagawa mo sa akin! Gagō ka!" Pinalo n'ya ang manibela ang sasakyan n'ya.

"How dare you ka talaga! Ginawa mo akong tàngà, yung literal na tàngà, magbabayad ka! Kayo ni Cindy, magbabayad kayong dalawa!" Halos sagad sa lalamunan n'yang sigaw at galit na pinaandar ang sasakyan.

Ngunit habang umiiyak, kinuha n'ya ang phone sa bag n'ya. Tinawagan n'ya ang kuya n'ya at mabilis na nagsumbong. "Kuya, nilo—niloko ako ni Heilan. Pinili n'ya si Cindy, niloko n'ya ako." Para s'yang batang nagsusumbong.

"Marga?"

"Ang sama-sama ng loob ko kuya, hindi ko 'to matatanggap!"

Huminga ito ng malalim sa kabilang linya. "Ano bang sabi ko sa'yo? Kilalanin mo muna bago mo pakasalan. Nasaan ka?"

Hikbi s'ya ng hikbi. "Buntis ako, buntis ako pero pinirmahan ko ang annulment. U-Uuwi na'ko, sorry na."

"Good job then, we'll wait you here.Mag-ingat ka sa pagmamaneho ha. Anong gusto mong kainin? Magpapaluto ako kay Manang."

"Letchon."

"Letchon?"

"Oo letchon, masarap yun.".

"O-Okay letchon." Narinig pa n'ya ang bulong nito sa kabilang linya. "My gosh bakit letchon?"

Binaba nito ang call at s'ya naman ay hinagis lang sa upuan ang phone at umiyak na naman.

"Grabe ka, Heilan, bakit naman ginanun-ganun mo lang ako?" Iyak s'ya ng iyak. "Hindi porke't ako si Margarette Napag? So hindi pala ako Napag-iwanan kundi Napag-laruan? Hayop ka talaga Heilan! I hate you! Magbabayad ka, kakalbuhin kita literal!" Galit s'yang nagpunas ng luha. "Akala n'ya siguro mukhang pera ako. Hoy marami pa pera ko sa'yo Heilan! Yang isang billion mong pinagyayabang mo sa akin kaya kong gawing tinola lang yan at ipakain sa aso mong kabet! Kapal ng mukha mo, Cindy ha. Napakalandę mo! Humanda ka sa akin! Akala n'yo lang ako si Margarette Napag? Ako si Margarette Queenichel Napag McKenna! Mas mayaman pa ako sa'yo, at dudurugin ka kayong dalawa—ha! teka joke lang!"

Joke lang, pero anong magagawa ng joke lang n'ya kung bumabalik-baliktad na ng sasakyan n'ya sa gitna ng kalsada dulot ng pagbangga ng malaking truck sa kanya.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Regret Well, Mr. Branson   Chapter 16 - One sided love

    Two days later, wala pa ang DNA test, pero muling nagpakita sa kaniya si Cindy. Sinusuyo na naman siya gaya ng dati. Kasalukuyan siyang tutok na tutok sa kaniyang trabaho sa opisina lalo na't sisimulan na nilang ipapatupad ang leveraging benifits ng Branson na inaprubahan na ng lahat.Ngunit itong babae pumasok sa opisina niya na hindi man lang kumatok. Hindi niya ito kinibo kaya naman umupo ito sa ibabaw ng desk niya para mapansin niya dahil alam nito yun ang pinakaayaw niya sa lahat."Hindi yan upuan," suway niya rito. "Ito lang ang paraan ko para pansinin mo ako," sabi naman nito na naging dahilan ng paggapang na naman ng inis sa kalamnan niya. Naibaba niya ang pen at napahilot ng noo. Nang sobrang nanggigigil na siya, binagsak niya ang kamao niya sa desk at tumayo. "Ganyan ka ba ka makasarili? Na kahit ayaw ko na sa'yo, nasasakal na ako, pinipilit mo pa rin ang sarili mo! Namimilit ka na Cindy! Ayaw ko nga sa'yo, diba? Hindi kita mahal? Anong masasakit na salita pa ba ang ayaw

  • Regret Well, Mr. Branson   Chapter 15 - His Plan

    Kaya naman, kabado si Margarette na lumapit sa anak at akmang buhatin ito. "Griege, let's go."Kinakabahan sya, alam ni Hielan na anak nito si Griege, hindi talaga nya mamanipula ang lalaki. Halata naman kasi, bukod sa kamukha nito ang bata, kuhang-kuha pa ang ugali. "Aalis agad? Sinabi ko lang, like father like son?" taas kilay na sabi ng lalaki, at dahan-dahan pang lumapit sa kanila. Hindi pa kumikilos si Griege para tanggapin ang mga kamay nya kaya mas lalong naging awkward ang sitwasyon. Nanigas pa sya ng makita si Heilan na hinaplos ang buhok ng anak nya at napapalunok na lang sya dahil don. "N-Narealize ko kasi, hindi ako aabot sa next appointment ko kaya siguro, mamaya na lang kami mag-grocery," rason nalang nya na nilalabanan ang pagkailang. "Really? Parang hindi naman ganyan ang Margarette na kilala ko," sabi nito.Naningkit ang mga mata nya rito. "Margarette na kilala mo dati?""Yes?" kibit balikat nitong kumpirmasyon na medyo patanong. Mariin s'yang lumunok. "Patay na a

  • Regret Well, Mr. Branson   Chapter 14 - His kin

    "No! Hindi pwede ang ganyan, dig dipper, sa mga CCTV's, hindi pwede ang ganya na makakalusot sila nang ganon lang kadali, pakilusin mo ang mga tao mo, para hindi puro negative ang update mo sa akin! Dammit!" Umalingawngaw na naman ang boses ng kuya ni Margarette na si Maxwell habang kausap nito ang tao sa kabilang linya. Stress itong napasuklay ng buhok pataas at pikon na pikon na nagpatunog ng dila ngunit bigla itong natigilan nang may maliit na boses na sumigaw. "Dammit!" Parehong namilog ang mga mata nilang napatingin kay Griege, at ang yaya nito ay mabilis na sinaway ang bata. Humugot sya ng malalim na hininga at nagsalita nalang. "Kuya mabilis na nga makadawit ng mga salita, especially cuss words." "A-Ah...Oh, sorry." Napakamot ang kuya nya sa gilid ng ilong na tila alam ang maling nagawa. "Griege?" tawat nito sa bata."Yes, dammit!" sabi pa ng bato na gigil na gigil na naglalaro ang laruan nito. Napatampal sa mukha ang tiyohin at maging sya rin nakapamot sa sintido. Ang y

  • Regret Well, Mr. Branson   Chapter 13 - Stopping him

    Hindi masyadong malala ang fractured ni Heilan sa binti at balikat. Nadislocate ang buto nya banda sa balikat dulot nga noong paghawak nya sa bubong ng sasakyan nang bumaliktad ito para para protektahan ang ulo nya. Sa paa naman, dahil yun sa pagkayupi ng pintuan ng sasakyan kaya naipit ang binti nya, pero hindi naman ganoon kalala ang sitwasyon nya kaya isang linggo lamang sya sa hospital at discharge na agad. Matic si Cindy ang nag-aalaga sa kanya. Ayaw nya sa presensya ng babae pero hindi nya ito mataboy-taboy. Ngunit sa kabila ng pag-refuse nya, naiisip nya si Margarette. Mukhang, may pamilya na nga itong iba at ang masaklap pa ay, nagkaanak pa ito. Anak pala ni Margarette ang muntik na nyang masagasaan na bata. Siguro kung nangyari yun baka hindi na sya mapapatawad ng babae. Sa Mansion, inalalayan syang makaupo ni Cindy sa couch, naroon din si Dominic na inaalam ang kalagayan nya at alam nya pagkamamaya ay aalis din ito. "Magtitimpla lang ako ng gatas mo para mabilis kang ant

  • Regret Well, Mr. Branson   Chapter 12 - Report

    Pinalibutan sya ng maraming tao nang lumabas sya sa sasakyan nya nang hintayin n'yang makalayo ang mga namaril sa kanya, baka kasi balikan sya ulit at tudasin na lang kung lumabas sya agad. Kabado sya at pawis na pawis na tumingin sa unahan ng sasakyan nya at nakita nga n'yang nayupi ang parteng nakadikit sa bakal na railings. May lumapit din guard na tila may kausap sa phone at sinilip ang parting yon. Sa pakikipag-usap ng manong guard tila nagre-report ito tungkol sa nangyari, at nagpapasalamat naman sya doon. Maya-maya binaba nito ang phone at pinagtuunan sya ng pansin. "Ayos ka lang ba, Ma'am? Natamaan ka ba?" "Nakita mo ba ang namaril? May namukhaan ka ba?" Nanunuyo ang lalamunan nya habang nagtatanong, binabalot kasi sya ng takot sa buong katawan nya. "Masyadong mabilis ang pangyayari ma'am, nag-iinspeksyon ako ng mga costumer namin nang biglang may putukan. Puro nakatakip ang mga mukha ng mga sakay sa motor na yon. Tanging plate number lang ang natatandaan ko, pero nareport

  • Regret Well, Mr. Branson   Chapter 11 - Still him

    Pagkatapos kumain nila Margarette, bumalik na s'ya sa El Greige building kasama ni Denwell at Griege din. Malakas na ang kompanya n'ya, dahil sinadya n'ya itong palakasin na talagang pabor na pabor sa mga tao. Pero ang main goal talaga n'ya ay pabagsakin ang kompanya ang dati nyang asawa. Simpleng ngiti lamang ang itinugon nya sa kanyang mga impleyado. Sapat na yun kasi para matuwa ang mga ito sa kanya bilang amo. Ayaw n'ya kasing gayahin si Heilan na noon ay masungit sa ibang impleyado ng Branson. Kapag binabati, hindi ito nagreresponse. Saglit lamang doon sila Griege and Denwell. Gusto lang naman sya makasama ng bata na kumain ng agahan. Hiniram kasi ito ni Denwell sa kanya at ngayon lang binabalik. Ngunit dahil may trabaho sya sa opisina nagpasya na lang si Denwell, na ihatid ito sa mansion nila kasama ng ama niya. Nang mag-isa na lang sya sa opisina at ang dalawang sekretarya nya ay nasa labas lang ito. Bali isang malaking opisina iyon at nahati lang sa dalawa. Lalabas s'ya sa

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status