Share

Chapter 6 - One sided love

"Give me until tomorrow, magpapatawag ulit ako ng meeting about this lebaraging thing. Don't worry guys kaya natin to and that's all for now." 

Heilan dismissed the meeting. Sumabay sa kanya si Cindy paalis ng building. Pagpasok nila sa sasakyan, nagpakawala s'ya nang malalim na hininga. Si Cindy naman nagsalita, "Gusto kong paimbestigahan itong El Griege, just give me your permission, Heilan."

"Mukhang kumilos ka na on your own kaya nagkaroon ka na ng idea so what's the use of my permission then?" bara n'ya dito sa hindi n'ya sinasadyang paraan ngunit dahil mataas ng pride n'ya, he won't say sorry. 

"I just want to know the CEO is," sabi naman nito habang s'ya naman umaktong nonchalant about what she was saying. Pinaandar na lamang n'ya ang sasakyan at agad itong minaneho. 

Kaya minsan, hindi n'ya masisisi ang sarili n'ya kung bakit anong pilit n'ya sa sarili n'yang gustuhin itong si Cindy ay hind n'ya magawa dahil kumikilos na walang permiso n'ya. He wasn't thankful kung bakit may alam ito about El Griege, kasi ibig sabihin kasi nun, kumilos ito habang nakatalikod s'ya and that's what he hated the most. 

Simula nang iniwan s'ya ni Margarette because of Cindy's stupid suggestion. Hindi na n'ya maiwasang mainis kapag nangunguna ito sa nga desisyon n'ya. 

"Fine, mananatili na lang ako sa isang tabi na walang ginagawa about this matter. I let you solve your problem alone, that's you company after all. Stop the car," sabi nito na halatang na-offend. 

And he doesn't care at napahinga na lang nang malalim. Iginilid n'ya ang sasakyan at bago ito makalabas, nagsalita muna s'ya, "Wait, before you leave, just take this..." 

Kumunot ang noo nitong napairap halatang nagtatampo sa kanya ngunit curious sa kung ano man ang ibibigay n'ya. Napatingin pa ito sa kamay n'ya kasi akala nito siguro, regalo. "What?" tanong nito matapos ang ilang segundong pag-obserba. 

"This relationship won't work anymore, so let's break-up," malamig n'yang sabi. 

Tulad nang inaasahan n'ya umangal ito, angat pati katawan. "What? Are you kidding me? Again?"

Malamig n'ya itong tinapunan ng tingin. "Hindi ba sabi mo, let's try kasi baka mag-work pa. Well, hindi nag-work so let's end this."

Napanganga itong namula ang mukha. She hugged glancing outside na halatang hindi makapaniwala sa ginagawa n'ya. "Iba ka rin manggàgò no? Dahil lang nakakuha ako ng impormasyon about sa nangyayari sa kompanya mo, hihiwalayan mo ako? Why? Dahil ba napatunayan ko sa'yo that I'm better than you—"

"There's no 'better' in you, Cindy. At hindi to dahil sa impormasyon na binigay mo for the company, this is about me." Dinuro n'ya patunay na nasa loob pa nito ang matagal na n'yang nawawalang asawa. 

Cindy scoffed, "Ah, so it's still her? God's sake, Heilan. Iniwan ka n'ya—"

"Hiniwalayan ko s'ya!" singhal n'ya rito. "Nagawa ko yun because of your stupid suggestion!"

"Ilang beses mo ba dapat sabihin sa'kin yan, Heilan? Everytime na naaalala mo ang araw na yun, ako lagi ang sinisisi mo, at hinihiwalayan mo, ilang beses mo na ako hiniwalayan? Remember, I'm just helping you, that time! At pareho tayong dalawa ang mali dun, pero may mali din s'ya! Ang dami n'ya kasing pakulo sa buhay n'ya, tinago pa n'ya ang pagkatao n'ya sa'yo. So she can't blame us, at hindi tayo maghihiwalay!" 

Mabilis itong lumabas ng sasakyan at padabog nitong sinara ang pintuan. Hangang kailan titiisin ng babaeng ito ang ugali n'ya? 

Napahaplos na lamang s'ya ng buhok n'ya at huminga ulit nang malalim. Hindi na rin n'ya tiningnan ang babae na tumawid sa kalsada at umupo sa waiting sheds. Nagdukot lang ito phone sa bag para siguro magtawag ng sundo. 

S'ya naman, muling pinaandar ang sasakyan at pinaharurot ng takbo. Hindi na talaga mawawala sa kanya, ang kapag naiinis s'ya, si Cindy ang pinagbubuntunan n'ya ng galit. At tama ang babae, ilang beses na s'ya nakipaghiwalay at sila pa rin hangang ngayon. Sila parin with one sided love.

Habang nagmamaneho, gamit ang isang kamay ginamit n'ya ang phone n'ya at tinawagan na naman ang pinsan n'ya.

"May utos ka boss?" bungad nito, nambabara kasi bawat tawag naman talaga n'ya dito may utos s'ya. 

"I can't let my company go bankrupt, San. Need you," sabi n'ya rito. 

Natawa pa ito. "Bakit mo naman naisip na mababankrupt ang kompanya mo, malakas naman yan a. Ah teka wait, tangina san, wag mong sabihin nagsusugal ka?" 

"Siraulo hindi. May kumakalaban dito sa kompanya ko, parang nanadya ng benifits, ginaya ang ilan sa mga benifits ko and dinagdagan ang sa kanila, binabaan ang interest, at tinaasan ang insurance. Gusto kong malaman kung sino ang nasa likod ng kompanya na yun. Kaya mo ba?" tanong n'ya matapos n'yang magpaliwanag. 

"Ah, creepy n'yan ah. Pero sige anong pangalan ng kompanya?" tanong nito. 

"El Griege," sagot n'ya. 

"Hm... parang narinig ko na yan ah,pero hindi ko maalala kung saan. Pero sige on it boss," sabi nito. 

Binaba naman n'ya ang phone na hindi manlang nagsabi ng bye o thank you. Sanay na rin naman ang pinsan n'ya sa ugali n'yang yun kaya okay lang. 

Ngunit sa kalagitnaan ng pagmamaneho n'ya biglang may gumulong na bola at batang tumatakbo. Nanlamig ang katawan n'ya dulot ng gulat at biglang pumreno. Nauntog ang ulo n'ya sa manibela at agad s'yang nakaramdam ng sakit at pagkahilo. 

"What the Fúck! Fúck! Shìt! Fúck?" sigaw dulot ng takot at galit. "Why aren't you watching your child, you fucking shït!" Galit n'yang pinindot ang busina ng sasakyan n'ya. "Damn it! Damn it!"

Nakita n'ya sa labas umiyak na ang bata kaya napilitan s'yang lumabas. "Who the hell are your damn parents, fücking shìt!" gigil n'yang sigaw sa batang lalaki. 

Batang cute ang mukha, malinis, halatang anak mayaman. Nawala ang galit n'ya ng makita ang mga luha nito na tumulo mula sa mga mataa at nakasalampak ito sa kalsada. Sa awa n'ya, nilapitan n'ya ito at hinawakan sa mukha. "Hey kid, are you okay, are you hurt?" 

Umiling ang bata habang umiiyak. "Who—who would be wekay, you—you awmost kiw me, you—you cow me fucking shìt!" ginaya pa nito ang pagsigaw n'ya ng salitang fücking shìt habang humihikbi at hindi bulol ang fücking shìt nito. Napanganga syang nakonsensya sa nagawa n'ya.

"Griege!" boses ng lalaki at kumaripas ng takbo papunta sa kanila.

Kumunot ang noo n'ya sa pangalan ng bata at napabulong, "Greige?" 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status