Share

Chapter 7 - Truth hurts

"Griege!" Napasunod ang paningin n'ya sa lalaking halos madapa-dapa na lumapit sa bata at binuhat ito agad. "Lagot tayo nito sa mommy mo. You okay? Are you hurt?" 

Iyak na umiling ang bata at tinuro s'ya. "Am just scewd, he's mad." 

Bumalik ang inis n'ya na nagdulot sa kanya ng tiim-bagang na pagtayo. Tumingin pa sa kanya ang lalaki taas-baba, animo'y nagulat pa nang makita ang mukha n'ya at bumusangot kalaunan. "You almost hit him," sumbat nito sa kanya. 

"So where's my car supposed to pass, on the side of the road? Is this a playground for children to run around?" bara n'ya. Natamimi naman ito pero visible pa rin ang inis sa mukha. 

"Dapat nagpreno ka. Hindi yung saka ka nagpreno kung kelan mababangga mo na," bara din nito at sinamaan pa s'ya ng tingin. 

Nakabuka s'ya ng labi, dahil mukhang s'ya pa ang sisisihin kahit nasa tamang daan naman s'ya. "I did, can't you see? Sadyang tàngà ka lang na magulang." Aangal sana ito, pero nagtaas s'ya ng kamay dahilan na napahinto ito sa balak sabihin. "And next time watch your son, okay? Kasi imbis na nasa tama ang driver maging kasalanan pa, kasi nga bata ang nadisgrasya."  

Tumalikod s'ya at humakbang pabalik sasakyan niya. "How dare you calling me tàngà, you..." Nagpatunog na lang ito nang dila nang hindi masabi ang cuss words na gustong ilabas nito dahil sa bata.

Napahinto s'ya at kunot-noong napaharap dito. Hindi n'ya nagustohan ang panunumbat nito ngunit imbis na singhalan ito, ininsulto na lang n'ya. "It's suits you, okay? Kasi kung hindi, wala kayo ng anak mo sa harapan ko ngayon, at hindi nakahinto tong sasakyan ko sa gitna ng kalsada."

"Stop acting na mas matino ka, mister, whoever you are. Kasi sa tindig mo pa lang, mukhang hindi bagay sa'yo ang magkaroon ng asawa o anak," sabi nito at tumalikod which makes his blood boiled. 

How dare he say those words to him? 

Gusto n'yang sugurin para ipatikim ang inis n'ya rito ngunit may bata itong dala kaya hindi pwede. Ramdam n'ya ang pagkatalo nang bumalik s'ya sa loob ng sasakyan n'ya at pinaharurot na naman ito palayo.

His words really pierced him to the core. Nasampal lang s'ya ng katotohanan na naging asshole s'yang asawa and he hated that. Ayaw n'ya na sinusupalpal s'ya ng totoo lalo na kung galing sa taong hindi s'ya kilala. 

That's why he always hated the term, 'truth hurts' kasi bawat totoong discription na laging sinasabi sa kanya masakit. 

Naghiwalay sila ng asawa n'ya, kasalanan n'ya. 

Naaksidente ang asawa n'ya, kasalanan n'ya. 

Hindi n'ya na alam kung nasaan ito, kasalanan n'ya. 

At hind na s'ya binalikan anim na taon na ang nakakaraan at kasalanan n'ya.

Hindi s'ya mabuting asawa totoo yun at ayaw n'ya ng ganung katotohanan.

Pagdating sa mansion, tumambay na naman s'ya sa terasa, pinapanood ang distansya ng mga ilaw sa si kalayuan. Sa tuwing nasa ganitong situwasyon s'ya, wala s'yang ibang iniisip kundi ang asawa n'ya. 

"Ganoon ka ba kagalit sa akin, na hindi mo na kayang bumalik, kahit magpakita man lang sa akin?" tanong n'ya sa sarili n'ya ngunit si Margarette ang kausap n'ya. "Hindi mo na ba ako mahal? Wala na ba talaga?"

Tutulo na naman ang luha n'ya kaya pinigilan n'ya itong lumagok ng alak. Tumunog ang phone n'ya at pagdukot n'ya at tiningnan ang  caller ID si Dominic ang tumawag. 

"Hey, san?" untag n'ya sa kabilang linya. 

"Ilang beses ka nagdadasal sa loob ng isang araw?" lokong tanong nito. 

"Ano na naman? Wala akong panahon makipagbiruan. Kamusta ang pinapacheck ko sa'yo?" tanong n'ya matapos magreklamo. Nasa emote moment pa naman s'ya tapos ganito pa ito manira ng modo. Sira na nga modo n'ya kanina pa.

"May nakita ka bang Jennie the bote?" tanong pa nito. 

Bumusangot s'ya. "Ano? Yan tayo Dominic pumapak ka na naman ng goma e. Ano ba? Ano na namang style yan? Kilala mo na ang CEO ng El Griege?" 

"Oo naman ako pa. Kilalang kilala," mayabang na sabi nito sa kabilang linya. 

Napangiti s'ya dahil sa wakas may magkakaroon na s'ya ng link tungkol sa pesteng kompanya na nang-iinsulto sa kompanya n'ya. Nawala bigla ang emotion na sumasapi sa kanya kanina. "Then who is it?"

Humagikhik ito sa kabilang linya. "This is going to be fun, Insan! Kaya siguro, umupo ka muna o lunukin mo muna yang kinakain mo kung lumalamon ka. Baka naghahapunan ka d'yan, o baka umiinom ka, ilapag mo muna ang baso, at lunukin yang nilagok mo baka kasi lumabas sa ilong. Alam mo yun? Mahirap na baka bawian ka bigla ng buhay dahil sa gulat, di ba? Safety first insan, para sure, diba?" 

Nagpatunog s'ya ng dila sa pabitin-bitin nitong sinasabi. "Kasi potangina ang dami mo pang sinasabi. Kung kilala mo na ang CEO ng El Greige sabihin mo. Tell me para alam ko, makilala ko s'ya, I'll make a deal with him or her whoever is that! Sino ba yan?!" 

Umandar na naman ang pagiging pikunin n'ya, bagay na wala s'ya noon pero ginawa na s'yang tirahan ngayon. "Galit ka, San? Naku, kapag sinabi ko to, baka lalo kang magalit, kaya bukas na lang," sabi nito. 

Sa inis n'ya, hindi na s'ya nakakapagpigil. "Lentek Dominic!" 

Pikon na pikon talaga s'ya kapag ginaganito s'ya ng pinsan n'ya. Lagi naman nitong ginagawa ang pang-aasar sa kanya pero ngayon kumukulo talaga ang dugo n'ya sa inis. 

Ayaw n'yang binibitin kasi kasi badtrip talaga s'ya kanina pa. Ilang tao na ang nanira ng araw n'ya, at mas lalo na yung mag-ama kanina. Hindi n'ya makakalimutan na ininsulto s'ya ng tatay nun at na-jackpot pa talaga ang pinakamakatotohanang flaws n'ya sa buhay. 

"Ah lentek pala ah, bye!"  

Kung saan-saan na nakarating ang isipan n'ya hindi n'ya namalayan na wala na pala si Dominic sa kabilang linya. "Punyemas naman Dominic, oh! Bakit ba ang hilig ng lalaking yun inisin ako?" 

Inis na inis nyang ni-dial ang ID number nito, at ilang beses pa s'yang pinatayan. Nagpadala s'ya ng mensahe, "Answer the phone." 

Halos madurog ang phone n'ya sa kakatipa n'ya dulot ng inis n'yang wala nang paglagyan. Tapos ang loko nyang pinsan nagreply pa ng, "Sabi mo sa'kin lentek ako." 

Napatampal s'ya sa noo na napamura ng malutong at pinadalhan ulit ng mensahe, "Answer the phone!" 

Nagreply naman ito ng, "No. Because I'm lentek." 

"Anak ng...ano ba kailangan n'ya? Magsorry ako?" bulong n'ya sa sarili. "Of course not! Ako magso-sorry? Huh, hell no! Hell no! Of course hell no! Tangina mo Dominic! Mamatay kana. Mamatay ka na!" Galit na galit na naman s'yang nagtipa ng phone n'ya pero ang mensahe na pinadala n'ya. "I baked a cake." 

Mga limang segundo ang lumipas tumunog ang phone n'ya. Pinindot n'ya ito at nagkasabay pa sila. 

"Sino ang CEO ng El Greige?" tanong n'ya. 

"Pota anong flavor?" tanong naman nito. 

Napapikit s'yang napahilamos at sumagot, "Chocolate." Wala s'yang na-bake na cake kaya magpapabili na lang s'ya. "So sino na nga ang CEO ng El Greige?"

"Ay naks chocolate, sige sabihin ko na. Si Wifey mo, insan! S'ya ang CEO ng El Greige." Napakanatural lang ang pagkasabi nito ng impormasyon pero para s'yang binuhusan ng malamig na tubig sa narinig. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status