"Hindi yun mahalaga!" matapang sa sabi ni Elise. Napayuko si Kevin.ang bagamat ng pangako at misyon ay naging mas mabigat ngayon, hindi lamang sa balikdt maging sa puso na at isipan.
"Sa iyo ay madalign sabihin yan Elise, sa akin ay hindi. Bukod sa maapektuhan ang posisyon mo at ng anak mo sa pamilya at kompanya kapag nangyari iyon, marami lnh umaasa sa akin Elise ang kompanya ang mga stockholder, ang board at amg napakaraming empleyado.Kapag sinuong ko ang laban na ito, maluluhurin tayo ni Kenzo ng ganun kabilis at makukuha ni Kenzo ang paulit ulit kong prinotektahan" sabi ni Kevin. "Hindi kita masisi kung wala kang pakialam at kung makasarili ka ganitong sitwasyun. Sige Elise naiintindihan ko" dagdag ni Kevin. Hindi agad nakakibo si Elise. Nanahimik ng matagal. Hindi niya naiisip ang mga ganuong bagay. Ang poot niya kay Kenzo, ang kagustuhang mawala sa mundo nito, at ang malalim na hinanakit kay Kevin lamang ang naiisip niya noon. Hindi nga pala niya naisip ang magiging epekto ng lahat kay Kevin. Pati nga pala ang taong kumakampi sa kanya ay hahatakin niya at isinasama sa hukay. Napayuko si Elise, at nagpunas ng gilid ng mga mata, na naging mamasa-masa. Alam ni Kevin na hindi nagustuhan ng kanyang hipag ang huli niyang sinabi, pero kailangan nitong malaman ang mangyayarin, Iyon ang dapat niyang gawin. Bukod sa misyon niyang ibalik ang mag-ina sa bahay na iyon, misyon niya rin na protektahan ang babaeng lihim niyang minamahal. Pero si Elise naman mismo ang maglalagay sa kanyang kapahamakan. Litong-lito si Elise at hindi na alam kung ano ba ang dapat isagot. Para naman sa kanya, ang pagsang-ayon niyang bumalik sa mansyon ay para lang talaga kay Kevin. Kung siya lang ang tatanungin, wala siyang pakialam sa posisyon niya o posisyon ng magiging anak niya. Kung gusto nila ang pera, ibibigay pa niya para sa ikatatahimik ng buhay niya. Pero dahil sa walang wala siya at halis itakwil ng sariling pamilya, at parang ang buong paligid niya ay may impluwensya ng mga Madrigal, alam ni Elise na mahihirapan siya. At ang pinakamasakit, hindi niya makakasama si Kevin sa guto niyang tahakin. Ang pagkakaroon ng pagkakataon na muli pang makasama ang binata, ang umakit sa kanya. Para pumayag at magbigay na lang ng kondisyon.Pero Iba sana ang inaasahan ni Elise, pero sa ngayon, sapat na muna sa kanya ang narinig. At least, pinagbigyan siya nito. Nag-angat ng ulo si Elise at tumingin ng diretso kay Kevin saka tumango-tango. Humugot naman ng malalim na hininga si Kevin at hinawakan ang kamay ni Elise. "Okay, kung ano ang desisyuno Elise, basta ang payo ko lang na gawin mo. Ihanda mo ang sarili mo. Magpakatatag ka. At kung pwede, kung may gusto kang gawin, ipaalam mo muna sa akin. Elise, pakatandaan mo, babalik tayo sa mansyon na magkahawak kamay. Kaya walang lalabas ng mansyon mag-isa. Naiintindihan mo ba ako?" sabi ng binata. Ang isipan ni Kevin ay handa ng sumugal. Hindi nakakibo si Elise kaya inulit ni Kevin ang tanong, "Elise, naiintindihan mo ba?" "Oo, naiintindihan ko," sagot na lamang niya. Pagkatapos ng masinsinang usapang iyon, binalak ng dalawa na bumalik sa mansyon pagkatapos ng tatlong araw. Aayusin lamang muna daw ni Kevin ang mga usapin sa opisina, at ganun din ay ihahanda ang silid niya dahil hindi lang naman kasi si Elise ang maninirahan doon, kundi pati na rin ang magiging pamangkin niya. Bukod pa roon, balak niyang kausapin muna si Jovelyn at ang isa pang katulong dahil may mga bagay silang kailangang pag-usapan lalo na ang tungkol sa sitwasyun na gusto ni Elise. Gusto rin munang ipatingin ni Kevin si Elise sa doctor ng mga buntis bago ibalik sa mansion para sigurado na maayos ang kalusugan ng mag ina. Ngunit isang panauhin ang hindi nila inaasahan darating ng gabing iyon. Dahil hindi na nga bumalik sa opisina si Kevin at nanatili na lang sa condo nito, nagpaluto ng masarap na hapunan si Kevin kay Pipay. Mabuti na lang at nakapamalengke ang katiwala niya kaninag umaga. Iyon din ang unang pagkakatoan na doon naghapunan si Kevin kasabay si Elise magmula ng kinopkop niya ang hipag. "Ere na, ang masarap na bulalo.Naku ere ay special request ni Boss Kevin.At dahil umang gabiong kakain dine Boss at firstvtime na sabay kayo ni Ma'am Elise ipagdiwang natin yan sa pagtikim nitong pinabutok na batok ng baboy.Ay siya kasarap" masayang pagbibida ni Pipay. Magmula ng mabuking ni Elise na si Kevin ang amo nito at inililihim sa kanya, medyo nagogn matahimil ang datognadaldal niyang kasama sa condo, kaya natutuwa si Elise na balik na ang dating kulit dt sigla nito. "Kevin, sigurado ka bang pwede ka pa ring umabsent bukas? Absent ka na ngayon diba? pwede namang kami na lang ni Pipay ang umalis," pagbubukas niMariel ng uspaan habang ponsngmamasdan si Kevin an ipinag sasalin sasalin siya ng sabaw st pinaghihiwa ng lechon kawali. "Ah oo, boss kung anuman yang gagawin ala eh hayaan nyo aki na lang nga ang sumama, eh saan pa tayo patuungo Ma'am? usisa ni Pipay. "Nagpunta daw kase sa Hongkong ang doctor na kaibigan ni Kevin kaya hindi ako matitingnan for monthly check up kaya samahan mo ako Pipay" "Ay ganun ba? abay alang problema sa akin Ma'am, abay akoy aaga ng gising bukas para.... " "Nakapagpaalam na ako sa opsina case close!" serypso ang bianta ng magsalita kaya biglang natikom ni Pipay ang bibig. "Ay case close na nga, sabi ko nga. Boss, i second imotion.I move that the nomination be close" sabi ng malokong katulong. Natawa ng malakas si Elise sa joke at pagkatarantahin ni Pipay, napasulyap siya sa seyosong si Kevin na saktong napasulypa don sa kanya.Sa isang iglap nangtatawan na silang lahat. Nahinto ang masayang tawanana ng biglang umalingawngaw ang tonog ng doorbell. Biglang natahimik ang tatlo nagkatinginan sina Elise at Kevin.Si Pipay naman ay nangpapalit palit ang tingin sa dalawa. "Sabi niyo nasa Hongkong ang kaibigan ni Boss, ayan at mangbubulabog na naman, naku maitago na nga an lechon kawali" biro ni Pipay. "Sabi ni Kevin eh!" "That's what i know, i didn't know na babalik siya agad, sabi niya kase four days siya doon. Mabuti pa buksan mo na sng pinto Pipay baka galjgn pang airport yan, tiyak gutom yan" relax na sabi ni Kevin na inalik na si Elise na kumain ng gulay. "Ay siya mukahng akoy mauubusan nito eh" reklamo ni Pipay at mabigat ang paa na tinungo ang pinto. Pero namigas at namutla sa gulat si Pipay ng magbukas ang pinto. Hindi man madalas na magawi dito ang taong nasa pinto, kilala ito ni Pipay. Sino ba ang hindi makakakilala sa arogante at bastos na Madrigal na ito?" "Good evening Sir, napasyal po kayo? tanong ni Pipay na medyo isinara ng koto ang pinto.Bagamat hindi naman kita agad ang dining mula sa pinto ay nag-ingat pa rin si Pipay. Alam niya ang kuwento.Natahimik si Kevin. Inisip niya ang mga sinabi ni Elise at may punto ito. Pinagmasdan niya ang kasintahan at nakitang stress ito. Sa palagay nga ni Kevin ay apektado si Elise sa mga naririnig na tsismis. "Okay, I get the point. So, pag-usapan natin iyan sa bahay," sabi ni Kevin at nagtangkang lumapit. "No, Kevin. Akala ko ba naiintindihan mo na? Hindi mo pwedeng sunduin ang hindi mo asawa. Please call Kenzo, sabihin mo sunduin niya ako." "No, I can't do that! I will not! Fine, aalis na ako. Umuwi ka na, you're not looking good. Aalis ka sa opisina ng mag-isa. It's final!" Napabuntong-hininga na lamang si Elise. Seloso nga pala ang binata. Hindi naman niya ito masisisi at ayos lang naman sa kanya na ganoon ito, ang hindi lang siya sanay ay ang pag-tsismisan at apektado ang reputasyon ni Kevin dahil doon, iyon ang ayaw niya, bukod pa sa kapag nagdaramdam siya at nae-stress kasabay ng pagsakit ng ulo niya ay nanakit ang kanyang balakang at tiyan kaya gusto niyang iwasan ang ma-s
Pagdating ni Kevin sa kanyang kotse, agad niyang tinawagan ang nakababatang kapatid. Hindi niya ito naabutan sa opisina nito; nasa construction site ito. Para kay Kevin, hindi na ito nakakagulat pa. Sanay na siyang “easy-go-lucky” ang kapatid, at mas sanay na siyang maging taga-ayos ng mga problema nito. Matapos makausap ang mga trabahador, makipag-usap sa presidente ng unyon, at makapanukala ng maayos na solusyon, agad niyang tinawagan si Kenzo at hinanap ito. "Nasaan ka? Bakit hindi mo harapin ang problema ng kompanya mo?" sita ni Kevin. "Ano? Para makuyog ako diyan? Magwewelga sila tapos maghahanap sila ng usapan? Kung ayaw nila ng patakaran ko, eh di mag-resign sila. Sus! Ganoon kasimple!" sabi ni Kenzo. Medyo maingay ang kinaroroonan ni Kenzo kaya hindi masyadong marinig ang usapan nila. "Mag-usap tayo sa bahay. Umuwi ka nang maaga, hihintayin kita. Mag-usap tayo," sabi ni Kevin at ibinaba na ang telepono. Matapos ang abalang trabaho at makaikot sa dalawa pang kompanya pag-a
Matapos ang tawag na iyon, naging balisa si Soffie pagbalik niya sa silid nila at maging sa mga sumunod na araw. Binabagabag siya dahil dalawang buwan na lang ang natitira para makakuha ng batang pagpapanggapin niyang anak. Inaasahan niyang maputi ang unang kakausapin ng kanyang amain dahil mukhang maputi ang babae at taga-Zamboanga, kaya may pagka-tisay ito dahil Bisaya. Malamang maputi ang anak nito at kung makukuha ang dugo ng babae, tiyak na may pagka-tisay din ito at sakto iyon dahil Tisoy si Kenzo. Kung sakaling hindi pala maputi ang ama ng bata, magsisinungaling na lang si Soffie na kayumanggi talaga ang lahi nila. Nasa ikapito na kunwari ang tiyan niya at hindi pa siya nagpapa-ultrasound. Sinasadya niyang hindi ito binabanggit kay Kenzo at mukhang wala namang alam sa ganoon ang lalaki at palagi pa itong abala kaya pabor iyon kay Soffie. Hinanda na rin niya ang sasabihin kung sakaling magtanong ito. Ang sasabihin niya ay gusto niyang sorpresa ang gender ng bata. Sasabihin
Titig na titig si Soffie sa sariling reflection sa salamin saka napahawak sa kanyang tiyan at napamura nang makita niyang natutuklap ang gilid ng kanyang pekeng tiyan na gawa sa silicon. Tama, pekeng tiyan lamang ang meron siya dahil noon pa man ay hindi na siya buntis. Nang malaman ng kanyang stepfather na nagkaroon siya ng ectopic pregnancy, nagboluntaryo itong tulungan siya at humanap ng paraan, pansamantala lamang, para matuloy ang kanyang plano. “Talaga, Tito? Magagawa ninyo ng paraan para magmukhang buntis pa rin ako? Paano?” excited na tanong niya sa kanyang stepfather. “May kilala akong gumagawa ng mga prosthetic sa pelikula. Pwede ko siyang pakiusapan na gumawa para sa iyo ng pekeng tiyan, isang silicon na mukhang tunay na balat na ikakabit sa iyong tiyan.” “May ganoon ba? Pwede ba talaga iyon?” “Oo naman. Kung nanood ka na ng mga pelikula na may mga aswang o monster na hinihiwa ang tiyan o dinudukot ang bata, prosthetic lang iyon, silicon lang pero mukhang totoo, diba?
Samantala, sa kabilang silid, mahimbing nang natutulog si Kenzo matapos ang pagtatalo nila ni Soffie. Isa sa mga pangit na ugali ni Soffie ang pagiging paulit-ulit at matigas ang ulo. Mula kanina pa sa kusina hanggang sa pag-akyat nila sa silid ay hindi siya tumigil sa pagsusumbat at pag-aakusa kay Kenzo. Dahil sa inis ni Kenzo, iniwan niya ito at nagpunta sa bahay ng mga kaibigan at uminom, katulad ni Kevin na hanggang gabi ring umuwi, pero mas huli ng isang oras kay Kevin. Halos alas dos na siya nakauwi at tulad ng inaasahan, bunganga pa rin ni Soffie ang sumalubong sa kanya. Akala ni Kenzo ay tulog na ito pag-uwi niya, pero naghihintay pala ito at mas galit pa. Dahil sa kalasingan at sobrang pagkairita, nasaktan ni Kenzo si Soffie at dahil may alak sa sistema, hindi kontrolado ni Kenzo ang sarili. Matapos sampalin ang babae, kinaladkad pa niya ito sa sulok at muling sinampal. Ang mga bagay na ginagawa niya kay Elise noon ay ginagawa na rin niya kay Soffie ngayon. Nakatitig
"Bitawan mo na ako Kevin, naiintindihan ko kong galit ka. Ayokong makipagtalo sa lasing." Lumuwag ang pagkakayakap sa kanya ni Kevin, hindi para pakawalan siya kundi para halikan siya sa mga labi. Hinayaan ni Elise na halikan siya nito, pero hindi na muna niya tinugon, hindi niya alam ang kahulugan ng halik na iyon, kung pamamaalam ba o parusa. Tinapos ni Kevin ang halik, pero sumubsob ulit ito sa leeg ni Elise at niyakap ito nang mas mahigpit. "Dont leave me....!" Pabulong na sabi nito. Nanuot ang kalungkutan ng boses nito at tumagos sa puso ni Elise. "Kevin..." "Dont leave me Elise, dont fall for him again." tila hirap na sabi ni Kevin. "Ano ba yang sinasabi mo, bakit mo naiisip yan?" "I'm sorry, I'm a very jelouse guy Elise, i can't take it. Hindi ko kaya, Para akong mababaliw. Hindi ko kayang makita ka sa tabi niya lalong hindi ko kayang tanggapin kung mahal mo pa rin siya. I'm sorry for acting cold, nasasaktan ako Elise. Ang sakit pala nang walang karapatan." Sabi ni Kevin na