Share

Chapter 61

Penulis: Madam Ursula
last update Terakhir Diperbarui: 2025-08-01 23:50:19

"I'm sorry, Mr. Madrigal, masama po ang lagay ng inyong anak. Sa aking unang pagsusuri, may butas po ang puso niya at malaki ito, kailangan po itong maisara agad sa pamamagitan ng bypass operation. Mababa rin po ang kanyang pulse rate at oxygen level. Kung hindi ito agad-agad magagawa, delikado po ang inyong anak at maaaring ikamatay niya," sabi ng doktor.

"Ano...? Omg... napakaliit pa naman ng baby ko. Bakit ganun, Doc? Kanina okay naman siya?" sabi ni Elise, bagamat may pag-aalinlangan sa bata, iniiwasan niyang ipakita ito dahil sa pag-aalala sa kalagayan ng kanyang anak.

"Gawin niyo po ang lahat, Doc, walang problema sa gastos. Gawin niyo po ang lahat para mailigtas ang anak ko," halos umiiyak na sabi ni Kevin. Ilang segundo pa lang niya nahawakan ang bata. Ilang minuto pa lang siyang masaya bilang magiging ama.

"Diyos ko po, bakit... bakit?"

"Ikinalulungkot ko po, Ginoo Madrigal, ngunit wala pong pasilidad at kakayahan ang ospital na ito para sa ganoong klaseng operasyon. Ka
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Komen (4)
goodnovel comment avatar
purpleblack
malapit na sa prologue ang story..
goodnovel comment avatar
purpleblack
tuloy mo lang author....
goodnovel comment avatar
purpleblack
kawawa ka naman atat ka masyado..mas maalam ka pa sa author ng story..
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • Rejected Wife Returns : The Rejected Wife Book 2   Chapter 156

    Dahil sa hindi inaasahang pangyayari at sa sitwasyon ng pamamaraan na ginawa kay Khalix, kailangang manatili sa ospital sina Kevin at Elise. Matapos mapakalma si Elise, hinarap ni Kevin ang kanyang telepono at tinawagan ang mga dapat makontak. Una niyang tinawagan ang kanyang sekretarya sa opisina. Tumawag din siya sa opisina ni Elise para ipaalam ang sitwasyon at pansamantalang inihabilin sa sekretarya ang mga gawain. Naalala ni Kevin na may usapan sila sa kanilang pamilyang abogado at balak niyang humingi ng paumanhin kay Elise para saglit na umalis bukas, bago bumalik agad. Saktong kabababa lang ni Kevin ng telepono nang tumunog ito muli. Nakita niya ang numero at alam niyang mula ito sa klinikang tinawagan niya kanina. Sinagot ni Kevin ang tawag. "Hello po, Mr. Madrigal? Paumanhin po kung natagalan—hinanap ko pa po kasi ang mga file na hinahanap ninyo," sabi ng babae sa kabilang linya. "Ayos lang naman, salamat at hindi ako naghintay ng matagal. Nahanap nyo na ba ang records na

  • Rejected Wife Returns : The Rejected Wife Book 2   Chapter 155

    "I'm so sorry, natakot ako noon, Elise, natakot akong kasulaman mo. Natakot akong mawala ka. Kaya kinaumagahan puno ako ng guilt dahil sa nagawa ko, pero hindi ako nagsisisi, at hinding-hindi ko pinagsisihan iyon Elise. Hindi ko na nagawang sabihin dahil sa hiya. Ang naisip ko na lang noon ay hindi naman mgbubunga dahil sa kapansanan ko. Kaya kung napansin mo, pagkatapos ng araw na iyon, madalas akong nagpapahatinggabi sa opisina. Hanggang sa isang araw na umuwi ako ng medyo gabi na, doon kita naabutan sa kwarto ko." "Hindi ba yun yung panahong nag-away tayo? Yun yung oras na sumama na ang loob ko dahil parang itinataboy mo ako?" sabi ni Elise. "Oo, pero hindi kita nais itaboy noon Elise, Gustong-gusto na kitang itakas noon pero nababaon ako sa gulit, ayokong maging miserable ka din sa akin, hindi kita mapapaligaya ng lubos." sabi ni Kevin. "Kaya iniwasan mo ako ng mga panahon na iyon ganun ba?kaya parang balewala sayo na may nangyari pala?" hindi naiwasan ni Elise na kahit matagl

  • Rejected Wife Returns : The Rejected Wife Book 2   Chapter 154

    Ang pagsusuri sa dugo at paghihiwalay ng stem sa dugo ni Kevin ay tumagal ng mahigit kuwarenta y otso (48) oras, ngunit sa kasalukuyan ay positibo naman ang balita. Pagkatapos noon, ang proseso ng pagsasalin ng mga stem cell ng dugo ay tumagal naman ng halos apat na oras. Lubos na ipinagpasalamat nina Elise at Kevin na magagamot na ang bata na may bihira nang sakit. Malusog ang katawan nito at malusog din naman ang katawan ni Kevin. Nakatulong ang pagiging hindi niya madalas na umiinom at ang pagiging walang bisyo niya. Matapos ibalita ng doktor na matagumpay na ang pamamaraan ng stem cell, halos sabay na tumulo ang luha nina Kevin at Elise. Labis labis na pagdarasal ang gjnawa ni Elise ng maiwan sa sild oanina, ta ang nurse, tanging dasal lamang ang maaari niyang kapitan sa oras na iyon. Halos manikip ang dibdib niya sa sobrang kaligayahan sa mgandang balita. "Congratulation for now Mr. and Mrs. Madrigal. Successful ang transplant but still we need to wait for several weeks para

  • Rejected Wife Returns : The Rejected Wife Book 2   Chapter 153

    Pagdating sa ospital ng Saint Lukes, agad namang inasikaso ng ilang doktor si Khalix. Dinala agad ito sa operating room, at agad silang kinausap ng doktor para sa pagsasagawa ng stemcell procedure. "Hi I'm Doctor Erwin Tan, i will be the one in-charge of his procedure. May I know who will be the donor?" tanong ng doktor. "Ako po Doc, " sabi ni Kevin na hindi nagawang tumingin kay Elise. Dahil nga naroon si Elise, hindi na nagawang mailihim pansamantala ni Kevin ang totoong sitwasyon. Narinig kasi mismo ni Elise sa bibig ni Kevin ang isang nakakagulat na rebelasyon. "Okay, for now you need to undergo some test sir, ganun din ang anak nyo. Blood screening may take time, kailangan kasing makita kung capable and healthy ang donor. Now just in case magkaproblema sayo, pwede rin ang ina ang maging donor, just make sure she is healhty. Nandito ba ang misis mo?" tanong ng doctor. "Yes Doc, she's with me." sagot ni Kevin na medyo sumulyap kay Elise. "I'm glad you are here, Misis. So hind

  • Rejected Wife Returns : The Rejected Wife Book 2   Chapter 152

    "Tama ang doktor Elise, makabubuti nga siguro na umuwi ka muna pati na rin si Khalix para makapagpahinga kayo. Kailangan mo 'yun para sa bata diba? Pangalawa, sigurong kailangan din 'yun ni Khalex para maihanda ang kanyang katawan, hindi biro ang sakit ng bata." sabi ni Kevin. "Teka, maiba ako, nabanggit ng doktor na iuwi muna natin si Khalix habang hindi pa tayo nakakagawa ng desisyon, Ano bang desisyon yun? tungkol ba saan?" usisa ni Elise. "Hmmm, kasi ah, sa totoo lang Elise, may sasabihin ako sa'yo." "Tungkol na naman ba ito sa anak ko Kevin?Pagtatalunan na naman ba natin ang bata?" "Hindi...Hindi yun! ang ibig kong sabihin, kase, hindi magagawa ni Soffie na makapag donate ng dugo kay Khalix dahil nasa presinto siya ngayon at humaharap sa mga kaso niya. May kasong ksiya at marami pang darating na kaso na isaspa ko sa kanya. Nagkataon lang na napahinto lahat dahil sa aksidente ni Khalix. Pero kapag nakauwi na tayo, itutuloy namin ang mga kaso laban sa kanya." paliwanang ng bin

  • Rejected Wife Returns : The Rejected Wife Book 2   Chapter 151

    "Ang resultang iyan ang lalong nagpagulo ng lahat Mr. Madrigal. Pasensya na, hindi ko intensiyon na matuklasan ang sekreto ng inyong angkan, nagkatoan na kailangan kang kunan ng dugo para sana sa analysis ng orihinal na pinagmulan ng sakit ng bata para sana sa compatibility para sa kanyang stemcell procedure pero hindi ko akalain na....." napatigil sa pagsasalita ang doctor dahil nabuksan na ni Kevin ang isa pang envelop at napatayo ang binata sa pagkabigla sa nabasa. "No!Hindi.....Hindi, sabihin mo doc, that this is a joke., tell me..!" nanginginig ang mga kamay na sabi ni Kevin. "I'm sorry but i can't. Kevin, what you have read right now is the truth. Kahit ako rin ay hindi makapaniwala. Sorry for reading it ahead pero yan ang katotohanan." sabi pa ng doctor. "Oh my God! Mababaliw na ako. Paano nangyari ang mga ito?Diyos ko po anong biro ito?" sabi ni Kevin na agad sinamsam ang mga envelop at lumabas ng mabilis sa opisina ng doctor. Hinabol siya ni Doctor Cuevas at naabutan s

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status