LOGINNaalala ko ang narinig na kwento noon. Noong nasa kolehiyo pa si Tita Matidla, ang nanay ni Denver ay napilitan siyang makipag-blind date kay Vicento. Mas matanda lang siya ng ilang taon kay Vicento.Posible kayang matagal nang may paghanga si Vicento sa kanya?Pumasok sa isip ko ang ideyang iyon, ngunit agad akong umiling-iling, pilit tinataboy ang di kapani-paniwalang iniisip. Isang punpon lang naman ng mga rosas iyon. Noong araw ng libing ko, naglagay din si Vicento ng punpon ng rosas sa libingan ko. Maaaring may gusto rin siya sa akin?Napatanong ako nang kusa kay Denver. “Magkalapit ba si Vicento at ng mama mo?”Mahinahon ang tinig ni Denver nang magsalita. “Naging baldado ang kanyang mga binti dahil sa nanay ko.”Bago pa ako makapagtanong muli, bumaba na si Denver sa sasakyan, may hawak na punpon ng mga krisantemo, at marahang lumapit sa lapida.Ang dalawa, isa ang nakaupo, isa ang nakatayo, parehong nakatunghay sa puntod— walang ni isang salita ang lumabas sa kanilang mga bibig
Nang pinag-isipan kong muli, naramdaman kong may kakaiba. Ang operasyon sa puso ay hindi kasing dali ng paggupit lang sa balat. Kinakailangan ang pahinga at obserbasyon bago at pagkatapos ng operasyon.Pagkatapos kong mamatay, nanatili akong nasa tabi ni Denver at pinapanood si Nica sa mga palabas niya.“Hindi siya mukhang nagpa-opera dati, at buntis siya ngayon, kaya hindi siya angkop para sa operasyon. Kahit tinanggal niya ang puso ni Ria De Leon, kung hindi iyon na-transplant noong panahong iyon, wala na ngayong silbi ang puso nito.” Tumitig nang diretso sa akin si Vicento at nagsalita pa ako. “Sa Taiwan, ilang taon na ang nakalipas, may medikal na literatura na nagsabing kung ilalagay mo ang tumitibok na microphysiological system ng puso sa isang lalagyan at selyuhin nang mahigpit na halos walang bula— maaari mong simulan ang isovolumetric supercooling. Malaki ang naitulong nito sa teknolohiya ng pagyeyelo, at hindi ko alam kung gaano na ito kaunlad ngayon.”“Bukod pa rito, naisip
Ang init ng kanyang katawan ay dumikit sa akin, at ang init na iyon ay para bang nanunuot sa buong katawan ko.Taliwas sa inaasahan ko. Tila ba may ginagawa siyang upper body workout sa pribado, dahil sa ilalim ng kanyang kamiseta, hindi siya payat o lumpuhin kung tingnan.Bagaman hindi kasing-laki ng katawan ng isang fitness trainer, malinaw ang hugis ng kanyang mga kalamnan— at sa kombinasyon ng maputla at malamig niyang balat, may kakaibang uri ng artistic beauty sa kanya.Isang sulyap lang ang ginawa ko bago ko agad ipinikit ang aking mga mata.Isang mahinang buntong-hininga ang dumampi sa aking tainga. “Ria, mag-asawa tayo.”Ang isang lalaking nagsa-sunbathing sa tabing-dagat na naka-shorts ay masasabing konserbatibo. Noon, nakapagpa-book na ako ng mga male model para sa nightclub events, pero sa totoo lang, isa akong konserbatibong tao— at ang tanging pagkakataon na nagkaroon ako ng ganoong karanasan ay noong nalasing ako.Noong nasa paaralan pa ako, pakiramdam ko ay masyado pa
Nalaman ko sa internet na ang art exhibition na ito ay inorganisa ng isang misteryosong foreigner businessman.Hindi lamang nila inanyayahan ang limang pinakamayaman at pinakanangungunang mga art gallery sa buong bansa para maging mga judges kundi malawak din nilang inimbitahan ang mga artists mula pa sa iba't ibang bansa upang lumahok.Sa ilalim ng anyo ng isang eksibisyon ng sining, ito ay isang kompetisyong pambansa at pandaigdig— at higit pa roon isa rin itong pagkakataon para sa mga negosyante na makasalamuha ang iba't ibang mga negosyante sa buong bansa.Mahigpit ang mga kwalipikasyon, tanging mga nangungunang artists lamang ang pinapayagang lumahok. Karamihan sa mga artistang ito ay tanyag na at kinikilala na rin sa ibang bansa sa larangan ng sining.Dahil napakaraming mahuhusay na kalahok, natural lamang na umakit ito ng mga mamimili at tagahanga ng sining mula sa iba’t ibang panig ng mundo.Ang premyo na umaabot sa nakamamanghang twenty million ay isa lamang pain o palabas.A
Paano ko naman hindi malalaman? Para akong nanonood sa harap ng kamera habang nangyayari ang lahat— alam ko pa nga kung gaano katagal iyon tumagal.Handa na ang paliwanag ko. Tumikhim ako bago nagsalita. Kasingbilis yata ng bibig ko ang utak ko.“Sa aking palagay lang naman iyon. Pero mukhang tinraydor ka ng sarili mong bibig. Iyong gabi ng kasal ninyo ni Ria De Leon ang pinili ninyong gabi para gawin iyon ni Nica. Siyempre ikakasal ka na, talagang susulitin ninyo ang pagkakataon. Sigurado akong sa bagong kama ninyo sa bagong bahay ninyo iyon nangyari.”Natahimik si Denver sa sinabi ko. Sa katunayan, lihim ang lahat ng nangyari noong gabing iyon. Habang patuloy akong nagsasalita nang tila walang pakialam, lalo pang dumilim ang mukha ni Denver.“Nangyari na rin lang naman, bakit mo pa kailangang mag-alala sa sasabihin ng mga tao? Sa panahon ngayon ay normal lang naman isang lalaki ang magkaroon ng ibang babae. Naiintindihan ko.”Sa kalmado kong mukha, tinitigan niya ako nang malamig. “
Malambing akong tinitigan ni Vicento, at sa kanyang mga mata ay puno ng walang katapusang pag-ibig. “Malalaman mo rin sa tamang panahon.”Hindi pa rin niya binigay ang sagot, kaya para akong nabitin—may puwang sa dibdib kong hindi ko maipaliwanag.Matapos ang isang araw ng pag-uusap, sa wakas ay nagkasundo na ang dalawang pamilya sa mga kundisyon.Bagama’t napagpasyahan na ang kasal nina Nica at Marvin, may tinatago pa ring pakana ang pamilya Ocampo.Sila ang magbqbayad para sa seremonya ng kasal, ngunit hindi pipirma ng marriage certificate. Malinaw na nagpapanggap lang sila para sa panlabas na anyo.Kapag wala nang silbi si Nica, maaari nila itong itapon anumang oras.Sa simula pa lang, itinuturing ng lahat na isang pag-angat para sa pamilya De Leon ang kasal na ito, ngunit tinitingnan pa rin sila ng pamilya Ocampo na parang mga magnanakaw. Dahil dito, labis na nainsulto ang pamilya De Leon.“Ano’ng ibig sabihin ng pagpapakasal nang walang marriage certificate? Ano bang tingin ninyo







