LOGINNagulat ang lahat sa sinabing iyon ni Monica.
Pero napuno ako ng pagtataka sa mga oras na iyon. Bakit siya nagsinungaling at bakit ganito ang trato niya sa akin? Noong una na hindi pa namin alam na siya ang nawawala kong kapatid ay lantaran ang pagkadisgusto ni Denver sa kanya. Pero sa twing nagrereklamo si Denver sa akin ay pinagtatanggol ko pa siya. Alam ko kasi na naging mahirap ang pinagdaan nila ni Aurora. Inisip ko rin na magiging pamilya na kami pagdating ng araw at magiging hipag ko na siya. Hindi ko siya kinainisan o naging masama sa kanya. Sa halip ay lagi ko pa siyang tinutulungan. Kaya nang marinig ko ang kasinungalingan niyang iyon ay napatanong ako sa sarili ko kung kailan ko ba siya pinakitaan ng kasamaan ng ugali para gumawa siya ng kasinungalinga— na pagmukhain akong masama sa lahat ng tao! Walang kasingbigat ang mga binitiwan niyang salita na parang martilyo pumupukpok sa ulo ko. Hindi pa siya nakuntento at nagsalita pa muli— sa nakakaawang tinig. "A-Ate... magiging masunurin ako sa iyo at hinding-hindi ko aagawin ang kahit na ano sa iyo, huwag mo lang akong saktan ulit. Na-miss ko rin sina Mama at Papa. K-Kuya... iuwi n'yo na ako..." Nang marinig nina Mama at Papa iyon ay napalitan ng pagkamuhi ang kanina lang na kasiyahan sa mga mukha nila. Walang sabi-sabi akong sinampal ni Papa. "Hindi ko sukat akalain na magiging ganoon ka na kalupit sa murang edad pa lang, Ria! Limang taon pa lang si Monica noon! Paano mo naatim na gawin sa kapatid mo iyon?" Iyon ang unang beses na pinagbuhatan ako ng kamay ni Papa. Napupuno na ang buong paligid ng mga bulung-bulungan mula sa mga bisita. "Nagkakamali kayo ng iniisip, Papa!" depensa ko sa sarili at nag-iinit na ang gilid ng aking mga mata. "Siya ang nangulit sa akin ng gabing iyon na lumabas para manood ng fireworks display! Nagmamadali siyang naglalakad sa tulay kaya nahulog siya sa ilog! Hindi ko po siya tinulak! Hindi ko po magagawa iyon..." "Gumising ka na, Ria, at buksan mo iyang mga mata mo! Tingnan mo ang kapatid mo— dugo sa dugo at laman sa laman! Bakit siya magsisinungaling? Ang kawawa kong bunso... naghirap ka sa loob ng napakaraming taon," saad pa ni Mama na nakayakap kay Monica at umiiyak na rin. Oo, kapatid ko nga siyang tunay! Pero bakit niya ginagawa ang lahat ng ito sa akin? Gawain ba ito ng isang tunay na kadugo? Ang gabing iyon ay dapat sana para sa engagement namin ni Denver. Pero nauwi lang sa drama at pinagpyestahan pa ako ng lahat. Simula noon ay binansagan nila akong isang malupit na kapatid na kahit kailan ay hinding-hindi ko matatanggap. Umiiyak na ako ng mga oras na iyon. Ang mukha kong may make up ay nahaluan na ng mga luha kong walang kasingpait. Garalgal na rin ang boses ko. Gusto kong ipaliwanag ang lahat at depensahan ang sarili ko pero walang may gustong makinig at maniwala sa akin. Nilingon ni Tito Danilo si Denver na para bang sinasabing alalayan ako. Mabait si Tito Danilo, walang duda roon. Kaagad kong nilingon si Denver at buong puso kong ipinaliwanag ang lahat. Niyakap niya ako ay hinaplos ang likod ko. "Naniniwala ako sa iyo. Ikaw ang pinakamabait, maawain, at maalalahaning babaeng nakilala ko." Paanong ang lalakeng nagsabi niyon sa akin ay naging ganito na lang bigla? Paanong ang lalakeng laging nasa tabi ko at pinagtatanggol ako ay hindi na naniniwala sa akin? Kanina pa ako nakatingin sa dalawang taong nasa kama. Punong-puno ng kalungkutan ang puso ko. Kung nadadala hanggang kamatayan ang lahat ng emosyon ay kabaliktaran naman niyon ang mga luha— gusto kong umiyak pero walang kahit isang pumatak. Oo nasasaktan ako at nalulungkot, pero pakiramdam ko ay nawala na rin ang puso ko. Kaluluwa na lang akong walang puso at walang luha. Gusto kong umalis dahil hindi na kinakaya ng mga mata kong manood. Pero katulad pa rin noong nabubuhay pa ako, ay hindi ko man lang kayang malayo kay Denver. Napipilitan na lang akong manood sa kanila. Bumangon na si Monica at umupo sa harap ng salamin suot ang mga bago kong damit. "Suklayin mo nga ang buhok ko, kuya..." sabi ni Monica at pinulot ang suklay na nasa ibaba ng salamin. Sumunod naman si Denver. Mukha na talaga silang mag-asawa kung titingnan. Napansin kong dumapo ang mga tingin ni Denver sa mga litratong nagkalat sa harap ng salamin. Mga litrato iyon kahapon sa kasal namin. Bigla na lang siyang natigil sa pagsusuklay sa buhok ni Monica. "Tigilan na natin ito, Nica. Hindi ba at napagkasunduan natin na kalilimutan ang nangyari sa atin kagabi at balik na sa dating relasyon natin bilang magbayaw?" "Oo, alam ko. Hinding-hindi ko kayo guguluhin ni Ate Ria," sagot naman ni Monica at napayuko, halatang nagpipigil ng galit. Nakatingin pa rin sa litrato namin si Denver habang sa kabilang banda naman ay bakas na bakas pa sa kama ang kababuyang ginawa nila kagabi. Kinuha ni Denver ang kanyang cellphone at tinawagan akong muli. Pero wala siyang sagot na natanggap. Kung sakali mang humiling siya sa mga pulis na hanapin ang katawan ko ay mahahanap niya pa iyon. Pero hindi niya ginawa. Binalik niya lang sa dating kinalalagyan ang cellphone niya. Nakita kong napangisi siya. "Mukhang hinayaan kitang laging nasusunod ang gusto mo, Ria." "Tama ka riyan. Magaling sa kadramahan ang kapatid kong iyon, magpapakipot pa iyon. Kaya huwag ka nang mag-alala, kuya. Baka nga siguro nakauwi na iyon sa mansyon ninyo. Hindi niya lang sinasagot ang tawag mo para pag-alalahanin ka," litanya pa ni Monica. "Kung ganoon ay umuwi na rin tayo," malamig na saad ni Denver. "Gusto kong malaman kung ano na naman ang ginawa niyang palabas." May anak na babae si Aurora at si Tito Danilo. Pero kaagad na namatay noong bata pa lang ito. Nangulila si Aurora kaya inampon niya si Monica. Nang mga panahong iyon ay kabit pa lang si Aurora. Mahirap lang si Aurora noon pero binigay niya ang lahat kay Monica para mapalaki lang ito. Kaya namang nang mamatay ang nanay ni Denver ay kaagad na kinuha ni Tito Danilo si Aurora at pinakasalan. Dahil kay Monica kaya ayaw sa akin ni Aurora. Ganoon na siya dati pa lang. Pero nang malaman niyang anak pala ng mga De Leon si Monica ay mas lumala ang ugali niya. Lagi niya pang sinasabi kay Tito Danilo na si Monica ang ipakasal kay Denver. Pero lagi ring tumatanggi si Tito Danilo sa suhestyong iyon ni Aurora. Isa sa mga dahilan niya ay ako ang nakiusap kay lolo na tulungan ang mga Victorillo noong mga panahong nahaharap sa malaking krisis ang kanilang buong angkan. Maraming nirarason si Tito Danilo kay Aurora pero ang pinakamahalagang rason sa lahat ay ako ang mahal ni Denver. Pero kalaunan ay nakita ng lahat na nahuhulog na pala sa ibang babae si Denver— ako lang itong nanatiling bulag sa katotohanan. Ilang sandali pa ay nasa mansyon na kami ng mga Victorillo. Pagkadating na pagkadating ay kaagad na magalang na bumati si Monica sa dalawa. "Magandang araw po, mama, papa." "Walang modong anak!" sigaw ni Tito Danilo habang nakatingin kay Denver, ni hindi pinansin si Monica. "May gana ka pang umuwi rito pagkatapos mong ipahiya ang buong angkan ng mga Victorillo!" Kahapon sa kasal ay nagpapalitan na kami ng singsing ni Denver nang bigla na lamang tumawag si Monica at ibinalita sa lahat ng naninikip ang kanyang dibdib at hindi makahinga nang maayos. Kaya naman ay kaagad na umalis si Denver nang walang pag-alinlangan— iniwan akong nag-iisa sa harap ng altar habang sinasalo ang lahat ng kahihiyan at panlalait. Kaagad na lumuhod si Monica sa harapan ni Tito Danilo. "Kasalanan ko po ang lahat, papa! Nanikip ang dibdib ko at hindi makahinga nang maayos kaya nakiusap akong samahan ako ni Kuya DJ. Hindi ko naman po inaasahan na magiging ganito ang resulta ng naging aksyon ko. Wala pong kasalanan si kuya. Kung may dapat mang sisihin ay ako po iyon, papa!" "Matapos siyang itulak ni Ria noong gabing iyon sa ilog ay na-trauma na si Monica. Bigla na lamang siyang nanginginig at hindi makahinga nang maayos," singit na sabi ni Aurora saka dinaluhan si Monica at niyakap ito. "Isa pa ay wala namang sinabi ang mga De Leon, kaya bakit ka ba nagagalit diyan, Danilo? Tumayo ka na riyan, Nica." Lagi namang ganito ang nangyayari. Sa loob ng ilang taon ay paulit-ulit na lang na ganito. Sa kada may alitan kami ni Monica at luluhod siya sa harapan ni Tito Danilo ay lagi na lang siya nitong pinapatayo. Lagi siyang iniintindi habang ako naman ang tagasalo ng lahat ng sakit— na para bang pinapakain ako ng prutas na walang kasing pait. Kanina pa nagpapalinga-linga si Denver, mukhang may hinahanap. Nang hindi makapagpigil ay nagtanong na siya sa kanyang ama. "Papa, nasaan si Ria?" "At nagtanong ka pa talaga niyan matapos mo siyang iwan kahapon habang nilalait siya! Pero ganoon pa man ay humingi pa siya ng tawad sa mga bisita dahil sa ginawa mo!" galit na sagot ni Tito Danilo. "Ang sabi niya kahapon bago umalis ay magpapalit siya ng damit pero hindi na siya bumalik. Tinulungan niyang makabangon ang pamilya natin pero niyurakan mo naman ang kanyang dignidad bilang babae!" Parang biglang natauhan si Denver. "Hindi sa kamo nakabalik? Kung ganoon ay saan siya pumunta? Pinadala niya sa akin ang lokasyon niya kagabi!" Kagaad na dinukot ni Denver ang kanyang cellphone sa kanyang bulsa. Halatang balisa na siya at namumutla na rin. "T-Tinawagan ako ng pulis k-kanina... Ang sabi ay nakita sa parke ang wedding dress n-ni R-Ria..." Nakakatawa ka Denver. Maniniwala ka na ba ngayon na patay na ako?Kinabahan si Sofia habang nakatitig sa akin.“Anong pakialam mo kung saan ako pupunta?” sabi niya, habang sinasadyang itinatago ang cellphone sa likuran niya.Kapag nakita ito ni Nica, tiyak na hindi na siya aabutin ng gabi.Bahagya akong ngumiti.“Kakakita mo lang kina Denver at Nica. Bakit mo tinatago?”Nanlaki ang mga mata ni Sofia.“Nakita mo rin sila?”“Hindi ako bulag. Balak mo bang sabihin ito kay Marvin?”Nang tumama ako sa sentro, lalo siyang naging mapagbantay.“Paano mo nalaman?”“Sa tingin mo, ano ang magiging resulta kung sasabihin mo ito kay Marvin ngayon?”“Malalaman niyang ganap na malandi si Nica. Buntis siya sa anak ni Denver at sinusubukan pa niyang itago!”Alam kong hindi nag-iisip si Sofia bago magsalita o kumilos.“Naisip mo na ba kung bakit ikinasal sina Nica at Marvin?”“Hindi ba’t ikaw ang may pakana noon?”“Huwag mong kalimutan, ang kasalang iyon ay nangyari dahil sa kanilang lihim na relasyon. Nahuli sila, kaya inayos ang kasal para matakpan ang eskandalo. K
Tumango si Jason. “Naiintindihan ko po, Madam.”May isa pang mahalagang dahilan kung bakit iniligtas ko si Sofia— siya ang magiging sandata ko laban kay Nica.Sa ganitong paraan, hindi ko na kailangang kumilos nang personal, upang hindi ako maging target ng grupo ni Nica. Ang manatili sa anino ang pinakaligtas.Madali kong natagpuan si Denver.Nakaupo siya sa balkonahe, pinagmamasdan ang kalangitan, tila malalim ang iniisip— mukha siyang sakitin, parang halamang unti-unting nalalanta, nawawala ang sigla.Nang makita niya ako, kumislap ang liwanag sa kanyang malamig na mga mata. Sinubukan niyang tawagin ang pangalan ko, ngunit sa isang babalang tingin ko, agad niyang binago ang tawag at sinabi, “Tita...”Tumingin ako sa paligid upang tiyaking walang mga kamera.Medyo marumi ang sapatos ko, kaya lumuhod ako at pinunasan iyon ng tisyu, sabay ibinulong ang ilang salita.Marahang bumuntong-hininga si Denver. “Alam ko.”Malinaw na alam niyang ginagamit ko siya, at wala rin naman siyang iban
Nahulog sa mesa ang hawak kong sushi.Akala ko’y matagal ko nang nakita ang kadiliman ng mundo, ngunit hindi ko inakala na hindi pala iisa lamang ang masamang tao sa mundong ito. Kung saan may tao at interes, nariyan ang kapangitan ng puso ng tao.“Ria...” Nag-alala ang tingin ni Vicento sa akin.Ngumiti ako sa kanya. “Pasensya na, bigla lang akong nawalan ng gana.”Hinila niya ako para maupo sa tabi niya.Tinitigan ko ang sushi sa lagayan nito.“Sa totoo lang, wala tayong pinagkaiba sa mga sushi na ito. Sa isang lipunan kung saan iginagalang ang malakas at ginagamit ang mahina bilang pain, nagiging pagkain tayo ng iba nang hindi man lang natin namamalayan. Kung hindi ka naglagay ng kamera ngayon at hindi natin aksidenteng natuklasan ang plano niya, baka napahamak na kami ng nanay ko—pati ikaw, at si Edmund.”Inakbayan ako ni Vicento at marahang tinapik.“Huwag kang matakot. Nandito ako. May kamera man o wala, hinding-hindi ko hahayaan ang sinuman na saktan ka.”Nang marinig ko iyon,
Bagama’t sa panlabas ay mukhang tuwid at dominante si Vicento, lumaki siyang kulang sa pagmamahal ng pamilya, kaya’t ang puso niya’y parang tigang na lupain.Ang batang nagutom sa pagmamahal ay madaling magduda sa sarili dahil lamang sa isang salita mula sa akin.Masakit sa puso ko na makita siyang ganoon. Napabuti niyang tao, ngunit lumaki siya sa isang madilim na attic, ni minsan ay hindi nasilayan ang liwanag.Noon, ako’y malikot at masigla, samantalang siya’y nakikinig lamang sa aking halakhak mula sa anino, takot na takot na makisali.Marahil ang aking kalayaan at tawa ang unti-unting nagpagaling sa kanyang lungkot, kaya siya nagsimulang mangarap ng liwanag at minahal ako sa loob ng napakaraming taon.Kahit ngayon na siya’y nagbinata na, ang kanyang kaibuturan ay nananatiling yaong batang palihim akong minamasdan mula sa attic.Marahan akong yumakap sa kanyang baywang, nais magtanim ng binhi ng pag-ibig sa kanyang puso. “Vicento, huwag mong pagdudahan ang sarili mo. Tunay, tunay
Hindi ko na kinailangang pagdudahan pa ang pagiging mapagkakatiwalaan ng impormasyon niya; agad akong sumagot ng “oo.”Mabilis kaming sumakay sa kotse, at para maiwasang makasalubong si Susan ay sadyang pumili kami ng ibang ruta papunta sa airport.Kumakabog ang dibdib ko sa pananabik, nanginginig ang mga kamay ko. “Sabihin mo na nga agad, ano bang nangyayari? May iba siyang lalaki?!”Sa wakas, naunawaan ko na ang mga matatandang nagkukuwentuhan at nagbibitak ng buto ng pakwan sa may bungad ng baryo tuwing Bagong Taon. Gusto ko rin ng ganoong buto ng pakwan.Kinurot ni Vicento ang ilong ko.“Tingnan mo, atat na atat ka.”“Hindi mo naiintindihan—likas sa bawat babae ang tsismis! Sabihin mo na, dali!”Niyugyog ko ang braso niya sa pananabik.“Matapos kong mahulaan na ikaw nga si Ria, pinasiyasat ko nang detalyado ang pamilya Canlas, pati na rin si Susan, at may nakita nga akong mga palatandaan.”“Sino ang lalaking iyon?”Hindi nagmamadali si Vicento.“Hindi ba’t bawat tao ay may isang ‘
Nagulat ang lahat sa biglaan kong kinilos, at maging ang pagluhod ni Lin Hui ay naging mukhang katawa-tawa.Hindi—ang ibig kong sabihin, may malubha ba siyang sakit?Sa mga nakakakilala sa kanya, iisiping normal lang ang pagluhod niya, pero ang paraan ng bigla niyang pagsugod—parang aagawin niya ang mga kidney ko—ay talagang katawa-tawa.Pasensya na, parang nagkaroon na ako ng trauma.Pakiramdam ko, lahat ng tao ay gustong manakit sa akin.Si Vicento lang ang nakakaalam ng dahilan ng aking reflex, at may bahagyang kirot sa kanyang mga mata.Marahan niyang hinaplos ang likod ko at mahinahong sinabi,“Okay lang. Ayos lang.”Sandaling kumalma si Susan bago muling nagsalita.“Ria, kasalanan ko ang lahat. Bilang ina, hindi ko siya napalaki nang maayos kaya humantong sa ganito. Aakuin ko ang responsibilidad. Pero bata pa si Sofia. Kung may paparusahan, ako na lang. Ako ang luluhod.”Ngumisi ako. Tutal, matagal nang nakaluhod si Sofia—ginagamit lang niya ang taktika ng pananakit sa sarili, h







