PILIT NA NAG-UMALPAS si Everly nang makita niya ang planong gawin si Roscoe sa kanya kung kaya naman nahila na nito ang kanyang braso kung saan ay nadiinan ang kanyang sugat. Maluha-luha na siyang napadaing sa nararamdaman. “Nasasaktan na ako, Roscoe. Ano ba? Ang braso ko!” Napabitaw na doon si Roscoe lalo na nang makita niya ang paiyak na mukha ng asawa. Sumama pa ang tingin ni Everly sa kanya na marahang hinaplos ang kanyang braso kung saan ay aksidenteng natamaan iyon ng kanyang mahigpit na kapit.“Ano ba talagang kailangan mo sa akin ha? Bakit ba ipinipilit mo ang sarili mo? Pinagsisiksikan mo?!”Hindi siya nito gusto noon pa man, ngayong lumalayo na siya ito naman ang lapit nang lapit. Si Lizzy ang palagi nitong pinipili kaya bakit ngayon, patuloy pa rin siya nitong pini-peste? Sumang-ayon na nga siya sa divorce na gusto nito. Bakit palagi itong nagpapakita sa kanya sa malamya nitong dahilan na asawa niya? Hindi na malaman ni Everly kung totoo pa ang ipinapakita nito sa kanya.
MATULING LUMIPAS ANG tatlong araw. Hindi nakalimutan ni Everly na may appointment siya noon para sa injury.“Sasamahan kitang pumunta ng hospital.” turan ng kanyang ina na bahagyang ikinagulat niya, ang buong akala niya ay hindi na iyon natatandaan pa nito. “Hindi pwede na may maiwang mga peklat sa balat mo kaya sasama ako. Kailangan na kung ano ang appearance ng mga iyan noon ay iyon pa rin paggaling ng mga sugat. Para lang makasigurado tayo, anak.”Lantarang iniiling ni Everly ang kanyang ulo at pinunasan na ng tisyu ang gilid ng kanyang labi. “Hindi na kailangan, Mommy, sasamahan naman ako ni Harvey.” “Oh? Sinabi niya iyon na sasamahan ka niya?” Tumango lang si Everly. “Mabuti naman kung ganun, hindi ako mag-aalala sa’yo na wala kang kasama.” maligayang turan pa ng kanyang ina.Biglang sumulpot ang isa sa mga maid na nariyan na umano ang kanyang sunod kung kaya naman maligayang tumayo na si Everly at muling nagpaalam sa kanyang pamilya na kasalo nila sa hapag-kainan. Kailangan
KULANG NA LANG ay mabulunan si Roscoe sa kanyang sariling laway na naubo na. Hindi na niya nagawa pang magsalita muli. Pamartsa na siyang iniwan ni Everly upang pumasok sa loob ng kanilang mansion. Sinundan na lang ito ni Roscoe ng tingin gamit ang malungkot na mga mata. Nahimasmasan lang siya at bumalik sa kanyang sarili nang mag-ring ang cellphone niya. Nang tingnan niya ito ay si Alexis iyon. “Mr. De Andrade, nakatanggap ako ng email mula sa secretary ng Villacorta Corporation at pinapa-give up nila sa atin ang at least three more points dahil kung hindi raw ay ite-terminate nila ang cooperation sa atin. Nang mag-imbestiga ako, nalaman ko na ang CEO nila at si Mr. Maqueda ay nag-set ng meeting kahapon dahil interesado rin umano ito na makipag-cooperate sa kanila. Ipinapaalam ko lang po iyon.”Umigting na ang panga ni Roscoe doon, si Harvey na naman ang kanyang problema? Bakit ba pakalat-kalat ang lalaking iyon na mapa-negosyo at asawa niya ay palaging gustong maging hadlang at pum
ISANG BRIGHT IDEA ang kumislap sa isipan ni Everly. Hindi naman siguro kalabisan kung sasabihin niya kay Roscoe na kay Harvey nga iyon nanggaling. Hindi naman nito malalaman na si Sheena ang may pakana noon at nagbigay. Hindi sa gusto niyang pagselosin ang asawa, gusto niyang iparating dito na kung kaya niyang magbigay ng bulaklak sa ibang babae, kaya niya rin na tumanggap ng mga bulaklak na galing ng ibang lalaki. Ano sa tingin niya? Siya lang ang mayroong kakayahan at karapatan na gawin ang bagay na iyon?“Hmm, siya nga.” Kapag sinabi niyang si Harvey iyon, walang sinuman ang magsasabi na nagsisinungaling lang siya. Nakita niya kung paano magbago ang reaction ng mukha ni Roscoe na hindi alam ni Everly kung matutuwa ba siya o ano. Dumilim pa ang mukha nito na parang iritable at hindi lang basta naiinis sa mga narinig niya. Patuloy na humakbang palabas at palayo ng pinto si Everly. Hindi mapigilang mainis pa dito ni Roscoe na nakasunod lang naman sa babae. Hindi pa rin maintindihan k
NAGKUKUMAHOG AT HALOS magbuhol na ang mga binti na lumabas na ng kanilang mansion si Everly bago pa man makarating sa kaalaman ng kanyang ama at iba pang kapamilya na naroon ang asawa niyang si Roscoe. Tiyak na mas magkakagulo pa sila. Minsan lang kung pumunta si Roscoe sa kanila kahit na noong mag-asawa pa sila, ngunit ngayon ay mukhang napapadalas na at lingid ito sa kaalaman ng mga magulang niya. Bigla siyang napatigil sa paghakbang at tinanong ang sarili kung ano ba ang kinakatakutan niya sa lalaki? Hindi dapat siyang mataranta. Bakit nagiging sunud-sunuran na naman siya? Humabkang siya pabalik ng loob ng mansion, muling umakyat ng hagdan. Nanatili ang cellphone niya sa tainga na hindi pa rin binababa ni Roscoe ang tawag sa kanya. Panay irap lang ang ginawa ni Everly sa kawalan na parang maiibsan noon ang inis niya..“Ako na ang humihingi ng pasensya sa’yo sa mga sinabi ni Lizzy, kanina.” depressed ang tono ng boses ni Roscoe na nakatingin pa rin sa gate ng mansion.Nanatiling tah
HINAWAKAN NA NANG mahigpit ni Everly ang isang braso ng kanyang kaibigan upang patigilin na ito. Mukhang kapag hindi pa kasi ito tumigil ay iiyak na doon si Lizzy at baka pa maglupasay. Mas mapapahiya lang ito sa mas maraming tao.“Sheena, tama na. Hindi mo kailangang ibaba ang sarili mo sa level nila.” Nagpabaga pa iyon ng damdamin ni Lizzy na para bang sinasabi ni Everly na ang baba niyang tao. Hindi niya iyon matanggap. Oo, mababa na siyang tao pero nasa kanya pa rin naman ang atensyon ni Roscoe na hindi makuha ni Everly. “Hindi! Alam naman ng babaeng iyan na may asawa si Roscoe pero kinalantari pa rin niya. Walang utak. Basta maka-agaw na lang. At ito namang si Roscoe, nagpauto. Alam naman niyang may asawa na siya, pumatol pa sa iba. Pareho silang masamang tao!” Umigting na ang panga ni Roscoe doon na hindi na nagugustuhan ang lumalabas na salita sa bibig ng kaibigan ng kanyang asawa. Naiintindihan naman niyang kinakampihan nito si Everly, pero hindi naman nito alam ang tunay n
HINDI PINANSIN NG dalawa si Sheena na halatang naghahamon ng gulo. Malakas ang loob nito porket marami siyang fans na kakampi sa kanya in case na magkaroon sila ng gulo. Hinila pa ni Sheena ang braso ni Everly at hinahamon niya itong magsalita, ngunit mukhang ayaw na sa kanilang pumatol pa dahil hindi man lang din ito kakabakasan ng pakialam.“Everly, mabuti naman at nakakalabas ka na? Magaling na ba ang mga sugat mo?” mapagpanggap na tanong na ni Lizzy na akala mo ay kung sinong mabait, “Maraming salamat sa’yo sa birthday banquet ng Lola ni Roscoe. Kung hindi mo ako tinulak, paniguradong ako ang nabagsakan ng mataas na tower ng alak. Salamat. Hindi pa man lang ako nakakapagpasalamat nang dahil kinailangan mong dalhin sa hospital.” mapang-asar pa itong kumuha ng isang piraso ng rose sa hawak niyang bouquet na sure si Everly na galing kay Roscoe dahil narinig niya doon ang lalaki na iniutos ito kay Alexis, “Galing ang bulaklak na iyan kay Roscoe. Isang piraso lang naman kaya tanggapin
NAPATINGIN NA ANG lahat kay Mr. Lim nang dahil na rin sa sinabi nito na nawala na ang sakit noon. Nagpalitan na sila ng tingin nang sabihin iyon ng matanda na hindi na umano masakit ang kanyang binti. Umarko na ang gilid ng labi ni Everly habang naiisip na hindi talaga siya kayang ipahiya ng kakayahan niya.“Ito ay ang mga cramps o pulikat ng binti na dulot ng mga taon ng pagtayo at bunga ng pagkapagod. Ang mga cramp ay hindi nagagamot at napapawi sa tamang oras at naging pinsala sa kalamnan at ugat.” mababa ang boses na paliwanag ni Everly sa maaaring naging dahilan ng kondisyon na kanyang kinakaharap. “Kung hindi ka magpapagamot sa tamang oras, ang iyong binti ay ganap na mapipinsala ng di mo pansin.”Tama naman doon si Everly at lihim na sinang-ayunan iyon ni Mr. Lim. Ang pamamaga at lilang kulay ng binti ay tanda ng pagbabara ng dugo sa ugat nito, na hahantong sa mga seryosong problema kung di nakita.“Sino ka? Saan ka nakatira? Nag-aral ka ba ng medisina?”Iginalaw lang ni Everly
AWTOMATIKONG NAPALINGON NA si Everly sa matanda. Oasis Hospital? Hindi ba at ang hospital na iyon ang itinuro ng kanyang Lola sa kanya upang umano ay mag-report siya. Doon siya nito nais na magsimulang mag-aral at mag-trabaho.“Mr. Lim, gaano po kayo kadalas magkaroon ng leg cramps? Tumawag na po kami sa 911, paniguradong on the way na ang tulong. Kumalma lang po kayo. Huwag na kayong mag-alala.” subok ng staff na pakalmahin ang matanda dahil doon.Walang inaksayang pagkakataon si Everly na nakipagsiksikan na sa crowd upang makalapit lang sa kanilang pwesto. “Excuse me! Padaan!” “Ano ba iyan? Kung makatulak naman! Sino ba iyan?”“Ewan ko nga, naapakan niya pa nga ako!” “Kala mo naman makakatulong sa maysakit. Malamang gusto lang din niyang maki-tsismis.”“Kaya nga. Daig pa ang siya ang makakaligtas kay Mr. Lim. Tingnan mo nga may takip pa ang mukha!” Masama silang tiningnan ni Everly ngunit ilang saglit lang. Wala siyang panahon para patulan ang mga ito. Ano pa ba ang aasahan niya