Home / Romance / Rekindled Romance After Divorce / Chapter 44.1: Boyfriend

Share

Chapter 44.1: Boyfriend

last update Last Updated: 2025-05-16 17:10:04

EXCITED ANG LAHAT nang sumapit na ang labasan. Halos mag-unahan sila palabas upang magtungo na sa napag-usapan nilang japanese restaurant. Kinapa-kapa ni Everly ang bulsa at maging ang loob ng kanyang bag. Hindi niya makita doon ang kanyang cellphone. Saka pa lang niya naalala na mukhang naiwan niya iyon sa table niya. Hindi niya ito nalagay sa bag.

“Una na kayo ha? Susunod ako.” sambit niya sa mga kasabay na maglakad papalabas.

“Ha? Bakit?”

“Naiwan ko ang phone ko.”

“Aww, o sige. Sumunod ka ha? Baka mamaya dumiretso ka ng uwi.”

Pagak na tumawa si Everly. Hindi niya ugali ang mang-indian, syempre kay Lizzy lang niya iyon ginawa noong siya ay si Lord S dahil deserved niya ang hindi siputin at pagmukhaing tanga. Natigilan siya pagpasok niya sa loob ng pintuan ng kanilang office nang may narinig siyang parang may nahulog sa sahig. Binuksan niya ang switch ng ilaw dahilan upang kumalat doon ang liwanag. Napakurap siya nang makita niya ang bulto doon ni Nadia. Nakaawang ang bibig na m
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (3)
goodnovel comment avatar
Che Palmes Cordero
Dapat punta din c Harvey
goodnovel comment avatar
Jannett Padernilla
thank you sa update....bukas ulit.....
goodnovel comment avatar
Snobsnob
Hanggang ngayon wala pa ding nakakaexcite sa mga updates mo author ah? For me lang naman no offense po.
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Rekindled Romance After Divorce   Chapter 44.1: Boyfriend

    EXCITED ANG LAHAT nang sumapit na ang labasan. Halos mag-unahan sila palabas upang magtungo na sa napag-usapan nilang japanese restaurant. Kinapa-kapa ni Everly ang bulsa at maging ang loob ng kanyang bag. Hindi niya makita doon ang kanyang cellphone. Saka pa lang niya naalala na mukhang naiwan niya iyon sa table niya. Hindi niya ito nalagay sa bag. “Una na kayo ha? Susunod ako.” sambit niya sa mga kasabay na maglakad papalabas. “Ha? Bakit?” “Naiwan ko ang phone ko.” “Aww, o sige. Sumunod ka ha? Baka mamaya dumiretso ka ng uwi.” Pagak na tumawa si Everly. Hindi niya ugali ang mang-indian, syempre kay Lizzy lang niya iyon ginawa noong siya ay si Lord S dahil deserved niya ang hindi siputin at pagmukhaing tanga. Natigilan siya pagpasok niya sa loob ng pintuan ng kanilang office nang may narinig siyang parang may nahulog sa sahig. Binuksan niya ang switch ng ilaw dahilan upang kumalat doon ang liwanag. Napakurap siya nang makita niya ang bulto doon ni Nadia. Nakaawang ang bibig na m

  • Rekindled Romance After Divorce   Chapter 43.3: Gifts

    APURANG TUMINDIG NA si Everly habang parang pira-piraso ng isang puzzle ang kanyang mukha. Hindi niya inalis ang tingin sa lalaki na seryoso na rin ang tingin sa kanya. “Anong ginagawa niyo dito?”Imposible naman na pabantayan siya ng kanyang Lola sa mga ito habang nagtra-trabaho.“Miss Golloso, napag-utusan lang po kami ng Lola mo na dalhin ito bilang paunang regalo sa mga kasamahan mo sa departamento.” si Yves iyon, ang lider ng mga bodyguard ng matanda.Pagsabi niya noon ay pumasok na ang ilan pa sa mga member ng kanilang grupo at namigay na ng mga box na kanilang dala. Puno ng ingat na inilapag nila iyon sa mesa ng bawat isa. Sa loob ng box na iyon ay may homemade pastries at cold drinks na kasama. Kumbaga, merienda. Inilibot ni Yves ang kaniyang mga mata sa paligid, seryoso at cold man ay hindi maikakailang gwapo ang lalaki. Hindi tuloy maiwasan ng ibang mga doctor na kiligin dito.“Ipinapasabi ni Donya Antonia na sana ay ma-enjoy niyo ang inihanda niya.” Nagpalakpakan ang kar

  • Rekindled Romance After Divorce   Chapter 43.2: Planong Dinner

    PAGKASABI NI EVERLY noon ay may isang lalaki ang pumalakpak mula sa kanilang likuran dahilan upang mapalingon silang lahat upang tingnan kung sino ito."Paano ang kagaya niyang bata pa sa mundo ay maniniwala na may miracle doctor? Ini-exaggerate niyo na lang naman masyado ang tungkol sa kanya!” “Hindi namin ini-exaggerate. Mismong si Mr. Lim na ang nagsabi noon. Sa tingin mo bakit sasabihin niya iyon kung hindi iyon totoo? Nagsisinungaling siya?”Napatitig na si Everly sa doctor na iyon na halatang nasa thirties na pero may maganda itong appearance. Bumaba ang mata ng babae sa name tag ng doctor na iyon, Deputy Director Zane Matias. Ito ang nakalagay.“Deputy Director Matias, mayroon po talagang miracle doctor na nag-e-exist. Babae. Tinatawag nila itong Doctor Stacy. Napakagaling niyang doctor.” pakikipagtalo ni Helena na may nais patunayan dito.Walang humor ang naging pagtawa ng lalaki. “Kung totoo nga na may miracle doctor sa mundo na kayang pagalingin ang kahit na anong sakit, s

  • Rekindled Romance After Divorce   Chapter 43.1: Free Trial

    NAPAHAGIKHIK AT NAPAHAWAK na sa tiyan niya sa tuwa si Everly nang mabasa niya ang message ng kanyang asawa. Nakikinita na niya ang mukha nito. Malamang nagtagumpay siyang galitin si Lizzy at iwanan ito dahil hindi ito magpapadala ng message sa kanya kung naroon pa ang babae. Tama naman lahat ng sinabi niya kay Lizzy. Wala naman doong pawang kasinungalingan lang o basta inimbento na lang niya kanina. Nais pa niyang paglaruan ang damdamin ni Roscoe dahil bored siya kaya naman nag-reply siya. Everly: Totoo naman ang lahat ng sinabi ko di ba? Alin doon ang kasinungalingan? Sinusubukan lang din naman kitang tulungan na patibayin ang relasyon niyo. Kung nagalit siya nang hindi nakinig sa paliwanag mo, malamang hindi ka niya talaga lubos na mahal. Magpasalamat ka pa nga sa akin, free trial niyo iyon eh.Nameywang na si Roscoe nang mabasa niya ang message ni Everly. Napakagaling talaga nitong manggalit. Hindi naman nito kailangang sabihin ang tungkol sa bagay na nangyari kay Lizzy, sinadya

  • Rekindled Romance After Divorce   Chapter 42.3: Pang-aalaska

    TILA NANUYO ANG lalamunan ni Everly nang marinig niya ang sinagot ni Roscoe. Pakiramdam niya ay biglang bumilis din ang tibok ng kanyang puso na kulang na lang ay lumabas sa kanyang lalamunan. Patuloy pa rin ang lalaki sa kanyang ginagawang paglilinis ng mga sugat niya sa braso. Tumagal pa ang tingin niya sa mukha ni Roscoe na nakatungo kung kaya naman mas napagmasdan niya ang mukha nitong matagal na niyang di nagagawa. Pakiramdam ng babae ay biglang nag-slow motion ang kanilang paligid sa mga oras na iyon. Napalunok pa siya ng laway habang nakatitig pa rin sa mukha. Patuloy na malakas na umaalingawngaw ang tibok ng puso na kulang na lang ay mabingi siya. Ganun na lang ang gulat ng doctor pagbalik niya sa loob ng silid at nagawa ng linisan lahat ni Roscoe ang mga sugat niya na pwede naman palang di na pumunta.“Wala naman ng iba pang kailangan. For the meantime, huwag ka na lang munang kumain ng maanghang at malalangsa. Huwag ka ‘ring magbababad sa tubig habang patuyo na ang mga ito.”

  • Rekindled Romance After Divorce   Chapter 42.2: Hindi Nakakalimutan

    NAGBUHOL PA ANG mga kilay ni Roscoe ang sinabing iyon ni Everly. Umaarte? Iyon ang tingin nito sa kanya? Ayos ah! “Aarte ng ganito? Sa tingin mo nag-iinarte lang ako, Everly? Hindi pwedeng ginagawa ko lang kung ano ang tama?” Pinili na lang ni Everly na manahimik keysa ang makipagsagutan pa kay Roscoe. Mas madiin niyang itinikom ang bibig nangn makita niyang nilingon na siya ng asawa na para bang hinihintay nito na mayroon pa siyang sabihin sa kanya. “Hindi ba dapat matuwa ka—” “Bakit naman ako matutuwa? Mas matutuwa ako kung si Harvey ang—”“God damned it, Everly!” hampas na ni Roscoe sa kaharap niyang manibela na dumalas na ang hinga, “Ilang beses ko bang sasabihin sa’yo na ako ang sasama sa iyo sa hospital at hindi ang kung sinong lalaki na hindi mo kaanu-ano!” Sa halip an sumagot pa ay sinubukan na lang ni Everly na buksan ang pintuan ng sasakyan na naagapan namang ma-locked ni Roscoe. Hindi siya papayag na makababa ang asawa sa loob ng sasakyan gayong nagawa na itong ma-trap

  • Rekindled Romance After Divorce   Chapter 42.1: Emosyon ni Roscoe

    PILIT NA NAG-UMALPAS si Everly nang makita niya ang planong gawin si Roscoe sa kanya kung kaya naman nahila na nito ang kanyang braso kung saan ay nadiinan ang kanyang sugat. Maluha-luha na siyang napadaing sa nararamdaman. “Nasasaktan na ako, Roscoe. Ano ba? Ang braso ko!” Napabitaw na doon si Roscoe lalo na nang makita niya ang paiyak na mukha ng asawa. Sumama pa ang tingin ni Everly sa kanya na marahang hinaplos ang kanyang braso kung saan ay aksidenteng natamaan iyon ng kanyang mahigpit na kapit.“Ano ba talagang kailangan mo sa akin ha? Bakit ba ipinipilit mo ang sarili mo? Pinagsisiksikan mo?!”Hindi siya nito gusto noon pa man, ngayong lumalayo na siya ito naman ang lapit nang lapit. Si Lizzy ang palagi nitong pinipili kaya bakit ngayon, patuloy pa rin siya nitong pini-peste? Sumang-ayon na nga siya sa divorce na gusto nito. Bakit palagi itong nagpapakita sa kanya sa malamya nitong dahilan na asawa niya? Hindi na malaman ni Everly kung totoo pa ang ipinapakita nito sa kanya.

  • Rekindled Romance After Divorce   Chapter 41.3: Not Considered Divorce

    MATULING LUMIPAS ANG tatlong araw. Hindi nakalimutan ni Everly na may appointment siya noon para sa injury.“Sasamahan kitang pumunta ng hospital.” turan ng kanyang ina na bahagyang ikinagulat niya, ang buong akala niya ay hindi na iyon natatandaan pa nito. “Hindi pwede na may maiwang mga peklat sa balat mo kaya sasama ako. Kailangan na kung ano ang appearance ng mga iyan noon ay iyon pa rin paggaling ng mga sugat. Para lang makasigurado tayo, anak.”Lantarang iniiling ni Everly ang kanyang ulo at pinunasan na ng tisyu ang gilid ng kanyang labi. “Hindi na kailangan, Mommy, sasamahan naman ako ni Harvey.” “Oh? Sinabi niya iyon na sasamahan ka niya?” Tumango lang si Everly. “Mabuti naman kung ganun, hindi ako mag-aalala sa’yo na wala kang kasama.” maligayang turan pa ng kanyang ina.Biglang sumulpot ang isa sa mga maid na nariyan na umano ang kanyang sunod kung kaya naman maligayang tumayo na si Everly at muling nagpaalam sa kanyang pamilya na kasalo nila sa hapag-kainan. Kailangan

  • Rekindled Romance After Divorce   Chapter 41.2: Hindi Aamin

    KULANG NA LANG ay mabulunan si Roscoe sa kanyang sariling laway na naubo na. Hindi na niya nagawa pang magsalita muli. Pamartsa na siyang iniwan ni Everly upang pumasok sa loob ng kanilang mansion. Sinundan na lang ito ni Roscoe ng tingin gamit ang malungkot na mga mata. Nahimasmasan lang siya at bumalik sa kanyang sarili nang mag-ring ang cellphone niya. Nang tingnan niya ito ay si Alexis iyon. “Mr. De Andrade, nakatanggap ako ng email mula sa secretary ng Villacorta Corporation at pinapa-give up nila sa atin ang at least three more points dahil kung hindi raw ay ite-terminate nila ang cooperation sa atin. Nang mag-imbestiga ako, nalaman ko na ang CEO nila at si Mr. Maqueda ay nag-set ng meeting kahapon dahil interesado rin umano ito na makipag-cooperate sa kanila. Ipinapaalam ko lang po iyon.”Umigting na ang panga ni Roscoe doon, si Harvey na naman ang kanyang problema? Bakit ba pakalat-kalat ang lalaking iyon na mapa-negosyo at asawa niya ay palaging gustong maging hadlang at pum

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status