HINDI NA MAITAGO ang gulat sa mukha ni Everly na sa halip na sermon ang sumalubong sa kanya, inuutusan lang siya nitong bumalik sa iniwan niyang trabaho? Seryoso ba ang head nila? Kung sa kanyang Lola niya iyon ginawa, paniguradong nasampal na siya upang magtanda siya. Tahimik na humakbang si Everly palapit sa table ni Dorothy. Baka nagkamali lang siya ng dinig.
“Doctor Santibaniez, I’m sorry…”
“It doesn’t matter. Lahat naman tayo ay pinagdadaanan ang ganitong stage ng buhay.”
Nakikita pa rin ni Dorothy si Everly sa kanyang sarili noong bagong salta siya sa industriya kung kaya naman hindi niya masisisi kung gumamit man ito ng dahas upang may ipagtanggol lang. Sa una magiging ganito talaga ito, pero alam niyang sa pagdaan ng m
HINDI NA MAITAGO ang gulat sa mukha ni Everly na sa halip na sermon ang sumalubong sa kanya, inuutusan lang siya nitong bumalik sa iniwan niyang trabaho? Seryoso ba ang head nila? Kung sa kanyang Lola niya iyon ginawa, paniguradong nasampal na siya upang magtanda siya. Tahimik na humakbang si Everly palapit sa table ni Dorothy. Baka nagkamali lang siya ng dinig.“Doctor Santibaniez, I’m sorry…”“It doesn’t matter. Lahat naman tayo ay pinagdadaanan ang ganitong stage ng buhay.”Nakikita pa rin ni Dorothy si Everly sa kanyang sarili noong bagong salta siya sa industriya kung kaya naman hindi niya masisisi kung gumamit man ito ng dahas upang may ipagtanggol lang. Sa una magiging ganito talaga ito, pero alam niyang sa pagdaan ng m
GALAITING SINIPA ni Everly ang lalaki sa mukha nang walang anumang salita. She hooked the man’s neck, clamped it hard and forced him back to the pillar on the side. Everly raised his knee fiercely and slammed it directly into the man’s face. Paulit-ulit niya iyong ginawa. Gulantang na pinanood lang siya ni Roscoe na sunod-sunod ng napalunok ng sariling laway na para bang nanonood siya ng action movie ng live. Hindi makapaniwala na marunong itong makipaglaban? Itinapon ni Everly ang lalaki sa sahig with a fierce back throw. Bingi na siya sa sigawan ng mga taong pilit na siyang inaawat at natatakot na baka mapatay niya ang lalaking kanyang kalaban.“Hindi ba babae ang ina mo at ganyan ka trumato ng mga babae ha?!” Duguan na ang gilid ng labi ng lalaki na pumutok. Tulalang napatitig na ito sa kisame. Malamig ang tinging ipinukol sa kanya ni Everly. She lightly rubbed the corner of her mouth with her fingertips. Dinuro niya ang nakahiga pa ‘ring lalaki na iniinda ang sakit ng likod. Di m
PUNO NG KUMPIYANSANG sinalubong ni Everly ang matalim na mga tingin ng lalaki sa kanya. There were things she had never understood before, but now she understood them all after being hurt all over by Roscoe. Katangahan lang kung pipiliin niyang magpa-under sa isang lalaki lalo na kung nakikita naman niyang hindi rin naman siya nito pinapahalagahan. “Stop meddling in other people’s business here!” marahas na sigaw ng lalaki kay Everly kung saan ay nanlilisik ang kanyang mga matang nakaburo sa mukha ng babae, “Pwede ba ha?!”“Hindi naman ako nakikialam sa kung anong problema niyong mag-asawa. Sobrang nakakatamad kaya. Sumingit lang ako at nagsalita dahil masyado mong minamaliit ang mga babae.” kalmado ang boses na sagot ni Everly na humakbang papalapit sa lugmok na lalaki. “Hindi mo ba alam na sa panahon ngayon pantay na ang karapatan ng mga babae at lalaki? Huwag kang mangdikta sa kung ano ang gustong gawin ng asawa mo sa buhay niya. Karapatan niyang mamili kung susuko na siya o lalab
NANLAMIG NA ANG katawan ni Everly nang marinig niya ang malakas ng boses ni Dorothy. Paniguradong nakita nitong kausap niya ang pasyente nila kanina. Nang lingunin niya ay tama nga ang hinala niya. Nakita siya nito dahil sa seryoso na nitong mga mata. Muli ni Everly ang kausap niyang pasyente, ngunit likod na lang naabutan niya dahil umalis na ito. “Hindi tayo pwedeng magkaroon ng private contact sa mga pasyente!” may diin pa rin nitong sambit na nanunuot sa pandinig ni Everly, “Bakit ang tigas ng ulo mo? Ayaw mong makinig?”Napayuko na si Everly. Sanay naman siya ang masigawan ngunit, ang mas nagpalungkot pa sa kanya ay nang maalala niya ang hitsura at suliranin ng babae. Wala itong kalayaang gawin.“Pumunta ka sa unang palapag at kunin mo ang lahat ng mga kailangan ko. Bumalik ka rin agad.” paalala ni Dorothy na ini-abot ang listahan ng mga pinapakuha nito sa nurse station.Habang pababa sa unang palapag ay binalikan ni Everly sa kanyang isipan ang mga pasyente na dumaan sa kamay
WALA NA SIYANG inaksayang pagkakataon at sinundan na ang mag-asawa na kulang na lang ay madapa ang babae sa ginagawang marahas na pagkaladkad sa kanya papalabas ng asawang lalaki. Uminit pa ang ulo doon ni Everly na hindi na natutuwa sa kanyang mga nakikita. Kailangang bigyan ng leksyon ang lalaking iyon nang sa ganun ay magtanda rin ito.“Doctor Golloso, saan ka pupunta?” tawag sa kanya ni Dorothy na may mariing mga titig, puno ng pagbabanta ang mga tinging ipinupukol sa kanya. Alam na ni Everly ang ibig sabihin doon ng kasama niya. “Hindi pa tayo tapos dito!” Nilingon na niya ang head nila at nakita niya ang pagiging seryoso ng mukha nito. Iyong tipong kapag hindi niya sinunod ay pihadong malilintikan siya dahil bibigyan din siya nito ng matinding parusa. Huminga siya nang malalim upang kalamayin ang sarili. Kailangan niyang kumalma. Hindi rin siya dapat nagpapadala sa bugso ng kanyang damdamin doon.“Isa kang doctor na makakatulong upang mapagaling ang mga may sakit, huwag mo sana
HUMIHIKAB NA SINUOT ni Everly ang kanyang tsinelas na pangbahay at nagtungo sa banyo. Ilang beses pa siyang nag-inat nang maramdaman ang pananakit ng buo niyang katawan. Napahawak na siya sa kanyang dibdib ang babae at bahagyang napaatras sa may pintuan ng banyo nang makita ang kanyang mukha sa salamin. Kalat ang make up at ang eyeliner niya.“Langya! Anong nangyari sa aking mukha?!” bulalas niyang nandidilat na ang mga mata.Malakas na siyang natawa nang mapagmasdan pa ang kanyang mukha. Naghilamos na siya. Habang tinutuyo ang mukha ng maliit na towel ay pinag-isipan niyang mabuti kung ano ang nangyari nang nagdaang gabi. Wala na naman siyang maalala. Paniguradong blackout siya. Matapos na ayusin ang kanyang sarili ay nagmamadali na siyang bumaba dahil sa gutom.“Ano na namang nangyari sa anak mo? Naglasing na naman?!” narinig niya ang boses ng ama, paniguradong siya na naman ang tinutukoy, “Hindi marunong magtira ng pang-uwi!”Natigilan siya sa pagbaba niya ng hagdan. Pinakinggan pa