Pigil ang hininga ay nagdadalawang isip si Leandra na bumaba sa sasakyan. Isang buntonghininga ang kaniyang iginawad bago muling tinignan ang sarili.
Suot-suot ang itim na bestidang hapit sa kaniyang katawan at umabot lamang hanggang sa kaniyang hita. Labas ang kaniyng balikat dahil sa manipis na strap nito habang ang kaniyang mga buhok ay bahagyang nakakulot at hinayaan lamang ito sa kaniyang balikat. “Bakit ka ba kinakabahan, Lea? Sila Reiwon lang ‘yan! Hindi nga ‘yan kinabahan nung niloko ka niya, eh!” Hindi mapigilan ni Leandra ang matawa dahil sa sinabi ni Kara na kasalukuyang pinag-maneho siya patungo sa bahay nang dating kasintahan. “Iba kasi ngayon, Kara. Alam mo namang sanay silang naka-daster ako at hindi ganito . . . ” Totoo ang sinabi ni Leandra. Dahil sa kagustuhan ni Reiwon, ni hindi na nakapagsuot nang maiikling damit si Leandra na siyang kinasanayan na niya bago pa ikasal sa lalaki. Inis na tinignan lamang siya ni Kara, “And? Ano? Nakipaghiwalay na siya, susundin mo pa rin gusto niya?” Sa kalooban ni Leandra ay hindi niya mapigilan ang tumango sa sinabi ni Kara. Ilang taon niyang tiniis na baguhin ang halos buong pagkatao niya upang magustuhan lamang ng kasintahan ngunit sa huli ay nagloko pa rin ito. Ngumiti si Leandra. “Sige na, Kara. Papasok na ako, salamat, ha?” Isang tango ang isinagot ni Kara habang ang mga mata ay naghahalong may awa’t kumpyansa. Mabilis na bumaba si Leandra sa sasakyan at tinitigan ang bahay sa kaniyang harapan. May kakaibang kirot ang naramdaman ni Leandra sa kaniyang puso. Kung noon ay madaling araw pa lamang ay narito na siya sa bahay na ito upang tumulong sa pagluluto at paghahanda samantalang ngayon ay narito siya bilang isang bisita. Isang malakas na buntonghininga ang kaniyang ginawa bago tuluyang naglakad papasok ng bahay. Nang pagbuksan ng pinto ay kita ang gulat sa mata nang kanilang kasambahay. “Ma’am Leandra . . . ?” patanong na bati ng kasambahay. Isang maliit na tango lamang ang naisagot ni Leandra at ngumiti. “Magandang hapon. Nasaan sila Reiwon?” Tila ba nahihiwagaan ang kanilang kasambahay dahil hindi na ito muli pang nagsalita at inanyayahan ma lamang siya patungo sa kusina. Habang papalapit ay pilit nang inihahanda ni Leandra ang kaniyang sarili lalo na nang marinig niya ang tawanan na nagmumula sa kusina. “Sir, narito na po si Ma'am Leandra.” Taas noong tumayo si Leandra sa bukana nang kusina nang ianunsyo ng kasambahay ang kaniyang pagdating. Mabilis na dumako ang kaniyang paningin sa hapag at halos manikip ang kaniyang dibdib. Sa kanang bahagi ay naroon nakaupo ang Ina ni Reiwon, kapatid nito, si Reiwon at ang nobya nitong si Anastasia. Habang sa kabila naman ay ang magulang ni Anastasia at iisang bakanteng upuan sa tabi nito na nasa kaliwang bahagi ng upuan ng Lolo ni Reiwon. “Magandang hapon po, Sir.” Kitang kita ang paglukot ng mga mukha nila habang ang matanda naman ay malaking ngumiti. Sumenyas ito dahilan upang mabilis na maglakad si Leandra papalapit rito. “Maupo ka, Iha.” Ngumiti si Leandra. Sa kaniyang pag-upo ay hindi niya mapigilan ang mapatingin sa harapan kung saan masama ang tinging iginagawad ni Reiwon sa kaniyan kasuotan. “Tss. Ilang araw pa lang tayong divorce, ganiyan ka na manamit?” Pakiramdam ni Leandra ay sinaksak siya nito diretso sa dibdib. Rinig pa ang mahinang hagikhikan ng Ina nito at kapatid. Hindi rin nakatakas sa kaniyang paningin ang simpleng paghaplos ni Anastasia sa braso nito na tila ba pinakakalma ang kaniyang dating kasintahan. "Wala kang karapatang magsalita, Reiwon!” Tila ba may dumaan na anghel nang sumigaw ang Lolo nito. Bahagyang napaayos ng upo si Leandra nang hatawin pa nito ang lamesa. “Wala ka nang ibang ginawang maganda! Ilang araw pa lamang kayong hiwalay pero may dinadala ka nang babae sa hapag ko! Inimbitahan ko ba ‘yan?” Rinig ang malakas na pagsinghap ng kung sino. Ang mga magulang ni Anastasia ay bahagyang napayuko ngunit kita pa rin ang yabang sa kanilang mga mukha. “Come on, Lo. Don't say that! Girlfriend ko si Anastasia and we're gonna get married!” Hindi mapigilan ni Leandra ang mapasinghal. Pakiramdam niya ay kawalang respeto ang pag-anunsyo nito sa harapan niya mismo. Nalukot ang kaniyang mukha at pakiramdam niya’y anumang oras ay maluluha siya. Bago pa man makakilos si Leandra ay naramdaman niya ang paghaplos ng kamay sa kaniyang braso. Nang lingunin ay nakatingin sa kaniya ang matanda at puno nang awa ang mukha nito. Hindi mapigilan ni Leandra na maalala na hindi siya makakasal kay Reiwon kung hindi dahil sa Lolo nito. Ito ang nagpursigi na makuha ang kaniyang loob upang ikasal kay Reiwon, na ngayon ay kaniyang pinagsisisihan. “Leandra . . . Iha, pasensya na sa ginawa ng aking apo, hmm? Alam kong sobra kang nasaktan at kinahihiya kong dahil ‘yon sa pamilya ko.” Walang namutawing salita kay Leandra. Nanatili lamang itong seryoso ang mukha at bahagyang iniyuko ang ulo. Hindi itong salo-salo ang kaniyang inaasahan. Inasahan na niyang magiging magulo ito ngunit hindi niya inasahang magiging emosyonal ito. Bahagyang napatingala si Leandra nang tumayo ang matanda. Lumapit ito sa isang kasambahay ay may binulong. Sinubukang ilibot ni Leandra ang paningin ngunit kataka-takang iisang reaksyon lamang ang nakita niya sa mga ito. Gulat at takot. Bahagyang kumunot ang kaniyang noo at binalik ang tingin sa matanda. Kasalukuyan itong nakatayo at tila ba hinihintay ang kasambahay. “Lo, it's not what we think it is, right?” Bahagyang tumawa si Reiwon ngunit bakas dito ang kaba. Mas lalong kumunot ang noo ni Leandra nang masamang tinignan siya ng lalaki at ng mga kasama nito. Dahil doon ay tila ba hindi na rin siya napakali at para bang ang mga segundong lumilipas ay kasabay nang pagtibok ng kaniyang puso. Sabay-sabay silang napalingon nang marinig ang mga mabigat na yabag ng matanda. Nakangiti ito at dahan-dahang naglalakad pabalik sa lamesa habang may hawak-hawak na puting envelope. Pigil ang hininga ni Leandra nang iabot sa kaniya ito nan matanda. Rinig nya ang malakas na pagsinghap ng mga kasama at ang sigaw ng pagtutol ni Reiwon. “Pasensya na, Iha. Ayan lang ang kinayanan kong regalo para sa‘yo. Sana’y hindi ka galit sa’kin.”Nasa bahay ni Kara si Leandra, nakaupo sa malambot na sofa habang hawak ang isang tasa ng mainit na tsaa. Sa tabi niya, abala si Kara sa pag-aayos ng ilang papel sa lamesa—mga lecture notes at reviewer na magagamit ni Leandra para sa kanyang pag-aaral."Okay," sabi ni Kara, inaayos ang kanyang salamin habang tinitingnan ang mga notes. "Alam kong marami kang iniisip ngayon, pero kailangan mong bumalik sa realidad. May exam ka sa isang linggo, at hindi mo pwedeng balewalain 'to."Napabuntong-hininga si Leandra at sumandal sa sofa. "Alam ko. Pero ang hirap mag-focus, lalo na pagkatapos ng nangyari."Tumingin si Kara sa kanya, halatang nababasa ang iniisip niya. "Draven?"Umiling si Leandra, pero halata sa kanya na nagsisinungaling lang siya. Napairap si Kara bago umupo sa tabi niya."Huwag mong lokohin ang sarili mo," sabi ni Kara, sabay kuha ng isang unan at itinapon ito kay Leandra. "Halata naman na iniisip mo pa rin siya. At let me guess—may kinalaman din ang kapatid niya sa kung baki
Nagising si Leandra sa malambot na kama, ramdam pa rin ang panghihina sa kanyang katawan. Ang liwanag ng umaga ay malumanay na pumapasok sa kwarto, bumabalot sa paligid ng mapayapang ambiance. Unti-unting bumalik ang kanyang diwa, at doon niya napansin na hindi siya nag-iisa. Sa tabi ng kama, nakaupo si Kara, nakasuot ng isang simpleng white blouse at jeans, may bahagyang kunot sa noo habang nakatingin sa kanya. “Good morning, sleepyhead,” bati ni Kara, may halong pag-aalala sa boses. “Kumusta ang pakiramdam mo?” Napasinghap si Leandra at dahan-dahang bumangon, ngunit agad niyang naramdaman ang bahagyang pagkahilo. Mabilis namang inalalayan siya ni Kara. “Easy lang,” sabi ni Kara, maingat na inayos ang unan sa likod niya. “Hindi mo ako puwedeng biglain ng ganyan. Buti na lang tinawagan ako ni Draven, kung hindi, baka napabalikwas ako sa kama sa sobrang gulat.” Bahagyang kumunot ang noo ni Leandra. “Tumawag siya sa’yo?” Tumango si Kara. “Kaninang madaling-araw. Sinabi niyang nan
“Why are you dong this?” mahinang tanong ni Leandra, halos bulong, habang pilit na nilalabanan ang sariling kahinaan. Hindi kumurap si Draven. Ang titig niya’y parang binabasa ang kaluluwa ni Leandra, tila gustong sirain ang mga pader na matagal niyang itinayo. Bago pa siya makapagsalita, isang malutong na boses ang sumingit sa tensyon. “Well, isn’t this a cozy little scene?” Sabay silang napalingon sa pinto, kung saan nakatayo si Mara. Suot nito ang isang cream trench coat at mataas na leather heels, na nagbigay-diin sa kanyang kagalang-galang at elegante niyang itsura. Ang kanyang maayos na nakapusod na buhok ay kumikintab pa sa kaunting ulan. Hawak niya ang ilang mamahaling shopping bag sa isang kamay at ang isang payong na basa pa sa kabila. “Mara,” mahinang sabi ni Draven, ang boses niya’y mababa ngunit kontrolado. Tumayo siya nang tuwid, agad na bumalik ang kanyang awtoridad sa eksena. “Maaga kang nakauwi.” “I don’t recall needing permission to return to my own apartment,”
Pagkatapos ng tensyonadong sandali sa ilalim ng ulan, halos hindi na nag-usap sina Draven at Leandra sa biyahe papunta sa apartment ni Mara. Tahimik ang sasakyan, tanging ang tunog ng wiper na naglilinis ng basang windshield ang maririnig. Paminsan-minsan ay pasimple si Leandra na sumusulyap kay Draven. Basa pa rin ang damit nito, at ang patak ng ulan ay tila nagpapatingkad sa matipunong pangangatawan niya. Ang lalim ng tingin nito habang nagmamaneho ay nagdudulot ng kakaibang init sa dibdib ni Leandra na pilit niyang nilalabanan. “We’re here. This is Mara’s apartment. Ginagamit niya pag may pasok. Help your self out.” Nang makarating sila sa apartment, agad na binuksan ni Draven ang pinto at tumungo sa banyo. Si Leandra naman ay naiwan sa sala, nagbabantay habang pinupunasan ang sarili ng maliit na tuwalya na nakuha niya sa bag. “May mga damit akong pwedeng mahiram kay Mara,” bulong niya sa sarili, ngunit ang isip niya’y abala pa rin sa nangyari kanina. Paulit-ulit na bumabalik s
Naguguluhan ay halos dalawang beses umiling si Leandra. Mariin ang titig niya sa lalaki na para bang sinisisid kung ano ang nasa utak nito.“What?” Bakas sa boses ni Draven ang inis.Tinapunan nito ng masamang tingin si Leandra ngunit para sa babae ay kakaiba ang tingin nito. Tila ba hinihipnotismo nito ang kaniyang kaluluwa. Sa lalim ng tingin nito ay kada segundo’y pakiramdam niya ay hindi siya makahinga.“Hey, I said get in.” Ang baritonong boses ni Draven ang nakapagbalik sa kaniyang ulirat. Ang kaniyang mga kilay ay mas lalo pang kumunot at mas sumama ang tingin sa kaniya.Napaayos ng tayo si Leandra at napalunok bago muling umiling. “No Sir, we’ve talked about this. Salitan ang pagpunta ko kay Mara dahil may klase rin ako.”Kita ang pagtutol sa mata ni Draven. Tiim bagang itong tumingin sa kaniya at tila ba pinaglalaruan ang dila sa loob ng kaniyang pisngi.“Uuwi ako kay Kara, Sir. Salamat.”Mabilis na tumalikod si Leandra at walang lingunang sumakay sa isang bus. Ang totoo ay
Habang ang mga tahimik na tunog ng mga estudyante sa loob ng klase ay nagiging kabuntot ng mga pag-uusap, nakaupo si Leandra sa likuran ng silid, tahimik na nakikinig sa lektura ng propesor. Ang paksa ng araw na iyon ay tungkol sa mga teorya ng developmental psychology—isang mahalagang aspeto ng kurso na siyang siyang magiging pundasyon ng kanyang mga susunod na pag-aaral. Pinag-aaralan nila ang mga sikolohikal na pagbabago mula sa pagkabata hanggang sa pagtanda, at paano ito nakakaapekto sa pagbuo ng personalidad.“Sa bawat yugto ng buhay, nagkakaroon tayo ng mga pagbabago,” wika ng propesor, “na humuhubog sa ating pananaw, ugali, at mga reaksyon sa mga nangyayari sa ating paligid. Ang ating mga relasyon sa iba, lalo na sa ating pamilya at mga kaibigan, ay may malaking papel sa ating pag-unlad.”Habang nag-iisip, napansin niyang may babaeng sumulyap sa kanya mula sa gilid ng kanyang mata. Hindi na bago ang mga matang iyon na minsan ay nagmamasid o nagmamasid sa mga kasama sa klase. N