Share

07

Penulis: ajixaya
last update Terakhir Diperbarui: 2024-11-02 16:02:50

Ilang beses na kinurap ni Leandra ang kaniyang mga mata upang siguraduhin kung tama nga ba ang nababasa niya. Ang papel na hawak niya ang dokumentong naglalaman ng titulo ng lupa, bnahay at iilang ari-arian na nakapangalan sa kaniya. 

 Bahagya niyang itinaas ang kaniyang paningin at mabilis na nasalubong ang matalim na tingin ng dating kasintahan. Ang tapang na nararamdaman ni Leandra kanina ay tila ba napalitan ng kagulumihanan at hiya. 

"Ayan ang magsisilbing pahiwatig na nagtapos ang pamilya natin sa maayos na sitwasyon, Leandra. Okay?”

Hindi na kailangan pang lumingon ni Leandra. Kahit mahinahon ang boses ng matanda ay alam niyang pagbabanta ito. Palibhasa, malaking kasiraan sa kanila kung malaman ng masa ang kalokohan ng kaniyang apo.

Isang malakas na buntonghininga ang pinakawalan ni Leandra at taas noong nilingon ang buong pamilya ni Reiwon. Hindi niya mapigilang mapangisi nang sarkastiko matapos makita ang nanlilisik na mata ng kaniyang biyenan.

Nginitian niya ito. “Maraming salamat po rito . . .” Dahan-dahang niyang itinaas ang papel at mapang-asar na ngumiti. “Pangakong walang makakaalam kung anong nangyari.”

Isang malaking ngiti pa ang muling iginawad ni Leandra bago eleganteng tumayo. Nilingon niya ang matanda at bahagyang yumuko upang magpaalam rito.

“Thank you, Lo. Seriously, there's no need for this but . . . thank you, I guess?”

Mabilis na tumalikod si Leandra at tinahak ang palabas. Rinig niya pa ang mahihinang bulungan nang mga kasambahay na nasa paligid ngunit ipinagwalang bahala na niya ito. Pakiramdam ni Leandra ay mayroong bumara sa kaniyang dibidb. 

Nang tuluyang makalabas sa bahay ng dating kasintahan ay hindi nito napigilan ang tuminging muli. Pakiramdam niya ay ito na ang huling pagkakataon na makakatungtong siya rito. Samu’t saring emosyon ang kaniyang naramdaman ng sunod-sunod na dumaloy sa kaniyang isipan ang mga memorya niya sa bahay na ito.

“Leandra!” 

Hindi pa man nakakalingon sa Leandra ay halos mapatalon siya nang isang malakas na busina ang nagmula sa kaniyang likuran. Sa nanlalaking mga mata ay mabilis niya itong nilingon at nagulat nang makita ang nakangiting mukha ni Kara.

“Felt like you won’t last long with them and I was right! Hinintay kita, beh!” 

Hindi maiwasan ni Leandra ang mapangiti. Pakiramdam niya’y alam na alam ng kaniyang kaibigan ang puso at isipan niya.

“Don’t just stand there! Sakay na, pupunta tayo kay Professor Juarez!”

Ang kaninang negatibong nararamdaman ni Leandra ay napalitan ng saya nang marining ang pangalan ng dati nilang guro. Dali-dali itong sumakay sa sasakyan ni Kara at walang imik na umalis na. 

Sa buong byahe nila ay maingay si Kara ngunit ni isang beses ay hindi ito nagtanong sa kung anong nangyari. Ipinagpasalamat na rin ito ni Leandra dahil hindi niya alam kung paano ipapaliwanag ang regalo ng Lolo ni Reiwon. 

Ilang minuto pang muli ang lumipas nang maramdaman na ni Leandra ang paghinto ng kanilang sasakyan. Nilingon niya si Kara ngunit ngumiti lamang ito at sumenyas na bumaba na siya ng sasakyan. Mabilis naman itong sinunod ni Leandra habang pasimpleng humahanga sa istilo ng bahay.

“Kay Sir Juarez ito, Kara?” 

Halos mapanganga si Leandra nang makita ang hardin. May maliit na fountain sa gitna, may benches at kung titignan ay tila nasa isang paraiso ang bahay na ito. Pakiramdam ni Leandra ay tinangay ng tanawin ang bigat ng kaniyang nararamdaman. Ang kulay kahel na kalangitan ay siya pang nagbigay ng mas maaliwalas na pakiramdam kay Leandra.

“Leandra?”

Mabilis na napaayos ng tayo si Leandra nang makarinig ng boses matanda sa hindi kalayuan. Nanlaki ang kaniyang mga mata. Kahit taon ang lumipas ay iisa pa rin ang mukha ng kanilang propesor na tinuring na rin niyang sariling ama.

“Sir Juarez!” sabay na ani Kara at Leandra.

Si Kara ay patakbong yumakap sa matanda habang si Leandra ay parang napako sa kaniyang kinatatayuan. Ganoon na ata katagal ang panahon para sa kaniya dahil ang huling natatandaan niya ay masigla, matigas at sporty ang kaniyang propesor. Ibang iba sa nakikita niya ngayon, kasalukuyan itong nakaupo sa wheelchair at malaki ang ibinagsak nang katawan nito.

“Hindi mo ba ako na-miss, Leandra?” 

 Tila bumalik sa ulirat si Leandra at nakangiting niyakap ang propesor. Para bang may kumalabit sa kaniyang puso na naging hudyat ng kaniyang pag-iyak.

Mas lalo pa siyang nakaramdam ng lungkot nang maramdaman ang mainit na palad na humahaplos sa kaniyang buhok.

“Hindi mo ako dinalaw, Lea . . . ” ani Propesor Juarez.

Ang mahinahon nitong boses ay tila hinele ang nagdudusa niyang puso. Sunod-sunod ang kaniyang naging paghikbi habang inaalala ang mga panahong hindi niya ito nabisita dahil hindi siya pinapayagan ni Reiwon. 

Ilang minuto pa silang nanatili sa ganoong sitwasyon hanggang sa binasag na ni Kara ang katahimikan. Ang kaninang iyakan ay nauwi sa biruan hanggang sa nag-aya na ang Propesor na pumasok sa kaniyang bahay.

“Napansin ko rin po pala . . . napaka-payapa tignan ng bahay niyo,” hindi mapigilang anas ni Leandra.

Isang mahinang halakhak ang iginiwad ng matanda at tumango.

“Tinulungan ako ng isang binatilyong kilala ko. Papunta na rin iyon dito—”

Hindi na natapos ng matanda ang sinasabi nang makarinig sila ng malakas na busina ng sasakyan sa labas. Nagkatinginan naman si Leandra at Kara na parehas walang ideya kung sino ang paparating.

“Leandra, Iha . . . pagbuksan mo naman ng pinto si Draven.”

Napakunot nang noo si Leandra nang marinig ang pangalan. Tila ba narinig na niya ito sa kung saan ngunit hindi matandaan. Nilingon niya si Kara, ngunit ang mukha nito ay tila ba gulat na gulat at bahagya pang nakabukas ang kaniyang bibig.

Tila ba kumabog ang dibdib ni Leandra bago dahan-dahang tinahak ang daan papunta sa pintuan. Rinig din niya ang pagkalansing ng bakal indikasyon na kung sino man ang tao ay nakapasok na ito sa gate at tanging pintuan na lamang ang dadaanan nito.

“Sir Juarez?”

Bahagyang napalunok si Leandra nang marinig nito ang isang malalim na boses kasunod ng tatlong mahihinang katok. Mabilis niyang kinapitan ang doorknob at marahang pinihit. 

At gaya sa pelikula, pakiramdam niya ay tumigil ang kaniyang mundo. Mapungay, kulay kahel na mata ang sumalubong sa kaniyang paningin. Bahagyang kumunot ang kilay nito at tinitigan siya.

Draven . . .  the Rolus Heir.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Rekindling Hope: Lea's Return   20

    Nasa bahay ni Kara si Leandra, nakaupo sa malambot na sofa habang hawak ang isang tasa ng mainit na tsaa. Sa tabi niya, abala si Kara sa pag-aayos ng ilang papel sa lamesa—mga lecture notes at reviewer na magagamit ni Leandra para sa kanyang pag-aaral."Okay," sabi ni Kara, inaayos ang kanyang salamin habang tinitingnan ang mga notes. "Alam kong marami kang iniisip ngayon, pero kailangan mong bumalik sa realidad. May exam ka sa isang linggo, at hindi mo pwedeng balewalain 'to."Napabuntong-hininga si Leandra at sumandal sa sofa. "Alam ko. Pero ang hirap mag-focus, lalo na pagkatapos ng nangyari."Tumingin si Kara sa kanya, halatang nababasa ang iniisip niya. "Draven?"Umiling si Leandra, pero halata sa kanya na nagsisinungaling lang siya. Napairap si Kara bago umupo sa tabi niya."Huwag mong lokohin ang sarili mo," sabi ni Kara, sabay kuha ng isang unan at itinapon ito kay Leandra. "Halata naman na iniisip mo pa rin siya. At let me guess—may kinalaman din ang kapatid niya sa kung baki

  • Rekindling Hope: Lea's Return   19

    Nagising si Leandra sa malambot na kama, ramdam pa rin ang panghihina sa kanyang katawan. Ang liwanag ng umaga ay malumanay na pumapasok sa kwarto, bumabalot sa paligid ng mapayapang ambiance. Unti-unting bumalik ang kanyang diwa, at doon niya napansin na hindi siya nag-iisa. Sa tabi ng kama, nakaupo si Kara, nakasuot ng isang simpleng white blouse at jeans, may bahagyang kunot sa noo habang nakatingin sa kanya. “Good morning, sleepyhead,” bati ni Kara, may halong pag-aalala sa boses. “Kumusta ang pakiramdam mo?” Napasinghap si Leandra at dahan-dahang bumangon, ngunit agad niyang naramdaman ang bahagyang pagkahilo. Mabilis namang inalalayan siya ni Kara. “Easy lang,” sabi ni Kara, maingat na inayos ang unan sa likod niya. “Hindi mo ako puwedeng biglain ng ganyan. Buti na lang tinawagan ako ni Draven, kung hindi, baka napabalikwas ako sa kama sa sobrang gulat.” Bahagyang kumunot ang noo ni Leandra. “Tumawag siya sa’yo?” Tumango si Kara. “Kaninang madaling-araw. Sinabi niyang nan

  • Rekindling Hope: Lea's Return   18

    “Why are you dong this?” mahinang tanong ni Leandra, halos bulong, habang pilit na nilalabanan ang sariling kahinaan. Hindi kumurap si Draven. Ang titig niya’y parang binabasa ang kaluluwa ni Leandra, tila gustong sirain ang mga pader na matagal niyang itinayo. Bago pa siya makapagsalita, isang malutong na boses ang sumingit sa tensyon. “Well, isn’t this a cozy little scene?” Sabay silang napalingon sa pinto, kung saan nakatayo si Mara. Suot nito ang isang cream trench coat at mataas na leather heels, na nagbigay-diin sa kanyang kagalang-galang at elegante niyang itsura. Ang kanyang maayos na nakapusod na buhok ay kumikintab pa sa kaunting ulan. Hawak niya ang ilang mamahaling shopping bag sa isang kamay at ang isang payong na basa pa sa kabila. “Mara,” mahinang sabi ni Draven, ang boses niya’y mababa ngunit kontrolado. Tumayo siya nang tuwid, agad na bumalik ang kanyang awtoridad sa eksena. “Maaga kang nakauwi.” “I don’t recall needing permission to return to my own apartment,”

  • Rekindling Hope: Lea's Return   17

    Pagkatapos ng tensyonadong sandali sa ilalim ng ulan, halos hindi na nag-usap sina Draven at Leandra sa biyahe papunta sa apartment ni Mara. Tahimik ang sasakyan, tanging ang tunog ng wiper na naglilinis ng basang windshield ang maririnig. Paminsan-minsan ay pasimple si Leandra na sumusulyap kay Draven. Basa pa rin ang damit nito, at ang patak ng ulan ay tila nagpapatingkad sa matipunong pangangatawan niya. Ang lalim ng tingin nito habang nagmamaneho ay nagdudulot ng kakaibang init sa dibdib ni Leandra na pilit niyang nilalabanan. “We’re here. This is Mara’s apartment. Ginagamit niya pag may pasok. Help your self out.” Nang makarating sila sa apartment, agad na binuksan ni Draven ang pinto at tumungo sa banyo. Si Leandra naman ay naiwan sa sala, nagbabantay habang pinupunasan ang sarili ng maliit na tuwalya na nakuha niya sa bag. “May mga damit akong pwedeng mahiram kay Mara,” bulong niya sa sarili, ngunit ang isip niya’y abala pa rin sa nangyari kanina. Paulit-ulit na bumabalik s

  • Rekindling Hope: Lea's Return   16

    Naguguluhan ay halos dalawang beses umiling si Leandra. Mariin ang titig niya sa lalaki na para bang sinisisid kung ano ang nasa utak nito.“What?” Bakas sa boses ni Draven ang inis.Tinapunan nito ng masamang tingin si Leandra ngunit para sa babae ay kakaiba ang tingin nito. Tila ba hinihipnotismo nito ang kaniyang kaluluwa. Sa lalim ng tingin nito ay kada segundo’y pakiramdam niya ay hindi siya makahinga.“Hey, I said get in.” Ang baritonong boses ni Draven ang nakapagbalik sa kaniyang ulirat. Ang kaniyang mga kilay ay mas lalo pang kumunot at mas sumama ang tingin sa kaniya.Napaayos ng tayo si Leandra at napalunok bago muling umiling. “No Sir, we’ve talked about this. Salitan ang pagpunta ko kay Mara dahil may klase rin ako.”Kita ang pagtutol sa mata ni Draven. Tiim bagang itong tumingin sa kaniya at tila ba pinaglalaruan ang dila sa loob ng kaniyang pisngi.“Uuwi ako kay Kara, Sir. Salamat.”Mabilis na tumalikod si Leandra at walang lingunang sumakay sa isang bus. Ang totoo ay

  • Rekindling Hope: Lea's Return   15

    Habang ang mga tahimik na tunog ng mga estudyante sa loob ng klase ay nagiging kabuntot ng mga pag-uusap, nakaupo si Leandra sa likuran ng silid, tahimik na nakikinig sa lektura ng propesor. Ang paksa ng araw na iyon ay tungkol sa mga teorya ng developmental psychology—isang mahalagang aspeto ng kurso na siyang siyang magiging pundasyon ng kanyang mga susunod na pag-aaral. Pinag-aaralan nila ang mga sikolohikal na pagbabago mula sa pagkabata hanggang sa pagtanda, at paano ito nakakaapekto sa pagbuo ng personalidad.“Sa bawat yugto ng buhay, nagkakaroon tayo ng mga pagbabago,” wika ng propesor, “na humuhubog sa ating pananaw, ugali, at mga reaksyon sa mga nangyayari sa ating paligid. Ang ating mga relasyon sa iba, lalo na sa ating pamilya at mga kaibigan, ay may malaking papel sa ating pag-unlad.”Habang nag-iisip, napansin niyang may babaeng sumulyap sa kanya mula sa gilid ng kanyang mata. Hindi na bago ang mga matang iyon na minsan ay nagmamasid o nagmamasid sa mga kasama sa klase. N

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status