"Miss Astria! Ano pong ginagawa mo diyan? Halika hatid na po kita sa loob, nag aantay na din po si ate Bebang sa pinto upang samahan ka po papunta sa iyong kwarto." Napatingala naman si Astrid dito, at nakitang hinihingal pa ang driver.
"Nako! Pasensya po." Agad na pag-hingi ng paumanhin ni Astrid dito. Ngumiti lamang ang driver sa kanya, at sinenyasan siyang sumunod. Pinagpagan niya ang sarili niya bago tumayo, mahigpit ang hawak sa handbag na dala niya. Pagkarating nga nila sa tapat ng pinto, may nag-aantay na babae sa kanila doon. May kaedaran na din ito, at napagtanto niyang baka ito ang sinasabing ate Bebang ng driver kanina. "Salamat Rigor sa paghatid kay Miss Astria sa pinto." Tumango naman ang driver na kasama niya, at nag-paalam na aalis na. Nung pababa na ito, saka naman siya tinawag ni Ate Bebang upang pumasok na sa loob, at agad na napamangha siya sa ganda ng loob ng mansion. "Base sa iyong kinikilos, batid ko po ay nakalimot ka na naman po Miss Astria?" Tumango naman si Astrid, habang iniiikot ang kanyang paningin sa loob. Narinig naman niya ang mahina na pagtawa nito ngunit hindi nalang niya pinansin at focus siya sa pag-fafamiliarize niya sa paligid na makikita nita araw-araw. Pansin din ni Astrid na mukhang sanay na sa kilos niya sa oras na mawalan siya ng memorya si Ate Bebang. "Halika hatid na po kita sa iyong kwarto, hahatiran na lang din po kita mamaya ng iyong makakain." Umakyat naman agad ito sa hagdan na katabi lang ng pinto, at agad na sumunod siya dito. Sa pag-akyat nila, nakita niyang may mga nakasabit na mga picture frame, at tinignan niya ng mabuti ito habang papaakyat sila. "Ayan po ang inyong mga magulang Miss Astria." Turo ni Ate Bebang sa unang picture frame na makikita nila. Tatlong picture frame ito na nakahilera, mula sa pinakababa ay couple picture ang unang makikita, na sa tingin ni Astrid ay magulang nito. Silang dalawa ay nakaupo na magkayakap dito, at nakatingin sa isa't-isa, mararamdaman mo ang pagmamahal na mayroon silang dalawa mula sa litratong ito. "Nandito po ba sila ate Bebang?" Tanong naman ni Astrid, mabilis na umiling si Ate Bebang. "Wala po, matagal na po nilang kasama ang Diyos." Napaawang naman ang bibig ni Astrid sa narinig nito. "Ano pong nangyari sa kanila?" Sunod na tanong niya. Mula sa likuran nakita niyang nag-aalangan ito na sagutin ang tanong niya. "Gusto ko po malaman, lalo na po wala po akong memorya sa nangyari." Narinig naman ito ni ate Bebang at napabuntong hininga na lang ito. "Naaksidente po kayong tatlo nung nasa byahe po kayo papuntang Baguio. Ikaw lamang ang nakaligtas, ngunit dahil sa pangyayaring yun nagkaroon ka ng short-term memory loss mo dahil sa natamo mong head injury." Bigla namang naramdaman si Astrid na biglang sumakit ang bandang likuran ng kanyang ulo. Naramdaman niya ang malakas na pagtibok-tibok nito, dahilan upang tumigil siya sa palapag na iyon. Tumingin naman si Ate Bebang sa kanya, nung maramdaman niyang hindi na sumunod ang dalaga sa kanya. "Miss Astria, ano pong nangyari?! Nako, ito dahilan bakit nag-aalangan po akong banggitin ang bagay na ito sayo!" Bababa sana si Ate Bebang kung nasaang palapag si Astrid, ngunit tinaas niya agad ang kanyang kamay para tumigil ito. "Wag na po ate Bebang, ayos na po ako." Tumingin siya dito, at ngumiti agad. "Sigurado ka po ba? Aalalayan na po kita," Pag-pipilit ni Ate Bebang pero mabilis na umiling si Astrid. Napabuntong-hininga naman si Ate Bebang at nakinig na dito, ngunit ngayon mas mabagal na ang kanyang pag-akyat. Inaaantay si Astrid na makatungtong sa susunod na palapag ng ligtas. Nang nasa gitna na sila ng hagdan, ang pangalawang picture frame naman ay family picture. Tatlo lamang sila dito ng nanay at tatay niya nakatayo sa likuran, habang si Astria ay nakaupo. Kaya napaisip si Astrid na only child lamang itong si Astria. 'Laking coincidence na pareho kaming only child. Sadya mo siguro ito no, Lord?' Tumingin naman ito sa sumunod na picture frame na nasa unang palapag ng hagdan pataas. Ito ay litrato ni Astria noong bata pa siya. Napatigil siya saglit sa harap nito, at tinignan ito ng mabuti. 'Ganda.' Ang tanging naisip niya ng makita ito. "Miss Astria, malaglag ka po diyan." Tawag ni Ate Bebang sa kanya, na agad naman siyang sumunod. "Pasensya na po kung tinawag po kita, alam ko naman pong ginagawa mo ang lahat upang makaalala. Baka po kasi malaglag ka sa hagdan." Pag-papaliwanag ni Ate Bebang. Ngumiti naman si Astrid at umiling. "Ayos lang po ate Bebang. Salamat po sa pag-aalala hindi ko rin po namalayan na natulala na pala ako." Habang nakita niyang tumingin si Ate Bebang, na ngayon ay kassbay niyang naglalakad patungo sa kwarto niya. "Nako wala yun. Kapag ako kasama mo, sisiguraduhin ko na uunahin ko po ang kaligtasan mo." Nanahimik na lang si Astrid, ngunit may ngiti pa din sa mukha nito Hindi pamilyar kay Astrid ang gantong pagtrato sa kanya, kaya hindi niya alam kung paano siya sasagot sa sinabi nito. Pagtapos ng kanilang pag-uusap, huminto si Ate Bebang sa harap ng pintong gawa sa kahoy. May intricate designs ito na nakacarve, na siyang nagpaganda dito. "Ito po ang kwarto mo miss Astria. Ang mga impormasyon na pwede mo pong basahin patungkol sa sarili mo ay makikita mo sa cabinet, nasa loob ito ng drawer." Tumango naman si Astrid, at pinasalamatan si Ate Bebang. Agad na pumasok ito sa loob, at sinarado ang pinto. Napaupo siya sa lapag, gawa ng nararamdaman pa rin niya ang pag-tibok ng malakas ng kanyang ulo. Kanina pa ito nanghihina, ngunit ginawa niya ang lahat upang hindi ito mapansin ni Ate Bebang, upang maiwasan nito na mag-alala ng mag-alala sa dalaga. Kahit pa ay ramdam pa din niya ang malakas na pag-tibok ng kanyang ulo, kinuha niya ang papel na nasa bungad lamang ng hand bag. Kailangan na niyang mabasa ito upang ang mga sulat na binanggit ni Ate Bebang na nasa drawer ay ang sunod niyang babasahin. Pinikit niya muna ng mabilis ang kanyang mata, at bahagya itong nanlalabo. "Kung kailan na kailangan kong mabasa na ang mga sulat, saka naman naging ganto ang aking lagay. Napaka-sakit.." Bulong niya sa kanyang sarili, napapangiwi sa sakit na kanyang nararamdaman. Habang hawak niya ang papel, pinilit niya ang kanyang sarili na tumayo. Ginamit niya ang pinto bilang suporta, at agad na tumungo sa higaan. "Itutulog ko na lang muna ito, baka sakali mawala ang sakit ng ulo ko." Humiga siya, at pinikit ang kanyang mga mata. Kahit na ayaw niya matulog pa, ipipilit niyang makatulog, at tulog ang tanging paraan upang mawala ang sakit ng ulo na kanyang nararamdaman. Tahimik na ipinag-dadasal na sana maging ayos na ang kanyang kalagayan.Magkatalikod si Tristan at Luigi habang salit-salit nilang dinedepensahan ang bawat isa sa sunod-sunod na atake ni G.Hindi nila alam kung gano katagal na nilang dinedepensahan ang kanilang mga sarili sa sunod-sunod na atake ni G.Hindi rin mawala sa isipan nila kung ano na kaya ang sitwasyon ng mag-kapatid na alam nilang papunta na ngayon sa venue, at sigurado silang nakalaban na nila ang kasama ni G, na si Zane.Kailangan na nilang bilisan, at para matulungan ang dalawa.Silang ang may mahirap na gawin, ang umatake't dumepensa, habang prinoprotektahan ang batang kapatid ni Tristan, at si Astrid.Kung ibang tao ang kumakalaban sa kanila, baka kaya pa nilang dalawa yun.Ngunit ang taing kasalukuyang hinaharap nila ay si Zane, isa sa mga tauhan ni Julia na walang emosyong nararamdaman, lalo na't pag nakikipagsabak siya sa laban.Bawat laban na kanyang napapanalo ay nauuwi sa brutal na kamatayan.Hindi maaaring mangyari yun.Ngunit nahihirapan rin sila sa kanilang kalaban ngayon, na si
Sa isang gilid sa loob ng dome kung saan malayo sa mga nag-kukumpulang mga bisita sa gitna na busy na lunudin ang mga sarili sa iba't-ibang alak na inaaalok sa kanila, at mga masasarap na pagkain na nakahanda, dalawang babae ang makikitang tahimik na nag-bubulungan, tinatago ang kanilang mga mukha gamit ang dala-dala nilang mga pamaypay, at bahagyang nakababa ang suot nilang mga maskara upang mas maintindihan ang sinasabi ng bawat isa. "Why does it sound so eerily quiet here..." "I agree. I was even expecting Julia's pranks by now." "Right?! She seems pretty docile today, which is far more scary!" "Indeed.. Wanna get out of here? I fear the safety of my children.." "Sure, let me just bid goodbye to-" Nang lalayo na sana ang babaeng may kaedaran na, naestatwa siya sa kanyang kinakatayuan nang mag-tama ang kaniyang tingin kay Julia sa kanya. Nakangiti lamang ito sa kanilang direksyon, dahang-dahan na nag-lalakad kung saan sila nakapwesto. Bawat hakbang, rinig na rinig ang k
Habang parehong nag-papaulan ng mga bala si Tristan at kanyang mga kasamahan na papunta pa lamang kung nasaan siya sa gitna ng daan. Maririnig sa kalayuang kalangitan ang isang malakas na alingawngaw ng helicopter. Sa loob ay makikita si Timothy na suot-suot ang white tuxedo niya, at isang similar na maskara na kagaya ng kay Tristan, ngunit naiiba lang ng kulay. Pinaiikutan siya ng kanyang 6 na bodyguard sa loob, ang iba ay nakadungaw sa salamin ng helicopter, ang iba naman ay nay ginagawa sa sari-sarili nilang mga telepono. At gaya ng mga ito, ganoon rin si Timothy. Kunot ang kanyang noo, ang kanyang paa ay paulit-ulit na tinatap ang lapag, habang malapit sa kanyang tenga ang kanyang telepono na panay lamang ang ring. Napahawi siya sa kanyang buhok na nakagel patalikod, at kinagat ang kanyang labi. Pang limang tawag na niya ito kay Tristan, ngunit napupunta lamang siya sa voicemail. Matapos ang voicemail, agad niya namang kinokontak ang kanyang ina na ganoon rin ang
ANG MGA PANGYAYARI BAGO MAG-TAPAT SI BANDIT AT ZANE. Hindi pa sila kalayuan mula sa venue nang makaramdam si G na may nakasunod sa kanila. Bahagya siyang tumigil at inikot ang mga mata niya sa kanilang paligid. At dahil maraming mga puno sa paligid, sigurado si G na ginagamit ng mga taong ito ang mga puno para makapag-tago at patuloy na sundan sila. Hindi maaring mangyari yun. Kailangan niyang gawan ng paraan ang mga taong nasunod sa kanila. Dahil palpak ang naging misyon ng mga naunang utusan ni Julia, kailangan niyang maperfect niya ito. Hindi pupwedeng matulad sila sa mga palpak na tauhan ng kanilang boss. Kailangan may ipagmalaki ang babae, kaya dapat lang na matapos nila ang kanilang misyon ng walang problema. Naramdaman ni Zane na hindi na sumunod ang kanyang partner, at wala nang nakikinig sa kanyang mga kwento kaya lumingon siya. Tama nga ang naramdaman nito ng makita ang napakalaking agwat ng distansya ni G mula sa kanya. 'He must've stopped earlier to ha
"I didn't have any choice. I'm sorry la..." Agad na pag-hingi ni Lucas ng tawad, hindi inaaangat ang tingin.Hindi magawang umimik ng nakakatanda, inaaantay na lamang ang susunod na sasabihin nito.Habang si Astrid ay hindi makapaniwala sa sinabi nito.Ibig sabihin ba non, alam na pala nito matagal na ang totoo?Kumuyom ang kamay niya sa taas ng lamesa, nanginginig sa galit na nararamdaman ni Astrid.Napabalikwas siya ng tayo at dinabog ang nakakuyom niyang kamay. "Kaya mo ba kaming nagawang sagipin nung araw na yun? Dahil isa yun sa mga plano niyo ni Mrs. Guevarra?!" "Inutusan niya lang ako nung araw na yun na sagipin ang taong makikidnap sa lugar na yun. I didn't have any idea that it was you, and Tristan's little brother. Much different from her usual orders na patayin ang isang tao at dalhin ang bangkay sa kanya." Walang emosyong paliwanag nito, habang nandiri si Astrid sa kanyang narinig.'Bangkay?! Saan niya naman ginagamit yun?!'"So she uses offerings?" Sabat ng Lola nito, at
Naging tahimik ang byahe nila papunta sa dome, na naging rason ng pangangamba ni Astria. 'It's too peaceful.... Why can't I shake off this bad feeling?' Hindi lang siya ang nag-iisip nito, pati na rin ang dalawang mag-kapatid na nasa harapan ngunit mas pinipili lamang nila na maging kalmado. Walang mangyayaring maganda sa kanila kung ipapakita nila na kadabo rin sila sa mga magiging susunod na pangyayari. Lumipas ang ilang segundo na tahimik ang lahat, nang maramdaman ni Astria na may humigit ng dulo ng kanyang damit, alam niya kung sino kaya hindi na siya nagulat, at tinignan ang batang katabi niya. May mga luha na nangingilid sa kanyang mata, at nanginginig ang labi, dahang-dahan ito yumakap sa nakakatanda, at sinubsob ang sarili dito. Mahigpit ang yakap "Ate... When can we see my Kuya?"Narinig ito ng dalawang mag-kapatid, at parehong nilingon ang bata mula sa kanilang mga upuan sa harapan."Lil dude-""Theo-" Sabay na usal ng mag-kapatid ngunit napatigil din sila ng makita