Maririnig ang mga matitinis na huni ng ibon, at sa loob ng mansion ng mga Santiago makikita naman si Ate Bebang na dali-daling umakyat papunta sa kwarto ng kanyang alaga.
Malakas na kumatok ito, ngunit wala siyang nakuhang sagot kaya nag-pasiya na siyang pumasok sa loob at may importanteng biglaang lakad si Astria. "Miss Astria, gising ka na po." Pag-tawag niya dito. "Miss Astria, kailangan mo na pong gumising." Ngayon naman mahina niyang niyugyog ito, at nakita niyang paunti-unti na siyang nagigising. Agad na kumunot ang kanyang mga kilay nang maramdaman na ni Astrid ang liwanag. "Gising ka na po, kailangan mo na pong kumilos at mag-ayos." Pag-mamadali ni Ate Bebang sa kanya, dahil antok pa si Astrid mahina itong sumagot ng '5 minutes pa po ate' na malinaw na narinig ni Ate Bebang. "Nako! Hindi po puwede Miss Astria! Kailangan mo na pong kumilos at bibisita dito ang mapapangasawa mo po at si Mr. Miller na tatay niya!" Agad naman napabalikwas si Astrid sa kanyang narinig. "Ano po?! Wala naman binanggit si Mr. Miller na dadalaw sila ngayon??" Magulo pa ang buhok niya, at kita sa muka niya na kulang pa siya tulog ngunit wala na itong pake sa kung ano man ang itsura niya. Bumangon agad siya at nag-hanap ng susuotin. "Ngayon lang din po niya nasabi Miss Astrid. Tumawag po siya kanina sa landline kanina, after 1 hour daw po ay makakarating na sila dito." Paliwanag naman ni Ate Bebang. Si Astrid naman ay napakamot ng kanyanh buhok, at agad na kinuha ang twalya mula sa loob ng cabinet. Pumasok siya ng cr at, naligo na. Si Ate Bebang naman ay inayos na ang kama ni Astrid, pati na rin ang inilabas niyang damit na gagamitin mamaya. Lumabas na rin si Ate Bebang upang hainan si Astrid ng makakain. Matapos ang ilang minuto, lumabas na si Astrid mula sa loob ng cr at agad na inayusan na ang kanyang sarili. Mabilis niyang tinignan ang orasan na nasa itaas lang ng kanyang kama. "11 na pala?! Ang tagal kong natulog, pero parang kulang pa?!" Hindi makapaniwala na sambit niya sa sarili niya, at tinignan ang mukha sa salamin na nasa harap niya. Kitang-kita ang mga maiitim na eyebag sa kanyang muka, at napangiwi na lamang siya dito. Kinuha na niya ang mga make-up na nakalabas sa lamesa at isa-isang nilagay sa kanyang mukha. Lumabas na siya ng kanyang kwarto at dali-daling bumaba ng hagdan. Nang nasa kalagitnaan na siya, narinig niya ang boses ni Ate Bebang na may pinapapasok na sa loob, na siyang nagpatigil sa kanya. "Pasok po kayo, Mister Miller. Tawagin ko lang po si Miss Astria." Magalang na sambit ni Ate Bebang kay Timothy, at ngumiti naman ito bilang sagot. Samantalang si Tristan na katabi lang ng kanyang tatay hindi mawari kung anong ekspresyon nito. Nakita agad ni Astrid ang mga ito. Agad na nag-taka sa itsura ng binatang kasama nito mula sa palapag na tina-tayuan niya, napansin naman ito ni Ate Bebang nang tumingala siya sa direksyon ng hagdan. "Ito na po pala si Miss Astria." Napatingin naman parehong si Timothy, at Tristan sa direksyon ng hagdan. Agad namang lumawak ang ngiti ni Timothy nang makita ang dalaga, at si Tristan naman ay tinignan lamang ito. "Ayan na pala ang mapapangasawa mo nak." Pag-bibiro ni Timothy sa kanyang anak, at kumunot naman ang kilay nito ng sikuhin siya ng mahina sa tagiliran ng kanyang tatay. Tahimik naman na tumuloy na bumaba si Astrid, inoobserbahan ang mag-tatay. 'Bakit siya nakasuot ng maskara? Hindi ba siya nahihirapan huminga sa suot niya??' Nang makababa na siya ay hinayaan siya mauna ng tatay, at tinabihan agad ito ni Ate Bebang. Patungo na sila sala, nang makaramdam siya ng titig mula sa kanyang likuran, hindi niya alam kung ang tatay ba ang nakatitig, o ang anak nito. Baka pareho? Ayaw na niya alamin, at ngayon palang ay grabe na kabog ng kanyang dibdib sa sobrang kaba na nararamdaman niya. Pagkarating sa sala ay agad niyang inaaanyayahan ang dalawa na umupo sa sofa, at si Ate Bebang naman ay tumungo na sa kusina upang kumuha ng pwedeng kainin at inumin nila. "Maupo na po kayo, pasensya na po kung hindi po kami nakapag-handa agad sa pag-punta niyo po. Kumukuha na din po si Ate Bebang ng maiinom at makakain po natin." Pag-papaliwanag ni Astrid sa kanila, agad naman na umiling si Timothy. "Ayos lang iha, biglaan din ang aming pag-punta, hindi mo kailangan na mag-paumanhin. Salamat din sa pag-tanggap sa amin Astria, kahit na biglaan ito." Pag-papasalamat ng nakakatanda sa kanya, at ngumiti naman si Astrid dito. Nasa tabi naman ang binatang kasama nito, tahimik na nauna na maupo sa mahabang sofa, parehong nakakrus ang mga braso nito, at hindi na tumingin pa direksyon ng tatay niya at ni Astrid. Tinignan naman ito ng masama ng kanyang tatay, ngunit tila wala itong epekto sa kanya. "Nako! Pag-pasensyahan mo na ang ugaling ipinapakita niya, at sa itsura niya ngayon Astria, sadyang masungit at mahiyain lang talaga yan siya." Iwinagayway naman ni Astrid pareho niyang kamay, at umiling. "Ayos lang po! Hindi naman po ako nababahala, naiiintindihan ko din naman po kung bakit." At tumawa naman siya para gumaan man lang ang atmosphere ng paligid nila. Matapos sabihin ni Astrid yun, umupo naman si Timothy at nakikita pa din sa mga mata nito ang pag-kabahala. Nginitian na lang ito ng malaki ni Astrid, at umupo sa sofa na kaharap lang ng mag-ama. Isang lamesa sa kalagitnaan ng dalawang mahabang sofa na inuuupuan nila. Sa kabilang sofa makikita na hindi pagigung tahimik ng mag-tatay at lalo na para bang sinusumpa na ni Timothy ang kanyang anak gamit lamang ang kanyang mata. "Um, hi! Ako nga pala si Astria Santiago, at ikaw naman si Tristan diba?" Pag-papakilala ni Astrid sa sarili niya sa binata, na mukhang walang pakielam, ngunit nakita niya itong tumingin sa direksyon niya ng mabilisan lang. "Yeah. Tristan. Nice to meet you, I guess." Malamig na sambit nito, at nakakuha ng malakas na siko galing sa kanyang tatay. Sinigurado naman ni Timothy na mas malakas ang pag-siko niya ngayon, kumpara sa pabirong ginawa niya kanina. Napahawak naman ito sa tagiliran niya, pakiramdam niya ay nabiyak na ng kanyang tatay ang kanyang buto sa tagiliran. "Pasensya na Astria sa inaaasal ng isang to." Pag-hihingi tawad muli ni Timothy, at agad naman ito nginitian na lang ni Astrid. "Ayos lang po talaga. Matanong ko lang po pala, ano po meron at bakit biglaan po ang pag-pasya niyo dito?" Tinanong ni Astrid, upang hindi na rin isipin ng nakakatanda ang ugaling ipinapakita ng anak niya sa dalaga. "Ah oo nga pala, thank you for reminding me iha." Nananahimik naman si Astria, at hinintay ang sasabihin nito. Nananatili din naman si Tristan na nakikinig sa usapan ng dalawa, at maski siya ay hindi alam kung ano sasabihin ng kanyang tatay. "Pasensya kung biglaan ito, ngunit balak ko na gawin 1 week from now ang kasal ninyo." Puno ng awtoridad sa kanyang boses na sabi niya. "What?!" "Po?" Ang tanging nasabi ng dalawa, sa impormasyon na kanilang narinig mula sa nakakatanda. "Miss Astria heto na po ang mga inumin at makakain po ninyo."Magkatalikod si Tristan at Luigi habang salit-salit nilang dinedepensahan ang bawat isa sa sunod-sunod na atake ni G.Hindi nila alam kung gano katagal na nilang dinedepensahan ang kanilang mga sarili sa sunod-sunod na atake ni G.Hindi rin mawala sa isipan nila kung ano na kaya ang sitwasyon ng mag-kapatid na alam nilang papunta na ngayon sa venue, at sigurado silang nakalaban na nila ang kasama ni G, na si Zane.Kailangan na nilang bilisan, at para matulungan ang dalawa.Silang ang may mahirap na gawin, ang umatake't dumepensa, habang prinoprotektahan ang batang kapatid ni Tristan, at si Astrid.Kung ibang tao ang kumakalaban sa kanila, baka kaya pa nilang dalawa yun.Ngunit ang taing kasalukuyang hinaharap nila ay si Zane, isa sa mga tauhan ni Julia na walang emosyong nararamdaman, lalo na't pag nakikipagsabak siya sa laban.Bawat laban na kanyang napapanalo ay nauuwi sa brutal na kamatayan.Hindi maaaring mangyari yun.Ngunit nahihirapan rin sila sa kanilang kalaban ngayon, na si
Sa isang gilid sa loob ng dome kung saan malayo sa mga nag-kukumpulang mga bisita sa gitna na busy na lunudin ang mga sarili sa iba't-ibang alak na inaaalok sa kanila, at mga masasarap na pagkain na nakahanda, dalawang babae ang makikitang tahimik na nag-bubulungan, tinatago ang kanilang mga mukha gamit ang dala-dala nilang mga pamaypay, at bahagyang nakababa ang suot nilang mga maskara upang mas maintindihan ang sinasabi ng bawat isa. "Why does it sound so eerily quiet here..." "I agree. I was even expecting Julia's pranks by now." "Right?! She seems pretty docile today, which is far more scary!" "Indeed.. Wanna get out of here? I fear the safety of my children.." "Sure, let me just bid goodbye to-" Nang lalayo na sana ang babaeng may kaedaran na, naestatwa siya sa kanyang kinakatayuan nang mag-tama ang kaniyang tingin kay Julia sa kanya. Nakangiti lamang ito sa kanilang direksyon, dahang-dahan na nag-lalakad kung saan sila nakapwesto. Bawat hakbang, rinig na rinig ang k
Habang parehong nag-papaulan ng mga bala si Tristan at kanyang mga kasamahan na papunta pa lamang kung nasaan siya sa gitna ng daan. Maririnig sa kalayuang kalangitan ang isang malakas na alingawngaw ng helicopter. Sa loob ay makikita si Timothy na suot-suot ang white tuxedo niya, at isang similar na maskara na kagaya ng kay Tristan, ngunit naiiba lang ng kulay. Pinaiikutan siya ng kanyang 6 na bodyguard sa loob, ang iba ay nakadungaw sa salamin ng helicopter, ang iba naman ay nay ginagawa sa sari-sarili nilang mga telepono. At gaya ng mga ito, ganoon rin si Timothy. Kunot ang kanyang noo, ang kanyang paa ay paulit-ulit na tinatap ang lapag, habang malapit sa kanyang tenga ang kanyang telepono na panay lamang ang ring. Napahawi siya sa kanyang buhok na nakagel patalikod, at kinagat ang kanyang labi. Pang limang tawag na niya ito kay Tristan, ngunit napupunta lamang siya sa voicemail. Matapos ang voicemail, agad niya namang kinokontak ang kanyang ina na ganoon rin ang
ANG MGA PANGYAYARI BAGO MAG-TAPAT SI BANDIT AT ZANE. Hindi pa sila kalayuan mula sa venue nang makaramdam si G na may nakasunod sa kanila. Bahagya siyang tumigil at inikot ang mga mata niya sa kanilang paligid. At dahil maraming mga puno sa paligid, sigurado si G na ginagamit ng mga taong ito ang mga puno para makapag-tago at patuloy na sundan sila. Hindi maaring mangyari yun. Kailangan niyang gawan ng paraan ang mga taong nasunod sa kanila. Dahil palpak ang naging misyon ng mga naunang utusan ni Julia, kailangan niyang maperfect niya ito. Hindi pupwedeng matulad sila sa mga palpak na tauhan ng kanilang boss. Kailangan may ipagmalaki ang babae, kaya dapat lang na matapos nila ang kanilang misyon ng walang problema. Naramdaman ni Zane na hindi na sumunod ang kanyang partner, at wala nang nakikinig sa kanyang mga kwento kaya lumingon siya. Tama nga ang naramdaman nito ng makita ang napakalaking agwat ng distansya ni G mula sa kanya. 'He must've stopped earlier to ha
"I didn't have any choice. I'm sorry la..." Agad na pag-hingi ni Lucas ng tawad, hindi inaaangat ang tingin.Hindi magawang umimik ng nakakatanda, inaaantay na lamang ang susunod na sasabihin nito.Habang si Astrid ay hindi makapaniwala sa sinabi nito.Ibig sabihin ba non, alam na pala nito matagal na ang totoo?Kumuyom ang kamay niya sa taas ng lamesa, nanginginig sa galit na nararamdaman ni Astrid.Napabalikwas siya ng tayo at dinabog ang nakakuyom niyang kamay. "Kaya mo ba kaming nagawang sagipin nung araw na yun? Dahil isa yun sa mga plano niyo ni Mrs. Guevarra?!" "Inutusan niya lang ako nung araw na yun na sagipin ang taong makikidnap sa lugar na yun. I didn't have any idea that it was you, and Tristan's little brother. Much different from her usual orders na patayin ang isang tao at dalhin ang bangkay sa kanya." Walang emosyong paliwanag nito, habang nandiri si Astrid sa kanyang narinig.'Bangkay?! Saan niya naman ginagamit yun?!'"So she uses offerings?" Sabat ng Lola nito, at
Naging tahimik ang byahe nila papunta sa dome, na naging rason ng pangangamba ni Astria. 'It's too peaceful.... Why can't I shake off this bad feeling?' Hindi lang siya ang nag-iisip nito, pati na rin ang dalawang mag-kapatid na nasa harapan ngunit mas pinipili lamang nila na maging kalmado. Walang mangyayaring maganda sa kanila kung ipapakita nila na kadabo rin sila sa mga magiging susunod na pangyayari. Lumipas ang ilang segundo na tahimik ang lahat, nang maramdaman ni Astria na may humigit ng dulo ng kanyang damit, alam niya kung sino kaya hindi na siya nagulat, at tinignan ang batang katabi niya. May mga luha na nangingilid sa kanyang mata, at nanginginig ang labi, dahang-dahan ito yumakap sa nakakatanda, at sinubsob ang sarili dito. Mahigpit ang yakap "Ate... When can we see my Kuya?"Narinig ito ng dalawang mag-kapatid, at parehong nilingon ang bata mula sa kanilang mga upuan sa harapan."Lil dude-""Theo-" Sabay na usal ng mag-kapatid ngunit napatigil din sila ng makita