Share

Chapter 50: I am Rage Suarez Girlfriend.

Chapter 50: I am Rage Suarez girlfriend.

“I love you, I swear to my Mom’s grave that I will love you till the end. Rage Limuel Suarez is all yours.” 

Ewan ko ba pero natutuwa ako kapag naalala ko yun, ang lakas lang makababae. Nung nasa probinsya kasi ako ay wala masyadong nagkakagusto sa akin, ang tataas kasi ng standard nila doon ewan ko kung ako lang pero hook na hook sila kapag may nakikitang galing taga ibang syudad. Anyway, hindi ko pa natatanong si Jen about sa project if okay lang ba sa kanya na iba na ang gaganap dahil yun ang gusto ng production. 

Pero ang gaga ilang araw na akong hindi kinakausap, ilang days na din ay magsisimula na mag shoot. 

"I'm actually very open for the role po." Dinig kong sabi ng isang new actress, tinignan ko pa ang profile niya na nasa isang envelope at ina-assist namin. Grabe anak pala siya ng isang actor, actually pan lima na siyang new actress na related sa isa ding actor/actress na matagal na sa industry na ito. 

"May napupusuan ka ba Ms. Carmona?" Tanong sa akin ni Mrs. Cruz, paano ba naman sinama ba naman ako sa pa eme nilang 'to. Hindi pa naman ako ganun ka familiar sa ganitong klaseng set up. 

"Ahm, so far parang okay naman po sila lahat." See, pang obob ang comment ko. 

"You're really so young for this industry, hija all you have to do is choose someone that makes them stand out from others that literally has potential to do the character. Since ikaw naman ang gumawa ng mga character sa movie you should have at least an idea kung sino ang pipiliin mo." Advice sa akin ni Direk Concio. Napaisip naman ako sa mga sinabi nila, binalikan ko ang mga profiles na nasa harap ko at doon ay binasa ko ang iba pa nilang informations. 

Hanggang sa pumasok ang isang babae na talaga namang maganda, alam kong beterana na siya dahil sa tindig at pagdadala ng sarili. Mas nagulat ako ng nagbeso siya kay Direk at Mrs. Cruz. 

"It's been a long time, Direk, Tita." Pagbeso niya sa dalawa. 

"This is our new writer Lexia, she's the one who wrote for this project. Lexia meets Ivy Will. Ivy, Lexia" Si Mrs. Cruz ang nagpakilala sa akin dun sa Ivy.

"I think I already know you, but that's a long time ago. Hi, nice to meet you." Nagbeso din siya sa akin matapos niyang sabihin yun. Ngumiti lang ako sa kanya. 

Uupo na sana uli kaming tatlo para panoorin siyang ideliver ang lines niya if ever siya ang mapipili for the project. 

Pero biglang bumukas ang pinto at niluwa nito si Rage, niluwa ang term ano yun kinain lang. Emzz! 

"Hi everyone." Kaway ni Rage sa lahat, medyo nakaramdam ako ng kaba nang lumapit siya sa akin at bigla akong kiniss sa pisngi, kumindat pa ang mokong. Nakipagbesuhan naman siya kay Mrs. Cruz at Direk. 

"So, it looks like the rumors are true." Bulong sa akin ni Direk at siniko pa ako ng pabiro. I just give him an awkward smile. Pero ang nakaagaw pansin sa akin ay ang tingin nung Ivy nakataas talaga ang kilay niya at halatang nijudge ako. 

Nagkunwari na lang ako na hindi ko yun nakita. 

Tumutok na rin sa kanya ang spotlight, hudyat na pwede na siya magsimula. Tinignan ko ang mukha ng ibang new actresses, mukhang alam na nila na hindi na sila ang mapipili kahit naman hindi ko siya pipiliin kapag siya ang bet ng boss ko at ni Direk ay may magagawa pa ba ako, diba wala.

Kitang kita ko ang pagbabago ng expression niya, totoong mahirap din talaga ang maging artista look how she changed her expression kahit ako hindi ko basta-basta mababago ang expression ko para lang sa maliit na oras sa scene. 

“In order to lose a memory you have to have a tragic incident. Others may say an accident is the reason for a big memory loss, but I don’t believe that. It can also be a very painful heartbreak to the point that you want everything to be deleted to not feel the pain.” Ivy delivers the first line. 

Kahit ako biglang nakaramdam ng lungkot sa unang atake niya, I didn’t know that I can also feel the sadness from that line, hindi ko nga masyado dinamdam yan nung sinusulat ko siya ei. 

“Sometimes we have to experience forgetting everything, so we can start a new one. But our past we're gonna haunt us down, again” It’s her second line this time, I can clearly see the tears to her left side. 

I know, for a fact na magaling siya at hindi ko yun maitatanggi ano. 

“And cut-” Sigaw ni Direk Concio, alam ko na. Siya ang pipiliin dahil hindi tulad ng iba kanina ay hindi pinatapos ni Direk si Ivy, mukhang may napili na sila. I admit na gusto ko rin ang performance niya. 

Bumalik na sa normal ang ilaw at wala na ang spotlight, mukhang sang ayon din ang boss ko.

Nakita ko naman si Rage na pumapalakpak pa, saya yern? 

“We have a new lead.” Sabi ni Direk Concio.

“Akala ko ba gusto daw ng new actress.” Dinig kong bulong ng isang new actress sa kasama niya, tingin na disappointed naman ang binigay ng kausap. 

Gusto ko rin sana umapela na new actress na lang dapat, pero mukhang proud na proud na sila boss at Direk, kung hindi naman pala new edi dapat nag stick na lang kay Jen diba. 

“Rage and Ivy please stand in the middle for picture taking. Then after photoshoot na for the movie, and to all the new actresses who participated for today don’t you worry guys may project naman kami nakahanda for each of you.” Utos ni Direk at ilang paalala. 

Ramdam ko ang titig sa akin ng hottie kong boyfriend, pero patuloy lang ako sa pamamaalam sa mga new actress na binati ako. 

“Ms. Carmona you stay here na for their photoshoot, dito ka na muna.” Utos sa akin ni Mrs. Cruz, tumango na lang ako at umupo sa isang upuan. 

Inaayusan na si Ivy, Rage is just standing there talking to someone on his phone. 

Tahimik lang ako habang papanoorin sila magshoot, tinignan ko ang phone ko at doon ko lang nakita ang message ni Jen. 

“Hi babes, yes I received the memo about your project, it’s fine with me. I’m just really busy this time, wala ako sa Manila ahm, I think I'm somewhere in the countryside. Gonna call you later, see yahh.” -Jen.

Hindi ko na nireplyan si Jen dahil nga sabi niya ay busy siya. 

“Ay, pucha!” Sigaw ko dahil nagulat ako kay Rage na humawak talaga sa leeg ko, nakangisi lang siya habang pinagtitinginan na kami. Lumayo naman ako ng bahagya dahil kita ako ang kilay ni Ivy na nakataas na. Isa pa yang Ivy na yan ano trip niya at ganyan ang mood niya sa akin.

“Let’s have some coffee first while you're here.” Alok niya sa akin. 

“Huh? Coffee. Ahm! Wala ako sa mood.” Sagot ko sa kaniya I see some staff taking pictures of us while we’re talking. Ayoko sana pansinin pero nakita ko na nishare niya sa katabi niya ang picture, ayoko rin naman mag jump sa conclusion na kami nga ang kinuhaan niya ng litrato.

Mukhang nakita ni Rage ang expression ko kung bakit ako bigla naiilang sa kanya, sinundan niya ang tingin ko dun sa dalawang staff na nagtatawanan na ngayon. 

Lumayo muna sa akin si Rage at pinuntahan ang dalawang staff, nabigla naman sila sa biglaang paglitaw ni Rage sa harap nila. Naitago pa nung isa ang cellphone pero agad itong hinablot ni Rage. 

Hindi ko alam ano ang nakita ni Rage sa cp dahil tinignan niya ito ng matagal. Lahat naman ay nakaabang sa sunod niyang gagawin. 

“Will you please delete this? My girlfriend is actually a private person, so please consider this one.” Mababa ang tono ng boses ni Rage ng sabihin niya iyon. 

Lumipat naman sa akin ang tingin ng mga tao rito, mukhang nasagot na ang malaking tanong sa isip nila that I am Rage Suarez girlfriend. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status