Share

Chapter 54: Hihingi Tayong Tulong.

Chapter 54: Hihingi Tayong Tulong.

Hindi ako makapaniwala sa narinig ko, mukhang hindi pa rin nag si-sink in kay Ali lahat. Naiwan kami rito sa bahay kaming lang dalawa, agad na umalis ang boys matapos pumayag ni Jen sa gusto nila. Kanina pa kami ni Ali hindi nag-iingay, ang dami ding tanong sa isip ko at ang mas lalo kong inaalala ay si Rage. Naloloka na ako sa mga kaganapan, sana pala nag prepared talaga ako bago ako pumunta dito sa Manila. Nakakagulat!

“Puntahan kaya natin sila okay lang?” Basag ni Ali sa katahimikan.

“Paano, ei sabi ni Rage ay dito lang daw tayo babalik daw sila ng maayos at ibabalik daw nila si Jen.” Sagot ko naman sa kanya, ngayon ay kinakain na namin yung kakaluto lang ni Jen kanina na fries bago kami katukin ng boys. 

“Nababagabag ako ei, kung ang Daddy pala ni Jen ang leader ng kung ano mang gang na yun, at tinuring na kaibigan ng pamilya ni Rage. I don’t think so na magiging okay ang lahat..” Dugtong ko. Tinignan naman ako ni Ali at mukhang tinatansya niya ang mga sinabi ko. 

“So?” Tinignan niya ako at halatang may hinihintay siyang sabihin ko. 

“Anong, so?” Pangagaya ko sa boses niya kanina na halatang confused. 

“Pupuntahan ba natin sila o maghihintay tayo sa balita? You choose.” Binaba ko ang hawak kong hot sauce at agad na kinuha ko ang mga importanteng bagay, cellphone at wallet dahil kay Ali ako sasakay sa sasakyan. 

“Shouldn’t we call the police?” Suhestiyon ni Ali habang nilalock ko ang bahay.

“Hindi natin kilala ang alfonso gang, pustahan ko na may plano sila Rage kaya nila sinundo si Jen. Bakit hindi mo tawagan muna si Grayson para alam mo yun matanong natin ang ganap o kung nasaan sila.” Suhestiyon ko din.

“I bet Grayson does not allow me to find them.” Sagot ni Ali, she crossed her arm to her chest habang nag iisip. 

“Wait.” Sigaw niya. Muntik na ako matumba sa gulat, agad niyang kinuha ang phone niya at hindi ko lang alam kung may itetext siya o may sini-search. 

“Ano?” Tanong ko sa kanya at lumapit pa ako sa tabi niya. 

“I got it.” Pinakita niya sa akin ang isang location at ang red light ay kung nasaan si Grayson, teka nati-trace niya si Grayson?

“You trace him?” Tanong ko.

“Yup, gusto niya i-prove ang sarili niya sa akin kaya ayun siya na mismo ang nag install ng ganito sa phone ko. By the way, kwento ko sayo later. Tara na.” Sumenyas siya na pumasok sa kotse niya at sumunod na lang ako.

Kinakabahan ako habang umaandar ang sasakyan, hindi dahil hindi magaling mag drive si Ali kungdi sa aabutan namin. 

“I think we should call the police.” Sabi ko kay Ali.

“Well if you have a plan then we can.” Sagot naman niya sa akin habang hawak ang steering wheel.

“Ang problema paano pag mabulilyaso natin ang plano nila Rage.” Nag aalala kong tono.

“Sis, yun na nga ang point ei hindi natin alam ang plano nila. Paano na lang kung mapahamak pa natin sila kung tumawag tayo ng Police.” Paliwanag naman ni Ali.

“Akala ko ba suggestion mo yun kanina?” Sagot ko kay Ali, na naguguluhan. 

“Well, kanina..” Balik niya sa akin.

“He’s with Grayson, I don’t think they don’t have any plans at all.” Sagot ni Ali ng maayos, pero napaisip ako bakit kailangang si Grayson ang reference niya na may plano sila?

“Bakit naman si Grayson ang reference mo kung may plano sila o wala.” Sabi ko kay Ali.

“Well, Grayson is known as the King Maker.” Simpleng sagot niya sa akin.

“Oh, yun lang?” Like hindi ko siya gets.

“Well, he came from a family of Mafia in China and the reason why he is King Maker is because he planned for other people. If you want revenge go to him, if you want business go to him, lastly if you want to kill go to him,. But he made sure to me that he never did the killing part; they hired men to do that. Other people refer to him as a planner.” Okay, I think Grayson is indeed a scary one.

“But he’s rich.” Sabi ko.

“Yeah, he is. Mahilig talaga tayong tatlo sa mayayaman, well anyway malapit na tayo.” Tsaka ko lang na realize kung saan patungo ang tinatahak naming daan.” Hindi ko alam kung dapat ba akong matakot o ano.

“Madilim?” Sabi ko kay Ali habang diretsong nakatingin sa daan.

“Alam ko, I’m gonna turn off the lights dahil baka may makakita sa atin. The place looks so abandoned, look at those houses.” I never thought that there was a place like this here. 

“Manila pa ba ‘to?” Tanong ko. 

“I don’t know, I just follow the tracer.” Hininto niya ang sasakyan sa pinaka dulo ng mga nakahilerang sasakyan. Hindi namin alam kung nasan sila.

“So, now what?” Tanong ni Ali.

“Ano pa, edi tignan mo ang tracer at doon natin susundan.” Suhestiyon ko.

“What I mean is, basta na lang ba tayo lalakad o mag iimagine tayo na sa action movie para naman may thrill.” Masaya pa si Ali sa mga pinagsasabi niya.

“Okay ka pa ba?” Tanong ko, gusto ko lang makasigurado.

“Sorry,” nag peace sign naman siya agad. 

“May tao.” Agad naman kami yumuko dahil may lalaking nagtapon ng yosi at lumakad na palayo.

Hinila ko naman si Ali para sundan yung lalaki.

“Delikado.” Bulong niya sa akin. Tinignan ko naman siya ng masama mukhang gets na niya agad na ang pagpunta dito ay delikado.

Mahinahon lang ang mga lakad namin, iisang bahay lang ang may ilaw mukhang nandoon ang mga kaganapan. 

“Paano tayo papasok ang daming lalaki oh,” turo ni Ali sa mga bantay nasa likod kami ng isang van ito yung van na sinakyan nila kanina. 

“We need to make a plan.” Mukhang seryoso naman siya sa sinasabi niya.

“How?” Tanong ko. 

“Okay, so there’s a four man in the front door and three men at the back plus the driver sleeping in that car and that guy on the left side of that tree, smoking.” Sabi niya habang binibilang ang mga bantay.

“Tapos?” Tanong ko pa uli.

“We don’t have any guns or weapons to fight for them and I don’t know how to fight, you know how to fight?” Tanong niya sa akin, umiling naman ako sign na wala.

“We need to check Jen and then we leave, so we can have a back up, a Police will do.” Napaisip ako sa sinabi ni Ali at okay lang naman yun.

“Any action?” Tanong ko pa, mahina talaga ako sa planning. Mukhang nabigyan siya ng advice ni Grayson.

“You walked there and pretended that you were lost, while I tried to sneak peek to find Jen.” Agad naman kami kumilos at naghiwalay na.

Nagdasal muna ako bago ko tuluyang gawin ang plano namin.

Naglakad lang ako at kunwaring may tinitignan sa cp pero ang totoo ay magkatext kami ni Ali para sa senyas kung kelan naman siya kikilos. 

“Hello po, pwede po magtanong. Mukhang naliligaw po kasi ako ei, hinahanap ko po kasi ‘tong lugar na ‘to sabi po kasi sa g****e ay dito po ang daan ei mukha naman pong abandonado na ‘tong lugar pero may mga sasakyan po akong nakita kaya nabuhayan ako ng loob.” Ito na ata ang pinaka malambing kong boses.

“Talaga? Paano ei halos wala ngang nakakaalam ng lugar na ‘to ei.” Mukhang hindi siya kumbinsido sa sinasabi ko. Bigla akong kinabahan sa narinig ko, but I still act cool. 

“Kaya nga po may word na naligaw ei.” I try to be sound so funny, para wala naman sya masyado ma say. 

“O, sya. Ihahatid na lang kita sa may hangganan at kalsada na yun. May mga makikita ka na don na sasakyan.” Turo niya sa akin, tumingin tingin ako sa paligid para hanapin si Ali. Nakita ko sya sa dulo kung saan nandon ang sasakyan niya. Nag-thumbs up naman siya, mukhang alam na niya kung nasaan si Jen. 

“Ahm, ganito na lang po ituro niyo na lang sa akin ang daan, at ako na po maglalakad mag-isa.” Suhestiyon ko. 

“O, siya bahala ka na. Bawal din naman kami umalis dito ei.” Sagot niya at tumalikod na sa akin. 

Agad na akong tumakbo dahil baka may mangyari pa sa amin. 

Agad akong sumakay sa sasakyan ni Ali.

“Ano balita?” Tanong ko sa kanya habang pinapaandar nya ang sasakyan ng wala uling ilaw. 

“Ang nakita ko alang ay hindi naman nakagapos si Jen mukhang kinakausap lang nila, pero yung bata yung nakagapos nandun din ang Daddy ni Jen.” Kuwento ni Ali.

“Si Achi yung tinutukoy mo.” Sabi ko sa kanya.

“Yun lang?” Tanong ko pa, dahil kulang sa akin ang sagot niya kanina. 

“Oo yun lang, mukhang intense nga rin ang usapan dun ei.” Ngayon mas lalo akong nag-aalala.

Pero bago pa kami makaalis ay narinig naming dalawa ang mga putukan ng baril.

“Anu yun?” Tanong ni Ali.

“Aalis ba tayo?” Tanong ako.

“Oo, hihingi tayong tulong.” Sagot ni Ali, pero ramdam ko ang panginginig ng boses niya. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status