Share

Chapter 53: Alfonso Gang

Chapter 53: Alfonso Gang

It’s been a week since Rage confessed our relationship to the media, while they have already started to film the movie that I wrote, I am now starting for my very first novel book. I asked Mrs. Cruz na hindi na ako sumama pa sa set kahit na part din ako ng production, isa pa dream ko na din kasi ito ang magpublish ng book. 

Rage is very supportive t everything I planned for myself, lagi lang niya sinasabi na gawin ko lang raw lahat ng gusto ko dahil mas gusto niya akong makitang masaya. I always appreciate every comment he gave on me, pansin ko din na isa yun sa love language niya word affirmation, pinaka paborito ko ay physical touch. I love every time he touches me, I love and importance. 

I do the same to him ano, impossible naman kasi na puro siya lang. I think quality time is the best thing I done to him, every day since alam ko naman na mahirap ang trabaho niya. 

Nasa coffee shop ako dito lang din malapit sa bahay namin, halos walking distance lang din siya. 

Konti lang din pati ang tao dito na nakatambay. 

Iniisip ko pa ang isusulat ko sa chapter 1, nang biglang tumawag si Rage. Agad ko naman kinuha ang phone ko na nag riring at sinagot ang tawag niya. 

“Hey Love, what’s up?” Masaya kong bati sa kanya.

“Love, where are you? How’s the novel?” Tanong niya sa akin, dinig ko ang mga ingay sa set sa background niya.

“Well still progressing, ikaw you already love your leading lady.” I tease him, I heard him ‘tsk’ 

“Ahm, about that. I want to ask permission from you, if you allow me to have a bed scene with Ivy.” My eyebrows furrowed as I heard what he said. Teka andun na agad sila sa part na yun. 

“Wait, anjan na agad kayo sa part na yan?” Tanong ko. 

“Yup, that’s what Direk says, Love why you have to write such a scene like that.” He complained, as if he didn’t have such erotic scene in his acting life.

“Come on, do not complain you are good at this scene. Anyway, I allow you to have a bed scene since it is part of the story and your job as an actor. Love, It’s fine with me.” I make sure of that, kaya nga hindi na talaga ako sumama pa sa set kasi alam kong mangyayari ‘to. 

“You sure?” He asked.

“Yup, why would I be selfish besides, I know that we're gonna have our own bed scene.” I’ll change my voice in the last part, I am now imagining him smiling cause I know he is. 

“Sure, sure Love, sure.” See, I knew he loved it. 

“Bye, see you.” Nagpaalam na ako sa kanya dahil alam kong busy din siya katulad ko. 

Life is full of surprises, even though half of my memory is already gone and here I am creating a new one. Together with the people who believe in me, I’m glad that they are still with me then and now. Help me to find my destination and they walk with me through every path. 

I am looking at my two best friend, nagulat nga ako ng dalawin nila ako sa bahay namin pagkauwe ko kanina. Isa pa, nagdala ang mga bakla ng tent dahil maganda daw ang likod bahay namin, lakas maka forest. 

“I told you Ali, they have a forest-like backyard.” Kita ko na agad ang pagkunot ng noo ni Ali, naartehan na naman siya kay Jen. 

“Buti na lang talaga at madalas ‘to linisin ni Tito Ed, tara ilatag na natin yang mga tent.” Sabi ko sa kanila, agad naman kami kumilos dahil alas sais na. Mag iihaw pa kami at magluluto.

“Next time hike tayo, o kaya beach yung tayong tatlo lang. Ka-stress mga jowa natin ei.” Sabay kaming napatingin kay Ali, busy naman siya sa pagpunas ng lamesa na nilabas ni Tito Ed kanina.

“What do you mean?” Tanong ni Jen, ako naman ay tinitignan lang ang magiging sagot ni Ali.

“Bakit?” Halatang clueless pa siya sa tanong ni Jen.

“What do you mean, about being stressed sa mga jowa natin?” Jen raised her brows, interrogating our friend. 

“Tsismosa kayo…” halatang natatawa si Ali.

“Eto na nga, pinipilit nyo ako magkwento ei.” Pinipilit daw nagtatanong lang naman kami, s***a siya.

“O, what’s new na ha?” Tanong ni Jen. Umupo kami sa upuan katapat ng lamesa mamaya na namin iisipin ang tent, chismis muna ang mahalaga. 

“Handa na ako, ipapakilala ko na si Ji. Kay Grayson, isa pa ramdam ko rin kasi na may alam siya. Hindi ko lang maidetrailed masyado.” Pag kuwento ni Ali, masaya siya dahil ipapakilala na niya ang anak niya sa bata. Pero ramdam namin ni Jen, na nag-aalangan siya. 

“Ei, why you’re face like that?” Tanong ni Jen. 

“Natatakot lang ako sa magiging reaksyon ni Ji. Lalo na at lagi siya nag du-drawing ng mukha ng Tatay niya pero hindi naman si Grayson.” Naluluha si Ali, habang inaalala niya yun. Natahimik kami ni Jen. 

“You mean, he’s imagining what his father's face is?” Tanong ko. Unti-unting tumango si Ali bilang pagsang-ayon. 

“This is gonna be so hard for him. But I’m sure that Grayson will explain to him everything right. It was supposed to be our girl’s night. After so many months we’ve been so busy, so let’s build the tent na.” Masayang tono ni Jen.

Tumayo na kaming tatlo at agad na kumilos, pero mas bet ni Ali na maghanda ng paglulutuan since doon daw siya sanay. 

Kami naman ni Jen ang nag-aasikaso ng tent, hawak ko ang tent poles para patayoin. 

Maayos naman ang mga ginagawa namin, dahil ang tahimik namin ngayon. Isa pa talagang nagpapaka-busy kaming tatlo para sa tent na mukha namang maliit. 

 Naamoy ko na ang usok mula sa pag-iihawan. 

Madilim na rin ang paligid at nakakaramdam na ako ng gutom buti na lang talaga at naisipan ni Ali, na magluto agad. 

“So, let’s eat na muna?” Tawag sa amin ni Ali, hindi namin matayo ni Jen yung tent mukhang hindi naman kami marunong. 

“Nakaluto na ako, hindi niyo pa pala nakakabit yan.” Reklamo niya sa amin, habang naglalapag ng pagkain. 

Pagod naman na umupo si Jen sa upuan niya, isa pa siya may gusto nitong tent eme.

“I don’t know how to build that thing na…” Simangot niya sa amin, binigyan ko naman siya ng tubig para humupa ang pagod niya. 

“Wag na lang tayo mag tent, maglatag na lang tayo dito tutal malinis naman ang lupa ei.” Suhestiyon ko. 

“Alam mo, I want that..” Agad naman na sagot ni Jen.

“Oh, ayan settled na ang ating problema ha,..” Pagpayag naman ni Ali. 

Umupo na rin siya para sabay-sabay na kami kumain. 

Si Jen ang nag lead ng prayer. Hindi ako madasalin na tao pero kultura ko na din talaga ang magdasal bago kumain, pasasalamat ba na may nakakain pa kami. Kasi alam naman nating lahat na may mga tao talaga na hindi nakakain ng maayos, kaya dapat laging magpasalamat. 

Tahimik na kaming nagsimula kumain, masarap pala magluto si Ali, lagi kasi kaming order ng pagkain ei pag nasa condo kami ni Jen. 

Okay na rin na dito naman kami sa bahay namin, dahil kung sa condo na naman kami ni Jen nag girl’s night out ay baka mawala na naman si Ali. Baka pumunta na naman siya sa kabilang room na ang pangalan ay Grayson. 

Pinagtutulungan namin buhatin yung kutsyon ng kama ko, dito ko na lang ilalagay sa baba dahil bago naman ito at malaki, kasya kami dito dahil tama lang naman ang mga katawan namin. Hindi sobrang payat hindi rin sobrang taba, si Jen sexy figure talaga siya dahil sa career niya as celebrity. Ali is actually a lil thick siguro dahil dumaan siya sa pregnancy journey, ako naman okay na ako sa katawan ko hindi ko na banggitin… 

Dala-dala naman ni Ali ang unan at kumot habang binababa namin ni Jen ang kutsyon ko. May sapin naman ang lupa ng banig at carpet para hindi pa rin madumihan ang kutsyon.

Hindi pa naayos ang mga unan at kumot ay agad na tumalon si Jen sa kutsyon at nahiga. 

“This is freedom..” Sigaw niya, habang nakataas ang dalawang kamay at mukhang inaabot ang langit. 

“Huwag ka maingay, may mga kapitbahay kami ano, hindi ito katulad ng condo mo.” Suway ko sa kanya pero tumawa lang siya habang pinapanood namin siya. 

“Meteor—” sigaw ni Ali at hinampas si Jen ng unan, na ginawa niyang meteor na naglanding sa lupa. 

Tuwang-tuwa naman si Gaga. Isa pa isa ‘to sa mamimiss namin dahil aalis na si Jen. 

“Mamimiss kita.” Sabi ni Ali kay Jen matapos sila magharutan. 

“Hali nga kayo rito, hug niyo ko.” Nagpahila naman kami nang hilain kami ni Jen. 

“Huwag niyo ako ihahatid sa airport ha, baka bumalik ako. Seryoso ako this time.” Paalala niya habang yakap yakap kaming dalawa. 

“Anu yun?” Tanong ni Ali, dahil may narinig kaming malakas na preno sa labas.

“Mga dumadaan lang yan na sasakyan alam mo naman na katapat ng bahay namin ay kalsada na, madadaanan talaga.” Sagot ko sa kanya, kumawala muna ako sa yakap session naming tatlo at dumungaw sa labas. Mas nawindang ako kung ano ang nakita ko. Mga tatlong naglalakihan na van at mga lalaking body guard. 

“Sino yung mga yun?” Tuluyan na ako tumayo para tignan kung anong nasa labas.

“Why? What’s wrong?” Tanong ni Jen. Ramdam ko ang pagsunod nila sa akin.

Nang makarating na kami sa pinto ay agad ko lang naaninag kung sino ba ang mga nandun,  si Rage at Grayson. 

“Bakit sila nandito?” Tanong ko sa sarili ko nang silipin ang peephole ng pinto. Pero ang pinagtataka ko ay bakit sila may mga body guard na dala.

“What’s in there?” Tanong ni Jen at lumapit ako.

No choice ako kung hindi ay buksan ang pinto, bumungad sa akin ang boyfriend ko at si Rage, teka pati si Kevin? 

“What’s happening? Why are you guys here?” Tanong ni Jen, nang makita ang tatlo. 

“Come with us, Jen, we don't have time.” Bungad sa kanya ni Grayson.

Sumilip na rin si Ali, mukhang nagulat din siya dahil nandito si Grayson. 

“Why? We're having a girl’s night here, just join us.” Paliwanag ni Jen. Nakita ko ang pagsang ayon ni Ali, I looked at my guy, Rage seems doesn’t care if he is in my house he look bothered.

“What’s going on?” Jen, asked. Mukhang alam niya na may iba pang reasons kung bakit siya pinipilit na sumama sa kanila. Lalo na at kasama si Kevin ngayon, which is very unusual.

“It’s about your Dad.” Sabi ni Kevin kay Jen, Rage is just watching us. He didn't even glance at me. He is mad. Aware ba siya na bahay ko ‘to?

“Come with us, now.” He commands Jen with an authority voice. 

Nagkatinginan kaming tatlo, we are also clueless to what’s going on. Biglang bumabagabag sa akin ang kaba. 

“Ano bang nangyayari?” This time I speak, Kevin and Grayson looked at me, pero diretso lang ang tingin ni Rage kay Jen. 

“The Alfonso Gang took Achi, they kidnapped him when he was on his way home from school. So, please Jen cooperate with us.” Rage voice sounded begging. 

“Anong kinalaman ko naman sa Alfonso Gang?” Takang tanong ni Jen. kahit ako ay naguguluhan din. 

“Cause the leader of that Gang is your Father.” Sagot sa kanya ni Grayson. 

—---

[A/N: 

So, this first book is just a few chapters to go na lang and I’m letting go of Rage and Lexia na. So, please bear with them. Sorry for the very late update, I’m still thinking of a very wonderful finale for my very first character. Thank you for being with them. I love You. :) ]

M.NINS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status