แชร์

Chapter Two

ผู้เขียน: Elle Thyssen/Chicllet
last update ปรับปรุงล่าสุด: 2021-06-09 18:45:49

Chapter Two: Good and Handsome

My god that asshole! I can’t believed it!

Ako na nga ang nakahuli ako pa ang napahiya! Nakakainis!

Sa sobrang gwapo, sumobra rin ata ang kompiyansa sa sarili ng lalaking yun! Sa sobrang dami niyang puring natatanggap ay lumalaki na ang ulo niya! At ang boba-boba naman ng babae dahil nagpagamit siya! Naku, I hate boys talaga lalong-lalo na ang lalaking ‘yon! He’s driving me crazy!

Hindi kona ipinagpatuloy pang isukat ang mga natitirang pinamili kong dress sa fitting room na iyon. Binayaran ko nalang agad at umuwi na sa suite ko dahil hindi kona makakayapang magkita kaming muli at makipagsabwatan sa lalaking iyon!

Nang maghapon ay tumawag si Ms Q, ipinaalala niya sa akin na mayrong photo shoot si Stella bukas. Isinulat ko iyon sa notepad ko at nagpaalam ng maayos kay Ms Q.

Kinabukasan ay maaga akong naghanda para sa photo shoot ni Stella. Pumili ako ng damit na maayos at hindi mapapansin ang dibdib ko.

Maaga akong pumunta sa condo ni Stella, pagkarating ko roon ay nakita ko siyang nagkakape sa veranda at tinitignan ang nagtataasang building sa buong Makati.

“Oh, kamusta ang best friend ko?” Lumapit ako sa kanya at tumitig rin sa magandang tanawin.

Ipinatong ko ang dalawa kong siko sa railings habang tinititigan ang papasilip na sikat ng araw at nag-gagandahang buildings.

“Nakakapagod.” Aniya.

Napakunot ako ng noo at napatitig sa kanya.

“Ang sakit-sakit sa puso ko na hindi ko siya kayang patawarin kahit pa gustong-gusto ko. Tuwing iniisip ko na patatawarin kona siya ay bigla kong naalala ang mapanakit na ginawa niya sa akin. Wala naman akong ginawang mali pero gano’n ang ginawa niya. Nagmahal lang naman ako, pero sinaktan niya. Ang hirap pala magmahal. Kahit gustong-gusto kong kalimutan siya, hindi ko magawa. Kahit ipagsigawan kopa sa buong mundo na gusto konang mag move-on hindi ko rin magawa. Love is like a prison, no matter how many times you would try to escape and becomes free, you can’t. Because once that you already put into it, you can’t do nothing to escape.” Aniya at nagpakawala ng mabigat na hininga.

Lumapit ako sa kanya at hinaplos-haplos ang kanyang likod.

“Ayos lang ‘yan. ‘Wag mo piliting magpatawad ang sarili mo ng basta-basta. Dahil kung pinilit mong patawarin ang taong nagawa kang saktan, ibig sabihin ay hindi mo mahal ang sarili mo, dahil mas pinili mo ang nararamdaman ng iba kaysa sayo.”

Humarap siya sakin ng nakangiti. “Salamat Cass, salamat dahil palagi kang nariyan para damayan ako at palakasin ang loob ko. I’m so very thankful to have you.” Aniya.

“I’m too,” sabi ko at niyakap siya.

Matapos naming mag-usap ay pinahanda kona siya dahil sa gagawing photo shoot mamaya para sa isang billboard. Kalaunan ay biglang tumawag si Ms Q at nangamusta kung ano na raw ang ganap kay Stella, sinabi ko naman na naghahanda na siya at ilang minuto nalang ay lalabas na kami sa building, sinabi rin niya na nag-aantay sila sa baba ng building.

Pagkalabas ni Stella sa kwarto niya ay bumaba na kami sa building at nakita naming naghihintay na nga ang sasakyan nila Ms Q.

Pagkarating namin sa venue ay agarang minake-upan si Stella at inihanda ang mga gagamitin sa photo shoot.

Matapos ang paghahanda ay pumiwesto na si Stella sa white screen at ginawa ang sinasabi ng photographer. Maayos niya itong nagawa kaya todo ang papuring iginayad sa kanya ng mga naroon, kasama na ako. Pina-retouch si Stella ng maka sampong shoot siya. Habang mine-make-upan uli si Stella ay busy naman ang mga iba pang photographers sa pagpili ng maayos at pinaka magandang shoots na nakuha nila.

Binuksan ko ang cellphone ko at nag scroll sa I*******m. Naghiyawan ang mga baklang make-up artist dahil sa dumating. Nagpalakpakan sila at nagsi-ingayan.

“My goddness ang gwapo naman ng mga ito!” tili ng isang bakla.

Hindi ko sila pinansin at patuloy na nag scroll sa I*******m. Maya-maya pa ay nakaramdam ako ng taong umupo sa kanang gilid ko at sumabog ang nakakabaliw nitong bango.

“Hi miss,” anito at naki dungaw sa tinitignan ko.

Dahil sa ginawa nitong aksyon ay mas lalo kong naamoy ang bango nito na para bang ayaw ko ng mawala ang amoy nito.

Napalingon ako sa kanya. Nakadungaw siya sa cellphone ko at nakapatong ang pareho nitong siko sa magkabila nitong tuhod. Napakunot ako ng noo nang mapagtanto kung sino ang katabi ko.

Nang siguro ay naramdaman niya ang paglingon ko ay lumingon din siya sa akin.

Napatitig ako sa kanyang gwapong mukha. Napaka perpekto niya. Makakapal na kilay, mahahabang pilik,  matangos na ilong, kissable lips, at perpektong panga. Halos kulang pa ang paglalarawan ko sa kanyang mukha sa ang’kin nitong kagwapuhan. Hindi ko lubos maisip na may ganitong kagwapong lalaki sa mundo. Yung tipong hindi muna mapuri dahil sobrang nagwagwapuhan kana, yung tipong mapapalakbay ang mga mata mo sa bawat sirko ng mukha niya para lang maisaulo ito, yung tipong gusto mo ng bitawan ang paninitig sa mukha niya pero hindi mo mapigtas dahil nakaka adik. May ganito palang lalaki, mas gwapo pa sa gwapo.

Tumikhim siya kaya umayos ako ng upo at nag scroll nalang ulit kahit pa ang mata ko ay nasa kanya parin.

“Himala, tapos na ata ang dalaw mo miss,” aniya.

Hindi ko siya sinagot at nagpatuloy sa pag scroll, sa ngayon ay pinilit kong hindi siya pansinin kahit pa tinitignan ko parin paminsan-minsan ang mukha niya sa peripheral vision ko.

“Wow, tahimik ka ngayon miss. Hindi ka ata maka get over sa nakita mo ‘no?” Anito at Humagikgik.

“Pwede ba tigilan mo nga ako! Hindi kita type ‘no! “ Mataray ko namang sagot sa kanya at narinig kong nagsi “oww” ang mga tao.

Gosh, nanonod ba sila?

Hindi ko sila pinansin at nag scroll ulit. Ngayon ay nasa I*******m na ang buo kong atensiyon.

“Ang hurt mo naman miss, nakikipag biruan lang e,” aniya bulong sa tenga ko.

Naiinis ako. Naiinis ako hindi dahil sa kanya, naiinis ako sa sarili ko dahil imbes na mainis sa ginawa niya, ay mas nagugustuhan pa iyon ng tenga ko. Ramdam na ramdam ko ang mainit na hininga nito sa aking tenga at dahil doon ay nabaliw pa lalo ang aking sistema! Gosh, he’s really driving me crazy! 

Alam na alam niya talaga kung paano paamuhin ang isang babae.  Alam na alam niya kung paano mababaliw ang mga babae gamit lang ang nakaka baliw nitong boses. He’s really good. Good and handsome at the same time.

“Lu-ma-yo ka… Sakin,” sabi ko.

He chuckled. “Okay,”

Gosh,

“Ngayon, pwede ko na bang mahingi ang number ng napakagandang binibini na ito?” aniya.

“No.” Sabi ko at tumayo, lumayo ako sa kanya at nagpunta sa comfort room.

“Uy, miss! T-Teka lang!” Naghahabol na tinig nito.

Subukan mong sumunod, ilulublub kita sa inidoro.

“Ay, ang ganda naman this girl. Lumalayo na nga hinahabol pa ng ombre!” tinig ng nalagpasan kong bading.

Akala ko susundan niya pa ako hanggang sa CR dahil kung sakaling mangyari man iyon ay talagang ilulublob ko siya sa inidoro. Buti naman at natauhan.

Tumapat ako sa salamin at nag retouch ng sarili.

Habang nag re-retouch ay akala ko si Steff na ang pumasok sa loob ng cr yu’n naman pala ay si Stella! Tinitigan niya ako mula sa salamin.

“Manliligaw?” aniya at kumuha ng tissue at tinanggal ang kanyang make-up. Tapos na siguro ang photo shoot niya.

“Hindi, makulit lang talaga ang isang ‘yon.” Sabi ko.

“’Diba ayun rin yung nambastos sayo?” aniya tinatanggal ang lipstick.

“Oo,”

“Alam mo si Steff, ganyan talaga yan. Pero alam ko mabait yan, bakit hindi mo subukan?” aniya.

Napatingin ako sa kanya. “Kilala mo yung hinayupak nayun?!” medyo napataas ang boses ko.

“Oo, best friend niya si Emman,” aniya.

Oh, what a world?

“Actually kaya ako nandito ay dahil nando’n si Emman kausap si Ms Q.” Pag-iiba niya sa usapan.

“Hmm, umiiwas?” sabi ko, ipinagpatuloy ang pag re-retouch.

“Hindi naman, naiinis lang ako sa pagmumukha niya. Ang kapal ng mukhang magpakita sakin matapos akong lokohin.” Nagtangis ang bagang niya kaya gano’n nalang ang galit niya kay Emman.

“By the way, hinihingi ni Steff ang number mo ‘no?” aniya tapos na sa pagtanggal ng make-up.

“Oo,” sabi ko habang naglalagay ng kaunting contour.

“Sige, doon na ako.” Aniya. Ang buong akala ko ay aalis na siya pero hindi pala dahil hinawakan niya ang magkabila kong balikat at ‘tyaka bumulong.

“Ganda mo girl,” aniya at tumawa.

Umiiling-iling naman akong nag re-retouch at hindi napigilang tumakas ang namumutawi kong ngiti.

Matapos kong mag retouch ay lumabas na ako ng CR. Isinara ko ang pinto at nagulat ng makita si Steff na nakasandal sa pader at mukhang inip na inip nang naghihintay.

“Pwede ba, tantanan muna ako please?” Naiinis kong sabi.

“Sorry, mukhang hindi ko ata magagawa ‘yan miss hangga’t hindi ko nakukuha ang number mo.” Aniya nakapamulsang naglakad palapit sa’kin.  Napapikit ako.

“Please lang Steff, maawa ka naman sa’kin tantanan mona ako.” Napapapikit kong sabi dahil nawawalan na ako ng pasensiya.

“Shit.” Bulong niya.

“Ngayon ko lang nalaman na mas gaganda pa pala ang pangalan ko kung ikaw ang nagsabi miss.” Anito, ngumisi.

Kumunot ang noo ko. “Excuse me?” nilagpasan ko siya at naglakad nalang.

Ayaw mo ako tantanan pwes, ako nalang ang iiwas.

Mabilis kong nilandas ang papalabas sa building na iyon at nangharang agad ng taxi. Nang maka chamba ako ng isa ay ‘tyaka lang ako gininhiwaan.

Pagod kong ibinagsak ang aking katawan sa sofa at ipinikit ang aking mata pagkarating sa suite ko.

Ilang sandali pa ay biglang nag ring ang phone ko.

“Hello?” Pagod at nakapikit kong sagot

.

“Hi Cassandra,”

Napabalikwas ako ng bangon matapos marinig ang tinig na iyon.

“Ikaw na naman?!” Pagod kong sabi sa kabilang linya. “Saan mo nakuha ang number ko?”

“Stella gave your number. Ayaw mong ibigay kaya nag ask ako sa kanya.” Napahilamos ako sa sariling mukha.

Gosh,

Kinalma ko ang sarili at pilit na nakipag-usap ng maayos “Okay fine. What do you want?”

“Hmm, If you don’t mind. Can you join me tonight? “

“Where?” Sabi ko. Para matapos na.

“Ahmm, In a restaurant. Dinner? If you want to,” may kaunting hiya akong narinig sa tono niya kung hindi ako nagkakamali.

“Fine—”

“Yes!”

“Wait!”

“Oh, I’m sorry,” natatawang aniya.

Bumuntong hininga ako. “Promise me, pagkatapos nito tatantanan mo na ako, is that clear?” Naghintay ako ng sagot.

“Yes, I promise.” Aniya at mukhang excited.

Pagkatapos ng tawag na iyon ay tinawagan ko agad si Stella. Tumatawa-tawa siya ng sinagot ang tawag ko.

“Nakakainis ka! Alam mo naman na iniiwasan ko ‘yun diba, tapos ibinigay mo pa ang number ko!”

Tumawa siya. “Sorry na, naawa lang ako. ‘Tyaka mabait si Steff, medyo… Mahilig nga lang sa babae.” Aniya tumawa ulit.

Lubos ang inis ko kay Stella matapos ang tawag na iyon ngunit wala na akong magagawa dahil naibigay na niya.

Kinagabihan ay nag dalawang isip pa akong ‘wag siyang siputin sa paunlak niyang dinner pero sa huli ay nakonsyensya ako kaya nagbihis ako at nag ayos ng sarili.

Nag text ako sa kanya kung nasaang building ako. Syempre, umalis ako sa building kung nasaan ang suite ko para hindi niya ako bisitahin. Just in case.

Dumating naman siya ng mga ilang minuto lang. Dala ang nagsusumigaw nitong Lamborghini. Hindi na ako magtataka kung paano nakarating ito ng agad-agad.

Pinagbuksan niya ako ng pinto at inilalayan papasok sa loob. Agad ko namang isinuot ang seatbelt ng umikot siya para pumunta sa driver seat.

“Saan mo gustong kumain?” aniya sinimulang paandarin ang sasakyan.

“Kahit saan,” pilyo ko namang sagot.

Habang bumibyahe ay naamoy ko na naman ang pabango niya, tuloy ay hindi ko napigilan na damahin iyon.

Nakapikit akong dinaramdam ang kanyang bango. Hindi ko napigilang mapangiti dahil sa bango nito.

“You really like my perfume huh?” Naka ngisi nitong sambit habang nasa kalsada ang tingin.

“Uhmm, mabango e.” Ayun lang ang nasabi ko. Nahihiya dahil napansin niyang pinagpapantasyahan ko siya.

Damn you, Cassandra!

Tumawa siya. “Nagka boyfriend kana ba dati? “ aniya, iniba ang topic.

Nag-iwas ako ng tingin at tumingin nalang sa gilid ng kalsada upang pagtakpan ang pamumula ng aking pisngi.

“Hindi pa.”

“Wow, really? Sa ganda mong ‘yan,” aniya, ibinulong ang huling sinabi. “Saan kaba lumaki?” Iba niya ulit sa usapan.

“I was born in South Korea pero nag stay kami dito ng 7 years then nung high school na ako sa US naman.” Sabi ko.

“Oh, I see. Where’s your parents?” aniya.

“Patay na ang tatay ko, ang nanay ko naman ay nag nag-asawa ng bago.”

“Oh, Im sorry,” lumingon siya sakin, ngumiti lang naman ako.

“Do you have siblings? “

“Yes, I have twins. Nasa korea siya, doing he’s business.”

“Hmm, I would like to meet him.” Aniya tumingin sakin, hindi ako sumagot tanging manipis na ngiti lang ang iginawad ko.

Ilang sandali pa ay inihinto na niya ang sasakyan sa isang magarbong restaurant.

Pinagbuksan niya ako ng pinto at inihagis niya ang kanyang susi sa valley  at iginaya sa akin ang paloob.

“Let’s go?”

Tumango ako at pumasok sa loob.

Kumuha siya ng isang vip table at doon kami umupo. Inalalayan niya rin ako sa pag-upo, at nagpasalamat naman ako matapos niyang gawin iyon.

Tumawag siya ng waiter, agad namang lumapit ang isa at nagbigay sa amin ng menu.

“Anong gusto mo?” aniya.

Tinignan ko rin ang akin at sinabi ang nakita ko na mukhang masarap. Sinabi niya sa waiter kung ano ang mga sinabi ko, isinulat naman iyon ng waiter bago yumukong nagpaalam sa amin.

“By the way, Na mention mo kanina na may business ang kuya, mo. Ano naman ang business niya?”

“Ah, He’s an engineer. Nagpatayo siya ng sarili niyang structural firm company doon sa korea.”

“Oh, I see.”

Ilang minuto pa kaming nag-usap bago i-serve ang mga order namin. Tahimik naman naming kinain ‘yon, hindi na siya nagsalita kaya hindi narin ako nagsalita. Tuloy ay nakaramdam ako ng pagka-awkward sa amin, at habang kumakain ay doon ko malayang natitigan ang mukha niya.

Hindi ata ako magsasawang titigan ang ganitong kagwapong mukha.

อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป

บทล่าสุด

  • Remembering the Night   Chapter Twenty-six

    Chapter Twenty-six: Never"Hoy Cassandra!" Kalabit sa akin ni Stella matapos umalis ni Steff. "Ano 'yon ha? Bakit kayo magkasama ni Steff?" Sunod-sunod na tanong niya."Coincidence lang. Wala 'yon." Sabi ko at pumasok sa booth para tignan si Steffan habang si Stella naman ay kataka-taka parin akong sinundan."Anong coincidence?" Kunot-noong sumunod sa akin si Stella papasok sa booth. "May pa thanks thanks ka pang nalalaman ah, sobra ka namang nanlamig kanina." Ngisi niya.May sasabihin pa sana si Stella kaso ay hindi na niya naituloy dahil nakita na ako ni Steffan."Mommy! Where did you go?" Lapit sa akin ng anak ko."Nilandi ang tatay mo," rinig kong bulong ni Stella sa tabi ko. Agad ko siyang siniko at todo naman ang tawa niya."There." Turo ko sa malayo. "Nag-grocery. Anyway, did you enjoy shopping?" I asked him and he nodded."Sus nag-grocery raw. Lumandi kamo..." bulong na naman ni Stella sa gilid ko. Sinamaan ko nalang siya ng tingin at pinabayaan na.Matapos no'n ay umuwi na ka

  • Remembering the Night   Chapter Twenty-five

    Chapter Twenty-five: Mastermind"Mommy look at this!" Tumatakbo papalapit sa akin si Steffan at sa likod naman niya ay si Emman na hawak ang mga gamit niya sa school. Niyakap ko siya at taas noo naman niyang ipinakita ang perfect score niya sa exam. Nanlambot ang puso ko at naging masaya para sa anak, "wow Steffan, pinapaiyak mo naman si mommy eh..." sabi ko. Niyakap ko siya ulit dahil hindi ko lubos akalain na sobra-sobra na ang naibibigay niya sa akin."Oh Steffan, losyang na ang mommy mo gusto mo pa rin ba siya?" natatawang biro ni Stella sa gilid namin dahil sa pangingilid ng luha ko.Kumalas si Steffan at tumingin sa tita niya, "of course tita. She's my mommy and I love her so much," sagot naman ng anak ko.Napangisi tuloy ako at inismiran si Stella. Akala mo ah.Mas lalong tumawa si Stella sa naging reaksyon ko. Lumapit naman sa kanya si Emman at pinulupot ang braso sa baywang niya.Ngumuwi ako sa harap nila. "Oy may bata. Tuturuan niyo pa ang anak ko mga hayop kayo."Tumawa si

  • Remembering the Night   Chapter Twenty-four

    Chapter Twenty-four: FiancèePaulit-ulit kong hinahaplos ang malambot na buhok si Steffan habang natutulog. Hindi ako makatulog dahil sa mga naiiisip. Humalik ako sa noo niya at ngumiti."'Yung papa mo anak. Sinasaktan ako," parang batang sumbong ko sa kanya. "Tama ba ang mga desisyon ko noon? Tama bang inilayo kita sa kanya? Paano kung hindi ko iyon ginawa? Masaya na kaya tayong tatlo ngayon?"Puro pagsisisi at sakit ang nararamdaman ko matapos mangyari ang lahat. Kung sana lang ay maaari kong maibalik ang nakaraan at kalimutan ang mga nasayang. Sana ay maaari ko pang ibalik ang gabing iyon. Ang gabi kung kailan kami naging masaya. At ang gabi kung kailan ako nadurog nang sobra.Ilang linggo ang lumipas at ganoon pa rin ang nangyayari. Sa trabaho ay seryoso ako at ganoon rin si Steff sa akin ngunit sa pag-uwi ay hindi siya pumapalyang ihatid ako kahit pa hindi ko gusto. Maayos rin ang naging trabaho ko at naging successful ang report ko kanina kaya nag-celebrate ang buong financial

  • Remembering the Night   Chapter Twenty-three

    Chapter Twenty-three: KeyPaulit-ulit kong binasa ang huling text niya at prinoseso pa ng utak ko kung ano iyon. Gusto niya akong pakasalan? He's joking right? Kahit pa affected sa nabasang text ay nagpatuloy ako sa paglalakad papuntang parking. Pinipilit kong alisin sa isip ko iyon ngunit nang makita ko na siya na nakasandal sa isang BMW ay bigla ko ulit naalala kasama ang pagbilis ng tibok ng puso ko.Gumalaw siya nang masulyapan ako at hindi pa man ako nakakalapit ay pinagbuksan na niya agad ako ng pinto. "Salamat," sabi ko at sumakay na agad sa front seat. Siya naman ay umikot na sa driver seat."Saan ka ba maghahanap ng apartment?" tanong niya nang tuluyan nang umandar ang BMW niya."Uh... sa malapit lang. 'Yung walking distance lang sana...""Emman told me that you are living with them. Bakit ka pa maghahanap ng apartment? Malapit lang naman ang mansion nila dito ahh.""Gusto ko sanang maging independent. Ayokong palaging umasa sa kanila lalo pa't ngayong may trabaho na ako."

  • Remembering the Night   Chapter Twenty-two

    Chapter Twenty-Two: Sir "Thank you..." sabi ko nang sa wakas ay huminto na ang sasakyan niya sa gate ng mansion nila Stella. Hindi kona hinintay pang pagbuksan niya ako ng pinto dahil pagkahintong-pagkahinto niya ay mabilis kong kinalas ang lock at binuksan ang pintuan. Mabilis rin naman niyang pinaandar ang sasakyan at umalis. Naka hugot ako ng malaking hininga nang sa wakas ay nawala na ang BMW niya sa paningin ko. Hindi ko alam pero tagaktak ang pawis ko kahit pa man air-conditioned ang BMW niya. Siguro dahil narin sa presensiya niya at sa pag-uusap namin. Pagkapasok ay agad na tumakbo si Steffan sa akin para yumakap at magiliw ko naman siyang niyakap pabalik. "How's your day Mommy?" naka ngiting tanong niya. Napa ngiti naman ako sa tanong niyang iyon. He was just like his father. He aslo asked me with that question. "It was fine Steff. How about you?" Lumapad ang ngiti niya at agad tumakbo kay Stella. May kinuha siyang supot doon at tumakbo ulit papalapit sa akin. "Mom, lo

  • Remembering the Night   Chapter Twenty-one

    Chapter Twenty-one: StoplightCome back? Sino ‘yun? Bakit niya alam ang numero ko?Ilang sandali akong napaisip hindi dahil sa tawag kung hindi dahil sa nag text gamit ang hindi ko kilalang numero. Napaisip ako kung sino-sino ang mga taong nakagawa sa akin ng masama at kung sino-sino ang may mga posibilidad na taong mag se-send no’n sa akin.May isa akong taong naiisip ngunit hindi naman siguro siya iyon. Bakit niya gagawin iyon? Mula nga noong nagkita kami ay nag aapoy ang mata niya at tila galit pa sa akin. Malabo nga. Malabong si Steff iyon. Huwag mo nalang pansinin Cass, baka na wrong send lang iyon. Tama! Wrong send lang ang message na iyon. Wala lang kaya huwag mo ng isipin pa.Sa kabilang dako naman ay naghalo-halo ang emosyon ko. Saya, gulat, at pagkalito mula sa anunsyo na nakuha ko. Hindi ba ayaw nila sa akin? Ang Senign Enterprises lang ang kaisa-isang tumanggap sa akin so far sa lahat ng in-applyan ko pero nabigo rin ako sa huli. A

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status