Share

Chapter Twenty-five

Chapter Twenty-five: Mastermind

"Mommy look at this!" Tumatakbo papalapit sa akin si Steffan at sa likod naman niya ay si Emman na hawak ang mga gamit niya sa school. Niyakap ko siya at taas noo naman niyang ipinakita ang perfect score niya sa exam.

Nanlambot ang puso ko at naging masaya para sa anak, "wow Steffan, pinapaiyak mo naman si mommy eh..." sabi ko. Niyakap ko siya ulit dahil hindi ko lubos akalain na sobra-sobra na ang naibibigay niya sa akin.

"Oh Steffan, losyang na ang mommy mo gusto mo pa rin ba siya?" natatawang biro ni Stella sa gilid namin dahil sa pangingilid ng luha ko.

Kumalas si Steffan at tumingin sa tita niya, "of course tita. She's my mommy and I love her so much," sagot naman ng anak ko.

Napangisi tuloy ako at inismiran si Stella. Akala mo ah.

Mas lalong tumawa si Stella sa naging reaksyon ko. Lumapit naman sa kanya si Emman at pinulupot ang braso sa baywang niya.

Ngumuwi ako sa harap nila. "Oy may bata. Tuturuan niyo pa ang anak ko mga hayop kayo."

Tumawa si
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status