Share

Rent for Pleasure
Rent for Pleasure
Author: EmpressCrimson

Chapter 1

SIMULA

"I swear girl, hindi mo pagsisisihan ito. Pumili ka na sa kanila."

Napairap ako sa gustong ipagawa sa akin ng kaibigan kong si Remi. Pinagsisihan ko tuloy nag open topic ako tungkol sa pagsuko ng bataan ko kay TL Jorge. He's my fling, hindi na ako bumabata! Kailangan ko na rin lumandi. Letsi! Puro trabaho na lang inaatupag ko.

She said jutay daw TL ko. Member kasi ng mga Marites si Remi. Updated sa mga chismis at drama na nagaganap sa floor. Tinulak ko palayo ang phone niya nang makita ko ang malaswang picture.

"Cut it out, Remi! Mukhang seryoso naman si TL sa akin."

Umirap ng todo si Remi sa akin nang sabihin ko iyon. Mula highschool hanggang college hopeless romantic ako sa mga crushes ko. Paano ba naman kasi baduy akong manamit. Simpleng t-shirt at jeans ayos na sa akin. I always tie my hair up into a ponytail. Hanggang sa sumuko na ako sa idea na magkaka-jowa pa ako at nag focus na lang ako sa trabaho.

"Wala sa pagmumukha no'n ang mag seryoso beh. Mabango ka lang sa kan'ya ngayon dahil virgin ka pa."

"Pakihinaan mo 'yang bunganga mo Remi." pinandilatan ko siya ng mata.

Muli siyang umirap at nakabusangot na nag swipe sa phone niya.

"Curios tuloy ako, nakapag rent ka na ba d'yan?"

"OF COURSE! Beh! Kung gusto mo tumirik 'yang mata mo sa sobrang sarap subukan mo na!-" tinakpan ko na ang bunganga ni Remi gamit ang kamay ko. Walang filter ang bibig niya. Andito pa naman kami sa coffee shop.

"Still no."

"Ikaw bahala, basta wag na wag mo isuko 'yan sa Jorge na 'yon magsisisi ka lang ng big time."

Hindi na ako tumugon pa sa kan'ya, hinigop ko na lang ang kape ko.

•••

Umuwi na ako sa inuupahang aparment ko. Halos limang taon na rin ako bumukod sa parents ko. Paiba-iba ako ng trabaho depende sa trip ko. Noong una'y naging executive secretary ako ng isang company. No'ng magsawa ako'y lumipat ako sa pagiging hotel receiptionist, pati pagiging masseuse kinareer ko na rin. Three months na ako as a call center agent, enjoy naman lalo na dahil sa mga ka workmates ko. Malaki na nga ang naipon ko. Hindi kasi ako maluho, at matipid ako sa pagbili ng mga necessities ko. Kahit simple lang ang pamumuhay ko masaya ako.

"Asar." inis na sambit ko ng masunog ang niluto kong manok. Isa sa mga kahinaan ko ay pagluluto. Wala naman akong balak magkaroon ng asawa. I prefer to live on my own, and enjoy my freedom.

Since sunog na sunog ang niluto ko. Pinakain ko na lang ito sa asong kalye at bumili na lang ako ng ulam sa kalapit na karinderya.

"Witwew! Uy Mikana isang shot ka naman dito." pag-aaya ni Borja.

Kapit-bahay ko na wala ng inatupag kun'di maglasing sa tabi ng karinderya at tindahan ni Manang Sella. Tuwing nag-aaway sila ng asawa niya abot sa aparment ko ang singhalan at pandadabog nila. Sarap niya sabihan na maghanap ka ng trabaho doon! Wag kang tambay at puro asa lang sa asawa mo. Kaso hindi ako palaban na tao kaya shut up na lang.

"Pass na lang po." magalang na sagot ko. Pinagwalang bahala ko ang malagkit na tingin ng mga lasingero sa akin.

"Salamat po." sabi ko nang inabot ni Manang Sella ang sukli ko.

"Hija. Wala ka bang balak magpakasal? Sayang ang ganda mo, aba'y kaunting ayos lang kamukha mo na si Lily Collins."

Natawa ako sa pangbobola ni Manang Sella. Dal'wang taon na rin kasi akong nakatira sa barangay na'to medyo kilala na ako ng mga kapit-bahay dito. Hindi maiiwasan magpagchi-chismisan minsan lalo na't may dinadala akong mga kaibigan lalaki sa apartment para makipag-inuman.

"Bolera ka po talaga Manang, wala nga po akong boypren."

"May pamangkin ako na singel si Jeffrey baka gusto mo jowain."

Jeffrey? Hindi sa pagiging judgemental pero parang twice a month lang 'ata iyon maligo. Unemployed at palaging andoon sa basketball court. Alam ko namang may crush sa akin iyon ayaw ko lang talaga patulan. I have my standards noh? Kahit ganito hitsura ko.

"Sige uwi na po ako Manang," napatingin ako sa batang nakatingala sa mga chichirya na paninda ni Manang Sella. Lumapit ako sa kan'ya at nag tanong.

"Hello? Anong gusto mo d'yan Emily?"

Tinuro niya ang fudgee bar. Bumili ako kay manang ng tatlo para tig isa sila ng kapatid niya. Malawak ang ngisi ng bata pagkabigay ko nito.

"Salamat ate." ginulo ko ang buhok niya. Ang galang niyang bata.

"Ibigay mo 'yung iba sa mga kapatid mo ha?" tumango siya at nagtatakbong umalis.

"Mikana hindi ka na sana nag-abala pa baka ma spoiled ang anak ko n'yan." nalingon ko ang nagsalita sa likod si Amera asawa ni Borja. Magkasing edad lang kami nito.

"Wala lang iyon Mera,"

She shoved her hands in her pocket and handed me a 300 pesos bill. "Heto pala ang bayad sa utang ko, bukas na lang iyong iba. Matumal kasi bentahan ng gulay sa palengke kahapon."

I smiled timidly. Hinawakan ko ang kamay niya na may hawak na pera. "Keep it, mamaya mo na lang ako bayaran kapag nakaluwag-luwag ka na."

Halos mapaluha siya tumingin sa akin at sumulyap sa asawa niyang si Jorge. Maganda at hardworking si Mera. Naikwento nga niya sa akin kung hindi lang sila nag live in agad ni Jorge edi sana'y maginhawa ang buhay niya. Pero nakakaya niya ang challenge ng buhay para sa mga anak niya.

"Uwi na ako, may shift pa kasi ako mamaya." paalam ko.

Nang tumalikod ako narinig ko agad ang bunganga ni Mera.

"Señorito! PURO INOM NA LANG INAATUPAG MO! KAY AGA-AGA! UMUWI KA SA BAHAY AT MAGSAING."

Pagkatapos kumain ng agahan ay nag scroll ako sa social media ko. Wala namang ganap. Binuksan ko ang text message ng kapatid ko na si Russel nangangamusta sa akin. Nireplayan ko naman siya. Ta's nag pop up sa notification ang message ni Remi isang link sa R18+ website na bukangbibig niya kanina pa. Na curios ako kaya pinindot ko ang link.

Rent a fuckboy service

May gosh! Digitalize na ang bugaw ngayon. Online na, nag scroll ako sa mga choices. Andoon ang mga litrato ng mga escort na puwede mo rentahan. Makikita rin sa ibaba ng picture nila ang rate. Aaminin ko ang gwa-gwapo at hindi ipagkakailang matikas ang mga katawan. Nag sign up ako ta's nag scroll lang sa mga hottie na nasa screen ko. Ang mahal naman ng presyo ng mga premium. Napunta ako sa mga newcomers.

Nakakuha ng atensyon ko ang isang lalaking may katawan na parang hinulma ng isang sikat sculptor. I can compare his body-built to Michealangelo's david scuplture.

Napaawang ang bibig ko nang suriin ko ang mukha niya. Is he some sort of fallen angel? Medyo kulot ang brunette na buhok, chiseled jaw, pointed nose, thick dark eyebrows, and expressive almond brown eyes. Nakaka-insecure ang thick eyelashes niya. He's strikingly handsome. Hindi ko namalayan isang minuto na pala akong nagpapantasya dito, and his name is Axel. Hmm? Bagay na bagay sa kan'ya ang pangalan. Ang sexy pakinggan. Hindi na ako tumingin sa iba. Pinindot ko ang contact button. Ta's nag redirect ito sa messenger page. Wait? Anong i ty-type ko.

Hello?

Online kaya siya? Online naman seguro? Na seen niya eh. Pero tatlong minuto na ang lumipas hindi pa rin siya nag re-reply. Aish mukhang snob ang isang 'to. May karapatan naman siya dahil sobrang gwapo niya. Wait? Baka scam ang site na'to at hindi talaga siya ang pinapakita sa picture argh. Bumalik ako ulirat ng tumunog ang notif.

5,000 per round

Kumunot ang noo ko sabay reply.

Ang mahal naman 1,500 lang ang rate mo sa site eh.

Mabilis siya nakapag reply.

If you can't afford me, find a cheaper one.

Wow! Spokening dollar si kuya. Na curios ako at bored at the same time kaya ko si Kinontact.

K.

Iyon lang ang ni reply ko at saka ko na pinatay ang phone. Psh.

--

"TL coffee niyo po." naiilang na abot ko ng starbucks sa kan'ya. Natigil sa pag chitchat si TL sumulyap sa akin. Isang malamig na tingin ang ginawad niya.

"Go back to your station." aniya sabay tanggap ng coffee.

"Pero may five minutes pa ako sa breaktime-" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil, hindi na niya ako pinansin.

Nagbago ba ang turing niya dahil tumanggi ako makipag sex? Last week nama'y ang sweet at caring niya. Nagseselos nga ang co-agents ko sa magandang trato sa akin ni TL. Maybe, Remi is right, he just wants to get into my pants.

Napaka rare na seguro makahanap ng true love ngayon. Parang sa mga fictional stories na lang sila matatagpuan. Hindi na ako isang hopeless romantic once na mapansin kong wala ng interest sa akin ang lalaki lulubayan ko na'to.

Kinabukasan may maganda, at sexy newbie na pinagdiskitahan si TLJorge. Sinadya akong masagi ni Remi, hawak-hawak niya ang isang tumbler. Kumapit siya sa balikat ko para bumulong.

"See? Sabi ko sa'yo libog lang 'yung pagiging sweet ni TL sa'yo."

"I'm totally aware now Remi, thank you very much." sarkastikong tugon ko. She lip tight smiled at me ta's bumalik na doon sa station niya.

Napahawak ako sa sling ng ID ko. I must admit medyo masakit makitang may nilalandi siyang iba. Bahala siya.

***

Hindi pa rin ako makatulog, almost lunch na rin. Tapos na akong maglaba at maglinis ng apartment. Naiinis ako sa sarili ko dahil binigyan ko pa ng pansin ang panglalandi sa akin ni Jorge. But thanks goodness hindi ko sinuko ang virginity ko sa kumag na 'yun. Tinapik-tapik ko ang pearl ko.

"Makakahanap ka rin ng deserving d!ck para sa'yo." parang timang na sabi ko sa sarili. Bigla ko naalala iyong adult website na ni recommend sa akin ni Remi.

Hinanap ko iyong guy na nagngangalang Axel sana available pa siya. Sa isang hot guy ko na lang ito isusuko.

G na ako sa 5k per round.

Age?

Mabilis siya nakapagreply.

25

Too old. Virgin o laspag?

Putchang tanong 'yan oh! Nakakahiya.

V.

I don't like virgins, but send me a mirror selfie with no clothes on.

Ayaw ko nga baka ipagkalat mo ang nude picture ko.

Asar! Ang daming demand ng fboy na'to siya naman ang babayaran ko sa serbisyo niya.

Kung pangit ka takpan mo ng cellphone ang selfie mo, I wanna make sure hindi ka minor or some creepy 60 years old. Na scam na ako ng pangatlong beses.

Wow! Just wow! Matindi rin ang isang 'to

ha? Huminga ako ng malalim. Nakapag-wax naman ako ngayon kaya... ugh bahala na. Hinubad ko na ang damit ko ta's pumwesto ako sa harap ng salamin. Tiniyak ko matatakpan ng phone ang mukha ko. I seductively pose in front of the mirror hindi na rin masama ang hubog ng katawan ko. May ibubuga rin ng slight. Nag damit ulit ako at saka nahiga sa kama. May pag aalinlangan ko pinasa ang nude pic ko. Psh. Bahala na.

Medyo may kaba sa puso ko ng ma send ko na iyon then tumunog ang notif. Agad ko kinuha ang phone na nilayo ko kanina.

Send me your address, pupunta ako d'yan around 9 or ten. Make sure naka ligo ka na.

Isang ngiti ang humulma sa labi ko. Sakto rest day ko mamaya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status