Share

Chapter 39

Tumulong ako kay Kuya na magluto ng ihahanda niya para sa noche buena mamaya. Dito kasi nila napagpasiyahan magtipon-tipon para salubungin ang pasko. Naging abala ako dahil marami-rami rin itong niluluto namin. Pupunta kasi rito ang mga kamag-anak ni Ate Rizalyn at ilang mga kababayan na kaibigan ni Kuya.

Tumikim ako sa kaldereta na luto ni Kuya.

"Ang sarap! The best ka talaga kuya." compliment ko sabay tikim ulit.

Mahinang natawa sa likod ko si Kuya. "Oh. Baka maubos mo 'yan at tataba ka ulit pagkatapos ng new year."

"Grabe ka naman, sige 'di na lang ako kakain mamaya." Pinagtawanan lang ni Kuya 'yung tampo ko.

Umalis kanina si Ate kasama si Six para bumili ng mga kulang sa putahi. Speaking of the devil, nakauwi na sila. Hawak ko pa ang ladle no'ng lumingon ako sa kanila. Malamig na sumulyap sa'kin si Six. Pagkababa niya ng mga paper bags hindi na siya nag abala na lumapit dito para matikman din itong masarap na niluto ni Kuya Russel. Paano ba naman kasi nasampal at nasigawan ko siya
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status